Friday na at ngayon ang gig ng banda ni Apollo sa isang sikat na restobar kaya napagdesisyunan kong pumunta at manood.
Hindi na ako naihatid kagabi ni Ares dahil nagmadali akong bumalik sa sasakyan bago pa man siya makabalik sa sala galing sa paghatid kay Mia sa kwarto nito. I know he was real pissed. He called Apollo, asking if I got home safe and sound.
I'm wearing a white crop top with a print "not your baby" paired with dark blue high waisted jeans and a pair of white sneakers.
Habang hinihintay ang pagtugtog nina Apollo, naisipan kong magchat sa group chat namin ng mga kaibigan ko para ayain silang manood sa gig ng kakambal ko.
Natawa ako nang makita ang group name ng group chat namin. ‘Mi amigas na demonyitas’. Parang tanga talaga ‘tong si Hera. Siya ang nakaisip ng group name na ‘to, eh.
Me:
Yo. I'm at Contri to watch my brother's gig. Do you guys wanna come and watch?
Agad naman akong nakareceive ng reply mula sa kanila.
Magui:
Sure! I'm on my way.
Lian:
Busy ako pero sige, para kay Apollo bebe quoh, pupunta ako!
Me:
Hoy, Alliana, ha! 'Wag ang kapatid ko. Sasaktan ka lang no'n! HAHAHAHAHA
Lian:
Gaga ka talaga, teh 😂
Nakita kong nag-seen si Hera kaya tinanong ko na rin siya.
Me:
Ikaw, Hera? Pupunta ka ba?
Hera:
Hindi 'ko sure, beh. Baka pagalitan ako ng jowa ko.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Huh? Ba't naman siya mapapagalitan? Tatay niya ba jowa niya?
Me:
'Di 'yan. Magpaalam ka lang ng maayos. Kasama mo naman kaming mga kaibigan mo kaya anong mali roon?
Hera:
Ewan ko rin ba sa lalaking yun. Hindi niya ako pinapayagang maggala minsan.
Me:
Sige, huwag ka mag-alala, ako magpapaalam sa kaniya para sa'yo.
Inexit ko ang group chat namin at hinanap ang pangalan ng jowa ni Hera sa f******k.
Me:
Hi, Zeus? You're Hera's boyfriend, right?
Zeus:
Hi. Yes. Why?
Me:
Gusto ko lang sanang ipagpaalam si Hera. Manonood kami ng gig ng banda ng kapatid ko dito sa Contri. Ayos lang ba?
Zeus:
Sige lang. Ingat.
Halos mapatalon ako sa tuwa at agad chinat si Hera. Nagsend muna ako sa kaniya ng photo mula sa pag-uusap namin ni Zeus para ipakita sa kaniya na ayos na.
Me:
Screenshot 'yan ng convo namin ni Zeus. Payag na jowa mo dai! Kaya bilisan mo at magbihis ka na!
Hera:
Hala bhie! Di mo naman kailangang gawin pero thank you! Omg, makakalabas na din ako ng bahay, sa wakas!!
Me:
You're always welcome, Hera. Kaya bilisan mo na d'yan at baka magbago pa isip niya!
Hera:
Sige wait
Muntik na 'kong mapatalon nang maramdaman kong may umakbay sa balikat ko.
"Hi, Athena!" Bati niya.
Agad akong napangiti at malambing siyang niyakap.
"Harry! Ang tagal na nating hindi nagkikita, ah?" Tawa ko bago kumalas sa yakap.
Natawa rin siya. "Sira. Kakakita lang natin noong isang araw, ah."
"Si Hera, pupunta 'yon dito ngayon. Manonood sa gig niyo." Ngumiti ako.
"Oh? Buti pinayagan siya ni Zeus?" Nagtatakang tanong niya. “Hindi ko talaga gusto ang lalaking ‘yon para sa kapatid ko pero sadyang matigas talaga ang ulo ni Hera. Ayaw niyang iwanan.” Disappointed na sambit niya.
"Ah, oo, ako na ang nagpaalam kay Zeus para sa kapatid mo." Saad ko. “T’saka tama ka, Harry. Malakas ang pakiramdam ko na walang magandang dulot ang lalaking ‘yon kay Hera pero wala naman akong magawa, ayaw kong pigilan si Hera sa kahit anong gusto niya. Sana lang alam niya ang ginagawa niya.” Buntong-hininga ko.
Ngumiti na lang si Harry at muli akong niyakap ng pagkahigpit.
"Thanks, by the way. The best ka talaga. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita dahil sa busy nga ako tapos siya nama'y nakatira na sa condo ng boyfriend niya." He sighed exasperatedly.
Si Hardin Rye o mas kilala bilang Harry ay kapatid ng best friend kong si Hera. Harry is also Apollo's friend, and is also a part of my brother's band, The Phantasmagoric.
Sa lahat ng kaibigan ni Apollo, siya lang ang pinakaclose ko. He's the first guy na nireto sa akin ni Apollo. The first guy I dated, the first boy bestfriend I had na hindi ko kadugo, and he is also the reason why I became friends with Hera.
Apollo first met Hera. They were classmates way back in pre-school. And they became friends in an instant. I really don’t know the whole story of how exactly they became friends kasi nasa kabilang section ako noon, na hindi matanggap ni Apollo. Then Apollo also met Harry. Siguro when he fetched Hera from school. Tapos ay naging magkaibigan sila.
I didn't pay attention to Harry back then, I was the type of kid who’s not aware of her surroundings.
But then the siblings always go to our house. That's when I became friends with Hera.
Noong nag third year high school kami, doon na namin nakilala sina Marguerite at Alliana. Classmates kaming apat at naging magkagrupo sa isang subject for the whole semester.
Nang tumungtong ako ng first year college, biglang nireto sa akin ni Apollo si Harry. He set up our date. Ewan ko ba sa isang 'yon at anong trip no'n sa buhay.
At doon na kami nagsimulang maging close ni Harry.
But Harry and I both agreed na friendly date lang ang nangyari sa amin noon since we both don't like each other romantically. What we only have is a platonic relationship. Parang kapatid lang ang turingan namin sa isa't isa. Kaya nga laging nagseselos si Apollo kay Harry. Bakit raw ako laging nakadikit doon at hindi sa kaniyang tunay na kapatid ko? Kakambal ko pa raw siya, magkadugo kaming tunay. Pero bakit raw may iba pa akong itinuturing na kapatid? Hindi raw ba ako kuntento sa kaniya? Binatukan ko nga para magtigil sa kadramahan niya. Biniro ko pa siya na ganituhin niya rin si Hera para kunwari ay nag-switch siblings kami pero namula lang siya tas biglang natigilan at nagalit pagkatapos ay nagwalk-out. Weirdo.
'Di nagtagal ay nagsidatingan na rin ang iba pa nilang mga ka-banda. Dumiretso sila sa isang pribadong VIP room para siguro pag-usapan ang mangyayari mamaya. Nag-paalam muna si Harry sa'kin bago sumunod sa mga kaibigan.
Halos sabay lang pala silang dumating ng mga kaibigan ko. Hinahatid ko pa ng tingin ang banda nang mahagip ng tingin ko ang direksyon nina Lian na palinga-linga sa paligid.
"Mags! Lian!" Tawag ko sa atensyon ng dalawa. Agad naman nilang nakita ang pwesto ko at naglakad palapit.
"Nasaan si Hera?" Bungad na tanong ko.
"Nagpaparking pa." Sagot ni Magui at naupo sa tabi ko.
"Sa kaniya kasi kami sumabay, girl. Sobrang natuwa kasi si gaga kasi pinayagan siya ng jowa niyang may ubo sa utak na gumala. Kaya naisipan niyang isabay kami ni Mags." Paliwanag ni Lian na nakaupo sa katabing upuan ni Magui.
Tumango-tango ako.
"Anong oras raw ba sila tutugtog?" Excited na tanong ni Lian.
"Mamayang 6:30."
"Ayos! 6:25 pm na. Nakakaexcite!" Sabi naman ni Mags.
Maya-maya ay dumating na si Hera at humalik sa pisngi ko bago naupo sa katabing upuan ko sa kabila.
"Nahaggard ako sa parking, mga teh! May nakaagaw ako ng pwesto. Ugh, kairita." Bungad niya.
"Anong sasakyan ba 'yan at nang ma-butasan natin ang mga gulong mamaya?” Hirit ni Magui.
"Basta blue na Subaru, beh!" Sagot ni Hera.
Natigilan ako. Hindi kaya kay Apollo iyon? Wala pa kasi siya dito tapos ganoon rin ang sasakyan niya. Pero posible ring hindi. Hindi lang naman siya ang nagmamay-ari ng blue na Subaru dito, eh. T’saka baka kanina pa siya dumating, hindi ko lang napansin. Hindi kasi kami sabay na nagpunta dito.
Nanahimik na kami sa table namin nang makitang umakyat na ang banda nila sa mini stage ng restobar.
"Good evening, Contrivance!" Bati ni Harry na siyang main vocalist at rhythm guitarist ng banda.
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng restobar.
"Shet! Baka kapatid ko ‘yarn?!" S'yempre, hindi nagpahuli sa pagtili si Hera.
Nakita namin ang bahagyang pagngiti ni Harry. Marahil ay narinig ang sigaw ng nakababatang kapatid.
"May I introduce to you, The Phantasmagoric band! I am Harry, the main vocalist and rhythm guitarist of the band." Tinuro niya ang sarili niya at bahagyang nangiti.
"Proud sister here!" Pagtitili ni Hera.
Sunod niyang tinuro si Apollo. "This guy right here is my man, Apollo! The drummer and lead vocalist of the band." Apollo winked that made the crowd go wild. Even my friends can't help but scream at the top of their lungs!
Ano 'to, concert? Gig 'to! Gig!
Pero dahil kakambal ko 'yon, 'di rin ako nagpahuli sa pagtili.
"Go mansanas! Sana hindi masarap ulam mo!" Hiyaw ko.
Agad niyang nahanap ang kinaroroonan ko at inirapan ako. Natawa na lang kami ng mga kaibigan ko.
Inakbayan naman ni Harry ang kabandang malapit lang sa kaniya. "This is Kiel, our lead guitarist."
Naglakad siya palapit sa dalawa pang kaibigan. "And these are June and Klien, our pianist and bass guitarist!"
"Ang pogi nung June, puta!" Tili ni Lian.
Muli ay naglakad siya papunta sa harapan.
"That's all for our band members. I hope you guys would enjoy our performance tonight." Ngumiti siya at bigla na namang naghiyawan ang crowd.
"Putangina! Nakakalaglag panty ang ngiti niya!" Sigaw ni Magui na agad ko namang tinakpan ang bibig.
I could feel the secondhand embarrassment!
The whole Contrivance restobar was filled with a lot of people. Sobrang dami ng crowd na animo'y may concert na nagaganap sa loob. May iba nang nakatayo na lang sa loob dahil sobrang puno na talaga, wala nang available seats at tables. Ang iba naman ay nasa labas na lang nanonood kasi sobrang crowded na sa loob.
Sinenyasan ni Kiel si Apollo na magbilang bago magsimulang tumugtog.
Apollo clashed his drumsticks together three times before Harry started strumming on his guitar.
"If I give up on you, I give up on me
If we fight what's true, will we ever be
Even God himself and the faith I knew
It shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you"
Sobrang ganda talaga ng boses ni Harry. Hindi sila nagkamaling gawin siyang main vocalist ng banda.
Alam mo ‘yon? ‘Yung tipong ‘pag kakanta na siya, parang mahihipnotismo ka at mawawala sa sarili? Ganoon ang epekto niya, e. Effective siyang singer dahil pulido siya kung kumanta. May raspiness at huskiness ka mang maririnig sa boses niya, pero hindi iyon isang bagay na makakapagpa-disappoint sa’yo. Lalo ka lang mapapahanga sa galing niya.
"Tease me, by holding out your hand
Then leave me, or take me as i am
And live our lives, stigmatized, yeah"
Nakakahanga na nga ang kapogian at katalinuhan niya, mas lalo ka pang hahanga sa oras na maririnig mo ang boses niya.
Bakit kaya hindi ganito kaganda ang boses ni Hera? Para siyang gitara na wala sa tono tuwing nagkakantahan kami, e.
I chuckled to myself because of the funny thoughts running inside my head.
"I can feel the blood rushing through my veins
When i hear your voice, driving me insane
Hour after hour, day after day
Every lonely night that i sit and pray"
Tuwang tuwa ang crowd sa performance nila. Nagsesway na nga ang iba. Ang iba'y iwinawagayway na ang kamay at dinadama ang kanta.
Hindi rin kami nagpahuli ng mga kaibigan ko. We were swaying to our heart's content.
Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang kanta habang mahina itong sinasabayan.
"Tease me, by holding out your hand
Then leave me, or take me as i am
And live our lives, stigmatized, wooh yeah yeyeah
We live our lives on different sides,
But we keep together you and I
Just live our lives, stigmatized"
Bigay na bigay talaga sila sa performance nila ngayong gabi. Akala mo 'e nagcoconcert. 'Di na ako magtataka kung may agency o music label na gustong kumuha sa kanila simula ngayong gabi. Grabe na ang audience impact, malupit pa ang performance! Tapos the looks, girl! Plus A!
"We'll live our lives,
We'll take the punches everyday"
Hindi ko maiwasang mapaisip kung paano na lang at may agency na gusto silang kuhanin? I know they're musically-inclined and they're passionate of what they're doing pero ang alam ko kasi ay may iba pang pangarap ang mga ito maliban sa pagperform at paggawa ng musika.
"We'll live our lives I know we're gonna find our way
I believe in you
Even if no one understands
I believe in you, and i don't really give a damn
If we're stigmatized"
Maliit lang ang kinikita nila sa pa-gig-gig lang kaya alam kong kung gusto talaga nilang i-pursue ang love for music nila, they’ll have to accept big offers from music companies. It’s not easy. Some of them want to perform for fun but I know some of them take what they're doing seriously. Especially if their liife depended on it, literally.
"We live our lives on different sides
But we keep together you and I
We live our lives on different sides
We gotta live our lives
Gotta live our lives
Were gonna live our lives"
A time will come and they will go on their separate lives. Just like the lyrics of the song, we’ll live our lives on different sides. Hindi naman din pwede na manatili sila sa pa-ganito lang kung namomroblema talaga sila financially. But that won't hinder the friendship they built whilst performing for others.
I saw it in my own two eyes how these boys bond. And I hope one day, when they already crossed different paths, they won't forget to look back from where they came from, where it all began.
"We're gonna live our lives,
Gonna live our lives, yeah
Stigmatized"
Nabalik lang ako sa huwisyo nang maghiyawan ang mga tao hudyat na tapos na ang kanta. Hindi ko man lang napansin. Masyado ko ngang dinama ang kanta at lumalim ang iniisip ko sa kung anong mangyayari sa kanila sa hinaharap.
Nang lumingon akong muli sa mini stage, habol habol ng mga lalaki ang mga hininga nila matapos ang nakakabaliw nilang performance na iyon.
"That's it for our first song, everyone!"
Naghiyawang muli ang crowd nang malamang first song pa lang pala 'yon.
"We'll have a five-minute break before we proceed to the next song. Thank you!"
Hindi nangyari ang gusto ko.Nalaman ni Daddylo ang nangyari sa pagitan namin ni Ate Ashlyn kaya't wala na akong nagawa ng inutusan niya ang kambal kong i-uwi ako sa manoir. He was so mad and afraid at the same time that something would happen to me and the baby inside my womb.Mabilis akong inalis ni Apollo sa lugar na iyon kahit na halos mamatay na ako sa pagmamakaawa na payagan akong makita si Ares, pero hindi sila nakinig sa akin.Hindi ko man lang nasilayan si Ares kahit sa huling pagkakataon man lang sana."Athena,"Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Apollo. Wala akong ibang ginawa kun'di ang tahimik ma umiyak habang nakahiga sa kama ko. I heard him sigh.Wala ni isa sa amin ang binigyan ng pagkakataong makita si Ares. Walang De Bonnevie ang pinayagan ni Ate Ashlyn na masilayan ang kapatid niya. I'm hurting but I surely know that Apollo's hurting
“W-What..”Binigyan kami ni Mrs. Lynn Mansueto ng isang mabining ngiti.“Buhay ang kapatid ninyo, Athena. Hindi siya kailanman binawi sa atin ng Diyos.”Natakpan ko ang bibig ko sa gulat. Huwag mong sabihin sa akin na nagsinungaling si Tita Solene sa amin?“I-Imposible po iyan.. Ang sabi sa amin ni Tita Solene ay.. wala na ang kapatid namin..” Umiling-iling ako, hindi makapaniwala sa isiniwalat ng mag-asawa sa harapan namin ng kakambal ko.Umiling naman si Mr. Anton, “Iyon din ang akala niya, Athena. Akala niya ay namatay ang anak niya kay Apollonius. Pero hindi. Dahil ang totoo, buhay na buhay ang anak nila. Sayang nga lang at hindi nalaman ni Solene ang katotohanan bago pa man siya binawian ng buhay..” Malungkot na aniya.“Paano po naging posible iyon? How come she didn't have an idea that her own child
The next few days weren't fine at all. It’s been exactly three weeks since I left the Philippines for a stress-free pregnancy here in France. Walang araw na hindi ko sila namimiss. Araw-araw, gabi-gabi akong nangungulila sa kanila.. lalong lalo na kay Ares.There are nights where I just stare at the ceiling and overthink things. Then I’ll start crying, remembering all that has happened in my life. I can’t help but scroll on my gallery and look for my photos with Ares. Walang kwenta ang pagpunta ko rito sa France para malayo sa stress dahil nas-stress pa rin naman ako.To be honest, things are not going well with me but I am trying my best to be better. I always flash a smile like always, like before. Like I wasn't even affected at all. But deep inside, I am dying. But I am trying to be strong for the people around m
Tahimik lang ako sa buong biyahe papuntang airport. Isang pribadong jet plane na pag-aari ni Uncle Max ang sasakyan namin ni Apollo at Kuya Ryden papuntang France. Kasama namin si Kuya Ry dahil may kailangan siyang asikasuhin sa business ng mommy niya doon sa France. He’ll go on a business trip, I think. Clothing line ang negosyo nila ngunit kahit na lalaki siya at isang abogado, bihasa na siya sa negosyo nilang iyon. Bago pa man siya naging ganap na abogado ay siya na ang minsang naghahandle ng business ni Tita Amora. Pero siguro pagka-graduate ni Mari ay magfofocus na lang siya sa law firm nila, since interesado naman ang dalagitang iyon sa business nilang clothing line. “I’ll stay in France for one to two weeks. Or more, probably. Yes. Send me the details. I may be on a business trip but I can still work on it, Attorney.” Rini
I’m.. what? “Pardon?” Wala sa sariling sambit ko. “You are pregnant, Miss Athena. That is why you should stay healthy and avoid the things that would stress you out, lalo na ngayon na nagdadalang-tao ka. Hindi na lang ang sarili mo ang kailangan mong alagaan because you're bearing your child.” I’m.. pregnant? “Good thing at maaga nating nalaman ang pagbubuntis mo. Sa ngayon, hindi pa visible ang baby bump mo since three weeks pa lang naman. But by ten weeks, magiging halata na ang umbok sa tiyan mo.” She added in a happy tone. “By the first trimester of your pregnancy, you’ll feel nauseous and even vomit, or what we call morning sickness. Other sy
Hindi ko inalintana ang sasabihin ng pamilya ko at kaagad na tumakbo papuntang garahe para magmaneho patungo sa ospital. Shit! This is what I'm saying. Kaya pala kanina pa ako hindi mapakali. I should've listened to my guts. Dapat hindi muna namin sila pinaalis gayong masama ang panahon. Tita Solene, Tito Andréz, Asher, Ares, and Artemia were all inside that car. And I don't know what to do anymore! Ang sabi ng kapatid ko ay kritikal ang kondisyon nilang lahat. Oh my God. This is all our fault. Especially mine, kung sana lang hindi ako nagpadala sa emosyon ko, kung sana lang pinagana ko ang kabutihan ko, I shouldn't have let them leave the village even when the rain is pouring hard. Dapat ay pinakiusapan ko sina Dad na kahit patuluyin muna sila sa kabilang mga bahay tu