Share

Kabanata 3: GINTO

"Apo, sigurado ka ba na kaya mo na iyan? Baka mapahamak ka sa daan" kumportable na akln nakaupo sa driver's seat ng sasakyan ko nang biglang lumitaw ang pigura ni lolo sa bintana at sa likod niya ay si lola. Kahapon lang binili ang sasakyang ito. Binilhan ako nila lolo at lola nang sarili kong sasakyan para hindi na ako mahirapan sumakay pauwi at pumunta sa kung saan ko man naisin. Gusto ko na kasin gamitin agad itong sasakyan para mabilis akong masanay na manehuhkn ito. Limang araw ko na ring pinagpapraktisan ang kotse ni lolo kaya tingin ko ay kaya ko na.

"Kaya ko po ito, lolo. Mag-iisang linggo na akong nag-eensayo ng pagmamaneho. Medyo gamay ko na ito. Hindi naman sobrang layo ng bayan, nasa kalahating oras lang naman ang biyahe papunta sa bayan. Kaya ko na ito, lolo, lola. Huwag na po kayong mag-alala" alam kong papayagan nila ako, talagang nag-aalala lang sila kaya medyo nagdadalawang isip sila pero alam kong sa huli, pagbibigyan pa rin nila ako. Tinignan ko sila, halatang nag-aalala sila para sa kaligtasan kom ito kasi ang unang beses na mah-isa ako sa kotse habang minamaneho ito. Lagi kasing nakaantabay sa akin si lolo noong mga nakaraang araw, ilang beses ding sumama sa amkn si Quenly kaya ngayon ay labis ang pag-aalala nila. Kahit ako rin ay nakakaramdam ng kauntkng kaba pero naisip ko kasj kjng palagi akong magpapakampange dahil may kasama ako, matatagalan bago ko mabuo ang confidence ko sa pagmamaneho.

"Nag-aalala lang naman kamo ng lola mo, hija. O siya sige! Lumakad ka na. Mag-iingat ka, dahan-dahan sa pagmamaneho" wala pa akong lisensya dahil ilang araw pa lang akong nag-eensayong mag drive pero baka sa susunod na linggo ay kumuha na ako ng lisensya. Hindi naman kasi puwedeng basta-basta na lang ako magmaneho nang walang lisensya.

Nakabukas na ang gate bago pa ako pumasok sa kotse, ngumiti ako kanila lolo at lola bago nagpaalam sa kanila. Nangako ako sa kanila na mag-iingat ako. Ini-start ko na ang sasakyan at nagsimula nang imaniobra palabas ng gate.

Nasa dalampung minuto ang itatagal para makababa sa bundok na ito, at nasa dalawangpung minuto mula sa paa ng bundok papunta sa bayan. Nasa sampung minuto pa lang ako ng pagmamaneho ngmakaramdam ng yabang sa sarili at dahil na rin walang ibang sasakyan na dumadaan dito, inapakan ko ang gas kaya medyo bumilis ang takbo ng sasakyan. Hindi rin nagtagal nang napalitan ng takot ang yabang na nararamdaman ko.

Sapilitan kong inihinto ang sasakyan nang may mabunggong... aso? Inapakan ko ng madiin ang break nang may mabanggang napakalakkng aso. Bago pa maproseso ang nangyafi sa utak ko, nakita klng tumakbo sa kakahuyan ang aso. Hindi ko alam kung dapat ba akong bumaba para tignan ang lagay ng aso o kung ano mang hayop na nabangga ko. Natakot ako na baka isa iyong wild animal na pagala-gala sa kagubatan. Sa huli, napagpasiyahan ko na lang na ipagsasal na sana ay maayos lang ang lagay ng aso. Sasabihin ko rin kanila lolo na subukang hanapin yung aso para matignan ang kalagayan nito.

Nang makarating sa bayan, pumunta ako sa isang grocery oara bumili ng mga kakailanganin ko para mag-bake pagkatapos ay dumaan ako sa isang animal's clinic para bumili ng gamot para sa nabangga kong aso kanina.

Medyo nagmamadali ako nang nag-drive pabalik sa bahay, magmamadali pero siniguraro kong maingat pa rin ang pagmamaneho ko, ayaw ko namang muling makabundol ng hayop na bigla na lang sumusulpot sa daan. Nang marating ko ang lugar kung saan ko nabangga yung aso, itinigil ko ang sasakyan sa gitna nang daan, tiwala akong walang dadaang sasakyan kaya ayos lang kung hindi ko na itatabi. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan bitbit ang mga gamot na binili ko sa bayan.

Naglakad ako papasok sa kakahuyan, nagbabakasakalimg makita ang asong nabangga ko kanina. Base sa pagkakaalala ko, kulay itim ang malaking aso at mabalahibo, purong kulay itim ang balahibo ng aso. ilang minuto na din akong naghahanap dito sa kakahuyan ag medyo malayk na ako sa kalsada. Gusto ko na sanang bumalik pero may kung anong nag-uudyok sa akin na magpatuloy sa paghahanap, marahil ay 'guilt' iyon.

Kahit kasi hindi ko naman sinasadya ang nangyari, sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Dahil sa hindi pagiging alerto, nabangga ko tuloy ang aso. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mabibigat na paghinga. Halatang nahihirapang huminga ang kung sino man na iyon. Sinubukan kong hanapin kung saan nagmumula ang tunog. ilang minuto akong hirap na naghanap hanggang sa unti-unting lumakas ang paghinga, senyales na malapit na ako sa gumagawa ng tunog na iyon. Sumilay ang labis na kaba at gakot sa aking dibdib. Takot sa posibilidad na isang masamang loob ang makita ko at kaba sa posibilidad na ang aso nga ang gumagawa ng ingay na iyon at maaaring nasa masamang kalagayan ito. Napadasal ako sa isip na sana ay ayos lang ang aso at wala itong malalang sugat.

Nakita ko nga ang aso na nakahandusay sa lupa, dahil sa itim na balahibo nito ay hindi ko makita kung nagdudugo ba ang sugat na nakikita ko, pero malamang sa malamang ay nagdudugo nga iyon. Sobrang laki talaga ng aso, kasing laki ko na yata ito.

Nakita kong gumalaw ang mata nito at lumingon sa kinaroroonan ko. Naging banayad din ang paghinga nang aso, naging kalmado ang aso na kanina ay halos umiyak na. Siguro ay nararamdaman niya na hindi ko siya sasaktan. Lumapit ako ng tuluyan sa kinalalagyan ng aso, hinawakan ko ang kaliwang paa nito sa unahan, kung saan may sugat. Hindi malalim ang sugat ng aso kaya sa tingin ko ay sapat na ang mga gamot na binili ko.

Ginamot ko ang aso, nakikita ko pang napapangiwi ang aso tuwing dadampian ko ng gamot ang sugat nito, nasasaktan siguro. Nilagyan ko din ng gasa ang sugat para hindi maimpeksyon. Baka kasi malasukan ng dumi kapag nagsususuot siha sa kung saan-saan.

"Ayos ka na. Sorry nga pala kasi nabangga kita, first time kp kasing mag-drive nang walang kasama. Sorry talaga!" umalulong ang aso. Hindi ko ala kung naong ibig sabihkn niya sa alulkng na iyon pero mukha namang napatawad na niya ako. Hindi naman kask siya mjkhang galit o mananakmal. Pinadaanan ko ng kamay ko anb napakalambot niyang balahiblo. Lalong umamo ang mukha ng aso, batid kong nagustuhan niya ang ginawa ko. Nakangiti lang ako habang patuloy na hinahaplos ang balahibo nito.

"Ang lambot ng balahibo mo! Parang araw-araw na sinusuklayan. Mayroon bang may-ari sayo? Alaga ka ba ng kung sino? Sino kayang may-ari sayo? Hinahanap mo ba sila?" kung may makakakakita lang sa akin na kinakausap itong aso, malamang isipin nila na nababaliw na ako. Natawa ako dahil na-imagine ko ang sarili ko na pinagkakamalang baliw. Tumagilid ang ulo ng aso na ngayon ag nakatayo na. Nagtataka siguro siya kung bakit ako tumatawa. Maayos naman na nakatayo ang aso kaya siguro okay na siya. Na-realize ko din na talagang malaki pala siya. Tinignan ko sa mata ang aso at nagulat ng makitang kulay gold ang mga mata niya. May aso bang kulay gold ang mata? Naka contact lens ba siya? Imposible naman yata yun. Gold yata talaga ang mata niya.

Tumayo na ako at niligpit ang mga kalat na ginawa ko. Kumaway ako sa aso na ngayon ay umiiyak, ayaw niha pa siguro akong umalis. Pero aabutan na ako ng dilim kung magtatagal pa ako. Medyo malayo din ang nilakad ko kaya baka mawala ako kung gagabihin dito. Bago tuluyang lumayo, nilingon ko ang aso na nakaykngin sa akin, kumaway akong muli sa kanya bago tumalikod at tukuyang umalis sa lugar.

Laking pasalamat ko nang hindi maligaw sa gubat, ilang minuto lang ay nahanap ko din ang daan. Wala naman akong nakita o naramdamang kakaiba kaya pumasok na ako sa kotse. Ngayon ko lang din na-realize na iniwan ko pala hung susi sa loob. Buti na lang talaga sobrang dalang pumunta ng ibang tao dito. Kung nagkataon, baka manakawan pa ako ng kotse dahil sa kapabayaan ko.

Nang makarating sa bahay ay nakaramdam ako ng pagod, inayos ni lola ang mga pinamili, nagpumilit siyang siya na ang gagawa nun kaya hknayaan ko na siha. Dumiretso na ako kuwarto at kinuha ang iPad. Nanood ako ng anime movie na 'Princess Mononoke' nang matapos ay nag siesta ako at nagising nang maghahapunan na.

Tumulong ako sa paghahanda ng hapag, nakahanda sa hapag ang pininyahang manok at beef steak. Sa kalagitnaan ng hapunan, naisipan kong ikuwento kanila lolo at lola ang nangyari kanina. Naisip ko kasi na maaaring mahanap nila kung sakali mang mayrokoon palang nag mamay-ari sa aso kanina. Dapat pala dinala ko na lang ang aso dito sa bahay, para mas mapadali ang lahat.

"Lolo, lola, kanina may nabunggo po-" naputol ang dapat kong sasabihin ng napasigaw si lola. Base sa reaksyon nilang dalawa ni lolo, mukhang mali ang pagkakaintindi nila, dapat kasi patapusin muna nila ako sa pagsasalita. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa utak nila.

"Hija! Hindi ba't mahigpit naming bilin na mag-iingat ka sa pagmamaneho? Tumayo ka na diya at bisitahin natim ang nabangga mo" sigaw ni lola na parang sigurado na siyang may nabangga akong tao at kritikal ang lagay nito.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Saan ka kumuha ng lakas ng loob na matulog at ipagpaliban ang diskusyong ito?" hindi man nakasigaw ay medyo mataas pa rin ang boses ni lolo. Gusto kong matawa dahil sa mga reaksyon nila pero masyadong silang seryoso kaya hindi ko na lang ginawa.

Nakatayo na silang pareho at handa nang umareglo sa nabunggo ko. Halos hilain na rin nila ako, patayo sa kinauupuan ko. Napabuntong hininga na lang ako at sinubukan silang pakalmahin. OA talaga sila lolo at lola, minsan ay natatawa na lang ako pero madalas ay mas kailangan kong mag seryoso.

"Hindi po! Mali po kayo ng pagkakaintindi. Kumalma lang po kayo, lolo, lola"

"Hay naku, hija! Diretsuhin mo na kami, ano ba talaga ang nangyari?" umupo na silang dalawa at parehong nagpapaypay ng sarili gamit ang kamay. Naka-aircon kami sa bahay pero dahil tumaas yata ang altapresyon nila ay pinagpapawisan sila.

"Ganito po kasi ang nangyari..." tumahimik silang dalawa at nakinig sa sinasabi ko. "...medyo binilisan ko po kasi ang takbo ng kotse--" sa ikalawang pagkakataon ay naputol ang sinasabi ko dahil sa pagsingit ni lola.

"Bakit mo naman kask binilisan, apo! Wala ka pang lisensya at hindi pa gaanong marunong!" nag side comment na naman si lola kaya hindi ko matapos-tapks ang kuwento.

"Oo nga naman hija, gusto mo bang i-enroll ka namkn sa driving lesson para mas sigurado tayo?" at siyempre, susunod ang side comment ni lolo. Bagay nga talaga silang dalawa.

"Hindi na po kailangan, lolo. Hindi ko naman po sobrang binilisan, sakto pa rin naman po. Tumakbo kasi yung aso patawid sa daan, mabilis po ang takbo ng aso kaya hindi ko inaasahan. Nakapagpreno po ako pero tinamaan ko po siya sa kaliwang paa niya sa harap, nagkaroon siya ng maliit na sugat. Bumili po ako ng gamot sa bayan, hinanap ko po siya bago umuwi, nakita ko naman po siya at ginamot ko po yung sugat niya. Mukhang okay na naman po yung aso" nang matapos ang kuwento ay nag-iba ang emosyon nila lolo at lola. Mukhang naawa sila sa sinapit ng aso.

"Sana ay dinala mo dito hija, isasauli naman natin kung mayroong may-ari sa kanya" naisip ko din naman yun, pero nasa bahay na ako nang maisip yun ag malaki ang tyansa na wala na yung aso sa kung saan ko siya iniwan.

"Oo nga naman hija, sana ay inuwi mo muna, para sana mas mapatingnan natin yung lagay niya. Para na rin magkaroon ng kalaro si Minchin kahit saglit lang" pareho kasing mapag-mahal sa mga hayop. Isan dahilan na rin siguro ay dahil pareho silang veterinarian noon pero hkndi na sila nagtatrabaho ngayon. Siguro dahil pareho na silang matanda at maraming pera?

"Kaya nga po eh. Huli na nung na-realize ko na dapat sinama ko na lang yung aso, pauwi" kung babalikan ko ba yung aso ngayon, makikita ko kaya siya? Kawawa naman kasi, baka napano na iyon sa kakahuyan.

"Oh siya, sige. Subukan mong hanapin bukas, para masiguro natin na maayos ang kagay niya" mabuti pa nga. Sana ay mahanap ko pa siya bukas. O kung hindi man, sana ay makauwi na siya sa kanila, yun ay kung may amo siya.

"Opo, lolo! Pero alam niyo po ba, sobrang laki po nung aso. Halos kasing laki ko na po iyon. Sobrang laki po talaga!" nabuhay ang excitement sa katawan ko habang kinukuwento kung gaano kamangha-mangha para sa akin yung aso.

"Normal yun, lalo na kung may lahi yung aso. Baka yung lahi nung aso ay talagang malaki. Hindi mo ba naaalala nung bata ka pa, pumunta tayo sa Baguio kasama ang mama at papa mo, nagpa-picture tayo sa asong malaki. Mas malaki pa nga yata sayo yung aso" naaalala ko nga. Nakita ko iyon sa album namin nang minsan ko itong tignan.

"Pero ang isa pa pong kinamamangha ko, yung mata po nung aso kulay... gold" namamangha kong sabi. Hindi ko talaga mapigilang mamangha sa ganda nung mata ng aso. Para kasingtunay na gold, yung tipong puwede mong ibenta ng pagkamahal-mahal. Para ngang mas maganda pa yung gold na mata nung aso kesa sa mamahaling gold.

"G-gold?" sa hindi ko malamang dahilan, hindi naging tuwid ang pagsasalita ni lolo. Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang pagtitinginan nilang dalawa ni lola.

"Opo lola, nung una nga po akala ko naka suot contact lens yung aso pero wala naman po yatang contact lens para sa aso. Ang ganda po nung mata niya"

Nagtaka ako sa pananahimik nila lolo at lola. Nang tignan ko sila ay parang nagulantang sila sa narinig nila mula sa akin. Nagtataka ko silang tiningnan pero nang ibaling nila ang atensyon nila sa akin, nakaramdam ako ng kaunting kaba.

"Mabangis na aso ang isang iyon hija. Mangako kang hindi ka lalapit sa mga asong iyon"

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Anna Marie Paracale
next chapter please
goodnovel comment avatar
Perez Editha
pls cotinue the story....
goodnovel comment avatar
Kailey May Estrada Benemo
NEXT CHAPTER
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status