Alpha Nikolai

Alpha Nikolai

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-01-17
Oleh:  JoyceeBaru saja diperbarui
Bahasa: English
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
9Bab
219Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

“Let me make this clear, omega.” The way he said it —omega— like filth. “You were a test. Nothing more." *** Celia Heartwood was the weakest omega, never meant to touch an Alpha’s world. Yet Nikolai Rydor’s wolf wanted only her. But Nikolai refuses to believe the mate bond could ever point to someone like her. A one night with Celia is supposed to silence his wolf… and it almost does. Until she vanishes before sunrise. Now the Alpha who never cared for an omega is ready to hunt the world for the mate he tried to reject…

Lihat lebih banyak

Bab 1

Runaway Omega

”Paano ang suwail na babae na iyon? Humingi na ba siya ng awa?” Umalingawngaw na parang kulog sa malaking villa ang mga tanong ng tatay ko.

Ang butler na si Alfred Donald ay sumagot na may nanginginig na boses, “Sir, hindi pa lumalabas si Ms. Xavier.”

Sa pagitan ng mga daliri ng taty ko ay isang tabako, at saglit siyang tumigil sa kanyang pagkilos. “Pinalaki ko siya sa layaw. Kaya naman naging pasaway siya. Ang lakas ng loob niyang ikulong si Rosie sa kotse? Dapat natin siyang parusahan nang kaunti.”

Hindi nakatiis si Alfred at sinabing, “Pero mahigit 104 degrees sa labas. Sobrang init sa kotse. Baka si Ms. Xavier...”

“Ha, mainit? Gusto kong maramdaman niya ang init. Tingnan natin kung pakikitunguhan niya ulit nang ganoon si Rosie. Kapag naramdaman na niya ang init ng sasakyan ay saka lang siya titigil sa paggawa mga ganoong bagay.” Walang pakialam ang boses ng tatay ko na para bang nakalimutan na niya na pitong araw akong nakakulong sa trunk.

Sinubukan pang magsalita ni Alfred, ngunit naiinip na naputol ang tatay ko “Tama na. Sa tingin mo ba walang palihim na nagpapadala sa kanya ng pagkain? Ayos lang siya. Hindi siya mamamatay.”

Nang marinig ko iyon, hindi ko napigilang tumawa, pero walang nakakarinig sa akin. Ito ay dahil patay na ako. Namatay ako apat na araw na ang nakakaraan. Simula noon, ang kaluluwa ko ay sumusunod sa tatay ko.

“Mr. Xavier, huwag ka nang magalit. Palabasin ninyo na si Blake. Ang init-init sa labas. Siguradong naghihirap siya,” sabi ni Rosie Sutherland mula sa itaas nang lumabas siya mula sa dati kong kwarto na nakasuot ng purong puting pantulog.

Agad na lumambot ang ekspresyon ng tatay ko, na nagpapakita ng lambing na kailanman hindi ko pa nakita.

Bumaba si Rosie at umupo sa tabi niya, mukhang inosente at elegante.

“‘Wag mo siyang pansinin. Masyado ka lang mabait. Ikinulong ka niya sa kotse at naging sanhi ng pagkahimatay mo sa heatstroke. Karapat-dapat sa kanya ang kaunting parusa.” Nagyeyelo ang mga mata ng tatay ko na para bang kaaway ang pinag-uusapan nang banggitin niya ako.

Pero bakit? Hindi ba ako ang kanyang anak?

Pumasok si Alfred sa kusina ng villa habang tahimik na bumubulong sa sarili, “Imbes na alagaan niya ang sarili niyang anak, pinapaboran niya ang iba.”

“Mr. Xavier, napakabait ninyo. Kung ikaw lang sana ang tunay kong tatay.” Bahagyang napahikbi si Rosie habang nakasandal sa balikat ng tatay ko.

Sagot ng tatay ko, “Ineng, ako ang magiging tatay mo kung gusto mo.”

“Rosie, malaki ka na. Bakit parang bata ka pa rin na spoiled?” sabi ng isang babae habang sumusulpot. Si Queenie Sutherland iyon—ang mahal ng tatay ko.

Bago siya nagpakita, inakala ko na ang nanay ko ay ang babaeng pinakamamahal ng tatay ko. Gayunpaman, nagbago ang lahat nang yumao ang nanay ko.

Hanggang ngayon, medyo nagpapasalamat ako na pumanaw ang nanay ko dahil sa sakit at hindi nakita ang walang pusong bahagi ng lalaking buong buhay niyang minahal. Akala ko makikita ko na siya agad. Kahit na magkaroon ako ng isa pang pagkakataon sa buhay, hindi ko na gugustuhing maging anak muli ng tatay ko.

“Richard, sapat na ang maliit na parusa. Anak mo pa rin si Blake.” sabi ni Queenie.

Ang mag-ina ay inulit ang sinabi ng isa’t isa, ginagawa ang lahat upang magmukhang mabait. Gayunpaman, hindi nila ako papanooring nakakulong sa trunk na iyon ng pitong buong araw at gabi kung talagang mabait sila.

Ang mas nakakabaliw ay ang kotse ay regalo sa kaarawan ng tatay ko. Ngayon, ito na ang naging huling hantungan ko.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Tidak ada komentar
9 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status