Share

CHAPTER TWO

"WHAT A RIDE!" reklamo ko habang nakabusangot na nakatingin sa bintana.

Habang nasa biyahe kami ni Mama ay panay pa rin ang dada niya, as in. Ang ingay! Sumasabay ang bunganga ng maganda kong ina sa kotseng kinasasakyan namin.

Nang hindi na ako makatiis ay sumigaw ako para tumigil na siya.

Napamulagat lang siya. Habang ako ay nanatili pa ring nakasimangot. 'Di na yata mababago ang ekspresyon sa mukha ko.

"Mama, relax, malapit na tayo," I said. Ngumiti lang siya at hindi na umimik, at last.

NASA ITALIAN RESTAURANT na kami kung saan magmi-meet ang pamilya namin at pamilya ng mapapangasawa niya. As if naman I care? Pero kailangan kong umaktong ayos lang sa akin ang mangyayaring event kahit deep inside of me, I want to ruin it. Kasabay niyon ang pagtawa ko nang parang demonyo sa isip ko.

Napatingin ako sa gawi ni Mama. Nauna na pala siya nang ilang pulgada.

"Son, What's wrong?"

"Nothing, mother," I said.

Pero kong puwede ko lang sanang sabihin na, "Mama, lahat ay mali." E 'di sana ipinagsigawan ko na. Pero hindi ko puwedeng pasamain ang loob ng Mama ko.

Hindi naman ako vain. Noong buhay pa ang Papa, nakikita kong sinasaktan niya si Mama kahit sa maliit na bagay lang. Kaya ayos na rin sa akin kung mag-aasawa ulit si Mama. Basta ba hindi na masokista ang pakakasalan niya.

Kaya kikilalanin kong mabuti ang magiging step-father ko. At kapag hindi siya okay kay Mama, sorry na lang siya. Gagawa ako ng paraan para mawala siya sa buhay ni Mama.

Sumabay na akong lumakad sa mala-modelo kong ina. Astig talaga ng Mama ko. Puwede ko siyang pagpanggapin na GF ko. Wahaha!

EWAN KO BA? Kanina ko pa nakikitang ngumingiti si Xander. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano, kasi kakaiba talaga ang ngiti niya.

"Xander Luis, don't do anything na puwedeng ikasira ng lahat!" babala ko sa kaniya.

"Yes, Mama, I won't," he said.

"That's good, be ready. Malapit na tayo sa table natin."

Then suddenly, mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ito. Kaya napa-stop ako sa paglakad.

"Ano na naman, Xander?!" nagtitimpi kong sabi sa kaniya.

There's a blank expression in his handsome face. Suddenly he spoke softly. "Mama, I won't do anything to spoil this evening. . . I promise."

"That's good to hear, Xander," sabi ko. Kaya nagpatuloy na kaming naglakad.

"But mama. . ." he said.

I stopped for a while, then I see my honey munch sitting next to his daughter from afar.

"But what?" I exclaimed.

Tinignan ako ng maigi ng anak ko. Sa malamig na tono.

"If ever he did something wrong to you, Mama, like my Papa did to you. . . I swear, I will ruin his life. . . forever!"

Napalunok ako. Siyempre, ang sweet naman ng anak ko. Pero hindi naman mangyayari iyon. Malayo ang ugali ni Armando sa nasira kong asawa. Napangiti na lang ako at kumapit sa braso ng guwapo kong anak.

"Hindi iyan mangyayari, darling. Mabuting tao ang Tito Armando mo at ang magiging stepsister mo."

SA PAGKAKABANGGIT ni Mama ng stepsister, my eyes flew at the table which was occupied by a middle-aged man and a pretty lady at my age. Nakangiti kaming sinalubong at binati ni Tito Armando.

"Finally, I'm glad to meet you now, Xander. Wow! Your mother was right. Guwapo ka ngang talaga."

Napangiti lang ako. Then suddenly, isa-isa nang inilapag ng mga waiter ang mga pagkain na in-order ni Tito Armando.

Habang kumakain kami ay mataman kong pinasadahan ng tingin ang dalagang katapat ko. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkatitigan kami. Teka! Parang familiar ang face nito, ah. Saan ko ba 'to nakita?

Napansin ko na bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin at parang namutla.

"ANO BA 'yan, naalala niya kaya?" tanong ko sa aking isipan.

Napatingin ako kina Tita Ysabellita at Dad. Parehas ko silang matipid na nginitian. Pagkatapos naming kumain ay magkakape na kami at magde-dessert.

"Hija, meet my only son, Xander Luis Montenegro," pagpapakilala ni Tita Ysabellita.

"Hi," tila walang gana namang sabi ni Xander at tiningnan ako.

"Ano ba yan? Ang sarap sapakin at ipatapon sa dagat na maraming pating. Kung wala lang sina Tita Ysabellita at Dad, nunca ko 'tong papakisamahan!" nanggagalaiting bulong ng isip ko.

Ngumiti na lang ako. Habang humihigop kami sa kaniya-kaniyang kape ay pinag-uusapan na nila ang tungkol sa nalalapit na kasal. Maingat kong binalingan ng sulyap si Xander. Sa 'di sinasadyang pangyayari ay nagtagpo ang aming mga mata. Iniiwas ko ulit ang paningin ko.

As in, parang wala lang!

Then suddenly . . .

"Aray ko!" Napadaing ako nang may sumipa sa paa ko. Napatingin ako kay Dad at Tita Ysabellita. Tuloy pa rin naman sila sa diskusyon nila. Mabilis akong nag-isip, isa lang ang may gawa niyon. Tiyak na si Xander!

Si Xander na hambog, guwapo at mabango! Ay, putcha! Ba't nasali 'yong guwapo at mabango? Sabagay, totoo naman.

Masama akong tumingin sa kaniya, samantalang nag-smile naman siya. Pero hindi lang iyon simpleng ngiti. It was a grin. An evil Smile!

Sinamaan ko siya ng tingin, gusto kong ibuhos sa kaniya 'yong kapeng iniinom ko. Kung hindi nga lang nakakahiya, nako!

Mayamaya, nagsalita ang magaling na lalaki.

"Miss, you look familiar," he said.

"Oh my God, naaalala na ba niya? Lord, please, help me." Kung pwede lang maglaho sa harap nila. E 'di sana ginawa ko na. Ano ba iyan!

"Ha? Anong sabi mo? N-no, hindi pa tayo nagkikita. Excuse lang po, pupunta na lang muna ako ng rest room."

HABANG PATAYO siya ay sinusundan ko lang siya ng tingin. She look so familiar. Saan ko ba siya nakita? Andami-dami ko naman kasing nakakasalamuha. Kaya hindi lahat, matatandaan ko. Then something popped in my mind. I smiled. A wide smile. Ngayon ay natatandaan ko na kung sino siya. Siya iyong girl sa flag pole na nakabukas ang zipper.

Akward kaya iyon! Most embarassing moment pa nga siguro niya. Siyempre, lalaki ako. Ako 'yong nakakita sa color ng panty niya. As usual sa kulay ng suot niya ngayon, pink. Favorite color niya yata iyon.

Anyway, I like this. So magiging step-sister ko siya? Hindi ko mapigilan ang matawa sa sitwasyon namin. Maganda rin siya, kaso, mabunganga rin na katulad ni Mama. Napatingin ako kay Mama.

"Why, Mama?" I asked.

"Something wrong, dear?" nakataas ang kilay na tanong ng Mama ko sa akin.

"Wala," I answered. Pinipigilan ko nang matawa uli.

Matapos kong ubusin ang kape at dessert ay nagpaalam ako.

"Mama, rest room muna ako."

"Go ahead," Mama said.

Mabilis akong naglakad papunta sa restroom. Sakto namang naroon si step-sister na papalabas na rin. Nang makita niya ako ay iniiwas niya ang tingin niya sa akin. Nang magkatapat kami ay tumikhim ako kaya ora-orada siyang napatingin.

NAGLALAKAD NA AKO palabas ng rest room. Kainis, ang daming tao! Napatagal tuloy ako sa C.R, tapos nakita ko pa si Stepbrother. Tutok na tutok ang tingin niya sa akin habang may nakakalokong ngisi. Tila pinagtatawanan ako. Umiwas ako ng tingin. Care niya ba?

Then suddenly I heard him, tumikhim siya. Tinapunan ko siya ng tingin. Ngumiti lang ako nang matipid at saka maglalakad na sana pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko para hindi ako tumuloy sa paghakbang.

"What?" confused kong tanong sa kaniya.

Tiningnan muna niya ako mula ulo hanggang sa waist ko, then he smiled. A good looking smile.

"Hey, I remember you na, at flag pole. Remember the pink color of yours?"

Namula ako sa sinabi niya. Mabilis kong hinila ang kamay ko at mabilis na naglakad. Habang naglalakad ako palayo ay narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko. So, I don't have a choice but to look back at him again . . . and again!

"Pink, huh?"

Dahil sa sinabi niya ay binilisan ko ang lakad ko. Ano ba 'yan, nakakahiya! Buwisit siya, bastos!

Pagkaupo ko ay inayos ko ang aking sarili. Hindi ko ipinahalata sa mga kasama ko sa table ang ginawang pambabastos ni 'Xander the Devil'.

Pamaya-maya ay dumating na si 'Cold Monster Devil'. Nakangisi pa siya na tila nang-uuyam! So much hate! I hate my stepbrother!

After a couple of minutes ay tumayo na kami. Rest mode na, eh. Kaya uwian na.

Nasa parking lot na kami nang nagpaalam na si Dad kay Tita Ysabellita. Nasa tabi ko naman ang guwapong si Xander.

"Hey, Armina, your dad talked a lot about you. Sabi niya, same daw tayo ng school at section. It seems magkakakilala pa tayo niyan. Hindi pa ito ang goodbye," masama niyang banta sa akin.

Tinignan ko lang siya habang palihim akong nagdadasal sa Diyos na sana . . . sana pumangit siya. Hahaha.

"So, kung magkaklase tayo? Hindi kita feel kausapin. Kaya 'wag mo akong kausapin!" mariin kong bulong.

Tila lalo namang naa-amuse si Xander. Lalo pang lumapad ang pagkakangiti niya. Ano ba 'yan? Nakakaloko na, ah. Ang ganda niyang ngumiti! D'yahe!

Umayos siya nang tayo. Lalong lumagkit ang tingin niya, hindi ko tuloy maiwasan ang mamula.

"You know, I like teasing you more," he said.

"What?!" malakas kong sigaw.

He just smiled at me and said,

"Ang sarap mong asarin. From now on, my dear stepsister, hindi na kita titigilan asarin."

"No way!" malakas kong sigaw habang pauwi kami ni Dad.

"What's the matter, princess?" Dad asked.

"Wala, Dad, I'm just tired," exhausted kong sabi.

Napapailing na lang si Dad.

"Alam ko, Armina, magiging close din kayo ni Xander. May tiwala ako sa batang iyon."

Napaismid ako buhat sa narinig kong sinabi ng Dad ko.

"Are you kidding, Dad? Never kaming magiging close sa isa't isa dahil bukod sa bastos siya ay mayabang pa."

Napahalakhak na lang si Dad sa tinuran ko.

"Kahit guwapo at mabango?" salit ng utak ko. Urg! Erase! Erase! Basta ayaw kong maging malapit sa kaniya. I hate him for being my stepbrother! I really hate him, I swear.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status