Share

13

Tinulak ako ni Papa ng makapasok kami sa study room, andoon ang nanay ko sa tabi n'ya at kaming tatlo lang ang tao sa study room.

"I have enough on your actions, Amelia. Nasobrahan ako sa pag-bibigay ng tiwala sa iyo, I cant believe that you will do this. You're destructing your self!" Papa shouted at me at tinuro ako. 

I looked at my mother at hindi ako matignan ni Mama. "I have no idea about that—"

"Stop lying at me again, I swear hinding hindi na ako makikinig sa kasinungalingan mont bata ka!" Papa said it again at nanglalambot ako sa nangyayare ngayon.

"Tell me, sa tingin n'yo ba kaya ko gawin yan. Sirain ang sarili ko na buhay, para saan?" I keep my voice low, ayoko makipag sigawan pa at makipag away sa walang katuturan na bagay.

It's just a picture of me na kita ang mukha at ang boobs ko, yun lang at wala naman talagang kailang ikaalarma. Wala akong pakialaman at natural na may dede ako, anong bago roon?

"You're disrespecting our family's name, noong pa lang sinasabi ko na hindi talaga maganda na mapadikit ka sa anak ng mga walang alam, kung hindi gumawa ng mga illegal na bagay!" Nanlaki ang mata ko, talagang ididiin ni Papa ang gusto n'ya.

"Walang kinalaman si Samuel dito, kaya huwag kayo mag-turo sa taong walang kaalam alam!" sigaw ko, nawala na ang pagpipigil ko, sumusobra na sila.

"Sumusobra ka nang bata ka!" Papa raised his voice, mas mataas sa sigaw ko kanina.

"Kayo ang sumusobra, ngayon n'yo lang ako bibigyan ng pansin kasi may nagawa akong hindi maganda, pero kapag may nagawa ako na pabor sa inyo, nakikita pa rin ba ako!" I shouted back, my tears start falling. Hindi ko mapigilan ang luha ko, halo-halo ang inis, galit at hinanakot ko sa kanila ngayon.

"Wala kang karapatan na sumbatan ako, Amelia. Dahil wala ka pang napapatunayan, wala ka pang nararating. Masyado pang maaga para mag-malaki ng ganyan sa akin, ilugar mo ang sarili mo, huwag ka magmataas sa mas nakakalamang sa'yo!" Binato ni Papa sa tabi ko ang baso sa gigil nito sa akin.

Napaka unfair nila sa akin, bakit noong si Feline ang nakalatan ng sex video, hindi ganyan ang reaksyon ni Papa, galit oo pero hindi kagaya ng sa akin.

Anak pa ba ako, ano ba ako sa pamamahay na ito. Bakit hindi ko maramdaman kung ano talaga ang lugar ko, kaya papaano ako lulugar sa mga taong walang interes sa akin, sa mga taong b****a ang tingin sa akin. At kahit na anong gawin ko na maganda, wala silang pakialaman sa kung ano ang kaya ko, kung ano ang handa ko na gawin sa kanila.

Noon pa lang, gusto ko na makasama sila sa school, lalo na si Mama at Papa. Pero kapag ako na ang usapan, para akong ibang tao sa kanila.

Noon, valedictorian ako. Wala silang pakialaman, mag-isa akong umakyat sa stage, walang kasama na magulang, dahil umalis sila ni Mama.

Ngayon, pakiramdaman ko ay magsolo ako. May tao na handang sumama sa akin, bigyan ako ng pag-mamahal na hindi nila maibigay at ipakita kung gaano ako kahalaga, pero ano ginagawa nila.

Tinataboy si Samuel, nilalayo sa akin. Kaya hindi mawala ang galit ko sa kanila. Napaka unfair nila, kahit kailan ay hindi ko naranasan na puriin ni Papa, Ate is not good at all. Pero mas mahal pa nila so Ate at ang anak ng katulong na iyon.

"Anak n'yo ba ako?" I asked bluntly and I caught them off guard, nagulat sila Mama at Papa sa tanong ko. Now, I feel numb after seeing their reaction.

"It always makes me wonder, do I belong here. Lahat ng kaya ko, ginawa ko. Para may mapatunayan ako, para ipakita kung ano nga ba ako, but you look down on me." I bite my lips hard until I taste blood.

"It always makes me think na, ang suwerte naman ng anak ng katulong, mas minahal n'yo kesa sa bunso n'yo, that's why I asked you. Anak n'yo ba ako?" Napalunok si Papa at umiwas ng tingin si Mama at Papa.

"Of course, anak ka namin—"

"O ako sinisisi n'yo dalawa, kasi kung hindi ako sumulpot, sana hiwalay na kayo?" 

Hindi na na nakapag salita si Mama at Papa ngayon sa sinabi ko, alam ko. Hindi ako tanga at matagal ko na nararamdaman na iyon ang dahilan, bakit parang kasalanan ko na nabuo ako.

"You know what, both of you are the worst person that I knew." Binagsak ko ang yelo na hawak ko at lumabas sa kwarto. Walang kahit isa sa kanila na tumawag sa pangalan ko.

Kinuha ko ang bag ko, ito na naman ako. Aalis at tatakas sa kung ano ang problema na kinakaharap ko sa sarili ko na pamamahay.

Sumalubong sila Ate at Feline sa akin ng makalabas ako sa study room. Nakatingin sila sa akin at pareho sila ng pantulog. Para silang may pajama party ngayon.

"Hindi ka aalis, Amelia. Hindi ka pa tapos kausapin nila Mama at Papa!" Ate said and I smile to her, a mocking smile na alam ko na naiilang s'ya ng makita ito.

"Siguruhin mo muna na kaya mong gawan ng solusyon ang problema na ginawa mo, kasi yang iyo. Wala na magandang solusyon, hindi mo kayang gawan ng paraan, while my problem is a piece of cake, kayang kaya ko." Binalingan ko si Feline na nasa likod ni Ate Feline.

"I know what you did, planting some evidence na sa pag-leak ng sex scandal mo, ano mapapala mo. Kahit anong pilit mo na sirain ako, babalik sa'yo ang lahat, alam mo kung bakit?" Lumapit ako kay Feline pero hinarang ni Ate ang katawan n'ya.

As if na may gana ako makipag away kay Feline ngayon. "Malapit na sumingaw ang baho mo, at kung wala ka na makita na ikakasira ko, galingan mo pa maghanap, kasi baka mayroon pa na hindi ko alam." Kinuha ko sa bag ko ang picture.

"Good luck, nilayasan ka na ng tatay ng anak mo. Kaya mo naman siguro maging single mom, hindi ba?" Napaluhod si Ate ng makita ang litrato ng nakabuntis sa kanya, may ibang babae.

"Tinakasan ka na, at ikaw." Muli ko tinuro si Feline. "Gusto mo pa ba ng bagong nude photo ko, I can take one now. Tapos ipakalat mo," I said at namutla si Feline sa sinabi ko.

"Alam ko ginagawa mo, linisin mo ang kalat sa bawat plano mo." Tinalikuran ko sila at lumakad palayo.

...

Nakatulala ako sa phone ko ngayon, kanina pa ako tawag ng tawag kay Samuel, pero unattended ito.

Natatakot ako, matapos ng naging reaksyon n'ya kanina, it feels like he believe it. Totoo naman na ako yon, at hindi ko alam kung papaano nakuha ni Feline yon. 

Nagmadali akong buksan ang laptop ko, naalala ko na nakasave ang password at username ko sa tinder.

Baka lang doon nakuha ni Feline, I opened it. Maraming messages at isa na si Marshall. Yung lalaki na isang beses ko nakasama sa hotel. May chat s'ya and he want to see mee, weekly syang nag message sa akin, I ignored it. 

At kagaya ng inaasahan ko, kagaya ng picture na nude roon ang kumalat. Ibig sabihin kaya nahuli ko si Feline ay naghahanap s'ya ng iba pa na illeak.

Thank god na ito lang ang nakalimutan ko na burahin sa sinend ko noon, now that it happened. Kailangan ko magingat, maybe I will delete my account now.

I decided to delete it at humiga sa kama, hindi kasing lambot ng kama ko. At may kumatok sa kwarto. Bumukas ito at si Dane ito, nasa bahay ako ni Dane ngayon, siya lang ang puwede ko na mataguan ngayon.

Alam ko na hahanapin ako nila Mama at Papa ngayon, at mainit ako sa paningin ng mga tao na nakakakilala sa akin, at bukod doon. Hindi pa ako handa sa kung ano ang gagawin nila sa akin.

Una ay kailangan ko muna na makausap si Samuel, to clear my name. I am clean and I never have sex with anyone. Maybe Marshall fingered me, pero hanggang doon lang yon.

"Amelia, may isa sa kakilala ko. Nakita si Samuel sa bar na malapit sa campus, kanina pa raw iyon noong nagbukas ang bar, baka lang kasi hinahanap mo s'ya." Tumayo ako at napaatras si Dane.

"Sorry kung naabala kita, alam ko kasi na hindi ako puwede na lumayo—"

"Ano ka ba, okay lang at tinulungan mo ako noong kailangan ko, kaya ito lang ang magagawa ko, pasensya ka na." I rolled my eyes at kinuha ang hoodie ko.

"Aalis ako, saglit lang naman ako." Lalampasan ko sana si Dane ng hawakan n'ya ang kamay ko.

"Sasamahan na kita, yung mga tambay kasi d'yan, baka pagtripan ka. Hindi ka pa naman kilala, at saka may gusto akong makita." She looked down, I sigh and slowly nod.

"Fine, halika na at baka wala tayong maabutan sa bar. Lumakad kami at ang higpit ng hawak ko sa phone ko, habang tinatahak namin ang daan palabas.

Tumawag ng taxi at nakatanaw ako sa malayo habang binabaybay namin ang daan papunta sa campus.

"May trabaho ka na bang nakita, are you alright now?" I asked and didn't bother to look at Dane's side.

"Oo, may tumawag sa akin at tutor ako sa malapit sa campus, mabuti at may nagbigay ng number ko." I smile sweetly at hindi pinapakita na nakangiti ako.

"That's good, keep it up. Hindi mahalaga ang lalaking manloloko at walang itlog," saad ko at huminga ng malalim. 

Ang gabi ay lumalalim na, hindi ko na alam kung may lugar ako sa bahay namin ngayon, papaano ako mabubuhay kung lumayas ako. Alam ko na babawiin nila ang pera ko, kasi wala ako sa bahay.

Kaya kapag umalis ako, wala akong pupuntahan, I mean papaano ko bubuhayin ang sarili ko. It's my third year in college, and kung aalis ako. Kahit mag trabaho ako, hindi ko kakayanin ang tuition.

Kahit na mag-aaply ako na scholar, hindi ako tatanggapin, matapos ba naman na kumalat ang nude photo ko, wala na talaga akong magagawa.

Papa is right at some part, my life is colliding now. May lugar pa ba ako rito, wala na nga akong mauuwian na bahay, dahil ang punyetang anak ng katulong naman na asal p**a.

"Alam mo, I didn't expect that you will help me. Masaya ako na tinulungan mo ako, and I won't waste that opportunity, and I promised na kapag kailangan mo ako, even you didn't consider me as your friend, ibabalik ko ang kabutihan ng loob na nagawa mo sa akin." Natigilan ako sa pag tingin sa kalsada at tinignan si Dane na nakasandal ngayon.

"I didn't mean to offend you—" I stopped her and smile.

"It's okay, I'm happy that you helped me after all. Kahit na tapos na akong gawan ka ng pabor, I used to see people, walk away matapos ko ibigay at paburan sila." Ngumiti ako ng mapait at tumigil kami sa tapat ng bar.

Nag bayad na ako ay sabay kami na bumaba sa tapat, Dane went near me and hold my hand. "You're good person, siguro yung mga taong nakapaligid sa'yo ay hindi maganda ang naidudulot sa'yo, and it's your defense mechanism, but I know you're not what people describe you." Inismiran ko ito at napangiti ako.

"Thanks, you're nice too." Natigilan ako at nawala ang ngiti ko ng makita ang kotse ni Samuel sa labas.

Nag-init ang mukha ko at nainis, kanina ko pa s'ya tinatawagan at nag-aalala ako, tapos andito s'ya. Akala ko napaano si Samuel.

Nagmartsya ako papasok ng may humiklat ng braso ko, I slapped it pero sampal din ang sumalubong sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko at nanlaki ang mata ng makita si Papa.

Papalapit sana si Dane sa akin ng sumenyas ako na huwag. "Pagod na akong linisin ang mga kalat mo, umuwi na tayo at tigilan mo na ang kahibangan mo," Papa said it bago sumenyas sa mga tauhan n'ya.

Pumiglas ako pero isang sampal na naman ang natanggap ko, nahihiya ako. Ang daming tao ang nakatingin sa amin, "I had enough, Amelia."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status