—MAGGIE ELIZABETH SMITH—
We're currently on our way to Anderson's mansion somewhere in Tagaytay. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang iniisip ang sinabi nya sa akin kanina. Kung dati ay madali ko lang matanggap ang ideyang balang araw ay maghihiwalay din kami, ngayon ay hindi na. Nasasaktan ako. Kulang pa ba ang mga efforts na ipinapakita ko para mahalin din nya ako? "Hey, Maggie." Tawag nya na ikinalingon ko. "Yes?" Kahit na nasasaktan ay mas pinili ko parin ang ngumiti sa kanya. "What are you thinking?" Kelan pa sya nagkaroon ng interest sa iniisip ko? Well, maybe he's just starting a conversation para malibang kahit papaano. Malayo-layo pa kami sa mansyon at nakakainip nga naman sa byahe. Sasamantalahin ko nalang ang pagkakataong ito para makakwentuhan sya. "Hmm... I'm just thinking about Lolo Enrico. I missed him so much." Sabi ko nalang kahit na hindi naman 'yon ang talagang iniisip ko. "It seems lke you two are really close. Matagal na ba kayong magkakilala before the wedding?" He asked. "Not really. Madalas kasi sya sa cafe kung saan ako nagtatrabaho dati." Magmula nang makabangga ko sya sa supermarket ay palagi syang pumupunta doon para bisitahin ako. "Hmm. Can you tell me about your family?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong darating ang panahon na magtatanong sya ng tungkol sa pamilya ko. Hindi ko lang expected na ngayon na pala ang araw na 'yon. "Well, I have a busy parents and a younger brother." Saglit nya akong sinulyapan na bahagyang nakakunot ang noo. "That's all?" There's a hint of dissatisfaction in his tone. I simply nodded in response. "Okay. Looks like you don't want to talk about them." Hindi naman sa ayaw ko silang pag-usapan. Ayaw ko lang malaman nya kung saang pamilya ako nagmula because I'm sure, he'll manage to reach them out. The moment they knew my whereabouts, they will force me to go home para piliting gawin ang isang bagay na ayaw ko. That's the reason kung bakit ako lumayas sa amin. And I need to work to support myself. I smiled at him as a sign of appreciation for his understanding. But somehow, I saw a shade of suspicion in his eyes. "You know what, hindi ko alam kung ano ang nakita sayo ni grandpa at ikaw ang napili nyang ipakasal sa akin. Is there something special about you?" Ramdam ko ang pagka disguto sa mga salita nya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nanatili akong tahimik. "When we arrive at the mansion, I expect you to behave like a cat." Ano ba sa tingin nya ang gagawin ko doon at ganyan nya ako paalalahanan? I stared at him with a questioning look. "Makakasama natin si grandpa doon and I'm sure na iisang kwarto lang ang ipinahanda nya para sa atin. That's why I'm warning you, Maggie. Don't try to seduce me." "Ngayon mo pa ba ako paalalahanan ng ganyan kung sa loob mg tatlong taon ay never ko namang ginawa sayo 'yon?" Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan ang bahagyang magtaas ng boses. Bakit ba ang dali para sa kanya ang insultunin ako? Ngayon na nga lang kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap, hindi pa maganda ang resulta! Seduce him? I will never do that kahit na asawa ko pa sya and I respect his boundaries. "We're sleeping in separate rooms for three years, of course. I don't know you personally. You're just a random girl na nakilala ni grandpa at pinilit ipakasal sa akin. Malay ko ba, baka mamaya ay may itinatago ka palang kalandian sa katawan." I was surprised by his bold manner of speaking. Hindi ko na napigilan sa pagpatak ang luha ko. Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. "Stop the car." I said firmly but he just ignored me. "I said stop the car!" This time ay puno na ito ng otoridad. He eased off the gas and slowly hit the breaks. Lumabas ako ng sasakyan at marahas kong isinara ang pintuan nito. Magko-commute nalang ako kesa marinig pa ang mga salita nyang ikasasakit lang ng damdamin ko. Kung alam ko lang na ganito, sana pala nagdala nalang ako ng sarili kong sasakyan. Konti palang ang nalalakad ko nang marinig ko syang tinatawag ang pangalan ko. I just ignored him at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Walang gaanong tao sa parteng ito kaya hindi kami nakaka-agaw ng atensyon. Laking pasalamat ko naman nang may dumaang bus at agad ko itong pinara at sumakay. Sa pag-upo ko sa bakanteng upuan malapit sa bintana, nakita ko pa si Liam na napapa-iling nalang sa ginawa ko. Bagsak ang kanyang balikat habang nakasunod ang tingin sa bus na lulan ko. Sigurado akong tatadtarin ng mga tanong ni lolo si Liam pagdating sa mansion. Mapapagalotan pa sya dahil hinayaan nya akong mag-commute. Ngayon palang ay buti nga sa kanya! °°°F.G°°°—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Matapos malaman ni dad ang tungkol sa pagbubuntis ko, ay tsaka palang niya ako nagawang yakapin. Ang tagal kong hinintay ‘to — ang muli kong mayakap si dad.Tuwang-tuwa siya dahil magkaka-apo na siya. He even congratulated me and Liam habang naluluha pa. He's so emotional!Kung sana ay katulad siya ni mom, naging maayos sana ang relasyon naming mag-ina. Siya sana ang unang taong mas magiging emotional pa kay dad because she knows how it feels to be pregnant. Pero sadya siyang mailap kaya naging distant din ako sa kanya.“Love…” tawag sakin ni Liam habang nasa kotse kami. Papunta kami ngayon sa Anderson's company dahil may ilang trabaho si Liam na naiwan this past few days. Naisip kong sumama dahil maiinip lang ako sa bahay. Hindi na rin kasi ako pwedeng mag-paint muna dahil sa amoy ng pintura, and I don't wanna risk my baby's health for that. It can wait naman.“Yes, love?” Sagot ko.“Are you okay? How's your cheek? Does it still hurt?” Natawa ako sa sunod-sun
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Nagising ako dahil sa masuyong halik na dumampi sa gilid ng labi ko. As I open my eyes, I saw Liam smiling at me, his eyes filled with love and adoration. It's been a week since the villa incident happened. I had to see a doctor dahil na rin sa kakulitan ni Liam at ng dalawang lolo. Masyado silang nag-alala sa amin ng baby ko. But thankfully, we're both okay and my baby is healthy.Lexie? She got questioned by the officers. Pero dahil kilalang tao ang mga Lincolns, pinauwi na rin siya kaagad. That doesn't surprise me. They used the power of money. Inaasahan ko na iyon. That's how it works kapag may perang involved.“Good morning, love. Breakfast na tayo.” He said, but his actions are telling me something. He wants to make love with me this early! Ito kaya ang sinasabi niyang breakfast? Breakfast ang isa't-isa?!“It's too early, love. We can do this at night.” natatawa kong sabi sa kanya.‘Yeah, right. At night.” Dismayadong saad niya. “ I jut can't resist you.
—KEVIN LIAM ANDERSON—“Good evening, Mr. Forbes.” Bawat empleyado na madadaanan namin ay binabati kami, especially Lolo Efraim. Kilalang-kilala pala sya ng mga tao dito at lubos na nirerespeto.Bobby, Shawn and I followed him with grandpa. Nasa likod lang nila kaming tatlo.“Forbes? Does he own this place?” Mabilis akong lumingon sa direksyon ni Shawn nang marinig ko ang ibinukong nya. I don't know kung narinig din ‘yon ni Lolo Efraim. He remained silent.“Wait. Forbes? Efraim Forbes?” Tanong ni Bobby na animo’y biglang may naalala. Himinto sya sa paglalakad kaya mas malaki na ngayon ang agwat namin kina grandpa.“Yes. Why? Does that name ring a bell?” Ikiniling ko ng kaunti ang ulo ko at kunot noo ko syang tinanong.“That's the name of a man I heard na binanggit ng lolo mo. Remember what I told you earlier. It's him.” he confirms. Bahagyang umawang ang bibig ko. He holds the biggest share sa company. Bakit hindi sinabi sa akin ni grandpa ang tungkol dito? We suddenly heard a voice
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—"Look, love. Try this one. Bagay sa'yo 'to." Kinuha ko ang isang long sleeves na naka-display at itinapat ito kay Liam. Bagay na bagay sa kanya ang kulay, maroon. Sa bagay, kahit anong kulay at style naman ay bagay sa kanya.Kalahating oras na kaming nag-iikot dito sa mall para mamili ng isusuot namin para sa dadaluhan naming engagement party ng isa sa mga business partner ni Liam. Bukas na kasi gaganapin 'yon sa isang exclusive villa somewhere in Batangas at kailangan na rin naming umalis mamayang hapon. Tiyak na gabi na kami makakarating doon. "I'll get this, since ikaw ang pumili nito." Sabi ni Liam at nakuha pa akong kindatan. Mahina nalang akong natawa dahil sa inakto nya. "Nakapili ka na ba ng isusuot mo?""Not yet. Naghahanap ako ng medyo comfortable isuot. Ayaw ko ng fitted dahil baka maipit si baby." Aaminin kong medyo nadagdagan ang timbang ko nitong mga nakaraang araw. Paano ba naman kasing hindi ako tataba, wala akong ibang ginawa kundi kumain ng
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—"Is it a boy or a girl?" Lolo Enrico's very excited to hear the news. Lumuwas kaagad sya ng Manila nang malaman n'yang nagdadalang tao na ako.Nang ma-confirm naming buntis ako, Liam excitedly call Lolo to tell the news. Andrew also knows it because I texted him, and is also happy na magkakaroon na sya ng pamangkin."My wife is just 6 weeks pregnant, grandpa. Wala pang gender ang baby namin." Natatawa namang sabi ni Liam. It's too early para malaman na agad ang gender."Whatever the gender is. May bago na akong ipagmamalaki sa lahat." Lolo exclaimed proudly.Masaya ang lahat, pero higit na mas masaya ako. Hindi ako makapaniwalang magiging mommy na ako! Ganito pala ang feeling. Magmula nang malaman namin ni Liam ang resulta, mas naging mas maingat na sya sa lahat ng bagay. Ultimo sa kakainin ko or kahit na ang simpleng pagkilos ko ay nandyan sya sa tabi ko para umalalay. Somehow, I feel special.Ano kaya ang magiging reaksyon nina mom and dad kapag nalaman nila
—KEVIN LIAM ANDERSON—I took a glance to a person who entered my office. It's Bobby, my Executive Director and a friend. Muli kong itinuong ang atensyon ko sa mga papeles na kailangan kong pirmahan. Kanina pa masakit ang ulo ko dahil sa puyat at mas lalo lang din sumakit dahil sa mga papel na hawak ni Bobby.Kanina ko pa kasi minamadali ang ginagawa ko para matapos na kaagad. Gusto ko muna sanang matulog kahit na dalawang oras o higit pa."Mukhang masama ang timpla mo ngayon, ah. May nangyari ba?" He said with a funny tone. I put down the executive pen I was holding and pondered the bridge of my nose."Nothing. I just want to sleep more dahil wala pa 'kong masyadong tulog." Maggie seems weird this morning, simula pa kaninang madaling araw. Nagpabili ba naman ng sandamakmak na kwek-kwek tapos hindi rin naman pala kakainin!Late na nga ako pumasok dahil nanghintay pa ako ng mga nagtitinda ng street foods! She even keep on texting me na h'wag uuwing walang dalang kwek-kwek! What is happe