Share

Kabanata 2: ROOFTOP

Kinabukasan, laman pa din ng isip ko ang naging reaksyon nila lolo at lola. Kakaiba kasi yung galit na nakita ko sa mga mata nila. Tinanong ko sila kagabi kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila ang sabi nila, nagagalit daw sila dahil kinuha ang kanilang anak sa ganoong paraan, nakakagalit daw kasi ang aksidente, ani pa nila'y yung truck driver ang may kasalanan. Nagagalit daw sila kasi dahil sa kapabayaan ng truck driver, namatay ang mga magulang ko at naging malaki ang epekto ng aksidente sa akin noong bata pa ako. Yun daw ang kinakagalit nila. Naniwala naman ako, kung sa anak at apo ko din yun mangyari, magagalit din ako sa gumawa nun sa kanila. Pero iba ang pakiramdam ko sa galit nila lolo at lola, parang kakaiba, parang meron silang alam na hindi ko alam at yung katotohanan na tinatago nila sa akin ay ang dahilan ng galit nila. Hindi na ako nag tanong pa ulit, hindi ko na din inusisa ang dahilan kung bakit labis na lamang na galit ang nararamdaman nila.

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako. Madalas ay nauunang magising sa akin sila lolo at lola, pero ngayon, ako ang nauna. Alas singko pa lang ng umaga, alas siyete pa ang pasok ko. Pumunta ako sa kusina para magsaing at magluto ng pang umagahan. Naghanda ako ng giniling na baboy at nilagyan ko ito ng carrots at bawang saka ito ipinalaman sa scrambled egg. Nag prito din ako ng hotdog. Kumain na ako at itinabi ang pagkain lara kay lolo at lola. Bumalik ako sa kuwarto ko at nagsimulang gawin ang ritwal.

Matapos maghanda sa pagpasok sa eskwela ay nagpaalam ako sa kanila, paglabas ko kasi ng kuwarto ay nasa kuskna na sila at kumakain. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa at nagmano bago tuluyang umalis. Meron kasing isang tricycle na kinausap si lolo na laging susundo sa akin dito sa bahay. Wala kasing tricycle na dumadaan dito dahil nasa taas na ng bundok. dalawangdaan ang binabayad ko sa tricycle driver, araw-araw. Bali 400 din ang nagagastos ko sa pamasahe araw-araw. Sobrang mahal pero mukha namang walang problema kay lolo at lola ang pera. Kahit noong nabubuhay pa sila mama at papa, hindi rin sila namomroblema sa pera.

Nakarating ako sa school, halos sampung minuto bago magsimula ang klase. Ayaw ko kasong pumasok nang napakaaga, wala naman akong gagawin dito sa school nang ganoon kaaga.

"Hi Ellis!"

"Hi Miss Ellis!"

"Hi Ganda!"

"Good morning Ellis"

"Papansin talaga!"

"Feeling maganda, malandi naman!"

Ilan lang iyan sa narinig ko habang naglalakad ako papunta sa classroom namin. Bakit ba nakatambay pa sila sa pasilyo? Wala talaga silang ibang magawa! Araw-araw na lang ganito, hindi tuloy ako makapag hintay na makapagtapos sa kolehiyo, ilang buwa na lang! January na ngayon, graduation na sa April.

"Ellis! Tignan mo 'to" pagkapasok ko sa room, bago pa man ako makaupo sa upuan ko ay may humarang na sa akin. Pamilyar ang mukha niya dahil kaklase ko siya, pero... hindi ko siya kilala. Napilitan akong tignan ang pinapakita niya sa screen ng cellphone niya, mukha kasing hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko pinapansin ang pinapakita niya.

"3C Hot Issue?" takang tanong ko. Sa pagkakaalam ko ito yung page ng Central Community College na ginawa ng isa sa mga estudyante dito sa school. Ni minsan ay hindi ako naengganyo na gumawa ng f******k account o ano mang seocial media site, kaya hindi ko alam kung ano ba ang laman o usapin sa page na ito.

Binasa ko ang post na kaka-upload lang kagabi.

Si Ellis ay may lahing aswang. Kaya ilap siya sa tao, ayaw niya kasing malaman na aswang siya! Lunurin natin siya sa bawang!

Halos matawa ako sa nakalagay sa post. Medyo nagulat pa nga yung kaklase ko sa naging reaksyon ko. Hinawi ko paalis ang lalaki para makaupo na ako sa upuan ko, ipapakita niya pa sana sa akin ang comments pero nahalata niya sigurong wala akon interes kaya umalis na lang siya.

Ang mga tao talaga, kapag naiiba sa kanila yung isa, pinaparatangan na ng kung anu-ano. Isa din sa dahilan kung bakit ayaw kong makihalubilo sa kanila ay dahil sa ugali nila. Dati ay nagkaroon ako ng kaibigan pero nalaman ko na sa pinag-uusalan nila ako tuwing hindi nila ako kasama.

Kung anu-anong hindi magagandang salita ang sinasabi nila tungkol sa akin, nagpapanggap lang silang kaibigan ko pero ang totoo, ayaw nila sa akin. Simula noon, mas lalo akong naging mailap sa mga tao. Hindi ko kasi alam kung sinong pagkakatiwalaan ko. Kaya imbes na mangamba kung totoo ba ang mga kaibigan ko sa akin, hindi na lang ako nakipag-kaibigan kahit kanino. Naging mailap na nga ako sa tao dahil sa aksidente, ilang taon na ang nakalilipas tapos kung kailan gusto kong buksan ang sarili ko para makipag-kaibigan, ganoon na lang ang mararanasan ko? Kaya mas mabuting huwag na lang, kaya ko namang mag-isa.

'Di rin nagtagal, nagsimula na ang klase. Nag discuss lang ang professor namin tungkol sa bagong lesson, naaral ko na kagabi ang lesson ngayon kaya madali na lang para sa'kin intindihin ang mga tinuturo niya ngayon. Isa sa dahilan kung bakit nagsisipag akong mag-aral ng lesson na kinabukasan pa ituturo ay dahil, madalas akong mabagot sa klase. Minsan hindi na ako nakikinig pero dahil naaral ko na yung lesson, kung tawagin man ako ng guro para sumagot, meron akong maisasagot dahil alam ko na ang lesson.

Nang mag-uwian, imbes na dumiretso palabas ay lumiko ako papunta sa hagdan paakyat sa rooftop ng building. Tuwing uwian ay nagkalat sa pasilyo at labas ng gate ang mga estudyante, walang umaakyat sa rooftop dahil nakakapagod umakyat ng hagdan. Wala naman kasing elevator dito sa school. Binuksan ko ang pintuan sa rooftop at lumikha iyon ng matigas at malakas na tunog. Umikot ako sa pinasukan ko para pumunta sa likod ng rooftop. Dito kasi sa harap ay kita ang kabuuan ng school, sa likod naman ay mga puno, bundok at palayan.

Makapal at abot haggang dibdib ko ang pader dito sa roftop, tumapak ako sa teacher's table na nakasandal sa dingding at umupo sa pader ng rooftop. Sa buong apat na taong kong pag-aaral dito sa CCC, maraming beses ko na itong nagawa at ni minsan, hindi ako natakot dito. Parang nakakaramdam ako ng tiwala sa tadhana na hindi ako mahuhulog. Anim na palapag ang building na ito, pang-pito itong rooftop. Mataas, pero tiwala akong hindi ako mahuhulog.

Lumipas ang halos tatlong oras nang nakatulala lang ako sa napakagandang tanawin na nakikita ko. Gustong-gusto ko ang katahimikang namamayani sa paligid. Pero hindi ko inaasahang mababasag ang katahimikan paglipas ng ilan pamg minuto.

"You aren't planning to jump, are you?" nagulat ako nang makarinig ng lalaking nagsalita. Kinabahan ako dahil akala ko mahuhulog ako dala ng gulat ko. Agad kong nilingon ang lalaki, nakaupo siya sa gitna ng mga upuan na pabalagbag na nakapatong-patong.

Sino 'to? Mukha siyang foreigner pero may hint pa din ng pagiging Pilipino, may ibang lahi yata siya bukod sa Pilipino. Wala naman akong nabalitaa na foreigner na lumipat sa school, hindi ko din alam na may exchange program pala sa school. Natawa ako sa naisip, bakit ba ako nagtaka? Paano ko mababalitaan kung hindi naman ako nakikibalita?

Tumayo ang lalaki at lumapit sa kung saan ako nakaupo. Matangkad ang lalalaki, kung hanggang dibdib ko ang pader, sa kanya ay hanggang baba lang ng dibdib. Tumingin ako sa harapan para iwasan ang tingin niya. Nasa kanan ko siya nakatayo, nakahilig siya sa pader, ang dalawang kamay niya ay magka-cross na naka patong sa pader.

"I was asking a question. You're not thinking of jumping here, right?" bakit naman inglisero ang isang 'to? Hindi ba siya marunong mag tagalog? Pano niya kinakausap yung iba naming schoolmates kung ganoon?

"No" simpleng sagot ko. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko na pinahaba pa ang usapan. Sana na lang ay umalis siya agad, gusto ko pa kasing manatili rito pero kung mananatili siya dito, hindi ako magiging komportable.

"You seem like a person who hates socializing, don’t you?" bakit ba ako kinakausap nang isang 'to? Hindi ba niya nahahalata na ayaw kong makipag-usap sa kanya? Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya?

"Yeah" sa huli ay sumagot din ako sa tanong niya.

"I'm Quenly, you are?" pinigilan kong bumuntong-hininga nang malakas. Baka kasi isipin niya na masyado ko siyang inii-snob, baka mamaya niyan itulak niya pa ako sa inis niya sa akin.

"Christania Ellis" tumingin ako saglit sa kanya at nakitang titig na titig siya. Nakaramdam ako ng hiya at mas lalong hindi naging komportable kaya ibinalik ko ang tingin ko sa unahan.

"Christania Ellis? Just like you, your name is also beautiful" pinamulahan ako ng pisngi dahil sa naging sambit ng lalaki. Ipinagdasal ko na lang na sana hindi niya iyon napansin.

"Aren't you scared? The wind might blow hard on you and you'll fall flat to the ground" alam kong sinusubukan niyang gumawa ng casual conversation sa pagitan namin pero hindi talaga ako komportable. Gustong-gusto ko nang umalis pero ayaw ko namang mag mukhang bastos. Hindi na nga niya ako makausap nang maayos tapos aalis pa ako bigla.

"Not really" hindi naman kasi talaga ako natatakot. Kung mahulog, edi mahulog. Pero may tiwala ako sa tadhana ko. Alam kong hindi ako mahuhulog dito.

"Am I making you uncomfortable? You sound so distant" hindi ako nagulat nang sabihin niya iyon, mas nagulat pa nga ako na ngayon niya lang napansin.

"Its just that... I'm not use to talking to other people" kung hindi lang ako tinalikuran ng mga taong itinuring kong kaibiban noon, malamang hindi ako ganigo ka-ilap sa ibang tao ngayon. Bakit ba kasi may ganoong klase ng tao? Magpapanggap na kaibigan ang turing nila sayo pero tuwing nakatalikod at wala ka, puro paninira pala sila sayo. Dahil sa makasariling akto nila, malaki ang naging epekto sa akin.

"I'm sorry!"

"Not a big deal" marami nang sumubok na makipag-usap sa akin, talagang hindi lang ako komportable pero hindi naman big deal sa akin iyon.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis o hintayin na mauna siyang umalis. Sakto naman nang tumunog ang cellphone niya, senyales na may tumawag sa kanya.

Sinenyas niya sa akin ang cellphone niya, nagpapaalam siya kahit hindi naman na kailangan. Hindi naman din siya gaanong lumayo, dinig ko nga ang pagbati niya sa kausap pero mas pinili kong bigyan sila ng kausap niya ng privacy kaya itinuon ko na lang sa tanawin sa harap ang buong atensyon ko.

"Hey!" kuha niya sa atensyon ko. Nilingon ko siya at nakitang tapos na siya makilag-usap sa cellphone niya.

"Uh... I have a situation... that... I need to attend to. I need to go. I'm sorry. It was nice meeting you!" sinuklian ko na lamang siya ng ngiti at hindi na nagsalita pa. Kumaway siya sa akin at patakbong umalis sa rooftop.

Nanatili pa ako ng halos kalahating oras sa rooftop bago napagpasyahang umuwi. Hindi ito ang unang beses na umuwi ako ng ganitong oras kaya hindi na nagtanong pa sina lolo at lola. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit iniisip nila na may kaibigan ako sa eskwelahan.

Kinabukasan, nang mag break time, akala ko, gaya ng dati ay mag-isa akong kakain sa lamesa. Walang kasama, walang kasalo. Pero hindi ngayong araw, hindi, simula ngayong araw.

Napatingin ako nang may nag lapag ng tray ng pagkain sa harap ng inuupuan ko. Nasa pareho kaming lamesa ng kung sino mang nag lagay ng tray sa harap ko. Tiningala ko ang gumawa nun at nagulat nang makita si Quenly. Simula noong tinalikuran ako ng mga kaibigan ko, ni minsan walang sumalo sa akin sa break time. Kahit yung mga nagsabing gusto nila ako ay hindi ako sinubukang lapitan tuwing break time. Ngayon lang nagkaroon.

Siguro dahil transferee siya kaya wala siyang alam sa nakasanayan ng ibang estudyante dito o dahil inglisero sya kaya feeling niya, out of place siya sa ibang magbabarkada.

"I hope you don't mind me seating here with you" matamis na ngiti ang giniwad niya nang makaupo na siya.

"No, its fine" lalong lumaki ang ngiti niya kaya napangiti na lang din ako.

"OHMYGOSH! Bakit ngumiti si Quenly sa kanya? MAKAKAPATAY AKO KAPAG MAY LUMANDI SA KANYA! Pigilan niyo ko, sasabunutan ko yang babae na yan?" napatingin ako sa grupo nila Sabrina nang marinig ko ang tili ni Cleo. Nakatingi sila sa amin, sigurado akong ako ang pinariringan niya, hindi lang dahil samin sila nakatingin kundi pati ang katotohanang ang Quenly na binabanggit niya ay ang Quenly na nasa harapan ko.

"Girl, go on! Sabunutan mo na yan! Hindi ka namin pipigilan. Kalbuhin mo ha!" panggagatong pa ni Sabrina. Pati ang mga kasamahan niya ay tinutulak na siya para saktan ako. Nakatingin lang ako sa kanila, kitang-kita ko ang inis sa mga mata nila. Hindi kaya boyfriend ni Cleo si Quenly? Hindi siguro, kasi kung boyfriend niya si Quenly, hindi na siya magpaparinig at agad na akong susugurin. Mayroon siguro siyang gusto sa lalaki kaya ganyan na lang siya kung magbanta.

"Don't mind them. I don't even know them but they talk like they own me" nakatingin din kasi siya sa kanila. Gaya ng sabi niya, hindi ko na lang sila pinansin.

Nag-usap kami ni Quenly tungkol sa bagay-bagay kaya mas nakilala ko siya. Ang totoo'y siya ang laging nagtatanong, sinasagot ko lang ang mga tamong niya at bknabalik sa kanya para siya naman ang sumagot. Hindi gaya kahapon, hindi na ako gaanong naiilang sa pakikipag-usap sa kanya. 

Dumaan pa ang ilang araw, lagi na kaming magkasama ni Quenly tuwing break time at uwian. Madalas kaming tumambay sa rooftop, nagdadala kami ng pagkain at ilang oras na nagpapahangin sa rooftop. Mas dumami din ang masama ang tingin sa akin tuwing nakikita nila ako sa pasilyo bago mag simula ang klase. Mukhang sikat kasi si Quenly sa Central Community College. Kaya noong kumalat ang balita na madalas kaming magkasama, naging madalas din akong laman ng page, pinakita kasi sa akin nung lalaking nung nakaraan na nandoon na naman daw ako sa Hot Issue page dahil madaming nagsasabi na malandi daw ako. May nabasa din akong ilang comments na humihiling na sana mamatay na lang daw ako. Natatawa na lang ako dahil napakababaw nila. Hindi naman nila magawang i-bully ako dahil madalas na nakabantay sa akin si Quenly. 

At isa pa, marunong palang mag tagalog si Quenly, kaya pala naintindihan niya yung sinabi ni Cleo nung unang beses kaming nagkasabay kumain sa canteen. 

Naging maayos naman ang mga araw ko, nakilala din nila lolo at lola si Quenly dahil hinahatid niya ako pauwi, may kotse kasi siya at marunong ding mag-drive. Kung wala kami sa rooftop, tinuturuan niya akong mag-drive. Medyo marunong na ako, kaunti na lang ay matututo din along talaga at kung papalarin, sana ay makakuha din ako ng lisensya. 

Tungkol naman  kanila lolo at lola,asaya sila ma makilala ang kaibigan ko. Hindi ko na rin naitanong ang tungkol sa pagbisita kay mama at papa sa Manila. Takot kasi akong makitang muli ang galit sa kanilang mga mata pero ipinangako ko sa sarili ko na bibisitahin ko din ang puntod nila mama at papa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status