Share

Kabanata Ikalabing walo

Buwan ng agosto at magkakaroon ng camping ang grade 12 STEM students, hindi ko alam kung sa amin lang ang mayroon dahil wala akong nabalitaang kasama ang mga HUMSS student.

Napagdesisyunan ko ng hindi ako sasama, pero ng ibalita ko iyon kay mama ay pinilit niya akong sumama. Wala akong makakausap doon, maliban kay Syrien. Hindi ko rin naman maeenjoy ang mga nangyayari dahil halos lahat ng kaklase ko ay hindi ako gusto.

"Mamaya bibilhan kita ng tent, kaya sumama ka." Pamimilit sa akin ni mama ng humalik ako sa pisngi niya, papasok na ako ng school at kada pagpasok ko sa eskwelahan ay pinapaalala niya anng camping.

Ngumuso ako at hindi pinansin ang ibinalita niya. Natanaw ko si Dave na papunta sa bahay, ngunit nakasalubong ko na siya at hindi na tumuloy sa bahay.

"Kumain ka na?" Tanong ko, tumango siya sa akkin at inalalayan sa paglalakad. May pagkalubak pa ang daanan sa amin kaya minsan ay natatapilok ako.

"Sandwich lang, papunta rito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status