Share

20

Hawak ko ang baba ko, habang nakatulala ako sa kawalan at kalagitnaan na ng gabi, maagang umalis si Marshall at hindi rin ako sumabay kila Ate at Feline na mag-hapunan, dahil baka masunog sila at mga banal silang nilalang. Hanggang maaari ay makikinig ako kila Mama at Marshall, hindi maganda na palagi akong makikipag away kay Feline, pero kung wala naman nakatingin, why not?

Bumangon ako binuksan ang bintana ng kwarto ko, nag-dalawang isip kung maganda ba na ideya ang sinabi sa akin, it was really suspicious. Iniisip ko nab aka pakana ni Papa ang mga sinasabi sa akin, para mas lalo akong mahuli sa mga plano ko.

Hindi ko magawa na amatanong ng maayos si Marshall kapag kaming dalawa na lang, nauutal ako at hindi makapag salita ng maayos, nanghihina rin ako, kaya mahirap. Kung susugal ako, dapat ay sigurado ako na Malaki ang tyansa na mananalo ako sa mga naumpisahan ko, at kung hindi naman, hindi maganda ang magiging resulta non sa akin.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status