Share

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғɪᴠᴇ: ғʀɪɢʜᴛ

Axelle’s POV

Siya?

Muli akong tumingin sa field, naglakad siya papalapit kay A-45 na putol ang braso at iniinda ang sakit at kirot nito.

Ranking:

A-16 — 170 — 1st place

A-83 — 135 — 2nd place

A-99 — 100 — 3rd place

“Bakit ba ang hilig mong mang-agaw?!” sigaw ni A-99 kay Alexia Quezada o A-16. Pinugutan ni A-16 ng ulo si A-45 kaya naman ganoon ang nangyari sa scores ng ranking.

Lahat ay nabigo, akala nila isa kina A-99 at A-45 ang mananalo pero biglag sumingit ang isang ‘to. Nakakadalawa na siya ngayong araw pa lang, hindi nakapagtatakang siya ang nangunguna.

Sino kaya si A-83?

“Halika na,” pag-aaya sa akin ni Kaye. Medyo nandidiri pa siya sa nangyari pero pinipilit niyang tanggapin ang sitwasyon.

Sa paaralang ito, libre ang pagkain. Pwede kang pumunta sa canteen to pick foods, nasa sa iyo rin kung papasok ka sa subjects. Pero kami, hindi dapat maging relax dahil hindi namin alam kung sino ang nakabunot sa amin.

Hindi na ako magtataka kung naglalaman ng mga patalim at kung ano-ano pa ang mga bag nila.

Nakakabwisit ka kasi Allison! 

Siya ang presidenteng nagpatayo ng university na ‘to. May sakit siguro ‘yon sa pag-iisip. Dahil sa lubhang nakatutulong daw ang paaralang ito ay hindi na inalis pa.

Habang naglalakad ay tumingin-tingin ako sa paligid. Sa sobrang lawak nito, ano pa kaya ang mga hindi namin nakikita at natutuklasan sa paaralang ito?

Mr. Hanay’s POV

“Gumagawa na ng pangalan si B-99 o Yuhan Callejo sa ranking. So far, siya ang pumapangalawa sa group of Bs,” pagpapaalam ko kay principal. Sinabi ko iyon dahil pamilyar sa amin ang apilyedong Callejo.

“Callejo? Nagkataon lang ba na pareho sila ng apilyedo?”

 Tanong naman ni principal.

“’Yan din ho ang iniisip ko, posible kayang magkamag-anak sila? Sinubukan kong hanapin ang family background ni B-99, pero walang impormasyong lumalabas. Parang isa siyang tagong tao na may tagong trabaho rin, at maaring ang trabahong ito ang dahilan kung bakit walang ibang impormasyong nailabas sa kan’ya bukod sa school background niya,” pagpapaliwanag ko sa kan’ya. 

Kung magkataong magkamag-anak sila ni X-25 ay magkakaroon kami ng problema.

“Wala pa naman siyang ginagawang dapat nating ipag-alala. At alalahanin mong hindi aabot ang lakas niya sa kapangyarihan ko. Subukan niyang gumawa ng aksyong hindi ko magugustuhan, mas mahirap pa ang dadanasin niya kaysa kay X-25.”

Ngayon ko lang nakita na ganito siya ka-seryoso magsalita, napaka-anonymous din ng pagkatao niya. Sa lahat ng staff at student ay ako lang ang nakakausap niya, at lahat ng napag-uusapan namin ay dapat na manatiling sikreto lang.

Sino ka ba talaga, Yuhan Callejo o B-99? Anong pinaplano mo?

Yuhan’s POV

Kakaiba ang mga babaeng ‘yon. Paano nila nakakayang gumalaw nang gano’n at pumatay nang gano’n? Ibang klase.

Habang suot ang uniform ng school na ito ay naglakad-lakad ako sa mga corridors habang nakasabit sa isang balikat ang bag. Maya-maya ay nakita ko na naman si A-99.

May naisip akong plano.

“A-99,” tawag ko sa kan’ya.

Hindi talaga ako marunong mag approach sa mga tao dahil sanay akong hinahabol sila nang walang salitang binibitawan.

“Yes? What do you need, B-99?” maarteng pagkakasabi nito. Hindi ko alam kung magiging madali ang gagawin ko pero ang alam ko lang… tuso ang babaeng ito at dapat akong mag-ingat sa kanya.

“Nothing, I just want to know more about this university.”

Tinignan niya ako gamit ang mga matang mistulang may pinaplano at dahan-dahang lumapit sa akin.

“Bakit gustong mong malaman? Spy ka ‘no? O kaya naman kukunin mo ang loob ko para mas madali mo akong mapatay.”

Natahimik ako, hindi ko inaasahang gano’n ang iisipin niya.

“I was just kidding, sure. Alam ko naman na baguhan ka at gusto mo lang na ma-explore ang university.”

Bahagya akong ngumiti. “Shall we go?”

“’Yan ay kung walang kang binabalak na sasaksakin ako patalikod,” aniya sabay kindat. Kakaiba talaga sjya, kagaya ng inaasahan ay matalas ang pandama niya. Actually, wala naman akong balak na patayin siya. Pero siya ang mukhang may binabalak sa akin. Ang totoo n’yan, gagamitin ko lang suya upang malaman ang mga bagay-bagay at mga lugar dito na hindi ko pa alam. That’s it.

Kagaya ng sinabi ko, hindi ako pumapatay ng babae o kahit binabae.

Kaye’s POV

“Pupunta lang ako sa CR,” pagpapaalam ko kay Ax.

“Ayos ka lang ba?” seryosong tanong niya sa akin.

“Oo naman.”

 Pinilit ko na lang na ngumiti at pumunta na sa comfort room, kahit na alam kong kanina niya pa alam at nararamdaman na wala akong gana at may malalim akong iniisip.

Alam kong ginagawa ni Ax ang lahat para maprotektahan ako, pinipilit ko naman pero naduduwag talaga ako. Kung para sa kan’ya madali ito… palibhasa, laki siya sa gulo. Sa totoo lang ayos naman talaga siya, kaso lang hindi ko kaya ‘yong tapang niya.

Hindi sa nagagalit ako, ayoko lang kaseng na pe-pressure ako… lalo na sa ganito.

“Kaye, right?”

Napalingon ako sa nagsalita.

“Why?”

Natigilan ako nang makita ko ang mukha niya. Inayos ko bigla ang mukha ko at ang pananalita ko.

“I mean, oo, ako nga. Cedrick, right?”

He gave me a smile that changed my mood automatically. Nasabi ko bang ang ganda ng haircut nya? Alam niya ba na ang pula ng labi niya at aware ba siya na nakakaakit ang mga mata niya? And that smile… I’m speechless.

“Saan ka pupunta?”

 Tanong niya sa akin. Bakit siya biglang nagpapakita ng gan’yang attitude? Don’t tell me…

Marupok ako.

“C-cr?”

Masasabi ko pang ‘wanna join?’. Buti na lang na-control ko ang bibig ko. 

Ngumiti siya at nag wika. “I’ll wait for you here.”

Tumalikod na ako dahil baka kung ako pang masabi at magawa ko. Nakakahiya, ngayon ko lang na-realize na nakakahiya pa lang sabihin na pupunta ka ng restroom.

I smiled, hindi ko alam kung sa ihi ba ako kikiligin o sa kan’ya.

“Wag kang magtitiwala sa kahit sino.”

Narinig ko ang boses ni Ax sa isip ko. So weird, mukha naman siyang katiwa-tiwala. Saka… kaya ko na ang sarili ko.

“So, pwede ba kitang samahan?” tanong ni Cedrick. Hindi ko hilig ang magpakipot, kaya tumango ako. 

 

Sa totoo lang lapitin naman talaga ako ng mga lalaki kaya hindi na ako masyadong nagulat, kaunti lang. Kasi kung i-co-compare siya sa mga lalaking naghahabol sa akin noon, ‘di hamak na mas gwapo si Cedrick at malakas ang appeal.

“Ah, Kaye, kumain ka na ba?”

“Hindi pa nga e.”

Hindi pa talaga ako kumakain so we decided to go to canteen kung saan pick all you want ka lang. Bale ang itsura nito ay mukbang department store at naka-display lang ang mga pagkain at mga drinks na nasa isang ref. Glass ang pinto kaya kita mo ‘yong content sa loob. Plus maraming upuan sa loob para kung do’n mo trip kumain.

This is cool.

Naupo kami sa dalawang magkaharap na vacant seat sa loob ng canteen. He started to talk and ask me some questions.

Nalaman ko na ABM student siya kaya magaling siya sa comprehension at pag calculate ng mga bagay at sitwasyon. Akala ko nga puro math sa ABM pero sa kanila raw more on reasoning at kung ano-ano pang ka-ek-ekan.

Baka ‘di pa kasi sila nakakaabot sa 2nd semester at naroon ‘yong maraming math. Sa pag-uusap namin, I realized na he’s smart at humble rin kahit na sobrang adorable niya. Goodkisser kaya siya?

Medyo bad talaga ako mag-isip, but I have limitations. Sa kaunting oras nalimutan kong nasa loob ako ng impyerno, kakaiba ‘yong atmosphere kapag nakangiti sya, ‘yong tipong parang ayos lang ang lahat.

“So, papatay ka?”

 

Hindi ko rin akalaing itatanong ko iyon sa kaniya. But he answered.

“If someone has to die. At saka kailangan ko rin lumaban para manatili at makalabas.”

Medyo natahimik ako sa sagot niya. Iniisip ko yung ibig niyang sabihin, I was processing his answer until he spoke again.

“So, may boyfriend ka sa labas?”

Alam ko ang ginagawa niya, sinusubukan niyang ilayo ang usapan. Mukhang ayaw niya rin ng gano’ng topic.

“Actually maraming nagpapahiwatig, nagpaparamdam, nagpapa-cute at nanliligaw pero… wala e. Baka nga nandito sa AU ‘yong hinahanap ko.”

He chuckled.

Cute.

Hindi ko alam ang ibig sabihin ng semi-laugh na ‘yon. Dahil ba sa mga sinabi kong maraming manliligaw o dahil do’n sa baka nandito sa AU ang para sa akin? Pero kung tutuusin, kung natawa siya sa rasong marami akong manliligaw e ‘di sana kanina pa siya ngumiti. Pero ngumiti lang siya sa part na tapos na akong magsalita.

Hala, sige, Kaye! Assume pa. 

Pero kung nag a-assume ako, bakit niya ako niyayang kumain? Bakit gusto niyang makipagkaibigan sa akin? At bakit niya ako hinintay sa labas ng restroom?

“Wag kang magtitiwala sa kahit sino.”

Axelle’s voice, tantanan mo na ako!

Bumalik ako sa reyalidad nang may isang plate ang kumislap sa mata ko.

A-1

Sandali, lalaki siya? Kailangan itong malaman ni Ax.

Nagmamadali akong umalis at naiwang may tanong sa mata si Cedrick. Hindi na ako nakapagpaalam, kaagad kong hinanap si Ax.

Kapag ba nagawa kong pumatay, cool na ako no’n? Matatakot na ba sila sakin? Magugustuhan pa kaya ako ni Cedrick?

Nasaan kana ba Axelle Esguerra?! Ang laki ng university ‘to! Saan kita hahanapin?

I didn’t know where to start. Tumakbo ako papunta sa may field at inilibot ang mga mata ko sa may corridors pero bigo akong mahanap siya.

Pumunta rin ako sa restroom kung sakaling pumunta siya rito at hinahanap ako. Pero wala!

Bigla akong kinabahan, hapon na at palubog na ang araw. Hindi kaya…?

Tumingala ako sa VTR, nasa list pa siya so ibig sabihin buhay pa siya. Maya-maya ay nakita ko si B-99, baka nakita niya si Ax.

“B-99, nakita mo ba si Ax? I mean, si B-2?”

Base sa tingin niya mukhang hindi siya intersado. Wala namang nagbabago sa ekspresyon niya, kakaiba rin ‘to e. Medyo hinihingal na rin ako kaya naman medyo mainit na ang ulo ko.

“’Di ba ikaw ‘yong kaibigan? Ikaw ang humanap.”

Ay, aba talaga. Hinahanap ko na nga e, nagtatanong lang naman ako!

“Fine! Pero kapag may nangyaring masama sa kan’ya, mananagot ka talaga sa ‘kin! Che!”

Nagpatuloy na siya sa paglalakad na tila ba walang narinig sa pagbabanta mula sa akin. Hindi ba ako gano’n ka-effective manakot?

Saka, bakit siya mananagot Kaye? Wala naman siyang responsibilidad kay Ax, ‘di ba? Bakit ko sinigawan ang lalaking hindi ko naman kilala? Jusko. Tinignan ko ang number niya sa VTR.

B-99 — 10

Naalala ko, may napatay na pala siya. ‘Yong grinipuhan niya sa harap namin. Mas lalo akong kinabahan.

Nasaan ka na ba kasi, Ax?

Kahit gustong-gusto kong magtanong sa nakasalubong ko pero naalala kong mamamatay tao pala sila so ‘wag na lang, kaya ko na ‘tong mag-isa.

Tuluyan nang lumubog ang araw at malayo ako sa dorm. Paano na ‘yan? Madilim na!

Binuksan na nila ang mga ilaw ng poste at ang ilaw sa mga corridors na medyo dim lang. Kaagad akong tumakbo sa direksyon na papunta sa dorm, kailangan ko na agad makarating do’n. Tahimik ang buong school. Habang tumatakbo ay nakarinig ako ng sitsit kaya huminto ako dahil baka si Ax na ‘yon.

Lumingon ako, walang tao at tanging puno lang na sinasayaw ng hangin ang nakita ko. Nagulat ako pagtingin ko sa unahan.

“S-sino kayo?”

Tanong ko sa isang grupo ng mga estudyanteng may dalang mga patalim at kung ano-ano pang metal habang suot ang kanilang uniform.

Sa totoo lang ay parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng tibok.

Dahan-dahan silang lumapit, apat na babae ito. Matatangkad, maganda ang shape ng katawan at walang plate number.

Mukhang patayan talaga ang gusto nila, gusto nila na may ha-haunting sa kanila para mag-enjoy sila.

“Look, ayoko ng gulo,” kabadong sambit ko habang nanginginig ang mga tuhod.

Nagsalita ‘yong isa gamit ang malamig na tono at boses.

 “Don’t worry, gagawin namin ‘to nang tahimik. Shh!”

Agad naman siyang binatukan ng isa niyang kasama. “’Di ba ang usapan, walang magsasalita? Wala na!”

Mukhang na-disappoint pa siya.

“Maganda naman ‘yong dialogue ko ha. Killer na killer nga ‘yong dating,” muling dipensa ng unang nagsalita.

“Whatever, let’s do this.”

Naglakad silang muli papalapit papunta sa akin, habang ako ay umatras. Maya-maya ay pabilis na nang pabilis ang lakad nila hanggang sa naghahabulan na kami.

Is this the end? Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na ako makakaligtas pa, apat silang handang pumatay, isa lang ako duwag pa.

Pumunta ako sa corridor at doon tumakbo nang tumakbo. Feeling ko ay makakapagtago ako dito dahil sa malimlim ang ilaw at marami itong pasikot-sikot.

“Sige lang, B-34, tumakbo ka pa!”

 Sigaw no’ng isa.

 

Pagod na ako. Kanina pa ako tumatakbo, mula pa nang hinahanap ko si Ax kaya naman medyo hininaan ko muna ang takbo ko. Sige na, abutan niyo na lang ako.

Sana hindi masyadong masakit! Lord, help me. Hindi pa ako ready mamatay. Nararamdaman ko na ang mga hakbang nila at naririnig ang mga tawanan nila.

Tumayo ang mga balahibo ko nang may isang kamay ang humawak sa kamay ko at hinila ito papunta sa direksyon niya.

Sobrang bilis ng pangyayari, mukhang hindi iyon nakita ng mga humahabol sa akin dahil nagtataka sila at hinahanap na ako. Hinila ako ng isang taong hindi ko kilala sa likod ng isang pader ng corridor. Nang hindi ako makita ng mga babae ay umalis na sila.

Ngayon ko lang namalayan na nakahawak na pala ako sa dibdib no’ng lalake. Agad ko itong inalis.

“Ayos ka lang ba?”

 Tanong nito sa akin, kilala ko ang boses na ‘yon…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status