FAZER LOGIN“I’ve already claimed you, every part of you belongs to me now." Kapag walang pera ang isang tao, sa patalim na lang talaga kakapit. Ganoon ang ginawa ni Clara. Dinala siya ng matinding pangangailangan sa isang desisyong alam niyang mapanganib. At sa pagpasok niya sa mundong iyon, si Diego Costello ang nakilala niya. Isang lalaking may kapangyarihan, pera, at impluwensiya ngunit mas delikado kaysa sa mundong sinubukan niyang takasan. Ngayon, matapos siyang tulungan nito, hindi na handang pakawalan ni Diego si Clara.
Ver mais"Kailangan na kailangan nang maoperahan ang mama mo dahil lalo lang lumalala ang kalagayan niya. Kapag hindi pa siya naoperahan, ikinalulungkot ko mang sabihin, pero ihanda niyo na ang sarili niyo sa maaaring mangyari."
Mas lalo akong napaiyak nang maalala ko ang sinabi ng doctor sa akin kanina.
Ramdam kong kanina pa din ako pinagtitinginan dito sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako iyak nang iyak, pero hindi ko na lang sila pinapansin at patuloy pa rin akong nananalangin.
Hindi ko alam kung pinakikinggan ba talaga ako ng Diyos, dahil kahit araw-araw akong manalangin sa kanya, palagi pa ring may problemang dumarating sa akin.
Ni hindi ko nga alam kung kailan darating ang araw na wala akong kahit isang problema at magiging masaya lang ako sa buhay.
Ganoon ka-miserable ang buhay na meron ako ngayon.
Hindi ko alam kung kakayanin ko kung mawawala si Mama sa amin ng nakakabata kong kapatid.
Ampon lang kaming dalawa ni Fritz kaya napakalaki ng utang na loob ko kay Mama.
Siya na lang ang meron kami ni Fritz kaya gagawin ko ang lahat para makasama pa namin siya.
Pero paano ko gagawin ’yon kung wala nga akong kahit isang piso?
Wala naman akong mahingan ng tulong dahil lahat ng kamag-anak ni Mama ay tinalikuran siya at wala nang pakialam sa kanya.
Ramdam na ramdam ko na din ang kumakalam kong sikmura dahil kahapon pa ako hindi kumakain.
Wala na talaga kaming pera.
Yung huling piraso ng tinapay na meron kami ay pinakain ko na lang kay Fritz dahil iyak siya nang iyak sa gutom.
Hindi ko naman magawang magtrabaho o kumita man lang ng kahit kaunting pera para may makain kami, dahil 17 pa lang ako at hindi ako nakapag-aral.
Walang gustong tumanggap sa akin sa akin na kahit anong trabaho.
Ganito talaga ang buhay ng mga mahihirap.
Kapag wala kang pinag-aralan hindi ka makakapagtrabaho.
Hirap na hirap na tuloy ako at hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin.
Napakalaking halaga ang kailangan para maoperahan si Mama.
Pero saan ko naman kukunin ’yon?
Pambili nga ng pagkain, hirap na hirap na kaming hanapin. Paano pa kaya ang 500k na kailangan para sa operasyon ni Mama?
Nang maisip ko ’yon ay mas lalo akong napahagulgol.
Sa patuloy kong pag-iyak, natigilan ako nang bigla na lang may nag-abot ng panyo sa harapan ko.
Mugto ang mga matang tumingin ako sa taong nag-abot noon, at nakita ko ang isang madre na malumanay na nakangiti sa akin.
Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang mapatulala, dahil para siyang si Mama Mary sa ganda niya.
Napakapayapa ng maamo niyang mukha, na pakiramdam ko tuloy ay panandaliang nawala ang mga problema ko habang tinitingnan ko lang siya.
Hindi ko akalaing may ganito pa palang kagandang babae at madre pa siya.
"Punasan mo ang luha mo, miss. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, pero malalagpasan mo rin 'yan. May awa ang Diyos," sabi nito na may malambing na boses, kaya muli akong napaiyak.
Sana nga... sana malagpasan ko ito.
Nanghihina akong naglakad palabas ng simbahan.
Nag-usap muna kami sandali ni Selene, ang madreng nag-abot ng panyo sa akin.
Wala siyang ginawa kundi makinig sa lahat ng problema ko at magbigay ng payo sa akin.
Napakagaan ng pakiramdam ko habang kausap ko siya, at doon ay tila nagkaroon ako ng kaunting pag-asa na kaya ko pa palang malagpasan ang lahat.
Pero ngayong naglalakad na ako pauwi, hindi ko maiwasang mapailing dahil tila nanlalabo na ang paningin ko dahil sa gutom at sobrang panghihina.
Pakiramdam ko, anumang oras ay matutumba ako.
At bago pa mangyari ’yon, may isang babae ang biglang umalalay sa akin.
"Oh my gosh! Don’t faint on me, okay? I can’t buhat you ’cause you look so heavy, even your buto-buto."
Napatingin ako sa kanya at agad kong napansin maganda nitong mukha kahit na may makapal siyang make-up at ang napaka-revealing at maikli niyang damit.
"Oh, you're so maganda naman pala," sabi niya nang makita ang mukha ko.
Nahiya naman ako ng kaunti pero nung medyo lumabo uli ang paningin ko sa hilo ay nilakasan ko na ang loob ko.
"Pasensya na… pero may pagkain ka ba diyan? Kahit biscuit lang," mahina kong sabi.
Hindi ko na talaga kaya.
Gutom na gutom na ako.
Natigilan siya sa sinabi ko, at tila naintindihan niya ang kalagayan ko ngayon.
Inalalayan niya muna ako paupo sa harap ng isang tindahan at agad siyang bumili ng pagkain.
Pinipilit ko namang huwag mahimatay habang hinihintay siya dahil ayokong mahirapan siya dahil sa akin.
At saka, paniguradong isusugod niya ako sa ospital kapag nahimatay ako at wala akong pambayad doon.
"Oh, here na oh."
Agad na nagliwanag ang mga mata ko nang iabot niya sa akin ang biscuits na binili niya.
Nagmamadali ko naman itong binuksan at kinain.
Tila gumaan ang pakiramdam ko habang kumakain, dahil sa wakas may laman na ulit ang sikmura ko.
Naisip ko tuloy kung ilang araw na naman kaya akong magtitiis ng gutom.
Siguro magtitira ako ng pagkain dito sa binili niya para may maibigay din ako kay Fritz.
Nakakawa naman kasi kung iiyak na naman iyon sa sobrang gutom.
Dahil sa bilis ko kumain ay nabilaukan ako, kaya agad niya akong binigyan ng tubig na mabilis ko namang ininom.
"Oh my gosh, eat slowly!" reklamo niya.
Nahihiya akong pinunasan ang bibig ko gamit ang kamay matapos uminom ng tubig saka ko siya hinarap.
"Sorry. At salamat pala. Huwag kang mag-alala, kapag nagkaroon na ako ng pera, babayaran ko itong pagkain na ’to."
Hindi man ngayon, pero sisiguraduhin kong tatandaan ko ang mukha niya para mabayaran ko siya balang araw.
Ayoko kasing nagkakaroon din ng utang na loob sa di ko kilala.
"It's okay. It looks naman na hindi mo ’to mababayaran based on your looks right now."
Parang lalo tuloy akong nahiya nang pasadahan din niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Alam kong para na talaga akong pulubi sa itsura ko ngayon dahil sa madungis ang damit ko at butas-butas pa.
"You look so poor. Do you have magulang ba or house?"
Tumango ako. "Meron. Pati mama, pero nasa hospital siya ngayon. May makubha kasi siyang sakit kaya nasa hospital lang siya at nagpapagaling."
Nakita kong tila naawa siya sa kalagayan ko.
Maski ako, naaawa na rin sa sarili ko pero wala akong magawa kundi tiisin ang lahat.
"So you're alone now? Wala kang kasama ngayon?"
Umiling ako. "May nakakabata akong kapatid pero nasa bahay siya. Umalis lang ako ngayon dahil pinuntahan ko si Mama sa hospital, tapos balak ko sanang maghanap ng trabaho… kaso walang tumatanggap sa akin kahit ni isa."
"So kamusta daw mama mo?"
Ngumiti ako nang malungkot. "Ang sabi sa akin kailangan na niyang maoperahan kaagad dahil lumalala na ang sakit niya, kaso hindi ko naman alam kung saan kukuha ng pera dahil wala na talaga akong pera ngayon."
Pakiramdam ko muli na naman akong maiiyak sa lahat ng nangyayari, kaya iniwas ko na lang ang tingin sa kanya.
"You don’t have money? Bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa trabaho ko?" Tumungin ito sa akin na tila nag-aalangan pa sa sinasabi niya. "You can earn some cash there and malay mo, makabingwit ka pa ng mayaman na susustento sa ’yo at sa kapatid mo. Para may pera ka na ding pang-opera para sa mama mo."
Natigilan ako sa sinabi niya at tila nabuhayan ako sa narinig.
"Talaga? Anong trabaho naman ’yan? Pwede ba ako diyan kahit hindi ako nakapag-aral?" medyo nahihiyang sabi ko.
Natawa siya at mahina pa niyang hinampas ang braso ko.
"Oo naman, duh! Basta willing ka sa magiging trabaho mo at sa mga ipapagawa nila sa ’yo, okay na okay na. You're so beautiful pa naman kaya paniguradong madaming pipila sa ’yo."
Naguguluhan man ako sa sinasabi niya, agad na rin akong pumayag sa sinasabi niyang trabaho.
Basta magkaroon lang ako ng trabaho at kumita ng pera… gagawin ko ang lahat.
Sumama sa akin pauwi si Ellie dahil baka raw tuluyan na akong mahimatay habang naglalakad.
Wala siyang sinabi kahit na ano kahit na nakita niyang sobrang liit lang ng bahay namin at sira-sira pa ang bubong.
Masasabi kong napakabait niyang babae kahit medyo maarte ang paraan niya ng pagsasalita.
Binigay na rin niya sa amin ang groceries na pinamili niya para raw may makain kami, lalo na ako na puro buto daw.
Nang makita ni Fritz ang groceries na bigay ni Ellie, tuwang-tuwa siya dahil ni minsan ay hindi kami nakakabili ng ganito karami dito sa bahay.
Sa sobrang hirap kasi namin, palaging sardinas lang ang inuulam namin, o minsan ay wala pang ulam.
Kaya itong groceries na bigay ni Ellie ay napakalaking pasasalamat ko na agad sa kanya.
Mamayang gabi raw kami pupunta sa trabahong sinasabi niya, dahil pang-gabi daw ang trabaho doon.
Dito na rin siya kumain ng hapunan dahil ayaw daw niyang umuwi munansa bahay niya dahil may tinataguan daw siyang tao, kaya naman nag-stay muna siya sa amin.
Nakakatuwa dahil kahit mukha siyang maarte sa itsura at paraan ng pagsasalita, parang sanay din naman siya sa hirap.
Sa itsura niya kasi, para siyang may lahi dahil sa sobrang puti niya na parang mahihiya ang dumi na kumapit sa balat niya.
Mas matanda sa akin si Ellie ng walong taon dahil nasa 25 na siya pero hindi iyon halata sa itsura niya dahil napaka ganda niya.
Sabi niya, sabay daw kami pupunta mamaya sa lugar kung saan ako magtatrabaho dahil siya ang magpapasok sa akin sa trabahong iyon.
Ang kwento niya kasi, sobrang exclusive daw ang mga taong pumupunta kung saan sila nagtatrabaho dahil nandoon ang mga mayayaman at mahahalagang tao.
Kaya yung mga empleyado doon ay hindi basta-basta nakakapasok agad sa trabahong iyon. Pero kapag may nagpasok sa’yo na nagtatrabaho na roon, mas madali na lang makapasok.
Sobrang mahahalagang tao daw ang pumupunta doon at bawal na bawal may makalabas na impormasyon tungkol sa kanila.
Kaya kapag may nalaman na lumabas sa labas, malilintikan ang empleyado.
Hindi ko alam kung anong trabaho ang papasukin ko dahil ang sabi lang ni Ellie ay malalaman ko rin iyon pagdating doon.
Ayaw pa niya talagang sabihin dahil bawal daw magbigay ng impormasyon tungkol sa trabaho kapag wala pa sa mismong lugar kung saan ako magtatrabaho.
Pero ilang beses din niya akong tinanong kung papayag ba talaga ako sa trabahong iyon, kahit ano pa ang mangyari. Sinabi ko lang sa kanya na oo dahil lahat gagawin ko para lang makakuha ng pera.
Sa tulad kong mahirap at walang-wala na, imposible para sa akin na tumanggi, lalo na kung alam kong kikita ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ni Mama, kaya kailangan kong magmadaling makaipon na ng pera para maoperahan na siya agad.
Ang sabi naman ni Ellie, malaki daw ang sahod doon at araw-araw pa ibinibigay ang bayad, kaya makakaipon talaga ako kung doon mag t-trabaho.
Medyo naiilang nga lang ako kay Ellie dahil panay titig lang niya sa mukha ko, na parang naaawa siya.
Hindi ko na lang pinapansin dahil excited na rin akong makapagtrabaho mamaya.
Ito ang unang beses na magkakaroon ako ng trabaho, at hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement sa pag-iisip na magkakaroon na ako ng sahod na sarili kong pinaghirapan.
Nang malapit nang mag-8, pinatulog ko na muna si Fritz para makaalis na kami ni Ellie.
Six years old pa lang si Fritz at sobrang bata pa.
Ayoko man siyang iwan mag-isa dahil paniguradong hahanapin niya ako kapag nagising siya, pero kailangan.
Wala rin naman kasi akong mapag-iiwanan sa kanya, kaya mas mabuting dito na lang muna siya sa bahay.
Sabi ni Ellie, bukas pa raw ng umaga kami makakauwi dahil pang-gabi talaga ang trabaho ko. Kay dapat daw may lakas ako, lalo na’t sobrang payat ko at baka wala na raw akong nutrition sa katawan.
Natatawa na lang ako kapag sinasabi niya iyon dahil totoo naman. Payat lang talaga ako dahil madalas ay wala kaming makain.
"Girl, are you sure ba talaga sa trabahong inaalok ko? That trabaho is hard to leave. Makakaalis ka lang doon kapag may gustong mag-alis sa ’yo at kunin ka nilang permanent sa trabahong ipapagawa nila sa ’yo," sabi niya habang nasa loob kami ng taxi papunta sa lugar ng trabaho.
Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, na hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na baka delikado ang trabahong papasukin ko, pero naikwento niya kasi sa akin na malaki ang naitulong ng trabahong iyon sa buhay niya, kaya binabalewala ko na lang ang mga naiisip ko.
"Oo naman. Hindi naman siguro mahirap yung trabaho natin, ’di ba? Kasi sabi mo gumanda ang buhay mo dahil doon," nakangiti kong sabi, kaya natahimik siya.
"I can't say if gumanda nga ba ang buhay ko..." mahina niyang sagot, dahilan para kumunot ang noo ko.
Magtatanong pa sana ako pero huminto na ang taxi na sinasakyan namin at lumabas na kami.
Napatingala ako at nakita ko ang isang mataas na gusaling nasa harapan namin. Rinig na rinig mula rito sa labas ang malakas at maingay na tugtog sa loob.
Napakurap ako at napatingin kay Ellie, na nakayuko.
"Nasaan tayo, Ellie?"
Tumingin siya sa akin na tila ba nahihiya. "Nandito tayo… sa high-class bar."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at kinakabahang napatingin sa bar na nasa harapan namin.
Kung ganoon, dito ako magtatrabaho?
Anong magiging trabaho ko?
Napatingin ako sa mga babaeng nasa loob, na nakasuot ng maiikling damit.
Ngayon parang alam ko na kung bakit napaka-ikli rin ng damit na suot ni Ellie ngayon.
Para tuloy akong pinagsaklooban ng langit at lupa nang ma-realize ko kung anong klaseng trabaho ang sinasabi niya.
"Ahm… you know, you can back out pa naman, ’di ba?" Maingat niyang sabi nung makitang nangingilid na ang luha sa mata ko.
"A-ano ba talagang magiging trabaho ko?" mahina kong tanong.
Nguminga siya ng malalim at tumingin-tingin muna sa paligid bago mas lumapit sa akin para walang makarinig sa sasabihin niya.
"There's many trabaho here na pwede mong pasukan. But, since sinabi mo nga na hindi ka nakapagtapos, may dalawang work dito sa bar na special," sabi niya.
Napatitig ako sa kanya at iniintindi ang sinasabi niya.
Tama siya, sa isang high-class na bar na 'to ay napaka-imposible ngang tanggapin nila ang empleyadong hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
"Those two works are only for our VIP clients here. In short, yung VIP clients ng bar na ’to ay puro mayayamang kayang bilhin ang lahat sa isang utos lang nila," dagdag niya.
Tila naintriga ako sa sinabi niya. "Ano ba ang trabahong iyon?"
Nag-aalangan siya nung una kung sasabihin ba niya sa akin iyon, pero nang makita ang desperado kong itsura, wala siyang nagawa kundi magkwento.
"Actually, the two jobs are just the same. And yes, what you're thinking is right," huminga siya ng malalim. "Ang unang trabaho ay ang pagbebenta mo ng katawan sa mga VIP clients. Ayun ang pinakamataas na sweldong matatanggap mo sa lahat ng trabaho sa bar na ’to. Kapag kinuha mo ang trabahong iyon, at kapag tinable ka nila, nasa 30k agad ang bayad sayo, at kapag super satisfied pa ang client sa’yo, puwede pa silang magbigay ng dagdag na pera."
Napalunok ako sa narinig at kinabahan.
Ang laking pera nun sa tulad kong ni hindi pa nakakahawak ng 1k na pera.
Pero kapalit naman nun ay ang dignidad mo.
"The second one… this one, I think, is okay for you."
Tila nagkaroon ako ng interes sa sinabi niya.
"Since you look still pure at hindi naman mukhang kaya mong magbenta ng katawan, the second job is good for you. Pero don’t think na madali lang yung pangalawang trabaho ah, kasi sinabi ko na, the two are just the same."
Tumango ako. "Ano ba yung pangalawang trabaho?"
Baka iyon ay kaya ko pa.
"You just become a slave for them. It means, you will do what they want you to do, but it will not involve sex."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Slave?
"This job is safer because p-protektahan ka ng may-ari nitong bar kapag may pumilit na makipagtalik sayo, pati ang identity mo ay protected din. Also, this one is more okay than the first one, kasi yung unang trabaho ay sila ang pipili sa’yo para i-table ka. Pero this job, ikaw ang pipili kung sino ang gusto mong humawak sayo kada araw. Mas maliit nga lang ang magiging bayad sayo sa trabahong ito dahil hindi ka nila gagalawin, pero it depends pa din sa taong magiging master mo," pagpapatuloy niya.
Natahimik ako.
Ngayong alam ko na ang trabahong papasukin ko, hindi ko maiwasang mag-alangan.
Tutuloy ba ako?
Pero nang maisip ko yung perang kikitain ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
"I told you, you can still back out pa. You were just like me when I first knew what the job I would apply for. Maswerte ka lang because it's me who will pasok you here, kasi yung taong nagpasok sa akin dito is cruel. So much cruel," sabi niya, at ramdam ko sa boses niya ang galit sa taong sinasabi niya.
Mukhang may nangyari masama sa kanya dati, at hindi ko maiwasang maawa rin sa kanya.
Mukhang maski siya dati ay hirap na hirap din at wala na siyang nagawa pa kundi tanggapin ang klaseng trabaho na meron dito.
Napabuntong-hininga ako.
Mama… kapag ba nalaman mo ang gagawin ko ngayon, matutuwa ka kaya sa akin?
Bigla kong naisip si Fritz, na palagi na lang umiiyak dahil sa gutom, at pati na rin si Mama, na hirap na hirap na sa sakit niya.
Bahala na.
Lahat ay gagawin ko para magkaroon ng pera.
Kahit sa illegal man itong paraan.
Bago ako tuluyang umalis sa bar ay dumiretso muna ako kay Madam Nicky para kunin ang ATM card na ibinibigay sa aming mga nagtatrabaho sa ganitong klaseng trabaho.ATM card iyon na ginawa talaga para sa amin. Doon inilalagay ang perang kinikita namin araw-araw, at kailangan na lang naming i-withdraw ang perang iyon para makuha namin.Mag-aalas dos na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay namin.Hindi ko na rin tuluyang nakita pa si Ellie, kaya mag-isa na lang akong umuwi. Halos hindi na nga ako makasakay kanina dahil madaling araw na at wala nang bumabyahe sa ganitong oras.Pero mabuti na lang at may isang itim na kotse ang huminto kanina sa harapan ko at sinabing ihahatid na niya daw ako pauwi.Hindi ko na nga sana siya papansinin dahil baka may masama siyang binabalak at baka mapahamak pa ako, pero sinabi niya na kasama raw sa special treatment para sa amin na may naghahatid daw pauwi sa amin upang masigurong ligtas kami.Mabuti na lang talaga at wala siyang ginawa sa akin at h
Agad kong kinuha ang maskara para sana isuot muli ito sa mukha ko, pero mabilis din niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako."Why are you still trying to cover it when I already saw your face?"Umiling ako."H-hindi puwede. Bawal naming ipakita ang mukha namin sa inyo."Natawa siya nang mahina. "You're so obedient. But I don't like it when you’re obedient to someone else and not me."Hinawi niya ang buhok ko nang marahan, tila sinusukat ang reaksyon ko habang nakatitig pa rin nang diretso sa akin."I'm your master for today, right? What I want, you should follow, not their fucking rules. So if I say I like seeing your face, you should let me see it," madiin niyang sabi, dahilan para mapakislot ako sa tono ng boses niya."P-pero… paano yung r-rules…"Kahit wala man sinabi sa akin kung ano ang mangyayari kapag hindi ko sinunod ang mga iyon, pero rules are rules at dapat ko itong sundin.Lalo na kung para sa kapakanan ko iyon.Ngumisi siya, pero halatang hindi siya natutuwa sa pil
Sinubukan kong hanapin muna si Ellie sa labas at baka makasalubong ko pa siya bago ko simulan ang trabaho ko, pero hindi ko na talaga siya makita. Kaya sumakay na lang ako sa elevator na nakita ko at agad na dumeretso sa pinakamataas na floor.Halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko habang tumataas ang elevator, dala ang kaba na nararamdaman ko.Ramdam ko rin ang pagnginig ng kamay ko sa takot at sa pag-iisip ng kung ano-ano.Halos mapigil ko na ang paghinga ko, lalo na nung huminto ang elevator at kusang bumukas ang pinto.Napatitig ako sa labas."Kaya ko ba talaga ’to?" mahina kong sabi.Halos hindi ko na magawang igalaw pa at mailabas ang mga paa ko sa elevator sa takot, pero kapag naiisip ko yung perang matatanggap ko, pinilit kong pikit-mata na lang sa maaaring sapitin ko at lumabas na.Napatingin ako sa paligid at napansin ang kakaiba sa floor na ito kumpara sa mga naunang floor. Paglabas mo sa elevator, hallway agad ang bubungad sa’yo, at sa magkabilang gilid ay magkakas
Pagpasok pa lang namin sa loob ay agad na akong nailang sa mga ginagawa ng mga tao roon.Ang iba ay grabe kung uminom sa gilid at yung iba ay panay sayaw lang sa dance floor, habang yung iba naman ay halos may ginagawa nang kababalaghan sa iba’t ibang parte ng lugar, kulang na lang ay maghubaran na sila.Hindi ko tuloy maiwasang matakot at kabahan sa maaaring mangyari sa akin dito.Madali lang kaming nakapasok ni Ellie dito. Sa una ay kabado pa nga ako dahil baka hindi ako papasukin dahil menor de edad pa naman ako. Pero nang ipaliwanag ni Ellie na kasama niya ako, hindi na ako tinanong pa ng nagbabantay sa entrance at pinapasok na kami sa loob.Ngayon tuloy, todo kapit ako sa braso ni Ellie dahil sa mga nakikita ko.First time ko lang pumasok sa ganitong lugar kaya bago pa ang lahat sa akin.At alam naman iyon ni Ellie, kaya mahigpit din ang hawak niya sa akin para hindi ako mahiwalay sa kanya dahil siksikan ang mga tao sa loob.Mukhang sikat talaga ang bar na ito dahil napakadaming


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.