Share

Alon
Alon
Author: Aceeyylala

PROLOGUE

PROLOGUE 

ELLYA TORRES is a 27 years old woman who was tired of living. She is working as a call center agent and has been single after her 5-year relationship with a man. A man who taught her how awful life is in the outside world.

May mga bagay na akala niya ay hindi na mapagkakaila.

Hindi na maibabalik. Hindi na kaya pang ihilom ng pagkakataon.

Ngunit nananatili siyang matatag sa mga panahon na sumira sa kanya ng paulit – ulit at bakas ang katapangan na kayang bumangon kahit di ipilit.Kahit nananaig ang kalungkutan ay pilit na pinipili ang sarili sa bawat araw na nagdaan.

Isang hakbang ni Ellya ang layo niya sa dalampasigan.Ramdam na ramdam niya ang alon na gusto siyang tangayin papuntang kalawakan.Kitang kita ang mga mata na nakikiayon sa kislap ng papalubog na araw.

Pinakiradaman niya ang alon na bumabalot sa kanyang pagdinig. Ang buhangin na di nauubos kahit tangayin ng hangin paalis sa kinatatayuan niya.

Alintana sa agos ng tubig at pagbasa ng kanyang dilaw na bestida ay nanatiling nakatitig sa kawalan ang babae.

Kung titingnan sa malayo ay para itong baliw na gusto ng lumayo.

Ngunit kung lalapitan mo isang babaeng umiiyak ng lungkot at pighati ang mata. Kitang kita ang sakit ng reyalidad na nagpagising sa kanya sa katotohanan.

“Bakit sa lahat ng tao.. Ako pa?”

----

LIMMUEL SANTOS is a 30 years old man who is a Team Leader and Manager of his own company. He is single and has no time in a committed relationship because the last one didn’t last.  

Ang paglubog ng araw mula sa kinatatayuan ang maaninag. Punong puno ng tao ang nasa babaan niya kaya napagtanto niya na sagana ang mundo sa tanong na walang nakasagot..

Dahil lang sa mga taong nagsasaya,maraming bagay ang kanyang iniisip tulad ng isang bagay na maihahalintulad mo sa sarili.

Ang pagmamahal.

Pagmamahal sa lahat ng aspeto na humuhubog sa pagkatao mo bilang ikaw. Pagkatao na sana di na hinayaang sirain pa ng iba.

Sa ganda ng tanawin at hampas ng mga alon nakapokus ang atensyon nya. Tila bang kahit maingay ang tao ay di siya nabibingi doon.

Pilit na iwinawaksi ng kanyang isip ang mga bagay na hindi dapat unahin dahil lang sa kakaibang emosyon na nararamdaman.

Natatandaan nito ang kasiyahan na minsan niyang nahangad ngunit kinuha agad sa kanya ng tadhana.

Palaisipan ang mga tanong na kay hirap sagutin. Ngunit isang bulto mula sa kalayuan ang kanyang natanaw.

Babaeng nakabistida na dilaw ang unti – unting umuupo sa buhangin. Kita niya ang pagkabasa ng damit nito dahil sa alon.  

Ayaw niya sanang tingnan ito ngunit dinala siya nito pababa sa kanyang kinatatayuan. Kahit anong pigil ay inilalapit ng sarili ang kanyang paa sa babae na ngayon ay umiiyak na.

Itinigil niya ang paghakbang di kalayuan dito dahil nakukutuban niya na ng di maganda ang babae. Nang maaninag niya ito ay patayo ito at dahan dahan lumusong sa dagat.

Ngunit bakas ang lungkot sa mukha nito.

Kaya hinayaan niya na muna at nang nakaka limang hakbang siya ay may biglang sumigaw.

“Tulungan niyo yung babae!!!!!!” sigaw ng isang babae.

Sa di malamang dahilan ay tinakbo nito ang agwat nila ng dagat.

Dahil na rin sa malakas na alon ay hirap na sinisid ng lalaki ang dagat at natagpuan ang babae. Mabilis ang ginawa niyang paglangoy palapit dito at nang makalapit ito ay hinawakan ng babae ang kanyang kamay at ngumiti.

“Don’t lose hope,” saad ng kanyang isip bago iniahon ang babae sa dalampasigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status