The Surrogate Ex- Wife

The Surrogate Ex- Wife

last updateHuling Na-update : 2026-11-12
By:  Bratinela17In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
9Mga Kabanata
4views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Gwyneth Carreon Isang dalagang nangarap na ma-i-ahon sa kahirapan ang kan'yang pamilya, kaya ng mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng trabaho sa Maynila ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Tinanggap niya ang trabahong inalok ng matandang mayaman na si Donya Anastacia Del Fuentez. Lingid sa kaalaaman niya na siya ay ipapakasal sa nag-iisang anak nito na matandang binatang mayaman na si Kiefer Del Fuentez, ngunit ang lalaki ay may mahal ng iba. Kinasal silang dalawa labag man sa loob ng binata. Makalipas ang isang taon na Annul ang kanilang kasal at pinakasalan naman ngayon ni Kiefer ang kan'yang tunay na mahal ngunit ilang buwan lamang nang sila'y ikasal natuklasan nito na baog ang kan'yang asawa kaya pakikiusapan ni Kiefer na maging surrogate mother nila ng kanyang asawa ang dati niyang asawa. At sa ngalan ng pera na kailangan niya para sa pagpapagamot sa mahal na Ama tinanggap ni Gwyneth ang offer ng dalawa sa kan'ya. Ngunit ang akala niya ay hanggang pagiging surrogate mother lamang ang magiging papel niya sa buhay ng mag-asawa. Gayong ang traydor niyang puso ay muling tumibok sa dating asawa. Mapipigilan ba niya ang kan'yang puso na muling ibigin ito kahit kapalit nito ay ang kanyang dignidad na winasak nito noon??

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

Mula umaga hanggang hapon, nagtatanim si Gwyneth sa kanilang palayan. Hindi para sa sarili niya, kundi para may pantustos siya sa pamilya niya.

Mahirap lamang ang buhay nila. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Namatay ang kanilang ina nang isilang ang kanilang bunsong kapatid na si Gianna. Tanging ang kanilang Itay na lamang ang kasama nila sa buhay.

Kahit salat sila sa ibang bagay, mayaman sila sa pagmamahal. Masipag mag-araro ng kalabaw ang kanyang Itay. Marami silang ani ng palay kaya hindi sila nawawalan ng bigas, at malapit sila sa dagat kaya nakakabili sila ng isda sa halagang isang daang piso.

Tinitiyak ng kanilang Itay na lahat sila ay nakakapag-aral at nakakakain ng tatlo o higit pang beses sa isang araw.

Lahat ng iyon ay biglang naglaho nang bigla na lang nahimatay ang kanyang Itay sa palayan. Doon na rin nalaman ni Gwyneth na may sakit ang ama na matagal na nitong itinago sa kanya.

Simula nang maospital ang kanyang Itay, napilitan siyang magtanim at mag-ani mag-isa. Tumigil na rin siya sa pag-aaral para tustusan ang gastusin sa bahay at sa pag-aaral ng dalawa niyang kapatid na nasa elementarya at high school. Siya naman ay nasa ikalawang taon na sana ng kolehiyo.

Pero isinantabi niya muna ang kanyang pangarap para sa dalawa niyang kapatid.

Hindi sapat ang lahat ng kinita niya sa pinagbentahan ng palay para sa gastusin sa ospital ng kanyang Itay. Napapagod man siya, ayaw niyang sukuan ang kanyang ama. Naniniwala siya na babalik ito sa kanila nang mas malakas pa, kaya lahat ay ginagawa niya para lang gumaling ito.

Nang minsan siyang dumalaw sa kanyang Itay, naabutan niya ito na umiiyak.

"Itay, kumusta ho kayo dito? Inaalagaan ba kayo nila? Maayos ba ang trato nila sa inyo?" sunod-sunod na tanong ni Gwyneth.

Nabusy kasi siya ng ilang araw kaya hindi niya nadalaw ang kanyang Itay. Pero hindi nangangahulugang wala na siyang pakialam dito.

"Ayos lang naman ako, anak. Huwag mo akong intindihin. Ikaw, kumusta kayo ng mga kapatid mo? Kumusta ang mga pag-aaral niyo?" tanong ng kanyang Itay.

Sa pagkakataong iyon, wala siyang maisagot. Ayaw niyang malaman nito na matagal na siyang tumigil sa pag-aaral dahil tiyak niyang ipipilit na lang nito na huwag na siyang gamutin pa sa ospital. Walang tinapos ang kanyang mga magulang, kaya noon pa lang ay pangarap na ng yumaong Inay niya na makatapos siya ng pag-aaral.

"O-Opo, Itay! Kumain na ho kayo ng dala kong tinola. Mainam ito sa inyo at mainit-init pa," pag-iiba niya ng usapan.

"Basta anak, huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Alam mo naman, ikaw lang ang makakatulong sa mga kapatid mo kapag nakatapos ka ng kolehiyo. Matanda na ako at wala nang silbi—"

Sinaway niya agad ito kaya natigilan ito sa pagsasalita. Ayaw na ayaw niyang sinasabi ito ng kanyang Itay at naririnig niya pa mismo. Para sa kanya, malaki ang nagawa ng Itay niya dahil kung hindi ito nagsakripisyo noon, hindi sana siya lalaking maayos at mabuting tao.

"Opo, Itay," pagsisinungaling niya. Sa totoo lang, hindi niya maamin ang totoo. Ayaw niyang lokohin ang Itay niya pero kailangan niya munang itago sa ngayon ang katotohanan. Pansamantala lang naman ito dahil kapag nakaipon siya ng sapat, babalik naman siya sa pag-aaral.

Inabot na niya ang tinola at nagsimula nang kumain ang kanyang Itay. Kitang-kita niya kung gaano ito kagana kumain at kasaya. Natapos itong kumain kaya busog na busog ito. Inalalayan niya ito sa pag-ayos ng pagkakaupo. Mamaya lang kasi ay iiwan niya muna ito ulit. Kailangan niyang lumuwas ng bayan para makahanap ng extra work. Hindi na sumasapat ang kita sa palayan. Kailangan niya ng mga raket.

"Itay, uwi na ho ako. Mag-iingat ka dito," paalam niya.

Gusto sana niya itong yakapin kaso tumanggi ang kanyang ama. Nag-flying kiss at hug na lang siya rito. Buo ang pag-asang umalis ng ospital si Gwyneth.

Pagkalabas niya ng ospital, agad siyang sumakay patungong bayan para makipagsapalaran. Sumakay siya ng jeep at nagbayad ng tamang pamasahe lamang.

Nakarating siya ng bayan. Una niyang pinuntahan ang tindahan ng mga prutasan pero wala na raw bakante, gayon din sa bigasan, mas lalo na sa karnehan. Sa kakaikot niya, wala man lang siyang nahanap na trabaho.

Naupo muna siya sa tabi at nakakaramdam na siya ng gutom. Kinuha niya ang kanyang cellphone na mumurahin lang at tanging call and text lang ang nagagamit niya roon. Matagal na itong nasa kanya dahil iniingatan talaga niya ang regalo ng kanyang Itay noong katorse anyos pa lamang siya. Alam niyang bunga ito ng walang sawang pagsisikap ng kanyang Itay.

Sa paggunita niya sa nakaraan, hindi niya napansin ang fliers na lumipad sa mukha niya. Hinawakan niya ito at binasa.

*WANTED: KASAMBAHAY*

Binasa niya rin kung saan. Nang makita niya na sa Maynila, medyo natakot siya. Pero nang makita niya ang sahod — *50,000* — hindi na rin masama.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at dinial ang numero na nakalagay sa fliers. May sumagot naman pagkatapos ng sampung minutong pagring. Nakausap niya ang mayordoma ng mansyon at pinapapunta siya bukas na bukas din.

Buong akala niya ay kasambahay talaga ang magiging trabaho niya roon kaya tinanggap niya. Alam naman niya na malaking tulong ang sahod niya sa pagpapagamot at gastusin ng kanyang pamilya.

Masayang umuwi ng bahay si Gwyneth. Naabutan niya ang kapatid niyang si Guiller at Gianna. Natutuwa siya na lumaking mabuting bata ang kanyang mga kapatid, salat man sila sa karangyaan. Pero pangako niya, sa oras na makasahod siya sa Maynila, lahat ng hindi niya maibigay sa mga ito ay ibubuhos niya.

"Nandiyan ka na pala, Ate. Tara, kumain na tayo. Nagluto na ako," yakag ni Guiller.

"Sige, salamat. Magpapalit lang ako ng damit," sagot ni Gwyneth. Gusto niya munang i-relax ang kanyang sarili bago niya sabihin sa mga kapatid ang plano niya.

Pagkatapos niyang magbihis, bumaba na siya dahil alam niyang kanina pa siya inaantay ng mga kapatid.

"Ate, maupo ka na," tawag ni Gianna. Ngumiti lang siya at naglakad sabay upo sa gitna. Maya-maya lang, masarap na tinola ang kanilang pinagsasaluhan ngayon. Kinamusta niya muna ang mga kapatid.

"Kumusta ang pag-aaral?" tanong niya kay Guiller na nasa third year high school na.

"Okay naman, Ate. Maayos ang lahat ng grades ko," pagyayabang pa nito.

"Abay, ayos pala," sagot naman ni Gwyneth.

"Oo naman, Ate. Ako pa ba. Ewan ko lang sa isa diyan," segunda nito sabay turo kay Gianna. Alam naman ni Gwyneth na mahina talaga sa pag-aaral ang kanyang bunsong kapatid na babae.

"Ate, si Kuya Guiller," sumbong nito sa kanya.

"Guiller, sabi ko naman sa'yo. Ikaw ang kuya, hindi ba? At ikaw dapat ang tumulong sa bunso natin kapag nahihirapan siya," sagot ni Gwyneth.

"Okay, Ate. Hindi naman 'yan nagsasabi sa akin," giit ni Guiller.

"Ayaw mo nga akong tulungan eh, lagi mong sinasabi busy ka. Kaya ako na lang gumawa ng homework ko kahit hindi ko masyadong maintindihan," naiiyak na sambit ni Gianna.

"Oh! Siya, hayaan niyo na 'yan. Hindi na dapat pagtalunan pa. Siya nga pala, luluwas ako ng Maynila—" hindi niya natapos ang sasabihin dahil nag-react agad ang dalawa niyang kapatid sa gulat.

"Ate, Maynila?" pa-chorus na tanong ng dalawa.

"Hindi ba't napakalayo nun, Ate? Paano kami ni Kuya?" tanong agad ni Gianna.

"Oo nga, Ate. Paano kami ni Gianna dito? Wala na nga si Inay, tapos may sakit pa si Itay," nangangambang tanong ni Guiller.

"Alam ko naman iyon. Papasilip ko kayo kay Tiya Ganda. Kapag may sahod ako, bibilhan ko kayo ng cellphone. Gusto niyo ba nun?"

"Opo, Ate. Kahit hindi mamahalin," excited na sagot ni Gianna.

"Ikaw? Anong gusto mo, Guiller?" tanong ni Gwyneth nang makita niyang tahimik ito.

"Wala akong ibang karangyaan na gusto, Ate. Basta ang tanging gusto ko lang, sama-sama tayo nila Itay," sagot nito.

Sa narinig ni Gwyneth, medyo natakot siya at nalungkot. Pero sayang kasi ang oportunidad na dumating sa kanya, kaya kahit ayaw niya mang iwan ang dalawang kapatid, para sa future ng mga ito, lahat ay kaya niyang gawin.

"Sige na, tapusin niyo na ang pagkain. Bukas na ang alis ko. Mag-aral kayong mabuti at huwag magpapabaya sa sarili," bilin ni Gwyneth habang nag-aayos ng pinagkainan nila.

Wala namang nagawa si Guiller kundi sundin ang gusto ng kanyang Ate. Kahit taliwas ito sa nais ng kanyang puso. Mahirap lang sila pero ayaw naman niyang magwatak-watak sila ng kanyang mga kapatid.

Naiwan namang nalulungkot si Gwyneth pero huminga siya ng malalim sabay buga.

"Kailangan ko 'tong gawin, para sa pamilya ko," usal niya bago siya tumayo para hugasan ang kanilang pinagkainan.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
9 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status