My One-Night Stand Was My Husband

My One-Night Stand Was My Husband

last updateLast Updated : 2026-11-06
By:  Elen MalayaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
16views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Kung biro lang pala sayo ang kasal na ’to, bakit ko pa seseryosohin?” Matapos ang isa na namang iskandalo ng kanyang asawa, nagpasya si Selene na wakasan ang dalawang taong paghihintay at sakit. Isang pulang damit. Isang gabing hindi niya dapat ginawa. Isang maling kuwarto. At isang pagkakamaling babaligtad sa buhay niya magpakailanman. Nang magising siya kinabukasan, natuklasan niyang ang lalaking pinili niyang kalimutan sa isang gabi ay siya ring lalaking matagal nang sumisira sa puso niya. Pero paano kung ang estrangherong hinalikan niya ay ang sariling asawa niya?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: Red Dress, Wrong Room

Selene’s POV

Sa ikasiyam na pagkakataon ngayong taon, nag-viral na naman ang asawa ko.

Halos manikip ang dibdib ko habang nakaupo dito sa kama sa loob ng master’s bedroom namin, hawak-hawak ang cellphone, habang naka-loop ang video. Madilim ang kuha, pero hindi ako pwedeng magkamali. Kabisadong-kabisado ko ang mukha ni Dante Javier Montenegro – ang asawa ko -- nakahiga ito sa gitna ng kama ng isang five-star hotel, nakangisi, at may dalawang babaeng nakayakap sa kanya. Sa caption: “CEO ng Montenegro Hospitality, huli sa akto!”

May isang milyong views na.

Mahinahon kong pinindot ang numero ni Rico, ang assistant ni Dante.

“Ma’am Selene,” sagot ni Rico, halatang kanina pa naghihintay ng tawag niya. “Nakita ko na po. Sinimulan ko nang i-report sa platforms, pero...”

“Pero?”

“Ma’am, this is the ninth time na po ito ngayong taon. Hindi na po tayo makakasabay. Nasa T*****r na, nasa T****k na, may nag-screen record pa.”

Tumingin na lang ako sa kisame at bumuntong hininga. Napakaganda ng chandelier – Spanish style. Cost me 100,000 pesos. Ako pa ang pumili nito noong bagong kasal pa kami, dalawang taon na ang nakararaan – when I believed that this house would become our home.

“Gawin mo pa rin ang makakaya mo, Rico,” pilit ko na lang na nasabi. “Sa huling pagkakataon.”

Binaba ko ang telepono at humiga. This bed has been empty for quite a while. Ang totoo, matagal na akong pagod. But, I’ve always believed na ang pagod ay hindi pa pagsuko. Ang pagsuko ay iba, at ngayong gabi ko lang naramdaman kung gaano kalamig iyon.

Tumayo ako at lumapit sa salamin. For the first time in a while, I saw myself: dalawampu’t pitong taong gulang, asawa ng isa sa pinakamayamang hotel CEO sa bansa, pero a shell of a woman I used to be.

Laman na ng bawat dasal ko si Dante mula pa noong trese anyos pa lang ako. May gatas pa sa labi, pero ang puso ko, inalay ko na sa lalaking unang nagpatibok ng puso ko.

I still remember the moment I met him for the first time. Birthday ni Kuya Leo, ang nakatatandang kapatid ni Dante. I was very small, in braces, and with an awkward fashion sense. Natapunan ako ng juice ng isang batang lalaki. Si Dante, labingwalong taong gulang na noon, ang unang lumapit. Kinuha niya ang panyo niya, at pinunasan ang manggas ng damit ko. “Ayos lang ’yan, bunso. Huwag kang iiyak.”

Bunso.

Iyon ang tawag sa akin ni Dante sa loob ng labing-apat na taon. Bunso sa mga handaan. Bunso noong graduation niya. Bunso pa rin noong sabihin ng mga magulang nila na ikakasal kami, para raw mapag-isa ang mga pamilya namin at lumakas lalo ang negosyo.

Naaalala ko pa ang gabing iyon. Dinig na dinig ko mula sa pintuan ng study ang sigaw ni Dante.

“May mahal akong iba, Papa! Si Vanessa! Hindi ko pakakasalan ang batang ’yan! Kapatid lang ang turing ko sa kanya!”

At narinig ko rin ang malamig na sagot ni Don Armando: “Pipiliin mo ang pamilya, o ang babaeng walang naidudulot sa kumpanya natin?”

Natalo si Dante. Naghiwalay sila ni Vanessa. At mula noon, he looked at me with either hate or indifference.

Umuuwi itong lasing. Umaalis na amoy-pabango ng iba. Ang mga larawan, ang mga video, ang mga babaeng nagpapadala ng mensahe sa mga gossip page, lahat iyon, nilinis ko nang tahimik, gamit ang kakayahan ni Rico at mga sariling koneksyon.

Bakit? Dahil umaasa ako.

Na balang araw, mapapagod din si Dante. Na balang araw, titingnan niya ako hindi bilang bunso, kundi bilang babae.

Na balang araw.

Tumunog ulit ang telepono. Isang notification: “Trending: #DanteMontenegro #TatloSaKama.”

Natawa na lang ako, pero hindi makakaila ang mapait na panlasa sa likod ng dila ko. Hindi ko namalayan, basa na pala ang pisngi ko.

“Kung biro lang pala sa ’yo ang kasal na ’to, Dante,” bulong ko sa hangin, “bakit ko pa seseryosohin?”

With a new sense of conviction, pumasok ako sa walk-in closet at hinugot ang isang pulang damit na binili ko six months ago pero hindi ko niya naisusuot kahit minsan. Fitted, backless, hanggang itaas ng tuhod. Kasing-pula ng dugo.

This is not a dress fitting a perfect wife.

Dahan-dahan kong dinampian ng glossy red lipstick ang mga labi ko. I loosened my hair. At sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, I removed my wedding ring.

***

Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa malakas na tugtog dito sa Onyx. Isa ito sa pinakamainit na exclusive clubs ngayon sa Metro Manila – owned by my socialite best friend Kim Tuazon. But beyond the usual bar scene, one thing makes Onyx special. This place is a den for sin. Isang lugar kung saan lahat ng pleasure, desire, at lust ay binibigyan ng espasyo – behind that special door, only for VVIPs.

“Sel?” Muntik nang malaglag ang baso sa kamay ni Kim nang makita ako sa opisina. “Ikaw ba ’yan? Bakit ka naka-red? Bakit ka nandito? Alam ba ni... ay, malamang alam na niya, trending na!”

“Kim,” bulong ko, “gusto kong umupa ng lalaki.”

Tumigil ang mundo ng ilang segundo.

“ANO?!”

“Isang gabi lang. Isang beses. Pagkatapos, magfa-file na ako ng divorce.” My eyes locked with hers. “Alam mong hindi ako nagbibiro.”

Tinitigan ako ni Kim, at nang makita niya ang mga mata ko, sumuko ito.

“Fine. May isa akong pinakamaganda, malinis, at hindi madaldal. Si Nico. Room 8, VIP floor. Ipapahatid ko ang key card sa staff.” Pinisil niya ang kamay ko. “Sigurado ka ba talaga?”

“Hindi,” pag-amin ko. “Pero mas natatakot akong magising pa ng isang umaga na umaasa pa rin sa kanya.”

The walk to the room was uneventful. Pero yung kabog ng puso ko, sobrang lakas. Sa VIP Room 8, mahina ang ilaw. Malalim na pula ang kulay ng mga kurtina. May bote ng whisky sa mesa at isang malaking kama sa gitna.

My hands shook as I downed a glass. Tapos isa pa. Tapos isa pa.

Mapait ang alak. Gumuguhit sa lalamunan ko. Pero mas mapait at masakit pag naaalala ko yung video…at lahat ng nangyari sa amin ni Dante.

“Dalawang taon,” I whispered. “Dalawang taon akong naghintay sa asawang hindi umuuwi nang sober. Dalawang taon akong nagtago ng scandal para sa taong hindi marunong magpasalamat.” I couldn’t help but laugh, nanginginig ang boses. “Pagkatapos ng gabing ito, Selene, tapos na. Hindi ka na aasa. Hindi ka na maghihintay. Hindi mo na siya mamahalin.”

Malabo na ang paningin ko when I heard the door open.

Isang matangkad na anino ang pumasok. Hindi ko maaninag ang mukha. Amoy sandalwood at kaunting alak. Amoy... pamilyar?

Hindi ko na inisip iyon. I stood up, shocked at my own audacity, at hinatak ang lalaki sa kuwelyo.

And I kissed him.

Sandaling natigilan ang lalaki. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang kamay nitong humawak sa baywang ko, mainit at sigurado, at tumugon ng halik nang may gutom na hindi ko inaasahan.

Nang humiwalay ito, humihingal, mababa ang tinig, at may bahid ng tawa. “Ang kulit mo. Para kang asawa ko.”

Tumawa na lang ako, lasing at luhaan. “Ikaw naman, para kang asawa ko.”

Hindi ko alam kung bakit parang tumigas ang katawan ng lalaki sa narinig. Pero bago pa siya makapag-isip, hinila ko ulit ito palapit at pinatay ang ilaw.

***

Sumisikat na ang araw nang magising ako.

Sumasakit ang ulo ko. Masakit ang buong katawan. May mainit na brasong nakapulupot sa baywang ko.

Okay lang, naisip ko. Binayaran ko naman ang gabing ito. Ang kailangan ko lang ay tumayo at umalis nang tahimik.

Humarap ako para tingnan ang lalaki.

At halos tumigil ang tibok ng puso ko sa nakita.

Nakadapa sa unan, nakalabas ang malapad na balikat, magulo ang buhok, ay ang lalaking kilala niya sa bawat anggulo ng mukha: ang matangos na ilong, ang makapal na kilay, ang maliit na peklat sa gilid ng labi na nakuha nito noong nahulog sa bisikleta noong labing-apat na taong gulang.

Si Dante.

Si Dante Montenegro. Ang asawa ko.

Hindi. Hindi puwede. Panaginip lang ito. Bangungot.

Pero nandoon sa pulso nito ang relong regalo ko sa kanya nung first anniversary namin, ang relong sinabi niyang “hindi ko isusuot, Sel, ang pangit,” at ngayon ay suot nito. At sa puting kumot, may maliit na pulang bakas na nagsasabing hindi na ako ang dating Selene.

Napahalukipkip na lang ako para hindi ako mapasigaw.

Bumaligtad si Dante at umungol sa pagtulog. Nanigas ang bawat parte ng katawan ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Hinablot ko ang pulang damit sa sahig, isinuot nang halos pabaligtad, kinuha ang takong sa may gilid, at tumakbo ako palabas nang walang sapin sa paa.

Sa elevator, nanginginig pa ang daliri ko habang tinatawagan si Kim.

“Kim, anong ginawa mo?! Bakit si Dante ang nasa kuwarto?!”

“Ha? Sino... teka, sandali, ano’ng sinasabi mo?” Narinig ko ang pagkaluskos ng mga papel. “Hala. Sel... may bagong staff kagabi. Ang key na dapat para kay Mr. Montenegro, ’yung palaging reserved niyang VIP 9, ang naibigay sa kanya sa Room 8. Nagkapalit sila ng key! Ang kay Nico... napunta sa kanya!”

Nalaglag sa sahig ng elevator ang takong ni Selene. Shit.

Ang unang lalaking nakasama ko...

ay ang sarili kong asawa.

At hindi alam ni Dante.

Hindi pa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status