Share

Chapter 6

Author: Maui Azucena
last update Last Updated: 2021-05-05 15:59:53

        "Two dozens of macaroons and buttercups for the newly crowned Ms. BISU. Congratulations!"

        Nag- angat ng ulo mula sa pagbabasa ng pocketbook ng paborito niyang writer na si Gilda Carpio si Athena nang marinig ang boses ni Enzo.

        "Nainip ka ba?" tanong nito habang umuupo sa garden set kung saan siya naroroon upang maghintay kay Enzo. Nagpasabi kasi ang binata na magbihis na siya at may pupuntahan sila.

        "Hindi naman." umiiling na sagot niya sa kaibigan. 

         Liar. Nagkandahaba na nga leeg mo sa pagsulyap sa tarangkahan eh, bulong niya sa sarili.

       "Thank you nga pala dito. Inubos mo na ang paninda sa shop ni Tita Lyn eh." 

       "No naman. Actually, she's the one who insisted to bring those sweets to you. Tuwang - tuwa sa pagkapanalo mo. Gusto ko ngang magselos eh. Parang mas anak ka pa niya kaysa sa akin." nakangiting sabi nito sa kanya. "Oh ano, shall we?"

        "Wait. I'll just bring these inside. Itatago ko muna sa ref." mabilis siyang nagtungo sa kitchen upang itago ang pasalubong na macaroons at cupcakes ni Enzo. Kinuha ang duffle bag na nasa may center table at nagtungo sa nag - iintay na si Enzo.

        Pinuntahan nila ang ina na nag - aasikaso ng mga alaga nitong orchids na ang iba ay galing pang Quezon at ang iba naman ay mga orders pa nito sa online - shop. 

        "Tita Minnie, aalis na po kami." paalam ni Enzo na ikinapalingon ng kanyang ina.

        "Oh iho, ay siya, mag iingat kayo.Wag mong pababayaan yang kababata mo ha. May pagka lampa pa naman iyan."

        "Opo, Tita."

        "Bye Ma.. maiwan muna po namin kayo." sabi nya sabay halik ng pamamaalam sa ina.

        Sumakay sila sa nakaparadang sasakyan ng ama ni Enzo na Isuzu D- Max. Bago imaniobra ni Enzo ang sasakyan ay binuksan nito ang car radio at nag tune in sa local FM station kung saan DJ ang schoolmate niyang si Caroline.

        Agad na pumailanlang ang kantang Love Story ni Taylor Swift.

        We were both young when I first saw you.

        I close my eyes and the flashback starts:

        I'm standing there

        On a balcony in summer air.

        Nakapikit pang iindak indak habang sumasabay sa awit si Athena. Maya maya pa'y naramdaman na niya ang pag - andar ng sasakyan kaya napamulat siya ng mata. Napansin niya ang naaliw na tingin sa kanya ni Enzo. Napapahiyang tumigil na lamang siya at pinakinggan na lamang ang awit.

        That you were Romeo, you were throwing pebbles

        And my daddy said, "Stay away from Juliet."

        And I was crying on the staircase

        Begging you, "Please don't go."

        And I said,

        "Romeo, take me somewhere we can be alone.

        I'll be waiting. All that's left to do is run.

        You'll be the prince and I'll be the princess.

        It's a love story. Baby, just say 'Yes'."

        "Hey, wake up, sleepyhead. We're already here."

        Pasimpleng sinipat ni Athena ang kanyang mukha sa side mirror ng sasakyan. Mahaba haba din ang kanilang ibinayahe kung kaya't hindi niya naiwasang makatulog sa sasakyan habang bumabyahe. Baka TL siya, as in tulo laway. Patay malisya niyang pinunasan ng tissue ang magkabilang gilid ng kanyang mga labi.

        Napansin niyang nasa isang magandang pasyalan na sila sa Sta. Rosa, Laguna.

        "Common.. Lets' go." yaya pa ni Enzo. "Can you lend me a help? May kukunin lang tayong gamit sa likod?

        "Yeah, sure" aniyang nagtungo sa likod ng sasakyan. Mula doon ay kinuha nila ni Enzo ang isang picnic basket at checkered picnic blanket. Iginiya siya ng binata sa isang bakanteng espasyo. Doon ito naglatag ng picnic blanket matapos maibaba ang hawak na basket.

         "You prepared all these?" halos di makapaniwalang wika ni Athena habang isa isang inilalabas ang mga pagkain. Mayroon Clubhouse sandwich, Caesar salad at Garlic Shrimp Linguine. 

        Umiling naman si Enzo. "Mom prepared all those dishes. She's the main chef in the house. Tumulong lang ako ng kaunti."

        "How's that?"

        "Ummm.. ako lang naman ang taga tikim."

        "Wow, thank you for your help!" she sarcastically answered.

        Inabutan siya ni Enzo ng paper plate at since maaga pa nang mag almusal siya kaya pinili niya ang pasta dish na Garlic Shrimp Linguine. Mabigat - bigat sa tiyan. Ganundin ang kinuhang pagkain ni Enzo at kalahati ng clubhouse sandwich. Kumuha naman siya ng bottled mineral water at inabot ang isa kay Enzo.

        "Thanks!" anito sa kanya. 

        Matapos kumain ay nagpahinga lamang sila sandali gaya ng ilang mga naroroon. Mayroong buong pamilya, magkakaibigan, magnobyo o marahil ay mag - asawa at mayroon din namang mag - isa.

        Nahiga siya sa picnic mat at tumingala sa mga ulap.

        Sa kanyang tabi naman ay ang tahimik na nakaupong si Enzo.

        Napakaaliwalas ng paligid at maliwanag ang sikat ng araw. Ang init na nagmumula rito ay ramdam ng kanyang balat ngunit hindi niya alintana. She's with Enzo. And that's all that matters at the moment. 

        "Ang tagal na rin nating hindi nagagawa ang ganito ano? Together or even with friends." ani Enzo habang umiinom ng coke in can.

        "Wala eh. Nasa malayo ka. Kami naman hindi rin palagi nagkakasama - sama kahit sabihin pang nasa iisang university lang naman dahil iba't - iba ang schedule namin. Sa Sunday mass naman ay hindi na rin kami nagkakasabay - sabay ng mass na inaattendan."

        "Yeah, Mom told me so." tango ni Enzo. "I missed those times. Kahit pa sabihing I found a new set of friends. Iba pa rin kayo eh. Kayo na halos buong buhay ko nang nakasama. Kaya pag solo na ako sa condo, namimiss ko lalo kayo."

        Napaupo siya at matamang tinitigan si Enzo. Mababanaag ang pangungulila sa kanyang mga mata.

Saglit naghinang ang kanilang mga mata. Dahan dahang lumapit ang mukha ni Enzo. He cupped her face and gently brushed his lips into hers.

         OMG!!! Nurse Khai, Oxygen, please!!! 

******

     Habang nakahiga si Athena sa blanket at si Enzo’y nakaupo sa tabi niya, hindi na nila alintana ang mga taong dumaraan o ang init ng araw. Tahimik lang sila. Wala nang kailangang sabihin.

    Pero gaya ng dati, hindi tatagal ang katahimikan kapag si Enzo ang kasama.

    “Alam mo…” panimula ni Enzo habang pinaglalaruan ang buhok ni Athena, “Kapag sinasabi ng iba na ang ganda-ganda mo sa stage, gusto kong sumabat na, ‘Guys, ganyan na siya kahit bagong gising at may muta.’”

    “Hoy!” umupo bigla si Athena at hinampas si Enzo sa balikat. “Sinisira mo ‘yung image ko!”

    “Bakit? Gusto ko lang namang i-flex na ako pa rin ang unang nakakakita ng raw version ni Ms. BISU,” pilyong ngiti ni Enzo.

    Napailing si Athena pero hindi mapigilan ang tawa. “Sira ka talaga.”

    “Pero seryoso,” biglang nagbago ang tono ni Enzo, mas malambing, mas totoo. “Kahit sa pictures ko lang nakita, you were stunning last night. Pero hindi lang dahil sa makeup, o gown, o crown. You looked powerful. Confident. Happy."

    Tumingin si Athena sa kanya. Saglit silang nagkatitigan.

     “Dahil ikaw 'yung inspirasyon ko sa lahat ng yun,” sagot niya, dahan-dahan.

     Muling bumalik sa pagkakahiga si Athena, ngayon ay ang ulo niya’y nasa hita ni Enzo. Napahaplos si Enzo sa buhok niya habang nakatanaw sa langit.

     “Now that we're an official couple, let’s make a deal,” ani Enzo bigla.

     “Hmm?” tanong ni Athena habang nakapikit.

     “Every month, kahit gaano ka-busy, we go on a ‘real date’ like this. Walang school talk. Walang org meeting. Walang tawag mula kay Ashley o kay DJ Caroline. Just us.”

     “Paano kung maulan?”

     “Then we have a rain date. Payong, mainit na tsokolate, at yakapan.”

     “Paano kung may sabay na exam?”

     “After ng exam, reward date.”

      Ngumiti si Athena. “Corny mo na naman.”

     “Pero kinikilig ka, aminado ka.”

     “Maybe. A little.”

     “Sabihin mo na lang, malala.”

     Tumawa sila pareho.

        

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Epilogue

    Napakunot ang noo ni Martin habang nakaupo sa gilid ng sofa. Marahang ibinaba niya ang kanyang eyeglass at hindi makapaniwalang tiningnan ang suot ng anak nilang si Martheena. Darna costume. At hindi lang basta Darna—Darna na may two-piece at kapa!There goes his overprotective side again.“Why is she wearing those things?” madiing tanong nito sabay lingon sa kanyang asawa.Napailing si Athena at muntik nang mapatawa. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” sagot nito habang pinipigil ang sariling humalakhak sa reaksyon ng asawa.“Nandoon na ako, pero hindi ba parang... kitang-kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” balik-tanong niya, halos pabulong ngunit punong-puno ng pag-aalala.“Ha? What do you want her to wear, Bananas in Pajamas?” kantiyaw ni Athena habang tinutulungan si Martheena mag-ayos ng headband.“Athena…” napahilot sa sentido si Martin. Hindi na bago ang ganitong usapan sa kanila, lalo na’t pagdating sa mga anak, lalo na sa kanilang unica hija.

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 43

    🎵 So as long as I live I’ll love you...Will have and hold you...You look so beautiful in white... 🎵You look so beautiful in white tonight.Sa mismong pagbugso ng musika, bumukas ang pintuan ng simbahan. Mula sa altar ay hindi mapigilan ni Martin ang mapalunok, habang nanatili siyang nakatayo sa gitna ng dambana. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Parang huminto ang mundo sa kanyang paligid. Ang bawat nota ng awitin ay tila ba inukit para sa sandaling ito—para sa kanila ni Athena.Humugot siya ng malalim na hininga, ngunit para bang nabawasan pa ang hangin sa kanyang dibdib nang sa wakas ay lumitaw ang kanyang bride. Nakaputi. Mala-anghel. Ang kanyang pinakamamahal. His dream walking toward him.Athena looked ethereal—serene and luminous. Her veil cascaded like silk water behind her, while her white gown hugged her form in graceful elegance. Pero higit pa sa kagandahan ng suot nito ang kinang ng mga mata ng dalaga—mata na punong-puno ng pag-ibig, pang-unawa, at tiwala. Para bang si

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 42

    "Love, okay ka na ba? Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us," mahinang wika ni Martin habang hinahaplos ang likod ni Athena. Sa likod ng kanyang tinig ay ang pagkabahala at labis na pag-unawa sa bigat na nararamdaman ng kanyang asawa.Hindi agad nakasagot si Athena. Nakatitig lamang siya sa marmol na lapida sa harapan nila, tila binabasa ang bawat letra ng pangalan ni Enzo na nakaukit doon. Kumirot ang puso niya sa alaala ng mga ngiti, tawa, at mga matang minsang naging mundo niya. Bago pa siya tuluyang lamunin ng damdamin, marahan siyang tumango.“Martheena... oo nga pala. Naghihintay ang anak natin,” mahinang bulong niya.Pero bago pa sila tuluyang tumalikod, hinawakan ni Martin ang mga palad ni Athena, saka lumapit sa mismong puntod ni Enzo. Tumigil ito sa harapan ng lapida at huminga nang malalim."Enzo," panimula ni Martin, bahagyang nanginginig ang tinig, "words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 41

    I guess I'm down, I guess I'm down, I guess I'm down… To my last cry…Tahimik ang paligid ngunit dagundong ang bawat pintig ng puso ng mga nagdadalamhati. Wala mang salita, ramdam sa hangin ang bigat ng pagkawala. Ang mga pag-iyak, mga buntong-hininga, at ang mga matang punô ng luha ay tila musika ng kapighatian sa sementeryong iyon.Hindi mo kayang patahimikin ang puso ng mga nagmamahal. Hindi mo basta-basta malilimutan ang isang taong gaya ni Enzo.You cannot put a good man down—even after his death.His memory lived on in the corners of every heart he had touched. Sa bawat ngiti ng kaibigan, sa bawat abot ng tulong, sa bawat salitang puno ng pag-unawa—Enzo had always been there.Sa loob ng buhay niya, hindi siya naging makasarili. Lagi niyang inuuna ang iba, ang kapakanan ng mga mahal niya. Kahit pa kapalit nito ay sariling ligaya. He loved selflessly. He lived sincerely.But fate, cruel and unrelenting, had its own plans. At sa gitna ng gulo, siya ang naging biktima. Hindi ng

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 40

    “Aj!”Napapitlag si Athena sa narinig na tinig. Dahan-dahang umikot ang kanyang katawan at nanlaki ang mga mata sa pagkagulat—naroon si Natalie, nakatayo ilang hakbang lamang mula sa kanya, nanginginig ang mga kamay, at may baril na nakaumang sa kanya.Ang lamig ng hangin ng dapit-hapon ay biglaang napalitan ng malamig na pawis sa kanyang batok. Ang paghihintay niya sana sa jeep papuntang San Diego ay nauwi sa isang bangungot na hindi niya kailanman inasahan."N-Natalie... a-anong ibig sabihin nito?" pautal niyang tanong, nanginginig ang boses, habol ang hininga. Hindi niya maigalaw ang katawan sa takot. Parang may humigpit na gapos sa kanyang mga binti.Kaibigan niya si Natalie. Matagal na silang magkaibigan. Siya nga ang ninang ni Sabina. Noon, magka-kamay pa silang umaalalay kay Enzo sa kanyang darkest days. Pero ngayon, ang parehong mga mata ng kaibigan ay puno ng luha—at galit."Inagaw mo siya!" sigaw ni Natalie, basang-basa ng luha ang mga pisngi. "Inagaw mo siya! Homewrecker! An

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 39

    All her life, she was craving for love and attention.Bata pa lang siya, ramdam na niya na hindi siya katulad ng iba. Habang ang ibang bata ay sabik sa yakap ng ina o hirit ng halik ng ama, siya—wala. Walang Mommy. Walang Daddy. Wala ring yakap. Walang halik. Ang mayroon lang ay malamig na hapunan, tahimik na gabi, at ang paulit-ulit na tanong sa sarili: "Bakit ako iniwan?"Nang mapansin ng kanyang lola ang kakaibang ikinikilos niya—biglaang lungkot, panaka-nakang pagkabaliw sa saya, matinding iyak pagkatapos ng halakhak—dinala siya sa doktor. Diagnosis: Bipolar disorder. May mood swings. May depressive episodes. May hallucinations. May impulse control issues. Pinayuhan sila ng gamot, pero sa huli, iniwan din siya ng mga magulang niya. May sarili na silang pamilya. May sarili na silang mga anak—at hindi siya kasali roon.Naulila siya nang tuluyan nang bawian ng buhay ang kanyang lola. Naiwan siya sa piling ng isang kasambahay na binabayaran lamang para "alagaan" siya. Wala siyang tot

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status