Share

Chapter 53

Nagising ako nang may kumakalabit sa akin. Nang magmulat naman ako ay madilim na ang paligid. Napatingin ako sa kumakalabit sa akin at nagulat ako nang makita ko si Kyle. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya kanina?

“Kain ka na, malilipasan ka ng gutom. Gabi na,” sambit nito pero nakatitig lang ako sa kanya. Mugto na naman ang mata ko kakaiyak.

“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya.

“Binabantayan ka,” sagot naman niya.

“Akala ko ba umalis ka na kanina?” sambit ko.

“Ngayong nakita na kita, hindi ko hahayaang takbuhan mo ako ulit at mawala na lang bigla. You don’t know how much it driving me crazy.”

“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya.

“Hindi, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa mapatawad mo ako,” pagmamatigas niya kaya wala na akong nagawa kundi manahimik na lamang. Alam kong hindi rin siya aalis

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status