Share

Special Chapter 2

ALONZO

"MA, MALAKI na ako." Natatawang sabi ko habang inaayos ni mama ang kwelyo ng polo uniform ko.

"Kahit malaki ka na at tumanda ka baby pa rin kita. Kayo ng kambal mo at ni bunso." Sabi ni mama at pinisil pa ang pisngi ko. Natawa na lang ako.

16 years old na ako pero baby pa rin ako kung ituring nya, kami ng mga kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko kung paano ako itrato ni mama, natutuwa pa nga ako dahil ramdam kong mahal na mahal nya kami, sila ni papa.

"Let's go na brother." Nilingon ko si Ynna na patakbong bumaba ng hagdan.

"Ynna anak halika muna rito." Tawag ni mama sa kambal ko.

"Yes ma?" Lumapit naman si Ynna kay mama.

"Bakit naman ganyan kapula ang labi mo anak?" Ani mama na inayos din ang uniporme ni Ynna.

"May pictorial kasi kami mamaya sa school ma. Isa ako sa mga model." Sabi ni Ynna.

"Talaga ba? Baka naman may pinapagandahan ka na?"

Nilingon namin si papa na pababa din ng hagdan.

"Wala po pa. Sadyang maganda lang ako." Nakangusong sabi ni Ynna.

Tumawa naman si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Naty Esmabe Magbag
parang c gado at liliana lang eto e...ganda
goodnovel comment avatar
Soleil Montefalco
sana magka story sila 🫶
goodnovel comment avatar
jerlyn Pamintuan
ganda author next story n yan,pro unahin nyo mna mga boy's n ivy and jez
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status