ONE
ELLYA
“Good evening Kuya.”
Bati ko sa guwardiya bago ilagay ang gamit sa scanner at pinakita ang ID na pinagtatrabahuhan ko. Kahit antok na antok ako ay pinilit ko pa rin na kumilos at mag asikaso. Nakapagpaalam na nga ako na hindi ako papasok pero wala rin akong mapapala sa bahay dahil sa mga anak ng Tita ko.
Magdadalawang taon na ko sa kumpanya na pinapasukan ko. Kaya masyadong nasasanay na ang katawan ko sa environment na meron ako. Iba't ibang klase ng tao ang paulit ulit na nakakasalamuha ko at syempre may sari sariling ginagawa sa kanilang buhay.
Atsaka ang magtrabaho ng baliktad ang araw ay di ganun kadali. Naalala ko ng unang taon ko. Bago pa ako makapag adjust ay kinakailangan kong lumaklak ng kape at pilit na imulat ang aking mga mata. Hindi ganun kadali. Pero kinakaya sa araw araw ba naman na kamalasan ng buhay e.
Night shift.
Dalawang salita na ayaw ng iba pero ako? Gusto ko. Gusto na sa gabi napasok, na biyahe at nakakakita ng madilim na kalangitan. Ewan ko ba dun ako narerelax e. Dun ako mas ginaganahan. Mas nakakapag focus at nakapag isip isip ng bagay bagay. Kaya mas pinili ko na palaging matatapat sa pang gabi. Kaya pagod kung pagod ang datingan pero kailangan. Yung kinakailangan mong sumagot nang tawag not knowing na pwede ka lang sagot-sagutin dahil amo sila kliyente ka lang.
Isa pa yan ang mga customer. Customer na di ko alam bat laging mainitin ang ulo. Bakit kasalanan ba namin panget sistema nila. Hmp. Sa trabaho kasi naming hindi na iiwasan ang ganun. Kailangan mahaba ang pasensya mo kung hindi wala. Talo ka.
Pumasok ako sa elevator na maghahatid sa akin sa 15th floor. Hindi naman ganun ka puno ng tao pag ganitong oras dahil yung iba nasa lobby or nasa emergency exit para tumawag. Or minsan makakakita ka na nag mamake up pampawala antok kuno.
That's the old life.
Dumaretso ako sa locker ko at nilagay ang gamit ko habang naiwan ko yung backpack, cellphone at pera ko. Mahigpit ang kompanya regarding sa mga gamit ng employado kaya kampante ako sa pag iiwan. And besides mahirap talaga ang gawain.
“Oy Elly, nandyan ka na pala,” tawag ni Jean. Wala na talagang nakatama sa pangalan ko.
“Jean, it’s E LI YA. Tagalog na yan.” Sabi ko at naglakad na papuntang office.
Gustong gusto ang lamig sa office. Hindi ako inaantok. Sa tagal ko dito. For almost 2 years. This is one of the achievement na nagawa ko. Ang piliin ang sarili. May 10 minutes pa naman bago mag start ang shift. Kaya hinayaan ko lang na kulitan nila ako. Kahit kailan di ako mananawa sa ganto nilang pakulo.
“Elli raw sabi ni TL. Siya lang tatawag sayo nang E LI YA,” sagot niya at ginaya pa ang pagbigkas ng pangalan ko.
“Wag kang maingay Jean, ang daldal mo.” Sabi ko at pumasok na.
Dumaretso na ko sa pwesto ko at hinintay na mag start ang shift ko.
“Elli, meeting sabi ni TL.” Tapik ni Daniel at lumagpas.
Jusko isa pa sa nakiki Elli. Alam ko kakameeting lang ni TL Jessica regarding sa Team Building ng grupo this end of the month. So 1 week na lang then next Friday aalis na kami kaso hindi pa malinaw ang places. I hope sa La Union at namiss ko ang dagat doon. Ewan ko ba nagkaroon ako nang urge na pumunta ngayon sa LU.
“Okay.” sagot ko at kinuha yung tumbler ko at sumunod kay Daniel papunta sa meeting room.
Magpapa meeting na naman then aabutin ng 1hr makakapag kape pa ata ako.Pagpasok ko ay napansin ko na si Jean, Mica, Dave, Alice and Bill na nakaupo na. May kakaibang atmosphere kaya nakakakaba ngayong araw,.
“Elli!” tawag nila sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at ngumiti.
“Ikaw talaga Elli. Ngiti lang isasagot sa amin.” Sabi ni Dave.
“Shhh Dave lagi na lang si Elli pinagtitripan e,” pangangaral ni Mica.
Itong dalawang to. Walang pinipiling lugar.
“Sanay na.” sabi ko at sabay inom ng kape.
“ Asan na TL?” tanong ni Jean.
“REAL MANAGER kamo.” Pagtatama ni Alice.
Hinahanap ang wala. Hindi na babalik yun. Sino ba yun? Yung lalaking nawala na lang ng kusa. Yung kababata ko na hindi ko alam bakit umalis after six months na pagpasok ko dito.
“Awat na. Baka marinig tayo.” sabi ni Mica.
Bitchesa talaga ang mga kasama kong ito. Habang ang mga lalaki naman ay puno nang kalokohan sa katawan. Jean ang madaldal sa grupo. Mica ang nanay , Alice ang bitchesa na palaban, Dave and Bill na puro kalokohan sa grupo.I’ll always consider them as my family not just a group. Family. Isang bagay na wala ako.
“Okay guys,” bati ni Jessica pagpasok.
Siya ang nagsilbing manager muna namin nang umuwi si Sir Lim sa probinsya para magsettle ng kung ano man. At dun nag umpisa lahat nang nararamdaman ko ngayon. Lahat ng mga bagay at nabuo na emosyon simula ng umalis siya. Akala ko mananatili siya pero hindi e. It's been a year. Walang paramdam.
“Mabilis lang to, kasi may kausap sa inyo after this. Then may event muna na gaganapin bago yung Team Building na hindi pa finalized kaya I want all of you to be prepared.”
“Event Mam?” Bill asked.
“Oo nga Mam, Di pa halos settled then may event tayo na kasunod?” dagdag ni Mica.
At narinig ko ang mga buntong hininga nang kasama ko. Isa lang ibig sabihin nito. Pagod kung pagod. Enjoy kung enjoy. Kahit ano man basta magkasama kami. Kami pa ba.
“And also I wanted to say na I’m back being one of your team. As an agent.” Jessica blurted out at kitang kita ang pagkagulat sa mata ng mga kasama ko. Oh no. Bagong TL. Baka pahirap din sa buhay to.
“May bago na namang TL?”
“Sino?”
And out of nowhere I uttered a word. "Sino ang papalit sa iyo?” I asked and someone open the door.
“I am. Ellya.”
He’s back. And I force myself to seat. Kahit bigat na nang pakiramdam ang nararamdaman ko ay umupo ako. Hindi ko magawang tapunan ng tingin si Limmuel.
“Boss!” sigaw ng kalalakihan at nag man to man gestures sila.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang maayos naman siya kahit mahigit apat na buwan din siya nawala sa trabaho.Pero parang may mali na hindi ko alam saan parte ba o pakiramdam. Natauhan na lang ako nang tinapik ni Jean ang balikat ko at napagtanto na nasa unahan na si Sir Limmuel.
Nagbalik na siya nang di ko alam. Akala ko nang gabing iyon natangay na nang alon yung nararamdaman ko pero hindi pala. I was hoping na isang malaking kalokohan to.
Hindi kaya na kathang isip lang to?
“Ellya.” tawag niya ulit na nagbabalik sa akin sa katinuan.
Sana sa totoong katinuan. Sana.
TWO ELLYA Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya ngumiti ako.Nagpanggap na hindi nabigla sa pagdating niya ngayon. Na tila wala siyang ganung epekto sa sistema ko. “Yes boss.” Sagot ko at pasimpleng humawak sa tumbler na nakapatong sa lamesa para may pagkuhanan ng lakas. “Kamusta ka?” tanong mo. Alintana ang nasa paligid natin nagawa mong itanong kung kamusta ako. Mukha naman akong okay diba? Sana. “Sir, bakit si Ellya ang kinakamusta mo? Di mo kami namiss?” sangat ni Jean dahil nararamdaman nila yung ibang aura nang office. “Jean, sabi ko ako la
THREE ELLYA Sa nangyari noong nakaraang kagabi mas pinili kong magleave muna sa office at kausapin si Tita. Susubukan ko kahit papaano na maayos ang mga bagay bagay na pangyayari. Ayoko nang mawala .Nakakapagod nang buong sistema. Nakakahiya din kay Limmuel sa kanya ko pa nailabas at may nasabi akong nakakahiya. Nakakahiya ka minsan Ellya e. Being frustrated about what happened makes me wonder why should I deserve this kind of treatment? “Pwede ko po ba makausap si Tita?” Tanong ko sa katulong ng bahay. “Ay Mam, nag iwan po ng sulat sa inyo ang tiya niyo. Eto po.” Sagot nang katulong at inabot ang isang sobre. “Salamat po.”
FOUR LIMMUEL Halos paliparin ko na ang sasakyan ko para makarating kina Ellya. Buti nakaparada sa parking ang sasakyan ko kaya nakuha ko ito. Sinabi sa akin ni Jean na may nang loob sa kanya kaya balak niyang sumama sa akin pero sinabi ko sa kanila na bumalik ng opisina at mas kailangan sila doon. Nagsabi na rin ako kay Jessica na siya muna ang bahala. Walang kaso. Dahil maasahan mo lahat nang kasamahan ko ngunit bakas ang kalungkutan sa mga mata nila. Hindi nila expected na magiging ganito ang isa sa kanila. May isang mawawalan at mahihirapan umahon. My mind is praying na wala sana mangyari kay Ellya. Hindi ko kakayanin. Nakakabaliw. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan kita ko na agad ang madilim na kalooban ng bahay at tanging ilaw nit
FIVE ELLYA I felt something on my forehead as soon as I opened my eyes and saw him. Pinakagwapong nilalang. Hindi ko alam if deserve ko ba ito. Nakakaadik siyang pagmasdan o sadyang miss na miss ko ito. "Good Morning," he greeted and continued to stare at me. I smile when I see where I am. I'm in his bedroom, getting comfortable in his bed and the calmness of my surroundings are so great. I just want to live in this moment forever. "Stop staring at me Ellya, I might not have woken up in this beautiful dream." God, his voice gives me the shivers that I'm longing for. This man thinks he is dreaming. Kahit kailan pa baby ang datingan nitong lalaking
SIX ELLYA The following days were tiring but it is not evident on our faces as we watch the kids love our set up. I was happy with the results and then I remembered how I got the main character of this theme and having a sky blue jacket and a skirt above my knee with high socks and shoes and of course the ponytail and bangs. Yes I have bangs. "Sir bakit ako ang gaganap? Bakit hindi si Jean or si Jessica bakit ako?" sabi ko habang nasa meeting kami. "Punishment." Seryosong pagkakasabi ni TL at ang mga loko sinabayan pa ng tawa. "Bakit mo kasi sinapak si Sir?" tanong ni Jean. "Wala."
SEVEN ELLYA Nagising ako ng nararamdaman na may nagpatong ng kumot sa akin. Napagtanto ko na along NLEX na kami at malapit na mag TPLEX. Namulat ako at nakita si Limmuel na nakatuon na ang paningin sa pagmamaneho at inilibot ko ang paningin ko halos lahat ay pagod at nagbabawi ng tulog. Halos 12 am na kami natapos sa event. At kahit papaano ay nagkaroon ng pag uusap sina Dave at Mica. Marami rami pang silang pag uusapan pero nanatili itong tahimik. At karagdagan sa event nagkaroon pa ng mga games for kids and adults. Para kahit papaano makapag enjoy at makakilala ng mga ibang bata sa paligid. Nakakapagod pero worth it lahat at puyat. Sina Mica and Dave ay magkatabi habang si Jessica at Jean nasa likod at si Bill na solo sa pangmahabaan na nakaupo.
EIGHT ELLYA Pagkababa namin sa sasakyan. Iniwan na namin ang mga lalaki sa resort. Kumbaga ang resort ay nasa itaas bahagi at pagkababa ay sasalubong sayo ang buhanginanna sobrang lawak at ang dagat na nagtatawag sa amin kaya agad tinakbo na ang dagat. Nakakagaan... Nakakamiss.. Nakakatuwa Yung hanging alat ang sasalubong sayo. Pinaghalong asul at puti ang kalangitan habang ang dagat ang mas lalong nagbibigay ng kakaibang pakiramdam.Iba't ibang klase ng tao ang mapapansin mo.May pamilya, magkakaibigan,at yung iba nagkakatuwaan dahil sa mga paninda habang naglalakad at nagmamasid. Ganoon din ang reaksyon ng mga kasama ko kaya napagdesiyunan namin umupo muna habang pinapanood ang maliliit na alon mula rito.
NINE LIMMUEL Pagpasok ko pa lang sa clinic ay amoy na amoy ko na ang nakasterelize na gamit. At kita ko ang charts at diploma niya. Mahirap maging Doctor. Sobra. Kaya hanga ako at saludo sa mga taong nagpupursue ng course na ito. "Good morning Doc." Muli kong bati sa aking kababayan na si Doc Catherine. "How are you Doc?" magalang kong bati. Doc Catherine is a licensed psychiatrist and a neurosurgeon who's been helping me after that accident. I went to see her for some clarifications about my health. It's been 3 months and she wants to know how I am improving these past months. "I'm fine Doc." I grab the coffee that she handed. "I always take your recommendation in assessing my health... It's bee