Share

Chapter 1

Nagising ako nang naramdaman kong parang may yumuyugyog sa aking katawan pero hindi ko ito pinapansin. 

Kanina pa yugyog nang yugyog, eh sa gusto ko pang matulog! 

I'm sure it's Kuya again interrupting my beauty sleep. 

Ang hilig niyang mang-istorbo ng natutulog eh! 

"Reign gising na." rinig kong boses babae kaya napakunot ang noo ko pero pumikit pa rin ako.

Nakita nang natutulog pa ang tao tapos gigisingin! 

"May pasok ka pa, Reign Maureen! Alas syete na." Narinig kong sabi ni mommy.

Niyugyog niya pa ako nang ilang beses hanggang sa maramdaman ko na umalis na siya sa kama. Narinig ko na rin ang pagsara ng pinto at pumikit na ulit ako nang mahimbing. 

Ano naman kung alas syete na ng umaga? 

Kaagad akong napabalikwas ng bangon nang marealize na unang araw nga pala ng pasukan! 

Shit! Why did I forget about this day?! 

Puyat pa, Reign! 

Puyat pa! 

Bumangon na ako at dumeretso na sa banyo para maligo. Pakatapos kong maligo ay nagbihis na rin saka bumaba na para mag-almusal. 

Mabuti na lang at nag-aalmusal pa lang sila mommy at si Kuya na naka-uniform ng pangsenior high school. May naka-handa na ring scrambled egg at hotdog na ulam tapos fried rice. 

"Kumain ka na," tugon kaagad sa akin ni Mommy nang sumabay ako sa kanila sa hapag.

Tumango ako sa kaniya at naglagay na ng ulam sa aking plato. 

"Sumabay na pala kayo ng Kuya mo papuntang school. Dadalhin niya 'yong motor na ibinigay sa kanya ng Daddy n'yo. At saka sumabay na rin kayong umuwi mamayang lunch break," tugon sa akin ni Mommy.

"Opo." magalang kong sagot kay mommy. 

Nang matapos na akong kumain pati na rin si kuya ay pumasok na kami. Madali lang naman ang byahe kahit medyo traffic pa.

Papasok na ang motor ni Kuya sa campus ay halata mong first day of school dahil sa dami na ng estuyante kahit alas sais-trenta pa lang. Usually, kasi ay alas syete ang pagpasok ng mga estudyante. 

Most of the students are parking their cars in the parking area of the school. That made me shy. Eh paano naman kasi ay naka-motor lang naman kami. 

Nahiya iyong motor namin sa kanila! 

But I didn't mind it. Hindi naman kami pumasok sa paaralan na ito para makipagkompetenzsiya sa kanilang mga nakakotseng estudyante. 

"Oh mo gosh! Nandiyan na siya! "

"Ang gwapo pa rin niya! "

"Sana ako na lang ang kapatid niya para mayakap ko siya habang nakaangkas sa motor!"

"Ang taba ng kapatid niya. Kung payat lang siya sigurado maraming manliligaw diyan."

Rinig na rinig ko ang mga sinabi ng ilang schoolmate namin habang dumadaan ang motor papasok sa gate. Paano ba naman kasi na hindi ko maririnig nila ang mga chismis nila, eh nasa mismo silang papasok ng gate. Tapos kahit na bumubulong lang sila ay rinig ko pa rin! 

Nahiya po talaga yung taba ko sa kanila! 

Ke' umagang umaga tsismis na agad ang inatupag! 

Bumaba na ako sa motor ni Kuya pero panay pa rin ang pagchichimisan nila. Sa kabilang building pa kasi si Kuya at doon niya pina-parking ang kaniyang motor sa tapat ng buiding nila. 

Ito namang ugok kong Kuya ay walang pake. Feeling famous eh? 

Sabagay famous naman talaga siya. 

The De Guzman Corporation to be exact. 

De Guzman Corporatuon is famous here at our school because we are known to be one of the stockholders. My Mom and Dad are giving financial support at this school because this school is also their alma matter. 

Bilang utang na loob dahil dito rin sila grumadaute noong high school. 

But me? I don't care about popularity here at our campus. 

Wala naman akong makukuhang mataas na grade kapag naging famous ako rito dahil una ay atensyon lang ang makukuha ko mula sa kanila. One more thing, I hate being famous as I get the attention of many people. 

Ngunit kahit na ano pang gawin ko na huwag maging famous ay nadadamay ako dahil sa pagkakakilanlan ng kapatid ko. 

"Garahe ko na 'to. Dumiretso ka na sa classroom mo at hintayin mo na lang ako mamayang lunch break."

Tumango ako sa kaniya dahil malapit lang naman ang building ng special section mula sa gate. Ilang lakad lang mula rito ay mararating ko na ang special section building. Samantalang sa kanila Kuya ay kailangan mo pang dumaan sa tatlong bundok.

Just kidding, of course! 

Nang makarating na ako sa building ng special section ay tinawag na ako kaagad ng mga kaklase kong nasa second floor. Yes, our classroom is located on the second floor. 

Mabuti nga at sa second floor lang dahil kung nasa fourth floor ang classroom namin ay paniguradong papayat ako! 

"Hi Reign!"

"Pasalubong!"

"Reign, thank you sa pasalubong ah!" 

"May gwapo naman?"

"Sumexy ka Reign! Pahinging pasalubong!"

See that? 

I was already expecting them to welcome me with those words the moment I stepped inside the classroom. Mga chismosa sila na kahit wala naman akong sinabi na pupunta akong Bicol ay nalaman pa rin naman nila! 

Madami-rami na rin kami rito. Wala pa nga iyong tatlong gaga kong kaibigan!  

Akala ko pa naman ay nandito na sila pakarating ko dahil aabangan nila ang pasalubong ko sa kanila pero ako pa talaga ang nauna! 

"What? " I smiled at my friends the moment I saw them. 

I also plastered the most innocent and my cutest facial expression for them, but Andrei just rolled her eyes on me. 

"Sino kaya riyan 'yong pumuntang probinsiya pero walang paalam kahit sa kaibigan niya? " Andrei Jean mocked me as if she was talking to someone else where, in fact, her eyes were plastered on me.

"Wow, huh?! Nahiya naman ako sa 'yo, ano?" I fired back and rolled my eyes at her. "Kahit saan ka naka-punta noong bakasyon, nagalit ba ako sa post mo?" 

Tanging ngiting nahiya naman ang gaga ang naibigay sa akin. 

Akala niya yata sa akin ay hindi ko alam ang mga balak niya noong bakasyon. Eh 'di nga niya ako tinanong kung sasama ba ko sa plano niyang 'yon! 

Ngunit nabigla na lang ako nang pumasok si Charles sa loob ng classroom at ngumiti sa amin nang napaka-lapad. 

"Good morning, everydady!" bungad ni Charles na isa sa mga kaibigan ni Kyle na aking yokai. Charot! 

I looked at Charle's back, expecting to see Kyle, but I didn't see him. Bakit ko hinahanap si Kyle? Siyempre dahil crush ko 'yon! 

Hindi na yata ako papasok ng paaralan kung hindi ko siya makikita, eh! 

OMG, Reign! 

I shook my head because of my thoughts. 

"Nice, Charles!" tuwang-tuwa na sambit ng isa sa mga kaklase ko.

"Good morning din, Charles! " bati naman ng class President last year na si Mikay.

"Wala siya." Andrei said out of nowhere when I was still eager to see him. 

"Sino?" taka kong tanong sa kanya.

"Si Kyle." sagot niya sa akin at saka ngumiti pa nang nakakaloko. "Halata naman na hinahanap mo siya, eh! Painosente ka pa." Inirapan niya pa ako pagkatapos iyong sabihin.

"Why?" I curiously asked.

First day na first day tapos absent na kaagad siya.

"May sakit pa raw siya." sagot niya sa akin kaya napahinga ako nang malalim. "May pinadalang excuse letter iyong Daddy niya." dagdag niya pa kaya tanging pagtango na lang ang nagawa ko. 

"Okay," I said, and knew that sadness was visible in my tone. 

Paanong hindi ako malulungkot? Eh iyong inspirasyon ko sa pag-aaral ay wala naman tapos may sakit pa. 

But I won't worry anymore. Alam ko namang gagaling siya. 

"What's up!?" sabay-sabay na bati ng tatlo samin ni Andrei. 

"Nandito na pala kayo?" parang tanga kong tanong sa kanila dahul obvious naman na. 

"Ay hindi, Reign! Kaluluwa lang talaga namin ito." pamimilosopong parang baliw na sagot sakin ni Roxxane at nag-akto pa na parang multo. 

"Nakarating ka lang ng Bicol ay parang tanga na ang tanong mo!" Irish said and rolled her eyes on me.

Oo na, ang mamaldita talaga ng mga kaibigan ko! 

Ganito naman talaga kami mag-usap dahil nakasanayan na namin! 

May mga pangbasurang salita na naitatapon sa isa't isa. At kadalasan ay nagpipilosopohan sa isa't isa.

"Oh, ano? Kumusta ang Bicol?" Princess asked me. 

"Huwag mong sabihing hindi ka na marunong mag-tagalog dahil nakarating ka lang ng bicol!? " Roxxane said while raising her right brow. 

Kita mo na 'yan? Hindi ko pa nga nasasagot ang yanong ni Princess tapos nagtanong na naman si Roxxane! 

"Ang dami kasi ninyong tanong! Hindi ko kaagad masabi!" reklamo ko sa kanila kaya tinawanan nila ako. 

And because we are loud people, we talked about random things. Especially during our summer vacation. At hindi na namin namalayan ang oras sa kakadaldal naming lima. Hindi ko na nasagot ang iilang tanong nilang sunod-sunod.

 Umayos na kami ng upo at magkatabi kaming tatlo nila Princess, Roxxane. Habang si Irish naman at si Andrei ay sa kabilang dako.

***

"Good morning class! First and for most, I'm your teacher in science and, at the same time, your adviser. I'm teacher Agnes."  

The teacher introduced herself the moment she entered our classroom. She was already holding a book in science, kaya naman ay paniguradong mag-uumpisa siya kaagad ng lesson. 

"Good morning, Ma'am!" bati namin pabalik na magkaklase sa kaniya. 

We also stand up as we greet her back and then she smiled at us. "Now that I'm done introducing..."  

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Ma'am dahil may dumating. I think he was the new classmate Roxxane was talking about in our group chat last time.

 Hindi ko pa masyado nakikita ang kaniyang mukha ngunit may kasama pa itong nakaunipormeng kagaya nang kay Ma'am Agnes. Hindi ko nga lang matandaan kung teacher siya rito.

"Good morning, Ma'am! Sorry to interrupt your class." tugon nito kay Ma'am Agnes at saka ngumiti. "Ako nga po pala iyong Mommy niya. Siya iyong transferee," sabi nito adviser namin at tumingin sa aming mga estudyante.

"It's okay." Ma'am Agnes said and looked at us. "Class, greet the new teacher of the English Department from Belen University," tugon sa amin ni Ma'am Agnes. 

Tumayo naman kaming lahat at nag-good morning doon sa bagong teacher. She also greeted him back and walked away as his son went inside the classroom. 

"Mr. Hernandez, introduce yourself first." tugon ni Ma'am Agnes sa bago naming kaklase. Agad itong pumunta sa gitnang parte sa unahan saka nagpakilala.

"Classmate, especially to our teacher in front, good morning!" he said, but he didn't even smile at us. "My name is Shawn Kiefer Hernandez. I'm 15 years of age. I'm a transferee from Belen University since my mother is now teaching here. Nice meeting you everyone and I hope we'll have a good relationship as classmates," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili at hindi ko lang alam sa aking sarili pero mukhang pamilyar ang pangalan at ang apeliyido niya.

 Napaisip tuloy ako bigla at inaalala kung meron ba akong kilalang Hernandez, pero sa pagkakaalala ko ay wala naman. 

Hernandez? Where did I hear that surname? 

Are they one of our company's business partners? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status