Share

Ika-pitong Kabanata: The Going Back

“TO THE ONE ALWAYS TOOK 1 STEP FORWARD AND 2 STEPS BACK”

Hanggat may oras pa, marapat lamang na itama ang mga pagkakamali.

Segundo, minuto, oras, araw, at taon. Hindi hihinto sa pagtakbo ang oras dahil lamang ikaw ay nasasaktan. Walang pakialam ang oras ng kapalaran sa iyo, iyon ang mapait na katotohanan nasa gitna ka man ng pighati o kasiyahan, patuloy pa rin itong dadaloy.

“Momma, did you put my most beautiful dresses in my luggage?” Nang lalambing na lumapit si Sinag sa kanyang ina. Paalis na sila ngayon sa mansyon patungo sa airport pauwi ng Pinas.

“Yes, baby. Of course, I wouldn’t forget that. I know you want to look beautiful in front of your daddy.” At kinurot ni Willow ang mapulang pisngi ng anak. Madalas niya itong pang gigilan dahil sa angking ka-cute-an.

“I think we can buy dresses once we get there, Sinag. You don’t have to put so many clothes.” Napa-nguso si Sinag dahil sa sinabi ng kakambal.

“But, they are my favorites!” Yumakap ito sa kanyang ina at tinabon ang mukha sa tiyan nito. Napapailing na lamang na may ngiti si Willow habang marahan na hinahaplos-haplos ang buhok nito.

Naka-upo si Willow sa magarang sofa ng kanilang receiving area. Ito ay napapalamutian ng ginto at perlas. Kitang-kita ang pagiging elegante nito na bumagay sa motif ng receiving area na sumisigaw kung gaanong karangya ang pamilyang Vela Solana. 

Sinenyasan niya si Alab na lumapit sa kanilang mag-ina at niyakap din ito. Punong-puno ng pagmamahal si Willow para sa kanyang mga anak. Ang nais niya lamang para sa kanila ay maging masaya ngunit siya pa ang naging hadlang para makamit nila ito.

‘I’m sorry my daughter, son… Momma was reluctant and now you both suffer from my cowardness. You do not deserve this.’ Hinalikan niya ang dalawang bata sa kanilang ulo.

Maya maya lamang ay umalis na siya sa kanilang mansyon lulan ng Pullman Deluxe Edition Mercedez Benz. Ang mga bata ay sobra-sobra na ang pananabik sa kanilang ama na kung anu-ano na ang itatanong sa kanilang ina.

“How tall is Daddy, Momma? Is he tall as our Papas?” Patukoy ni Sinag sa kanilang Tito na kapatid ni Willow.

“Is Daddy smart, Momma?” Kumikinang na mga mata na ani ni Alab.

“I bet Daddy can sing too! Momma wouldn’t let him be our Daddy if not, right Momma?” Natigilan si Willow. Samu’t saring ala-ala ang nag balik sa katagang binitawan ng anak. Mga ala-alang gusto niya nang ibaon sa limot ngunit hindi niya magawa dahil may parte sa kanyang sistema na taliwas sa kanyang gusto… dahil aminin niya man o hindi hindi naman talaga iyon ang kanyang gusto. Masyado lamang siyang nakukulong sa mga ala-alang iyon dahil hindi lamang mga tanawin at tao ang nakapaloob doon— nakapa-loob din ang iba’t ibang emosyon na hindi niya mapangalanan.

Walang tamang salita ang mag lalarawan sa naramdaman niya sa kaunting panahon na ipinahiram sa kanya.

“Daddy… daddy can do everything.” Nag ningning ang mga mata ng kambal at sabay na nagkatinginan bago manggigil.

“Really, Momma? Daddy must be a superhero! Like Superman!” ani Sinag. Paborito ng kambal ang na sabing karakter. Madalas nga mag laro ang mga bata gamit ang karakter na ito. Si Alab bilang Superman at si Sinag naman ay si Superwoman.

“I can already imagine how Daddy save the people.” Taliwas sa reaksyon ni Willow na parang nanigas sa na rinig mula kay Alab habang ito naman ay nang gigigil sa naiisip at na sinamahan pa ni Sinag. Pilit na lamang siyang ngumiti dahil ayaw niyang mabahala ang mga anak lalo na at hindi gaanong mapagpahayag ng damdamin si Alab kumpara sa kakambal nito na siyang ikinababahala niya dahil sa murang edad ay natututo na itong itago ang tunay na nararamdaman.

“Y-yes… Daddy saves the people— because he cares for them.”

‘He cares for them to the point of the willingness to sacrifice himself.’

Ang bigyan ng magandang imahe si Atlas sa kanilang anak ang tanging magagawa na lamang ni Willow bago tuluyang mag kakilanlan ang mga ito.

‘I’m sorry, Atlas... ‘

Pinagmasdan ni Willow ang mga bata kung gaano ito nananabik na makilala ang kanilang ama.

‘Ni hindi ko man lang lubos na naramdaman na ganito na pala sila nangungulila sa kanilang ama,’ Nakaramdam ng awa si Willow para sa mga anak na siyang inaako niya ng kanyang kasalanan.

Napagtanto niyang ang akala niyang ibinibigay niyang oras sa mga anak niya ay sapat na para tuluyang makilala ang mga hinuhubog na personalidad ay hindi pala sapat dahil ngayon lamang niya tuluyang na proseso na kailangan ng ama ng mga bata. Nangungulila ang mga ito sa aruga ng isang kanilang tunay na ama. 

Kinondisyon na lamang ni Willow sa buong byahe sa kanyang isipan dahil sa ilang taon ang nag daan ay muli niyang kahaharapin ang lalaking minahal niya sa puntong kaya niyang ialay ang salita sa kaibuturan ng kanyang puso para sa lalaki.

‘First, I must tell him what really happened….’

Nakaraan ang halos dalawampung oras ay lumapag na ang Legacy 650 private jet na sinasakyan nina Willow. Ang mga bata ay tulog pa rin kaya dahan-dahan niya itong ginising.

“Kids… we’re already here,” anunsyo ni Willow. Hindi naman nahirapan si Willow dahil agad ding nagising ang kambal. Punong-puno na ng enerhiya si Sinag kahit kagigising palang habang ang kapatid niya naman ay may ngiti sa labi na tinitignan ang siyang maglikot kaagad.

“Momma, where’s Daddy?” inosenteng ani Alab.

“Hmm… You will meet daddy days from now.” Hindi pa alam ni Willow kung paano niya ba sasabihin sa ama nila na may anak na ito at dalawa pa. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Atlas kung sakaling makita na nito ang mga bata? Mahilig sa bata si Atlas pero alam niya rin na wala rin itong balak magkaroon ng anak dahil sa sitwasyon nito noon.

‘Did he changed his mind on that matter? May… may anak na kaya sila ng girlfriend niya?’ Naiisip ni Willow na mag imbestiga muna tungkol sa totoong estado ng girlfriend nito at ni Atlas bago tuluyang ibunyag sa lalaki ang kambal.

“But why, Momma? I thought Daddy’s already waiting for us.” Ngumuso si Sinag.

“I never promised that Daddy will be here already, right?” malumanay na pagpapaliwanag ni Willow at nakatungo namang tumango ang anak. Hinalikan na lamang ni Willow si Sinag bago hinawakan ang dalawang bata upangabayan sa pagbaba ng aircraft.

Ang butler ni Willow at ang nanny ng kambal na ang bahala sa mga gamit.

Sinalubong sila ni Daima na naka- blue corporate attire. Halos isang taon din silang hindi nagkita dahil naging abala ito sa sariling business dahil lumalago na ito at hindi agad maka-dalaw sa Spain gawa nang mga biglaang dapat asikasuhin.

Patakbong lakad ang ginawa ni Daima habang naka-buka ang dalawang braso handa sa pag-amba ng yakap. Napailing-iling na lamang ng may ngiti si Willow dahil marami man ang nag bago sa kasalukuyan, ngunit hindi ang init ng pagtanggap ni Daima.

‘In this world full of constant change and things becoming strange, she remains the only familiar,’ may ngiti na gumuhit sa labi ni Willow dahil sa naisip. Hindi niya aakalain na tatagala ang kanilang pagkakaibigan na inasahan niyang matatapos nasa oras na iniwan niya ang lugar na iyon.

Handa na sana siyang salubungin ang yakap ng kaibigan nang bigla nito siyang laktawan at naiwna siyang naka-tanga.

“My inaanak!”

“Ninang Ganda!” Sabay na salubong ng kambal. Lumhod si Daima upang mayakap ng todo ang dalawa.

“Oh my God! Look how big you become!” madramang nag punas ng pekeng luha si Daima na mahina namang ikinabungisngis ni Sinag.

“Ninang Ganda, stop crying na. You won’t be Ninang Ganda na.” Pinatulan ni Sinag ang ka-dramahan ng kaibigan ni Willow.

‘Hindi pa rin nag babago,’ nag lakad siya palapit sa tatlo.

“Oh, nandito ka pala!” arteng gulat ni Daima na pabirong ikinairap ni Willow. Tumayo si Daima at hinarap siya. Kalaunan ay sabay silang natawa at mahigpit na yinakap ang isa’t isa.

“I’ve missed you!” bulong niya kay Daima.

“Hindi ako tumatanggap ng salita lang. Ang kailangan ko libre! Kaya tara na at may ni-reserve na ako— pero ikaw magbabayd. That’s final!” Na sanay na siya sa kaibigan na mahilig mag palibre. “Kids! Come to Ninang Ganda, I have presents to you!” Alam ni Daima na hindi sasama sa kanya ang kambal kaya naman sinabi niya na ang mahiwagang salita.

“Presents?!”

“Is it books, Ninang Ganda?”

“It’s for you to find out, so, come to Ninang Ganda na!” Hindi na nag dalawang isip pa ang kambal na sumama sa kanilang ninang. Hawak ni Daima ang mga bata sa magkabila niyang kamay at nauuna silang mag lakad kay Willow.

“Hey, you betrayed your Momma!” madramang pagdadamdam ni Willow ngunit bumelat lamang si Daima sa kanya at masayang nag patuloy sa paglalakad habang ang mga bata ay pinagtatawanan din ang kanilang naiwang ina.

“It’s okay, Lady Andromeda. I’m here.” Inirapan na lamang ni Willow ang butler na tumabi sa kanya at nag simula nang maglakad.

“Stop flirting with me, Ul.” Narinig niyang mahina itong tumawa sa kanyang gilid na nakatakip pa ang kamao nito sa bibig at sinasabayan ang kanyang paglalakad.

“If that’s what you want, Lady—” Hindi na tapos ang salitang pang-aasar ni Ul.

“Huwag mo kong tatawagin niyan!”

“Hahaha! Why not? What do you want to be called then? Honey? Darling? Or…” Lumapit ito sa kanya at bumulong, “Baby?”

“Argh! Stop, Ul! Ire-reto na lang kita sa kakilala ko at hindi ako yung pinepeste mo,” inis na wika ni Willow.

“Promise? ‘Yan lang naman ang hinihintay ko na lumabas sa bibig mo eh, hahaha!” At nakaloloko itong tumawa. Mabuti na lamang at talagang magkaibigan silang dalawa dahil kung hindi ay baka matagal na niya itong tinanggal sa posisyon.

Masayang kumain sina Willow sa isang mamahaling five-star restuarant sa Taguig. Matapos niyon ay agad namang na silang dumirtetso sa kanilang hotel room. Balak ni Willow na bukas na lamang pumunta sa kanilang mansyon sa isang mamahaling village dahil pagod na ang mga bata para sa panibagong byahe.

“Let me tuck the kids on their bed,” boluntaryong ani Ul. Maagang pinagpahinga ni Willow ang mga nanny ng kambal. “I know you still have to talk to your friend.”

“Thank you,” sinserong sagot ni Willow sa butler. Malaki talaga ang pasasalamat niya rito lalo nasa mga ganitong sitwasyon..

Pumunta na si Ul sa kwarto sa kwarto ng kambal at nang tuluyang makapasok na ito ay hinrap ni Willow ang kaibigan na siyang nag lalagay na ng champagne sa kanilang flutes. Matapos mag salin ay umupo ito sa hinilang upuan sa harap ng small glass table.

“So, what’s your plan? Na contact mo na ba si Atlas?” At uminom si Daima sa kanyang hawak na flute. Ang hangin na lumulukob sa buong kwarto ay nag papakaba kay Willow. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat isagot. Natatakot din siya sa maaari nitong isagot dahil kalahati ng kanyang sistema ay sumisigaw na hindi pa siya handang makita pa ang lalaki.

“Not yet.”

“Kailan mo balak sabihin? Don’t tell me next year mo pa sasabihin. God, Willow— magpapasko na. Let this be your gift to your children.” Napapailing si Daima at muling napainom na sinundan naman ni Willow.

“Sasabihin ko naman… hindi ko lang alam kung paano dahil nahihirapan din ako.” Nakaramdam ng simpatya at konsensya si Daima sa kaibigan. Higit sa lahat siya ang nakakaalam kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan nito. Wala siyang karapatan na kwestyonin ang kaibigan tungkol rito.

“I’m sorry…” Napayuko si Daima, nahihiya sa isinasal.

Mapait na lamang na napangiti si Willow. “It’s okay… tama ka naman na rapat ko nang sabihin kay Atlas ang tungkol sa mga bata lalo na at lumalaki na sila.”

“It might sound cliché but I’ll stay by your side no matter what happens.” Hinawakan nito ang kamay ni Willow at marahan na piniga. Sa mumunting aksyon ng kaibigan ay gumagaan ang kanyang pakiramdam.

The magic of words

“Sa ngayon, gusto ko munang pa-imbestigahan si Atlas bago ko ipakilala sa kaniya ang mga anak namin. Alam kong makapal na ang mukha ko kung sasabihin kong gusto ko lang makasiguro na hindi masasaktan ang mga bata… pero kapakanan lamang nila ang iniisip ko.”

‘Kapakanan na hindi ko pinag-isipan bago itakbo at itago sila sa kanilang ama.’

Kinabukasan ay may pinagawa kaagad si Willow kay Ul.

Lumipas ang araw ng kaba, takot, pagsisisi, at iba pang hindi matukoy na emosyon. Araw-araw ang antisipasyon nina Sinag at Alab para sa kanilang ama na siyang inaaliw naman ng mga kapatid na lalaki ni Willow. Nandito na sila sa kanilang mansyon at pansamantalang nananalagi sa mansyon ang mga kapatid niya at ang sari-sariling pamilya nito upang mas magkaroon sila ng panahon sa isa’t isa lalo na at matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita kumpara sa natural na dalas na dalaw ng kanyang mga kapatid sa kanila sa Spain.

Kasalukuyang nasa hotel si Willow at Ul dahil napag-alaman nila sa kanilang source na kasalukuyang nananalagi sa hotel ang lalaki. Nais munang makita at makausap ni WIllow si Atlas bago itong ipakita sa kambal kaya naman narito siya upang  kaharapin nang muli ang lalaki matapos ang ilang taong biglang paglaho ng walang paalam.

Alam niyang malaki ang ang kanyang pagkakasala kaya tatanggapin niya kung ano man ang magiging trato sa kanya ng lalaki.

Hindi na kinailangang dumaan pa nina Willow sa front desk dahil sa koneksyon at kaalaman ng hotel room ni Atlas. Patungo na sila sa elevator. Kabado man pero taas-noo pa ring naglalakad sa Willow. Ang bawat hakbang ay para bang isang oras ang bawat pagitan. Napatingin silang dalawa ni Ul sa lumabas sa bandang huli ng nakahilerang elevator.

“Andromeda…”

Para bang binagsakan ng bomba si Willow sa mismong harapan niya at hindi agad naka-recover. Napako siya sa kanyang kinaroroonan.

It’s Atlas together with his rumored girlfriend… and in his armsis a baby girl. And they all happily exit the elevator.

“Ul, tell the nannies to pack the things of Sinag and Alab. We’re going back to Spain,” matigas na wika niya at mabilis na tumalikod paalis sa lugar.

Matatapos ang taon pero hindi ang takot na siyang dapat na tapusin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status