Share

CHAPTER THIRTY FIVE

KASALUKUYAN akong papanhik sa itaas ng hagdan. Kahahatid ko lamang kay Dr. Conyo ang family Doctor ng pamilya namin dito sa Pilipinas.

Sumakit kasi ang dibdib ni Xyla. Napapadalas na ang pag-atake ng sakit ng asawa ko, dahil na rin sa lagi itong nae-stress.

Napatutok ang pansin ko sa pababang si Ivan Sammuel, kasalukuyan nitong hawak sa isang kamay ang susi ng kotse nito.

Natitiyak kong pupuntahan na naman nito ang latest girlfriend nito. Ngunit 'di pares ng mga nakakarelasiyon nito, natitiyak kong seryuso ito kay Katherine.

Sa batang iyon wala naman akong masabi, napakabait at magalang nito.

Ngunit labag man sa loob ko'y kailangan kong sabihan ang anak ko na layuan ito.

"Ivan, maari ba kitang makausap?"Pag-agaw ko ng pansin rito ng magkasalubong kami sa hagdan.

"Sure Dad, ano ba 'yun?"Paunlak naman nito.

 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status