Share

Chapter 8

ALLIE'S POV

Umuwi din ako kinahapunan ayaw ko kasing nagtatagal sa hospital.Hinatid lang ako ni Moana kanina at umalis din agad dahil may kakausapin lang siyang kliyente at babalik daw siya mamaya.

Umakyat na muna ako sa kwarto ko sa taas para makapagpahinga ako saglit. Naligo na muna ako bago nahiga dito sa kama ko, iniisip ko yung sinabi ni Moana sa akin kanina. Dapat ko na ba talagang kausapin si Blake, pero natatakot ako baka dahil sa ginawa kong pag iwas sa kanya at pagtatago ay magalit sya sa akin. Baka di na niya ako mapatawad, sa isip ko habang hinimas himas ko ang maliit pa na tiyan ko.

Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko ay nakatulog ako. Tinignan ko ang oras mag aalas syete na pala medyo napatagal tulog ko, bababa muna ako at ng makapag-luto ng hapunan.

Nang pababa na ako ay may naaninag akong tao, hindi pa kasi nakasindi ang ilaw dito sa loob kaya di ko makita kung sino ang pumasok, ang nagbibigay liwanag dito sa loob ay ang mga ilaw sa labas.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status