Home / Romance / Amira / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Lhiamaya
last update Last Updated: 2022-11-15 11:09:31

Yñigo

Para akong namatanda at hindi maalis ang paningin sa babaeng may hawak na basket at balanggot. Namumukod tangi sya sa mga naroon. Napakaamo ng maganda nyang mukha na binagayan pa ng mahaba at itim na itim na buhok at maputing kutis. Para syang isang diwata na napadpad sa gitna ng bukirin. Pamilyar din sa akin ang mukha nya.

"Ayos lang kayo señorito?"

Napakurap kurap ako ng mata at bumaling kay Mang Carlitos na naka kunot ang noo.

Napahimas naman ako ng batok at binigyan pa ng isang sulyap ang babae na busy na ngayon sa paglalagay ng mga pinagkainan sa basket.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Ah oho Mang Carlitos, napadaan pala ako dito dahil magpapasama ako sa inyo sa bayan."

"Ganun ba. Walang problema señorito. Amira!" May tinawag itong babae. Lumapit naman ang babaeng nakapukaw ng aking atensyon. Napalunok ako ng mapagmasdan ko ito ng malapitan. Nakakabato balani ang ganda nito.

"Señorito, si Amira ang nag iisa kong anak kung natatandaan nyo pa. Amira bumati ka kay señorito."

"Magandang hapon ho señorito at maligayang pagbabalik sa hacienda." Malamyos na boses na bati nya at may kiming ngiti sa labi. Napaawang naman ang labi ko. Ito na si Amira? Ang batang laging nakabuntot kay Manang Esme noon sa mansion?

12 years ago...

"Iih nay.. gusto ko po ng chocolate."

Dinig kong ungot ng isang maliit na boses ng batang babae galing sa kusina.

"Nak, hindi sa atin yun. Papabili na lang tayo kay tatay mamaya sa bayan ha." Malumanay naman na sabi ni Manang Esme.

"Iih.. gusto ko po yung nasa ref, mas masarap po yun eh." Pangungulit pa ng batang babae.

"Anak, hindi nga sa atin yun."

"Eh di hihingi po ako kay señor Arsenio, bibigyan po ako nun."

"Amira anak, wag ng makulit. Papagalitan ka ni tatay kapag nalamang nagkulit ka." Medyo matigas na ang boses ni Manang Esme.

"Ihh nay.."

"Amira." May pagbabanta na sa boses ni Manang Esme.

Pumasok na ako sa komedor para silipin sila. Sinuklay suklay ko pa ng daliri ang magulong buhok dahil kagigising ko lang.

"Morning Manang Esme." Bati ko.

"Ay, magandang umaga señorito. Gising na pala kayo. Gusto nyo na bang kumain? Ipaghahain ko kayo."

"Mamaya na ho. Kape na lang ho muna ako." Nakangiting sabi ko.

Nakita ko naman ang batang babae na nakakapit sa palda ni Manang Esme at inosenteng nakatingin sa akin ang bilugan nyang mga mata habang kagat kagat ang hintuturo. Ang cute nito sa suot na bulaklaking pink na bestida at nakalugay ang itim na itim nitong buhok na hanggang balikat.

"Ay señorito, si Amira nga pala ang nag iisa naming anak ni Carlitos." Nakangiting pagpapakilala ni Manang Esme sa batang babae. Ngumiti ako at umuklo sa harap nya.

"Hi! Ilang taon ka na little girl?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Tila nahihiya pa syang magsalita at nagtago sa palda ng ina.

"Amira anak, tinatanong ka ni señorito."

Tumingala muna sya sa ina bago tumingin sa akin. "Seven po."Sagot nya.

Ang cute! Pati boses cute. Inabot ko ang kanyang ulo at ginulo ang buhok. Natawa naman ako ng inayos nya ito habang nakanguso ang maliit na bibig.

"Gusto mo ba ng chocolate?"

Nagningning ang mata nya ng makarinig ng chocolate. Tumingala muli ito sa ina na tila nanghihingi ng permiso. Ng ngumiti si Manang Esme saka lang ito tumango sa akin. Tumayo ako at tinungo ang refrigerator. Kumuha ako ng isang toblerone at binigay sa kanya. Agad agad naman nya itong kinuha at may munti ng ngiti sa labi.

"Amira anak, anong sasabihin mo kay señorito?" Paalala ni Manang Esme.

"Salamat po señorito." Aniya sa maliit na boses.

"Walang anuman. Akin na muna, buksan natin."

Excited naman nya itong binigay sa akin para buksan ko. Agad naman itong kumagat ng kapiraso habang nangingiti. Ang sarap lang nyang pagmasdan habang takam na takam sa tsokolateng binigay ko.

"Pagkatapos mong kumain ng chocolate dapat mag toothbrush ka para hindi masira ang teeth mo." Malumanay kong sabi sa kanya.

Tumango naman sya. "Opo, lagi po yun sinasabi sa akin nila nanay at tatay eh."

"Good girl." Ani ko at pinahid ang tsokolateng nasa gilid ng labi nya..

Mula noon ay madalas na itong humingi sa akin ng tsokolate kapag nakikita ako sa hacienda. Lagi ko rin naman itong binibigyan dahil wala naman masyadong kumakain ng tsokolate sa mansion at masasayang lang. Isa pa, nakakaadik din ang buhay na buhay na ngiting binibigay nito kapalit ng tsokolate. Dahil walang bata sa mansion ay nakakagiliwan namin ito lalo na ako. Tuwing uuwi ako galing Maynila ay lagi ko itong pinapasalubungan. Ngunit lumayo ang loob nito sa akin dahil sa isang insidente..

"Marlyn, nasaan na yung mga papeles na inuwi ko kagabi? Nandito lang yun eh! Inayos mo ba ang lamesa ko?" Mataas ang boses na tanong ko sa sekretarya ng papa ko.

Inisa isa ko ang patong patong na folder pati na rin ang drawer. Ang ayoko sa lahat ay pinapakialaman ang gamit ko ng walang pasabi. Kagaya ngayon, hindi ko na alam kung saan hahagilapin ang papeles na inuwi ko kahapon. Napapalatak na padabog kong sinarado ang mga drawer na binuksan ko.

"I-Inayos ko ho kahapon kasi nakakalat." Aniya sa nanginginig na boses.

Napakamot ako sa ulo dahil sa inis. "Hindi mo ba alam na ayoko sa lahat na pinapakialaman ang mga gamit ko?" Nakapamewang na asik ko sa kanya.

Mainit ang ulo ko dahil kagigising ko lang nag away na kami ni Papa. Tapos ngayon nawawala pa ang mga papeles na inuwi ko kagabi galing Maynila.

"H-Hahanapin ko na lang po sir." Nauutal pa na sabi nya.

"Oh please make it fast!"

Nakapamewang na palakad lakad ako sa loob ng library habang ang sekretarya naman ay aligagang hinanap ang pinahahanap ko. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang batang si Amira na masaya ng makita ako.

"Señorito! Sabi na nga ba dumating na kayo eh!" Masiglang wika ng batang si Amira na may masayang ngiti sa labi. "San na po pasalubong ko?"

Binigyan ko sya ng tipid na ngiti. "Mamaya na lang Amira ha?"

"Pero sabi mo bibigay mo pagdating mo po?" Nakanguso ng sabi niya.

Kung hindi lang mainit ang ulo ko ay siguradong matutuwa ako sa ka cute-an nya pero hindi muna ngayon hangga't hindi nahahanap ang mga papeles.

"Oo, pero mamaya na ha? Pagkatapos ko mag work -- "

Natigilan ako ng makita ang hawak nyang lukot na papel sa kabilang kamay na parang pamilyar sa akin. Ang kabilang kamay naman nya ay may hawak na lapis.

"Amira ano yang hawak mo?"

"Eto po?" Itinaas nya ang lukot lukot na papel.

Kinuha ko ito. Napamura ako ng makitang ito ang isa sa papeles na hinahanap ko. Bukod sa lukot lukot na ito ay puro sulat pa ng lapis. Napapikit ako ng mariin at pinipigilan ang galit na gustong humalagpos sa batang nasa harap ko.

"Saan mo nakuha to?" Madiin na sabi ko at nagpipigil na magtaas ng boses.

"Sa lamesa po." Sabay turo nya sa mesa.

Napabuga ako ng marahas na hininga.

"Sinong nagsabi sa'yo na pwedeng mong pakialaman ang mga gamit sa mesa ha?" Hindi ko na napigilan ang sariling pagtaasan sya ng boses.

Unti unti namang nalukot ang mukha nya at maluha luha na. Kita sa kanyang mukha ang takot sa akin. "W-Wala po."

"Wala pala eh! Hindi ka ba tinuruan ni Manang Esme na wag kumuha ng bagay na hindi sayo? At pa'no kang nakakapasok dito sa library ha?" Singhal ko sa kanya. Bakit hinahayaan ng mga tao dito na makapasok ang bata sa library.

Napasibi naman sya at nagsimula ng magpatakan ang mga luha sa mata. Yumuyugyog na rin ang maliit na balikat nya. Akmang lalapit si Marlyn sa bata ay pinigilan ko sya. Maya maya pa ay humahangos ng pumasok si Manang Esme. Narinig siguro ang malakas kong boses.

"Señorito anong nangyayari dito?" Tanong nya at lumibot ang mata sa amin.

Nang makita ang anak na umiiyak ay nilapitan nya ito. Tuluyan ng umiyak ang batang si Amira at yumakap sa ina. Inalo alo nya ang anak at hinagod ang likod. Tumingin naman sya sa amin ni Marlyn na tila nagtatanong. Pero ng makita nya ang hawak kong papael na lukot lukot ay saka lang nya napagtanto kung ano ang nangyayari.

"Señorito, pagpasensyahan nyo na ang anak ko. Hindi na ito mauulit."

Napahilot naman ako ng noo at humugot ng malalim na hininga. "Sige na ho Manang Esme. Pakilabas na lang ang anak nyo at sana wag nang maulit ito." Maawtoridad na sabi ko.

"Pasensya na talaga señorito. Hayaan nyo pagsasabihan ko ang anak ko." Hinging paumanhin ni Manang Esme at lumabas na ng library akay akay ang umiiyak pa ring si Amira..

Simula non ay hindi na sya lumalapit sa akin at tumatakbo sya palayo kapag nakikita ako.

"Hi Amira! Hinahanap mo ba ang nanay mo?" Nakangiti kong bati sa kanya ng maabutan ko syang papasok ng kusina. Hindi sya nagsalita at nakatingin lang sa akin. Bakas pa rin sa mata nya ang takot sa akin. Dumukot ako sa bulsa at nilabas ang isang chocolate bar.

"Gusto mo ng chocolate? Masarap to. Diba gusto mo nito?" Nakangiti kong alok sa kanya at winagayway pa ang tsokolate. Nakatingin lang sya akin at maya maya lang ay kumaripas na ng takbo. Napabuntong hiningang tinanaw ko na lang sya.

Hindi na rin nya tinatanggap ang tsokolateng binibigay ko mula noon maliban na lang pag si lolo ang nagbibigay. Nakaramdam ako ng lungkot pero binalewala ko na lang, inisip ko na babalik din ang pagiging malambing nya sa akin. Pero nagpatuloy yon hanggang sa umalis ako ng hacienda..

Present day...

"Ang laki mo na ah!" Tanging nasabi ko at pinasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Mula sa pagiging makulit na paslit noon ay dalagang dalaga na ito ngayon. Isang maganda at nakakaakit na dalaga. Sa tantya ko ay nasa desi nuebe o bente ang edad nya ngayon. Tipid na ngiti lang ang binigay nya sa akin. Namiss ko bigla ang mga ngiti nya sa akin noon.

"Oo nga eh, kaya nga bantay sarado namin yan ni Esme dahil ligawin na." Si Manong Carlitos ang sumagot. Parang hindi ko naman nagustuhan ang sinabi ni Mang Carlitos na ligawin ito.

"Dapat lang ho talagang bantayan dahil bata pa itong si Amira para sa ligaw ligaw na yan." Segunda ko.

"Ganun na nga señorito --"

"Ah tay, uuwi na ho ako." Sabi nya at nilagay na ang balanggot sa ulo.

"O sige, mag iingat ka sa daan."

"Oho." Tipid na ngiti at tango lang ang binigay nya sa akin at tumalikod na. At gaya noong maliit pa sya, tinatanaw ko na lang syang papalayo.

"Señorito aalis na ba tayo?" Tanong ni Mang Carlitos.

Bumuntong hininga ako at tumango. "Oho, para maaga ho tayong makauwi."

Tumango naman sya at pumasok na sa passenger seat. Sinulyapan ko muna ang direksyon ni Amira bago nagpaalam sa mga magsasakang naroon saka sumakay sa driver seat.

*****

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Missy F
ayan kasi pinagalitan mo kc sya dati...pde naman cgro ipa print ung mga papeles ulit?
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
patay senyorito dalaga na at nkakaakit ang batang Pingalitan mo noon haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Amira   Special Chapter 3

    YAGOMABILIS AKONG tumakbo sa malaking gate kasunod ang aso kong si Pepito ng matanaw ko na ang batang anak ng magsasaka na paborito kong asarin. Nakakatawa ang suot nya. Neon green na dress. Akala mo naman bagay sa kanya eh ang negrita nya. Glow in the dark yarn? "Alicia Negrita!" Tawag ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad habang hila hila ang panungkit. Malamang manunungkit na naman sya ng bayabas sa bukid. "Alicia Negrita. Yuhoo!" Pakantang tawag ko pa sa kanya. Tinatahulan din sya ni Pepito. Pero di pa rin nya ako pinapansin. Alam kong naririnig nya ako di nya lang ako pinapansin. "Mangunguha ka ng bayabas no? Mukha ka talagang bayabas kaya ka umiitim eh. Pati damit mo kulay bayabas." Pang aasar ko sa kanya. Pero di pa rin nya ako pinapansin o kahit tingnan man lang. "Aba't! Isnabera ka na ha." Naiinis na sabi ko. Akala mo naman ang ganda ganda. Negrita na nga isnabera pa. Napangisi ako at tumingin kay Pepito na tumingin din sa akin. Parang n

  • Amira   Special Chapter 2

    ALONZO"MA, MALAKI na ako." Natatawang sabi ko habang inaayos ni mama ang kwelyo ng polo uniform ko. "Kahit malaki ka na at tumanda ka baby pa rin kita. Kayo ng kambal mo at ni bunso." Sabi ni mama at pinisil pa ang pisngi ko. Natawa na lang ako. 16 years old na ako pero baby pa rin ako kung ituring nya, kami ng mga kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko kung paano ako itrato ni mama, natutuwa pa nga ako dahil ramdam kong mahal na mahal nya kami, sila ni papa. "Let's go na brother." Nilingon ko si Ynna na patakbong bumaba ng hagdan. "Ynna anak halika muna rito." Tawag ni mama sa kambal ko. "Yes ma?" Lumapit naman si Ynna kay mama. "Bakit naman ganyan kapula ang labi mo anak?" Ani mama na inayos din ang uniporme ni Ynna. "May pictorial kasi kami mamaya sa school ma. Isa ako sa mga model." Sabi ni Ynna. "Talaga ba? Baka naman may pinapagandahan ka na?"Nilingon namin si papa na pababa din ng hagdan. "Wala po pa. Sadyang maganda lang ako." Nakangusong sabi ni Ynna. Tumawa naman si

  • Amira   Special Chapter 1

    YÑIGO"PAPA I WANT moby yung chocolate." Malambing na ungot ni Ynna ang limang taong gulang kong anak na babae habang tinuturo ang malaking pack ng paboritong tsitsirya sa estante. "Me too papa, pero yung caramel flavor ang gusto ko." Ungot din ni Alonzo ang limang taong gulang kong anak na lalaki na kambal ni Ynna na nakaturo din ang daliri. "Alright, pero tig isa lang kayo ha. Magagalit si mama." Sabi ko sa kanila at inabot ang tig isang flavor ng moby sa estante at nilagay sa cart. Tuwang tuwa naman ang dalawa. Napangiti ako. Kay sarap lang nilang tingnan na masaya sila. Nandito kami sa supermarket sa bayan at nag go-grocery. Dito muna kami pumunta bago sunduin si Amira sa hospital. Dapat ako lang susundo pero mapilit ang kambal na sumama kaya wala na akong nagawa. Isa nang ganap na nurse si Amira. At sa hospital sya ng San Agustin nagtatrabaho. Syempre suportado ko sya. Kinuha ko sa kamay ni Ynna ang tatlong pakete ng chocolate na dinampot nito. "No baby, may chocolate ka pa s

  • Amira   END

    AMIRANATATAWA AKO habang pinapanood si Yñigo na tinuturuan ni inay ng tamang pagsuot ng diaper kay baby Alonzo. Seryosong seryoso ang mukha nya at napapakunot noo pa. Napapakamot pa sya ng ulo dahil medyo may kalikutan na si baby Alonzo.Napangiwi naman ako ng medyo dumiin ang sipsip ni baby Ynna sa utong ko. Matapos kong padedehen si baby Alonzo ay sya naman. Kung noong una ay halos mangiyak ngiyak ako kapag nagpapadede sa kanilang kambal dahil masakit. Pero ngayon ay nasasanay na ako. Ang suhestiyon kasi ni doctora ay mas mainam kung magpapabreastfeed ako. Makakabuti yun sa kambal. Mas masustansya ang gatas ng ina kesa sa formula. "Ah ganun lang ho pala yun." Tumatangong sabi ni Yñigo. "Pero lagi mo ring titingnan ang diaper nila kung puno na o may dumi na. Hindi komportable ang baby kapag ganoon dahil naiirata sila kaya iiyak sila." Paliwanag ni inay. Dahil sa wala pa kaming alam ni Yñigo kung paano ang tamang pagaalaga ng baby ay matiyaga kaming tinuturuan ni inay at nila mana

  • Amira   Chapter 42

    AMIRA"KAMUSTA MGA anak? Anong balita sa check up?" Bungad ni inay sa amin ni Yñigo pagpasok pa lang namin ng mansion. Nasa sala sila ni itay kasama si lolo Arsenio habang nagtsatsaa. Mukhang may pinaguusapan sila bago kami dumating. Inalalayan naman akong maupo ni Yñigo sa sofa at tumabi sya sa akin. Nakangiting hinarap namin sila na nakatingin din sa amin at naghihintay ng sasabihin. "Kamusta? Nalaman na ba ang gender ng unang apo ko sa tuhod? Lalaki ba?" Nakangiting sunod sunod na tanong ni lolo Arsenio. Nagkatinginan pa kami ni Yñigo at nagngitian. Nilapag namin ang ultrasound sa lamesita sa harap nila. Gusto namin sila mismo ang makaalam. Nagtataka namang tiningnan nila ang mahabang papel na nakalapag sa lamesita. Si lolo Arsenio ang unang dumampot at in-adjust ang suot na salamin para makita ang nasa papel. Ilang sandali pa nya itong pinakatitigan. "Teka, bakit parang dalawa itong hugis patani na ito?" Tanong nya ng hindi inaalis ang tingin sa papel. "Dalawa? Bakit dalawa

  • Amira   Chapter 41

    AMIRAHUMUGOT AKO ng malalim na hininga ng makababa na kami ni Tonio ng sasakyan. Nadito kami sa harap ng restaurant kung saan magkikita at maguusap kami ni Alvin at Suzette. Nakikita ko na nga sila sa loob at tila masayang nag uusap. "Sure ka ba talaga acla? Kung hindi ka sure pwede namang hindi na lang tayo tumuloy." Nagaalalang tanong ni Tonio. Nag aalala kasi sya na baka magkagulo lang kaming tatlo lalo na dahil kasama si Suzette. Tumango ako sa kanya. "Tara na sa loob baka naiinip na sila. Kuya, pahintay na lang kami dito." Sabi ko sa bodyguard ko at driver. Tumango naman sila. Pumasok na kami ni Tonio sa loob ng restaurant. Binati kami ng guard at in-assist ng isang staff. Tinuro ko naman ang pwesto nila Alvin na pang apatan ang mesa. Lumapit na kami sa kanila. Natigilan naman sa paguusap ang dalawa at parehas na nawala ang ngiti. Si Alvin ay titig na titig pa sa akin na parang hindi makapaniwala na nakikita nya ako. Bahagya ng nanunumbalik ang katawan nya. Noong huling kita

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status