Share

Kabanata Ikatlo

Pagkatapos mabili lahat ng paninda namin ni Dave ay umuwi na kami ng bahay kasama si Tyra, tuwang-tuwa si mama ng maubus lahat ng paninda. Akala ko nga ay nagbibiro lang iyon si Dave, mahilig pa naman magbiro ang taong yon.

"Boyfriend mo ba yun, Joy?" Tanong ni Tyra dahilan para mabulunan ako sa iniinom kong softdrinks.

Nang maayos na ang aking pakiramdam ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Siraulo, hindi ko yun boyfriend." Sabi ko, tumaas ang kilay niya senyales na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Oo nga, sa gwapo non. Papatol yun sa akin?"

"Malay mo naman gusto ka niya--"

"Ewan ko sa'yo, lahat nalang ng bagay ginagawan mo ng issue." Reklamo ko, humahalkhak siya.

Lumipas ang ilang araw ay marami na ring pinapagawa ang guro namin, dahilan ng mas nagiging malapit sa akin si Sirius. Ang lahat ng assignements at activities niya sa akin niya pinapagawa. Wala namang kaso sa akin iyon dahil nilalapag na agad niya ang perang pangbayad kasama ang mga nakalistang ipapagawa niya kaya hindi ako makatanggi.

Ngayon, nandirito nanaman siya sa labas ng room at hinahanap ako para ibigay ang ipapagawa niya na nakalista na at ang pera niyang pangbayad.

"Pumunta ka na lang ulit rito sa tapat ng room para kunin 'to." Sabi ko habang tinitignan ang listahan ng ipapagawa niya.

"Hindi siya free delivery sa room? Walang voucher?" Pagbibiro niya.

"Baliw."

Umalis na siya matapos nun at ako naman ay bumalik sa upuan, walang guro ngayon dahil may meeting. Naging abala lang ako sa mga assignements ko nu'ng naunang subjects.

Nang matapos ko gawin ang assignments ko ay iyong kay Sirius naman, ramdam ko ang pagtingin sa akin ni Dave. Hindi ko pinansin ang tingin iyon.

Kilala ko na rin ang lalaking amerikanong nagtanong sa akin, ang pangalan niya ay Syrien. Nagpapaturo siya sa akin magtagalog dahil hindi niya kami maintinidhan kung anong pinag-uusapan namin. Pero ngayon ay hindi siya sa nagpaturo dahil abala ako.

"Turuan mo na lang kaya magtagalog si Syrien, imbis na tumitig ka d'yan." Sabi ko kay Dave at tumingin sa kaniya. Ngumuso siya, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Bakit ko tuturuan 'yan, hindi ko naman yan kaibigan--"

"Ang sama ng ugali mo." Sabi ko at nanlaki ang mata niya. Hindi ko inaasahan ang pagsabi ko ng gano'n. Wala namang ginagawa sa kaniyang masama si Syrien pero hindi maganda ang trato niya.

"Sinakop kasi ng mga amerikano yung bansa na'tin di'ba? Masakit yun!"

"Kasaysayan na 'yun, Dave. H'wag ka ngang feeling makabayan. Sabihin mo, may personal kang dahilan kaya hindi mo siya maturuan." Hindi siya nakaimik sa sinabi ko.

Sa nagdaang araw ay medyo nakikipag-usap na rin ako sa kaniya. Ngunit ang pagkausap ko sa kaniya ay may halong pagtataray, hindi ko naman maiwasan magduda sa kaniya dahil napapalibutan ako ng mga taong nangkukutya sa akin sa nagdaang taon.

Nang dumating ang oras ng recess ay nanatiling tahimik si Dave, bigla tuloy akong nakaramdam ng guilty sa mga nasabi ko sa kaniya. Habang pababa kaming tatlo canteen ay kinakausap ako ni Syrien, tungkol sa lugar rito sa Pangasinan. Minsan naman nagtatanong siya kung saang maganda pang lugar sa pilipinas na maganda.

"Saan magandang maghiking?" Tanong niya pa, napaisip ako dahil hindi ako mahilig sa ganoon kaya hindi ko rin inaalam. Ang mga inaalam ko lang iyong mga magagandang beach kaysa sa magagandang akyatan na bundok.

"Hindi ko alam. Hindi ako mahilig roon, kaya hindi ko rin inaalam."

Tumango siya sa sinabi ko.

Nang makabili kaming tatlo ng pagkain ay sinilo ko si Dave dahilan para mapalingon siya sa akin. Hindi naging masungit ang pagtrato saakin ni Dave kahit hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kaniya.

"Bakit?" Taka niyang tanong sa akin.

"Wala naman, nagtataka ako bakit hindi ka nagtatanong sa akin ngayon. Nagtatampo ka ba?" Tanong ko. Ngumisi siya dahilan ng pag-irap ko.

"Bakit? Susuyuuin mo ba ako?"

Ngumiwi ako. Humalakhak siya sa reaksyon ko.

"Umayos ka nga ng sagot. Nagtatanong ako ng maayos eh." Reklamo ko.

"Bakit naman ako magtatampo? Wala ka namang ginawa sa akin."

Hindi na ako umimik, baka kung ano pang kabaliwan ang sasabihin niya. Nakinig na lang ako sa tinuturo ng guro sa susunod na mga oras habang hinihintay ang oras ng uwian.

"Hatid na kita?" Tanong ni Dave sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Bakit mo naman ako ihahatid sa bahay namin?"

"Kasi babae ka at lalaki ako." Simpleng sagot niya.

Hindi ko maintindihan ang rason niyang iyon, wala naman sa akin naghahatid pauwi. Nasanay ako sa ganoon, kaya nagtataka ako kung bakit nagpr-presenta siyang ihatid ako sa bahay namin.

"Ano naman kung lalaki ka at babae ako? May binabalak ka?"

Tumawa siya habang umiiling. "Tamang hinala ka talaga, Joy! I have knife here kung ayaw mong magpasundo. Medyo delikado sa daan at baka mapano ka."

Binigay niya sa akin ang keychain na parihaba ang hugis at gawa sa metal. Hindi ko yun tinanggap, dahil nagtataka ako ron sa binibigay niya. Nang binuksan niya iyong metal ay namangha ako ng makitang kutsilyo iyon na maliit.

Sinarado niya na iyon at kinuha ang kamay ko upang tanggapin iyon. Sabay lang kaming tatlong lumabas nila Syrien sa gate ng school, nagpaalam lang kami at nagkaniya-kaniya na ng direksyon sa pag-uwi.

Napatingin ako sa bigay ni Dave na keychain na nasa aking kamay. Hindi manlang ako nagpasalamat sa kaniya sa pagbigay nito.

Siguro, dapat iwasan ko na ang sarili ko isipin na baka may masamang gawin sa akin ang ibang tao. Baka hindi ko alam, yung kilos at sinasabi ko at mga hinala, nakakasakit na pala ako ng damdamin ng ibang tao. 

I never imagined myself, sorrounded by being a lot people o maybe approached by some people. Kasi alam ko sa sarili na hindi ako kapansin-pansin na tao, o dapat ba akong pansinin? Napailing ako sa naisip ko.

My mind automatically would think that when someone approached would make fun of me. Lumaki akong ganuon ang konsepto ng nasa utak ko, ngayong tumatanda na ako ay nahihirapan akong tanggalin ang nakasanayan.

Rinig ko ang hampas ng mga alon sa dagat sa hindi kalayuan, habang palapit ako ng pagdating sa bahay ay mas lalong naririnig ko ang lakas ng tunog ng alon. Gusto kong maligo sa dagat, dahil matagal na rin ng maligo ako.

Pagkarating sa bahay ay abala si mama sa pagluluto, si Jun ay nakatulugan ang assignements niya. Nagmano muna ako kay mma bago ako nagbihis ng damit sa kwarto.

"Ma! Maliligo ako sa dagat!" Paalam ko.

"Kapag ikaw nilagnat! Hindi ka makakapasok sa skwela mo!" Pangaral niya sa akin, binalewala ko ang pangaral niya at nagtuloy-tuloy ang punta ko sa dagat.

Medyo dumidilim na ang paligid dahil dapit-hapon na, pinagpatuloy ko pa rin ang paglangoy at pagdama ng mga alon sa dagat. May mga naliligo rin katulad ko, ngunit hindi naman nila ako pinapansin.

Hindi naging mali sa paalala si mama, kinagabihan ay nagkaroon ako ng sipon dahilan para hindi magkaroon ng magandang pakiramdam. Walang sawa si mama na pangaralin ako, ang pangaral niya ay hindi ko pinakinggan. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

Kinabukasan, dulot ng hindi magandang pakiramdam ay hindi ako nakapasok. Kumain lang ako at uminom ng gamot katulad ng pinagbilin ni mama na ngayon ay nasa palengke upang magtinda, si papa nanduon sa karagatan, nanghuhuli ulit ng isa katulad ng nakagawian.

Nagising ako ng may narinig akong katok, pagbangon ko palang sa kama ay bigla na agad kumirot ang ulo ko sa sakit. Ilang sandali muna akong umupo sa kama upang pakiramdaman ang sarili't. Nang humupa ang sakit ay dumeretso ako sa pintuan ng bahay.

Nagulat ako ng nanduon si Dave sa labas. Halata sa mukha niya ang pag-alala. Kumunot ang noo ko dahil nagtatakang nandirito siya sa bahay.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, hindi siya agad nakasagot at tumingin sa kung saan.

Tumikhim siya. "Hindi ka pumasok."

"May sakit ako." Sagot ko, tumango siya. "Kukunin mo ba ang kutsilyo--"

"Hindi... hindi iyon ang pinunta ko rito."

Nanliit ang mata ko.

"Mauuna na ako."

Mabilis siyang umalis kaya hindi na ako nagtanong. Pinagpatuloy ko ang pagpapahinga para gumaling, binalewala ko na lang ang pag-iisip kung ano bang rason ni Dave kung bakit siya pumunta rito.

Hours turned o days. Days turned to months. Abala ang lahat ng kaklase ko sa kani-kanilang requirements para ipasa sa application sa bawat univerisity sa manila kung saan sila mag-entrance exam. Habang abala naman ako sa kakagawa ng assignments ni Sirius.

"Hindi ka mag-aaral sa manila, Joy?" Tanong sa akin ni Dave, umiling ako.

"Mahal mag-aral doon, baka sa college na lang."

Hindi siya umimik sa sinabi ko. Totoo naman na mahal talaga mag-aral sa manila, wala kaming sapat na pera para mag-aral roon, bukod pa sa rason kung bakit hindi mag-aaral muna sa manila ay medyo delikado rin. Talamak ang kidnapping at nakawan ng mga gamit, ayon sa mga nasasagap kong balita.

"Dito ka pa rin sa Pangasinan... mag-aaral?"

Tumango ako.

Mabuti na lang at may senior highschool ng pinatayong building ang school, para hindi na rin ako palipat-lipat pa ng school dahil baka magkagulo ang transcript of records ko pagkagraduate.

"Ikaw saan ka? Sa ibang bansa?"

Umiling siya. "Hindi muna, may crush ako rito eh. Liligawan ko."

Nakangisi at napailing ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang binaliwala niya ang pag-aaral sa manila para lang roon sa gusto niya. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko pang mag-aral sa manila kaysa sa crush ko na hindi ko alam kung gugustuhin ba rin ako pabalik. Hindi ako sasayangin ang oportunidad na makapag-aral sa magandang paaralan.

"Paano pagbinasted ka?" Tanong ko dahilan para matigilan siya.

"Liligawan ko ulit hanggang pumayag siya. Sabi nga, try and try until you suceed!"

"Paano pag-ayaw ka talaga niya?--"

"Ang choosy niya naman, nakakainis ah!" Natawa siya sinabi niya kaya natawa rin ako.

Si Syrien ay abala sa pagbabasa ng english-tagalog dictionary. Sa mga nagdaang araw ay 'yon na ang pinakaabalahan niya.

"Ako rin, i have crush." Sabat ni Syrien sa usapan.

"Sino?" Tanong ni Dave.

"The short hair girl that i saw last time?" Inosenteng tanong ni Syrien, ngumingiti pa siya habang sinasabi iyon.

"Sino nagtanong?" Pambabara ni Dave dahilan para mapanguso si Syrien sa pikon.

"H'wag mo ngang laging inaasar si Sy." Pangaral ko sa kay Dave, pabiro siyang umirap.

"Sy?" Takang tanong niya.

"Si Syrien, h'wag mong inaasar. Wala naman siyang ginagawang masama... sayo."

"First name basis..." bulong niya.

Nagtaka ako ron sa sinabi niya ngunit hindi ako nagtanong, hindi ko alam kung ano bang pinupunto niya sa pagtawag ko sa pangalan ni Syrien.

"Bukas mangangabayo kami nila Alex, sama ka?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Wala akong kabayo."

"Kami meroon, pahihiramin kita."

"Ayaw ko rin." Ngumuso siya sa hindi pagpayag ko.

Bumulong siya ngunit hindi ko iyon narinig. Binaliwala ko na lamang iyon.

Kinabukasan pumunta ako sa subdivision nila Sirius, para ibigay ang mga pinagawa niya sa aking assignments at activities. Isang taon ko ring ginagawa ang assignments niya at tinuro niya ang direksyon kung saan ang bahay niya ngunit mas pinili ko nalang manatili ako sa labas ng subdivision.

Nagsabi lang ako sa kaniya sa text na nasa labas ng subdivision ako, hindi naman ako naghintay ng matagal dahil dumatig siya agad, nakasakay siya sa golf cart. Natawa siya ng makita ko.

"Nag-almusal ka na?" Tanong niya, tumango ako.

"Hatid na kita?"

Umiling ako. "Hindi na pupunta rin ako ng palengke, may inutos si mama eh."

Tumango siya sa akin, binigay ko na sa kaniya ang pinagawa niya sa akin. Magbibigay pa siya ng pera ngunit tumanggi na ako dahil sobra na ang binigay niya no'ng nakaraan.

"Salamat Joy! Kung wala ka, bagsak na ako sa subjects ko!" Masayang sabi niya, umiling ako habang nakaukit ang ngisi sa aking labi.

"Tamad ka na lang!" Tumawa siya sa puna ko. "Umuwi ka na, maghihintay pa ako ng tricycle.

"Hihintayin kitang makasakay bago ako umuwi."

Katulad ng sabi niya, hinintay niya ako makasakay ng tricycle bago umalis.

"Ingat!" Aniya.

"Ikaw rin!"

Nang makasakay ako sa loob ng tricycle ay may tao pala sa loob non, lalabas na sana ako ngunit nakita ko ang mukha nang makita ko ang mukha ni Dave na nandon.

Sumakay na lang ako, naging tahimik ang byahe dahil hindi kami nag-imikang dalawa. Hindi ko rin naman alam ang dapat pag-usapan namin.

Nang nasa palengke na ay bumaba na ako sa sasakyan, bumaba rin si Dave. Ibibigay ko na sana ang bayad ngunit humarang si Dave sa driver.

"Dalawa po iyan, yung isa akin. Yung akin kaniya." Sabi niya sa Driver.

"May pambayad ako." Sabi ko.

"Alam ko yun, Joy." Sabi niya, umalis na ang driver pagkatanggap ng pera. "Magkaibigan ta'yo hindi ba?"

"Ano naman koneksyon sa magkaibigan at sa pagbayad ko sa pagsakay ko sa Tricycle?"

"Hindi ko alam, gusto ko lang magbayad."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status