Share

12

"Thank you, Samuel." Yumakap ako ng mahigpit kay Samuel at nasa tapat kami ng gate, umuwi na ako after ng isang gabi na mag-kasama kaming dalawa.

"Call me when you need me, I am always ready to come here." Samuel pinched my nose bago tuluyan na lumayo sa akin, pumasok sa sasakyan n'ya at tuluyan na umalis.

Kumaway ako hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotse, nilingon ko ang bahay at huminga ng malalim, babalik na naman ako sa impyerno na pamamahay na ito.

Kung may pagpipiliian ako, aalis ako at lalayo sa kanila, but now. I need to calm down at pag-isipan kung ano nga ba ang kailangan ko na gawin, kung sasusunod ay hindi maganda ang kalabasan ng mga mangyayare.

I have a bad feeling about this, alam ko na gagantihan ako ni Feline at gagawa ng paraan para makitaan ako ng butas.

Malaking issue na si Samuel, at the same time ay pabor sa kanya na mapaghiwalay kami, kaya kailangan ko mag-isip at ikalma ang sarili ko sa ngayon.

Pumasok ako sa bahay, wala na tao at patay ang ilang ilaw, dim lights ang bukas.

Dahan-dahan akong umakyat at tinahak ang daan papunta sa kwarto ko, pero nagtataka ako bakit medyo bukas ang pinto, at ang susi ay nasa pinto, nilock ko ito. Lagi itong nakasara, at si Papa lang ang may hawak ng susi sa buong bahay.

Masama ang kutob ko ngayon, kaya binaba ko ang gamit ko, mabagal na binuksan ang pinto, bukas ang ilaw at magulo ang kama ko.

Nanlaki ang mata ko, nasa study table ko si Feline at bukas ang laptop ko, ginagamit n'ya, kinuha ko ang phone ko at kinuhaan ang ginagawa n'ya sa harapan ng laptop ko.

Binulsa ang phone bago nag-salita. "Did you enjoy my room?" Nagitla si Feline at mabilis na lumingon, tumayo at lumakad papunta sa pinto, hindi pinansin ang sinabi ko.

I scoffed at mabilis na sinara ang pinto, humarang doon at at ngumiti kay Feline. "Tatakas ka ng hindi nililinis ang kalat na ginawa mo sa kwarto ko, how dare you?" I said and show my mocking smile to her.

Namumutla si Feline ngayon at hindi makatingin ng diretsyo sa akin ngayon. "Hindi ka talaga madadala ano, ilang ulit ka na kinarma sa kagagahan mo, tapos ito ka na naman?" Rumehistro ang galit sa mukha n'ya, it's like I pushed some buttons and make her angry.

"Wala akong ginagawa na masama—"

"Really, tama na pala ang mangialam ng gamit na hindi sa'yo, o hindi ka tinuruan ng nanay mo na huwag pakialamanan ang gamit na hindi sa iyo?" Nawala ang tapang sa mukha ni Feline at bumalik ang pag-papanggap n'ya bilang mabait na tao.

"Know your place, kahit may permiso ng tatay ko o ano, gamit ko ito at akin. Mula ba naman sa damit, puwesto sa hapag. Tapos hanggang sa gamit ko, pakialamanan mo?" I asked and show that I am not cool with that.

"Sawang sawa na ako sa pag-papaawa mo. Ipakita mo naman ang tunay mo na ugali, I know that you're pretending from the very start, sorry but you cannot fool me." Lalampasan sana ako ng kinalabog ko ang pinto, namutla ito at nanginginig ang kamay.

"Sa susunod na pumasok ka sa kwarto ko ng walang pahintulot, hindi ka makakalabas ng walang galos. This is my safe space, so stay out of my room, tandaan mo o iuukit ko sa ulo mo." Dinuro ko ang sentido nito bago binuksan ang pinto.

Nanakbo si Feline at naiwan ako sa loob, anf ganda ng bungad n'ya sa akin. Napakagaling at hindi n'ya alam kung ano ang epekto ng ginawa n'ya.

I used to believe that this room is my safe space, walang Feline at malaya ako sa gusto ko na gawin, and now she invade this place.

Sumobra ang kakapalan ng mukha n'ya, kailangan ko na ulit ipakita sa kanya kung sino ang mas malakas sa aming dalawa.

Sinarado ko ang pinto matapos kuhain ang gamit ko, binato sa baba ang susi na nasa pinto. Umuwi ako tapos ang kalat.

Inikot ko ang loob, kinutuban ako na baka may kung ano syang nilagay sa gamit ko, o may hinahanap s'ya.

Naalala ko yung binigay sa akin ni Briggette, mabilis ako lumapit sa side table ko na may finger print lock, wala naman at hindi nabuksan. Nakahinga ako ng maluwag ngayon, pati ang flashdrive kung nasaan ang sex scandal ni Feline ay andito.

Sa buong kwarto ito lang ang hindi magulo, kinuha ko ang polbo at hinagis sa side table. As what I expected, may finger print sa paligid at iba pa. May nakita akong medyo angat na part, sinubukan na buksan ito.

Wala makikita si Feline sa laptop ko, dahil ibang tao ang nag-upload nf video n'ya, kahit na itrace kung sino at saan, hindi malalaman. Hindi ako kasing tanga ni Feline, at hindi ako basta-basta gagawa ng bagay na ako ang mapapasama sa huli.

If she search in this room, dalawa lang yon. Isa ay ako ang sinisisi n'ya na nag-upload at ang isa ay ako ang sisisihin n'ya, para mapasama ako lalo sa magulang ko.

Ilock ko ang pinto at nagumpisa na mag hagilap sa kwarto ko, mga possible na pagtaguan o lagyan ng itatanim n'ya na proof.

Hindi ko alam kung ano ang balak ni Feline, pero alam ko na gusto nyang agawin ang kung ano ang mayroon ako, lalo na at parang anak ang trato sa kanya ni Papa.

Binaliktad ko ang buong kwarto, sa bathroom ako pumunta para sana umihi. Kaso may napansin ako sa ibabaw ng shower ko. Naka plastic ito at sa pinto pa lang ay kita na ito.

Inabot ko ito at apat na flashdrive ito, naalarma ako. Mabilis na lumabas at pumunta sa laptop ko. Natulala ako na may mga files ng sex video sa laptop ko, wala iyon noong umalis ako at hindi ako naglalagay ng malaswa sa laptop ko.

Sinaksak ko ang flashdrive, isa-isa. Nagulantang at same sila sa mga kumalat na sex video.

Hindi na ako nagdalawang isip na buharin at ireset ang laptop ko. Nanginginig ang kamay ko, kung ano man ang binabalak ni Feline ay hindi ko hahayaan.

Mapapatay ko ang gago na yon, ang kapal ng mukha n'ya, idadamay ako para makakuha ng simpatya sa ibang tao.

I close my eyes kaso sunod-sunod ang notification ng phone ko, naiinis ako na pinatay iyon at lumakad sa terrace ng kwarto ko.

Madilim ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Kinuha ko ang sigarilyo sa bulsa ko at binaon na alak, naupo sa sahig at sumandal sa pader.

Pinapanood ang mga puno na kumilos, ang ganda ng bungad sa akin, mas lalo akong nagiisip kung papaano ako aalis sa pamamahay ko, na akin naman talaga.

I feel like I am the outcast at my home, bakit kasi kailangan na may Feline, ang kapal na ganito ang balik sa akin, matapos na halos itrato si Feline na parang anak ni Papa.

"Hypocrite," I hissed and blowed the smoke, lumagok sa bote at ubusin ko muna ito, bago ako matulog at pumasok sa campus bukas.

I smile weakly, okay at nakauwi na siguro si Samuel ngayon. Gusto ko na makita si Samuel, kaso nakakahiya dahil napagod na s'ya sa akin. Buong oras na kasama ko ito, binantayan ako, habang tulog ako at gising. 

Kailangan n'ya rin na mag-pahinga, bukas ay may kailangan din ako gawin, I will calm down now. Dahil bukas, sinisiguro ko na may kakalagyan si Feline. At hindi ko papalampasin ang ginawa n'ya.

"Are you sure, she caught you?" Natigilan ako ng may madinig akong bulong. Nawala rin ito, sumilip ako at wala na tao.

Hindi ko alam kung epekto ba yon ng alak o pagod, kailangan ko na magpahinga ngayon.

Lumakad ako papunta sa kama ko, hinubad ang lahat ng suot ko. Niyakap ang unan at pinikit ang mata.

...

Maaga akong nagising at napag desisyonan na ilipat ang lokasyon ng sasakyan ko, saglit na nag ikot sa syudad habang matagal pa ang oras ng first subject ko.

Ayoko na makita si Feline, ayokong makasabay ito kumain baka lang may magawa akong hindi maganda.

Maybe I will set up something for her, uunahan ko na ito. Kukuhain ko ang alahas ni Mama at dadalhin sa bag ng nanay ni Feline, para mawala at paalisin sila sa bahay namin.

Bahay ko yon at wala silang karapatan na mag-hari harian sa hindi nila lugar. Ibabalik ko sila sa kung saan sila nararapat.

I start dialing Briggette's number, walang nasagot kaya nag iwan ako ng message, para kapag nakita n'ya ay pupunta sa meeting place namin sa campus.

Lumakad na ako papasok sa campus at nagtataka ako, ang daming nakatingin sa akin at tapos non ay magbubulungan sila.

Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda na tao, o namiss ako dahil tatlong araw akong walang inaway kasi wala ako.

I just ignored them and walk to the building kung saan mag-uumpisa ang first class ko. Napangiti ako ng makita si Samuel sa pinto at mukhang inaantay ako.

I walk faster and finally, he notice my presence. Hindi ko alam kung bakit ganon ang tingin ni Samuel sa akin, kapareho ng mga students na nakakakita sa akin, mula pa ng makatapak ako sa campus.

"Hey, what's wrong?" I asked and Samuel looked tensed and thorned. Did I missed something, okay naman kami kagabi ng ihatid ako sa bahay, kaya nakakapag taka lang na ganito ang mga tao sa paligid ko.

It feels like I did some horrible thing, and kung mayroon man, I am not aware of it. Dahil wala ako ng tatlong araw sa school.

"Seriously?" Samuel said at parang may pang huhusga ang tinig nito. "What do you by seriously, did I missed something big or what?" Nakangiti ko na saad at mas lalo lang bumagsak ang ekspresyon ni Samuel.

"Amelia!" Mabilis akong lumingon, at sila Mama at Papa ito. Papalapit sa akin at mas lalo na akong naguluhan ngayon, anong ginagawa nila sa campus.

"Come here, we need to talk. And the dean want to talk with us," Mama said with angry tune, hiniklat ang braso ko at halos kaladkarin ako papasok sa loob ng office.

Bumungad sa amin ang may-ari ng campus, umupo ako sa sofa at hinantay na magsalita sila Mama at Papa. I have a bad feeling about this ng ihaharap ang blurry na photo at pamilyar ito sa akin.

"Miss Amelia, I am really disappointed on this. Una si Ms. Feline, and now it's you?" Napaatras ako matapos na tumayo.

"W-What do you mean Mr. I have no idea about this and look—"

"Your nude photo leaked yesterday night and as what you said, dapat alisin sa campus amg sumisira sa reputation—"

"I have no idea what are you talking about, nawala lang ako ng three days tapos ganito na. And wala akong nude photo—"

"Enough Amelia, it's you and don't you dare to talk again, papalalain mo lang ang sitwasyon!" Papa said at nagmatigas ako.

"I will defend myself no matter how biased your opinion is, wala akong alam!" Sigaw ko pero isang mainit na palad ang dumampi sa pisngi ko, nanghihina ako at nahihiya.

So that's it, kaya ganon ang tingin nila sa akin, mga bulungan ng tao. Kasi may nude akong kumalat, isang tao lang ang pinasahan ko non, it's him. Marshall and sa dating app lang yon.

"I can't stand in this room, goodbye!" Hindi ko pinansin ang pagtawag sa pangalan ko, lumabas ako sa opisina at sinusubukan talaga ng pagkakataon ang pasensya ko.

It's Feline, smiling at me at naka uniform na ito, ang sarap ng ngiti n'ya at parang pinaparating na nanalo ito.

My body has it's own mind, lumapit ako kay Feline at hiniklat ang buhok. Ang bagal ng lahat, even the way she screams. It echoes in my mind now.

Ang papalapit na si Papa, hablutin sana ang kamay ko ng sipain ko si Feline at ng mahawakan ko ang ulo ay hinampas ko sa pader.

Papa hugged me, but pushed me ng mailayo ako kay Feline. It hurts a lot, si Feline ang nilapitan ni Papa. Tumayo ako at tumalikod, mas nanglambot ako ng makita si Samuel.

Namumutla at bakas ang takot nito sa akin, the disappointment in his eyes hurts like hell.

What the heck is happening?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status