Share

Kabanata Ikaapat

"May gagawin ka ngayon?"

Tumango ako sa tanong niya, tutulungan ko naman si mama katulad ng nakagawian ko kapag walang klase.

"Ikaw?" Tanong ko.

Nanlaki ang mata niya, kalaunan ay ngumisi siya.

"Masyado ka ng interesado sa buhay ko." Sabi niya at humalakhak.

"Ikaw rin... masyado kang interesado sa buhay ko." Tinaas ko ang isang kilay ko, inaasar siya.

Natigilan siya sa sinabi ko at napakagat ang labi. Napatingin ako ron, kalaunan ay iniwas rin ang tingin dun.

"Gagala lang ako sa palengke, hindi na ako sumama sa pangangabayo nila Alexa, tinatamad ako."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status