Share

Alluring my Interim Boss
Alluring my Interim Boss
Author: KaptainChazz

Prologue

Masayang nagsasayawan sina Kiarah at ang mga kaibigan niya sa isang sikat na bar. Kanya-kanya silang partner ng sinasayaw. Kiarah picked random guy somewhere and took him to the dance floor. Madaming nakamasid sa pagsasayaw niyo pero parang wala lang ito sa kanya dahil confident naman siya sa kanyang katawan. Nang magsawa siyang sumayaw, bigla na lamang niyang iniwan ang lalaking kasayawan nito. Dumiretso siya sa counter ng bar at umorder ng isang basong tequila. Binigay naman ito agad ng bartender. Nang may nakita siyang lalaki na nakaupo di kalayuan sa kanya ay agad niya itong nilapitan at mapang-akit na tinignan.

“Are you alone?” tanong nito sa lalaki. 

Tumango naman ito at ngumiti.

 “Mind if I join you?” di naman nagdalawang-isip na tumango ang lalaki.

“I’m Aldous. How about you?” pakilala nito.

Kiarah laughed sexily. Napailing pa ito habang tumatawa dahil hindi na siya nagulat na nagpakilala agad sa kanya ang lalaki kahit di pa nito tinatanong.

“I’m unknown,” sabay tawa nito.

“Is that even possible?" takang tanong naman ng lalaki na siyang ikinatuwa pa niya lalo.

“I don’t like the idea of giving my name that fast." Saad nito sabay kindat bago umalis sa inupuan nito.

Magandang lalaki si Aldous kaya nga niya ito nilapitan kanina. Pero bigla-bigla siyang nauumay kapag naramdaman niyang walang thrill ang kausap niya. Sawa na siya sa  mga lalaking mabilis niya lang makuha.  Gusto niya naman ngayon yung may thrill para ganahan naman siya. Pero halata atang pare-pareho lang ang mga lalaki sa bar na iyon. Pagkatapos niyang iwan si Aldous ay naisip niyang bumalik na lamang kung saan sila nakapwesto ng kaniyang mga kaibigan. Nadatnan niyang may kahalikan ang kaibigan nitong si Shona.

“Hey get a room,” asar nito sa kaibigan sabay upo sa kabilang upuan kung saan walang nakaupo.

“What the hell, Chelz. Go get some guy out there,” sabi naman ng kaibigan niya.

“Nah, ah. I’m good.” At huminga ng malalim sabay inom ng isang shot na nakalapag sa lamesa nila.

“Woah, whatever girl.”

Hindi nagtagal tumayo ang kaibigan nito pati ang kasama nitong lalaki.

“Sayaw lang kami ulit, Chelz. If you’re bored, we can go home.” sambit ng kaibigan niya.

“Go have fun, I’m good here. Inom nalang muna ako. “

Tumango naman ang kaibigan nito at dumiretso na sila ng kasama niya sa dance floor. Luminga-linga siya sa paligid at hindi niya mahagilap ang ibang kaibigan nito. Siguro pare-pareho silang may kasamang lalaki. Ngayon lang siya naumay agad sa isang bar. Hindi niya maramdaman na nasisiyahan siya ng buo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status