Share

CHAPTER THREE

Author: Babz07aziole
last update Last Updated: 2021-07-11 22:04:53

GEEZ! Ilang araw na ba ang lumipas? Isa, dalawa, seven days? Bale one week na pala? Geez! One week na pala. One week nang magulo ang buhay ko. Magmula nang mai-settle na ni Dad ang tungkol sa kasal nila ay naging busy na siya. Lagi naman siyang busy, pero mas grabe ngayon. Halos hindi ko na siya nakikita sa mansyon. As if naman, napakalawak kaya ng mansyon namin? Six-storey kaya iyon!

Parang 'di na nga mansyon ang matatawag sa bahay namin. Palasyo na iyon! Joke. Napailing-iling ako, lalong sumasakit ang ulo ko. Masyado na akong stressed-out.

Isa pa ito . . . itong balitang kumalat. Tungkol lang naman sa pagkaka-involve ko kay Xander Luis Montenegro.

Lalo akong nawalan ng gana, paulit-ulit na lang kasi.

"Hi, Armina, ang suwerte mo. Magiging future stepbrother mo si Xander Luis."

"Wow, Armina! Pakibigay nga ito kay Xander," dagdag suhol pa nila sa akin kahit halata ang kaplastikan nila.

Nakakagigil, as in! Tsk!

At ang nakakabuwiset pa, after nilang makipagkaibigan tatanungin ako ng kung anu-ano sa lalaking iyon!

"Hi, Armina, can we friends?" Duh! were not close. Never kaming magiging close. Para kaming tubig at langis. Bawal pagsamahin. Maingat kong inilapag ang ulo ko sa desk. Kunwa'y, nagtutulog-tulugan ako. Pero sa totoo, hindi ako makatulog. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Friend," Mikaela said.

"What?" bugnot kong sabi.

"Anong pakiramdam na para kang celebrity na dinudumog?" nakangiting sabi naman ni Luisa.

"Masaklap!" maiksi kong sagot.

"Huh?" Sabay na nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan. Tila naguguluhan sa narinig nila mula sa akin.

"Ano ba, Armina, magkwento ka naman!"

"Nakakainis lang kasi, magmula nang maikalat na magiging stepbrother ko siya. . . nawalan na ako ng privacy!"

"I hate to say this, pero hindi katanggap-tanggap ang bagay na iyon!"

"Ang alin, friend? Na magiging stepbrother mo siya? Kasi wala na kayong chance?" tila kinikilig na sabi ni Mikaela.

"What?"

"May sira yata ang ulo nito, ang kulit eh!" bulong ng aking isip.

"Urgh! Syempre, na magiging stepbrother ko siya! Ayoko ang lahat ng tungkol sa hilaw kong stepbrother. Hindi ko siya feel! Maisip ko pa lang na nasa malapit siya. . . nasusuka na ako!"

"Friend, huh, iba na iyan!"

"Oo, talagang iba na ito! I'm sick of the idea na magiging kabilang siya sa pamilya namin."

Walang nagawa ang dalawa kong kaibigan. Natahimik silang umupo sa kanilang kaniya-kaniyang mga upuan.

Mayamaya ay bigla na lamang umentrada si Xander kasama ang mga kaibigan nito. Hindi ko maiwasang tingnan sila. Sa pagbaling naman ng aking sulyap, nagkakatitigan na naman kami. The familiar amusement in his eyes was there. Kasabay ng pagngiti niya ay ang pagsinghap naman ng kababaihan sa aming silid-aralan. Dahan-dahan niya akong nilapitan na parang sa kaniya ang espasyong kaniyang linalakaran. Hanggang sa tumigil siya nang ilang pulgada sa harap ko at sa pagtatama ng mga mata namin ay ang pag-usbong ng kakaibang emosyon.

"HI, stepsister, kumusta na?" tila nakakaloko kong bungad kay Armina.

Napangiti siya, pero halata namang peke lamang iyon. "Kanina ayos pa ako. Pero ngayong nandito ka na. . . hindi na!" galit niyang sabi at inirapan ako.

W*-wow! First time kong mairapan at sa magiging step sister ko pa.

"Para saan iyon, stepsister?" tila naa-amuse kong sabi. Nasisiyahan talaga akong inisin pa siya lalo.

Mabilis niya akong binalingan at sa nandidilat na mga mata ay nagsabing, "Huwag mo na nga akong malapit-lapitan! Hindi kita feel kausapin!"

Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Hindi mo na puwedeng sabihin 'yan, dear sister, kasi magiging magkapatid na tayo next month. Alam kong gusto ng Dad mo na maging close tayo. Your Dad really trust me, huh," nakangiti kong sabi sa kaniya. Lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang lalong lumaki ang singkit niyang mga mata.

This girl. The way she speak. The way she moves. Everything about her makes my heart grow fonder to tease her more. Ito lang, ito lang ang nagustuhan ko sa pagpapakasal ng Mama ko.

HINDI KO maiwasang kumulo ang dugo nang marinig ko ang pang-uuyam sa bunganga ng mayabang na lalaking si Xander. My dad trust him daw? Akma ko na sana siyang hahambalusin nang mabilis niyang hinawakan ang wrist ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang face niya sa face ko na parang hahalikan niya nga talaga ako. Napapikit na lang ako dahil ayaw bitiwan ng guwapong nilalang ang mga kamay ko. Oh my gosh! Ang lapit na talaga niya. Nanginginig na ako sa sa sobrang kaba!

"Akala mo siguro hahalikan kita. Nah! In your dreams lang, step-sister!" pilyo niyang pagkakasabi at walang anu-anong binitiwan na ang mga kamay ko.

"Urghh! Another embarassing moment with him! Sobra na siya! The nerve of this man! Sarap niyang pagsasampalin! Feeling niya inaasam ko iyon?! Eh, hindi nga ba?"

Paupo na siya sa desk nang mapatingin ako sa kinaroroonan niya. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at mabilis kong inihampas sa table niya ang kamay ko. Aray ko! Napalakas yata, damn this man!

"Oh, bakit, Armina? Nag-bell na. 'Di ka pa ba uupo?" nang-iinis pa niyang sabi.

Kampante siyang nakaupo. Ako? Nagpupuyos na sa kaloob-looban ko! In grinning teeth, unti-unti akong nagsalita.

"Ikaw, Xander Luis Montenegro, lagi mo na lang ako iniinis. Mag-enjoy ka lang, dahil darating at darating ang araw na ikaw naman ang mapapahiya!" nanggagalaiting sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Dali-dali at taas noo akong bumalik sa upuan ko. The nerve of this man? Akala niya hindi ako lalaban? Utot niya lang.

NAKITA KO kung gaano natameme si Xander. Tila siya nakalulon ng buto ng santol na hindi makapag-salita.

"Uy, pare, I can see in your eyes that you like her."

"Ulol! Hindi, ah, magiging stepsister ko siya. Ano ba?" malakas niyang depensa.

Buhat doon, lalo siyang tinukso nina Betty at Alexandra.

"Ikaw, huh?! Luis, may pa-stepsister thingy ka pa riyan. Ba't 'di ka pa kasi umamin na you like her more than a sister!" nang-iinis pang sabi ni Alexandra.

"Stop that, Alexandra," tila napikon namang sabi ni Xander.

"Uy! Defensive! Alam na 'yan," hirit pa ni Betty.

"Isa ka pa, Betty," bulong ni Xander. Kasabay niyon ang pagkiliti ni Xander kay Betty. Alam kasi niyang maraming kiliti si Betty.

"Waaah! Tama na iyan, uy! Xander!" tumitiling iyak at tawa na si Betty. Pero sige lang si Xander kahit namamaos na nga si Betty. Napatigil lang siya nang biglang sumabad si George, ang serious type na barkada at may lihim na pagtingin kay Bettina.

"Ayaw na nga ni Bettina, Luis, ayaw mo pang tigilan!"

"Ooops, sorry naman George."

Maingat na lang tumayo si George at iniwan kaming walang imik.

"Problema ng isang iyon?" nagtatakang tanong ni Betty sa amin.

"Kasi, Betty, may gus. . ." Hindi pa natatapos ni Alexandra ang sasabihin niya ay mabilis ko nang tinakpan ang bunganga niya.

"Uy, tomboy, tumahimik ka nga!"

Mabilis kong nginitian si Betty.

"Forget what Alexadra said. Lasing lang 'to," mabilis kong sabi.

"Huh? Lasing?" tila naguguluhang sabi ni Bettina nang makawala si Alexandra sa pagkakatakip ko sa bunganga niya.

"Ano ka ba, Nicolas! Muntik mo na akong mapatay, huh. Hindi ako makahinga! Ang baho pa ng mga kamay mo! Lasing ka riyan. Hindi nga ako nakainom kagabi, walang pera si erpat!"

Tingnan mo ang utak ng isang ito, talo pa ako! Hindi nga ako umiinom, e. Tinitigan ko lang ang mga barkada ko. Grabe talaga, para kaming mga bata.

Tapos dumating na si teacher. Sure akong magbibigay na naman ito ng surprise exam. Tama naman ang hinala ko. Narinig kong may bumulong sa likod ko, si Alex, nanghihingi nang sagot sa akin. Malayo kasi sina Betty, Luis at George sa amin. Nasa ikatlo silang row, eh, kami nasa unahan. Malandi akong ngumiti tapos ibinigay ko ang answer sheet ko sa kaniya. Tapos nag-okay sign na siya. Mahal ko, eh, ba't ko ipagdadamot sagot ko? Kung tama naman mga sagot ko. Mataman kong tinitigan sina Luis, Betty at George. Tiyak si Luis, hindi na naman nagbasa-basa kagabi. Sira talaga! Tumigil na sa pagsagot, parang hari lang. Hari ng katamaran sa pag-aaral . . . kahit alam kong may ibubuga sa pag-aaral. Nang matapos ang pagsusulit, isa-isang ibinigay ng guro namin ang mga paperworks. Nang matanggap ko 'yong akin, napangiti ako nang makitang pasado.

Tinignan ko si Alexandra na ang lapad din ng ngiti. Sa akin ba naman kumopya. Tiningnan ko si Luis. Kahit 'di na nito tingnan ang papel ay alam kong bagsak na siya. Pero parang wala lang iyon sa kaniya.

"Class, I really feel disappointed to others. Iyang pagsusulit niyong iyan, half sana ng grade ninyo this next grading. But as far as I'm concerned, halos kalahati ng klase ang bumagsak. Now, I'm giving a second chance sa mga bumagsak na kumuha ng removal exam this coming week. At para makapasa talaga kayo. . . I will assign some students who passed the first examination."

"YEAH, I passed the examination and I feel great about it. Tiyak matutuwa na naman si Dad nito," masayang sabi ko habang nagdi-discuss pa rin si Ms. Nombre.

"Now, I'm giving a second chance sa mga bumagsak na kumuha ng removal exam this coming week. At para makapasa talaga kayo. . . I will assign some students who passed the first examination."

Mayamaya ay nagsimula nang magbanggit ng pairing si Ms. Nombre. "Ms. Armina Deo Gracia. . . to Mr. Xander Luis Montenegro."

Parang bulong lang sa umpisa ang narinig ko. Tila na-traffic sa utak ko ang sinabi ni Ms. hanggang sa nagsink-in na nga. At sa gulat na reaction ko, "What did you say, Ms.?"

Mataman lang akong tinitigan ni Ms. Nombre. "You to Mr. Xander Luis Montenegro. Something wrong, Ms. Deo Gracia?"

"Nothing, Ms." nahihiyang sabi ko at awkward na tumawa.

Anong nothing? Putcha! Ibig lang sabihin niyon tuturuan ko siya ng mga leksyon namin in few weeks? Grabe! Ang samang magbiro ng tadhana! Urgh! Ba't siya pa? I hate this!

NATUTUWA naman ako sa nangyari. Lalung-lalo na sa reaction ni Armina. Dali-dali akong lumapit sa kaniya nang umalis na si Ms. Nombre.

"Hi there, sister."

Masama siyang tumingin sa akin. Umupo siya nang tahimik, tila natitimpi.

"Uy, kailan mo ako uumpisahan i-review."

At sa nandidilat na mga mata at nagtatagis na mga bagang ay sinigawan niya ako. "Hindi kita tuturuan!"

Matamis akong ngumiti at sa pabulong na salita. "Na, ah! Didn't you hear Ms. Nombre? You have to review me para hindi ka mahila sa pagbagsak ko sa exam."

Lalong naningkit mga mata niya. Ang cute niya talaga kapag naiinis. Kaya gustong-gusto ko siyang inisin, eh.Marahas siyang nagbuga ng hininga at nagbilang ng hanggang tatlo. Then pilit siyang ngumiti na lalo namang ikinangiti ko.

"M-maybe tomorrow. Tutal sabado naman, mga eight ng umaga sa bahay. I will wait for you na lang there. Okay na ba, my dear stepbrother?" patuya niyang sabi. Parang lumaki ang tainga ko.

"Ikaw, ah, Ms. Deo Gracia. Ikaw pa ang nag-iinsist na magdate tayo!" pang-iinis ko pa.

Tila naman 'di makapaniwala sa narinig si Armina at nanlaki ang mga mata. "D-date?!" tila nauutal na sabi niya. "Hoy, lalaki, hindi ito date! Review time iyon. Para 'di ako mahila sa pagbagsak mo!"

"Okay, fine, sabi mo. Pero base kasi sa pagsasabi mo ng lugar at oras, eh, parang nag-aayaya ka ng date," sabi ko at saka ipinasok sa aking bulsa ang mga kamay ko. Akma na akong aalis. Nakatalikod na ako nang tawagin ni Armina ang pangalan ko.

"Why?" I asked.

"Ang yabang mo rin! Tingnan natin bukas kung may ipagyayabang ka pa."

Ngumiti lang ako ng simpatiko.

"You bet, huh!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • An Everlasting Love (Book 1 & 2)   EPILOGUE

    MALAMIG ang simoy ng hangin na dumarampi sa balat ko ng mga sandaling iyon. Katulad ng mga panahon ng huli akong magpunta rito.Nalungkot ako nang nanariwa ang sakit na dala-dala ko sa mga nakalipas na tatlong taon. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon na pala kabilis lumipas ang panahon na umaasa ako.Umaasa sa isang taong akala ko'y matatagpuan ko pa, ang sakit-sakit na sa tuwing bumabangon ako sa araw-araw ay wala pa rin lead sa pinakamamahal ko.Patuloy akong nabuhay sa nakalipas na taon na tanging ang pinanghahawakan kong dahilan ay balang-araw magkikita pa kami ni Sammy.Isang linggo na ang lumipas ng ideklara ng mga awtoridad na naghanap rito sa tatlong taon na nakalipas na itinigil na nila ang paghahanap sa nobyo ko.Wala man akong magawa, kahit magpahanggan ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin sa puso ko na buhay at muling babalik sa akin ng buo

  • An Everlasting Love (Book 1 & 2)   CHAPTER FOURTY SEVEN

    SA mga sandaling iyon ay halo-halo pa rin ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyayari, matapos akong makarinig ng putok ng baril.Nanginginig akong kumapa sa aking harapang direksiyon."S-Sammy!"garagal kong pagtangis. Dama ko ang bawat katawan ng mga punong nararaanan ko. Kahit ilang beses na akong nadapa ay patuloy pa rin akong tumatayo at tumatakbo. Dahil iyon ang bilin ni Sammy, sana ay okay lamang ito. Sana ligtas ito sa kapahamakan!Tuluyan binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Maski ang paghinga at impit kong pag-iyak ay pigil-pigil ko.Patuloy lamang akong naglakad at nangapa sa kawalan. Nagbabakasaling may pag-asa akong matagpuan.Hanggang sa makarinig ako ng mga nagdudumaling yabag, ipinaling-paling ko ang aking ulo. Mas binilisan ko ang pagtakbo kahit walang direksiyon at hindi ako nakat

  • An Everlasting Love (Book 1 & 2)   CHAPTER FOURTY SIX

    PAGBUBUKSAN ko sana si Kate ng pinto ng kotse ng biglang may paparating na itim na kotse."Oh Tita Celestina, bakit ho kayo narito? A-at bakit kasama niyo si Tito Rosette?"taka kong tanong habang pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa dalawang kaharap ko.Walang sino man ang nakakaalam sa lugar na ito, bukod kay Mica at sa driver na kasama namin.Masiyadong madaming pasikot-sikot ang daan papasok, bago makarating dito sa mismong falls. Ilang kilometro rin ang tatakbuhin ng kotse bago marating ang highway.Bigla akong nanigas at agad na kinabig palapit sa akin si Kate na walang kamalay-malay ng mga oras na iyon. Kita ko ang nakakalukong ngisi ni Tita Celestina, habang hawak naman ni Tito Rosette ang isang baril patumbok sa direksyon namin. Bigla akong pinawisan ng malamig."Ano ho bang n-nangyayari? Anong ibig sabihin nito!"pasigaw kong turan. Bagama'

  • An Everlasting Love (Book 1 & 2)   CHAPTER FOURTY FIVE

    BIGLA naman akong nanigas sa aking kinauupuan ng maramdaman ko ang marahan at mainit-init na paghinga na nanggagaling sa bibig ni Sammy."Sshhh! Relax don't you trust me Kate. . . "Tumango na lamang ako, totoong nagbalik na nga ang totoong Ivan Sammuel. Maloko ngunit puno ng paninindigan.Naramdaman ko ang paghila nito sa kaliwa kong palad. Dali-dali akong napasunod dito, sa mga sandaling iyon ay tuluyan kong ipinagtiwala ng buo ang sarili ko rito.Ganito ko siya kamahal. . .BAGAMAT sinalubong ako nang malamig na simoy ng pang-gabing hangin matapos akong pagbuksan ng pinto nang kanyang kotse ni Sammy ay hinayaan kong madama iyon ng aking balat.Napangiti ako ng wala sa oras ng tuluyan kong mapagtanto kung saan lugar kami naroroon ng taong pinakamamahal ko."S-Sammy totoo bang narito tayo sa Marivelles Falls?"hindi ko mapaniwalaan

  • An Everlasting Love (Book 1 & 2)   CHAPTER FOURTY FOUR

    Ini-start ko na ang engine, naging tahimik lamang ako sa mga sandaling nagdaan habang nagmamaneho. Hanggang sa pinasok ko ang malubak at bako-bakong daan papunta sa isang bakanteng lote.Tuluyan ko nang itinigil ang aking kotse matapos akong makarating sa isang abundanadong building. Itinaas ko ang aking mukha, nag-umpisa ng umambon.Naglakad na ako papasok, bumungad sa akin ang madilim na looban, nangangamoy ang halo-halong amoy. Katulad ng usok na nagmumula sa mga tabacco ng mga tauhan ko. Ang maalikabok na paligid, amoy ng kalawang sa mga gamit na nakatambak doon at masangsang na sariwang dugo.Kitang-kita ko ang pagsusugal ng mga apat na kalalakihan sa may lamesa, nagkalat ang mga basyo ng alak at upos ng sigarilyo. Naiiling akong pumasok.“Hoy! Baka naman hindi niyo ginagawa ang trabaho niyo? Baka sa pagkalango niyo sa pag-iinom at pagsusugal ah, sinasayang niyo mga pinapasuweldo namin!” Bulyaw ko sa mga ito.

  • An Everlasting Love (Book 1 & 2)   CHAPTER FOURTY THREE

    MAANG ko lamang pinakatitigan ang aking Manager na panay ang dada sa harapan ko."Ano ka ba naman IS, hindi ka na ba nag-iisip talaga? Kung hindi ko pinakiusapan si Sir Salcedo. Nakatitiyak akong wala ka ng career ngayon!"Lakad ito ng lakad sa harap ko. Halos sampong minuto na itong walang tigil sa kasesermon sa akin."Hay naku! Tita pwedi ba, huwag na natin ipakasalanan iyan kay IS. Saka hindi naman niya kasalanan talaga, ito naman si Katherine talaga ang papansin in the first place!"naiiritang saad ni Angelique.Agad naman itong nilapitan ni Tita Celistina at dinuro."Hey woman! Hindi ko tinatanong ang opinion mo, kaya manahimik ka! " gigil na sabi nito."W-what? A-at ako pa ngayon ang pinag-iinitan niyo, excuse me!"naiiling nitong sabi. Kasabay ng marahas nitong pagtayo. Dali-dali itong nagwalk out.Ilang segundo pa ang lumipas at mu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status