Share

Chapter 59

Nagising ako ng madaling araw dahil parang kinakalkal ang sikmura ko. Kaya naman napatakbo ako sa banyo para sumuka doon. Nagtaka naman ako ng tubig lang ang sinuka ko. Naghilamos ako at lalabas na sana nang masuka na naman ako kaya naman napaluhod ako sa harap ng inidoro at doon ako sumuka. Ayaw ko naman na gisingin sila mommy dahil tulog na ang  mga ito at panigurado tulog na din ang mga kasambahay namin.

Nang hindi na ako nagsuka, tumayo na ako at naghilamos na ulit. Nang makalabas ako ng banyo ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Kyle. Alam kong tulog pa ito pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Ilang beses na nagring yung cellphone niya kaya inis ako nang hindi niya ito masagot. Tinawagan ko siya ulit at sa panlimang ring ay tumugon na ito sa akin.

“Mmm,” rinig ko sa kabilang linya.

“Bakit antagal mong sagutin ang tawag ko?” galit kong tanong sa kanya. Ilang segundo naman siyang natahimik bago nakatugon sa akin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status