Share

Chapter Eight

                             Blaise

Pagkapasok ko pa lang sa room ay nakita ko na ang pagkukumpolan ng mga kaklase ko. Bigla tuloy akong kinabahan sa kung ano na namang dahilan nun.

"Anong meron?" tanong ko

"Ano pa ba? Edi blessing." tugon ni Erica at iwinagayway pa ang papel na hawak niya

"Hindi niyo parin ba tinitigilan yan? At sinong nagbigay sa inyo niyan?" Sinubukan ko pang agawin iyon pero mabilis niya itong itinago.

"It's me. Ako ang nagbigay. Why? Do you have a problem with that? Kala mo kayo lang nina Tori at Greyson ang may kayang makakuha niyan?" Umirap pa ito saka nagpamewang sa harap ko.

This girl. For the past two years, hindi dumating ang araw na nagustuhan ko ang babaeng 'to.

"Shantel, how can you still do this after that incident?" 

"Incident? What incident–oh! When Sia died. Well sorry, but her death has nothing to with these and with us. So, mind your own business." Sinadya pa ako nitong banggain noong lagpasan niya ako. "Oh! I forgot to say, ako ng bahala sa section na 'to. It seems like the four of you are so busy these days.  Don't mind me, okay." sarkastikong dagdag nito saka padabog na naupo 

Napa-buntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ko sila. I am so sick of this.

Naupo na lang ako sa upuan ko at hinintay ang klase. Wala pa ring Greyson o Tori na pumasok. Bahala na. . sarili ko muna ang iintindihin ko.

Pagka-uwian namin sa hapon ay agad akong dumiretso sa cemetery para bisitahin si Sia.

"Sia, kumusta kana?" tanong ko bago naupo sa tapat ng puntod nito

"Nagagalit ka ba sa akin o naiintindihan mo ako? Sana naiintindihan mo ang kaduwagan ko." Huminto ako at hinawakan ang pangalan nito. "I worked so hard to get this far, halos wala na akong pride at dignidad maka-survive lang dito. Kaya sorry. . .sorry kung hindi ko kayang isugal ang buhay ko para sa 'yo."

I am really sorry, Sia. Pero mas pinipili ko ang sarili at pangarap ko kaysa sa hustisya para sa 'yo. 

Hindi ko kakayaning mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan at tiniis ko ng ilang taon.  Hindi ko hahayaang tratuhin ulit nila ako tulad noong freshmen year.

~

"Look who's here, si Miss Scholar. No wonder, kaya pala ang bantot." Tinakpan pa ni Shantel ang ilong niya habang tinitingnan ako ng may panghahamak.

Ilang linggo na rin simula noong pumasok ako sa University na ito at naging parte ng section nila, pero hanggang ngayon ay hindi parin sila nagsasawang hamakin ang pagiging schoolar ko. Ano bang masama sa pagiging schoolar?l

"Hey, errand girl, can you buy me a caramel macchiato, nakalimutan ko kasi e." sabi naman ni Tori

"Sabay mo na rin ako ng tuna sandwich." dagdag pa ni Greyson

Kay aga aga nila akong pag initan. Pero wala akong choice kundi sundin sila. Takbo–lakad ang ginagawa ko para lang hindi ako ma-late sa first class namin.

Walang araw na lumipas na hindi ako nakatanggap ng pangmamaliit mula sa mga kaklase ko. Idagdag mo pa ang pagtrato sa akin na parang alilang utusan nina Tori, Shantel, at Greyson. Dapat ko bang ipagpasalamat na hindi ako binubully ni Lucas?

Hindi.

Mas malala pa ang katulad niyang bystander doon sa mga mismong bully.

"You know what, I am getting tired of doing this. Why don't you just be part of our squad?" Naka-crossed arms na tanong ni Tori.

"A-Ako? Sa squad niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. And if that happens, you will also get all the previleged that we're getting from this University. And. . the most important thing is, you can stop being our errand girl. You'll be as same level as we are. That means, no one in this school will try to mess up with you. Isn't it good?" sumilay pa ang smirk nito 

Napa-isip ako. Ang gusto ko lang naman ay mag aral ng maayos at grumaduate na may karangalan. Pero kung tatanggapin ko ito paniguradong–

"But ofcourse, it will come with a price."

Sinasabi ko na nga ba. Imposibleng bigla na lang siyang naging anghel.

"Prove to me that you are worthy, to become part of our squad.  Just make sure na mapapaki-nabangan namin ang dadalhin o gagawin mo. Let's talk again on friday. Three days Blaise, three days." Tinapik niya pa ako sa balikat bago tuluyang umalis.

Tatlong araw kong pinag isipan ang pipiliin kong desisyon. At ngayon sigurado na ako.

"So, what did you brought for us?" tanong ni Tori

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap nilang apat na para ba nila akong nililitis.

Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago iniabot sa kanila ang isang envelope. Mukhang excited silang makita ang laman nun.

"What is it?" tanong ni Shantel habang tinitingnan ang hawak na papel ni Grey

"Iyan ang sagot para sa exam natin bukas." tugon ko na nagpabilog sa kanilang mga mata, "Pero hindi lang iyan.  Even the answer key for our midterm, kaya kong ibigay sa inyo."

"Wow!" mangha na tugon ni Lucas

"How?" tanong ni Grey

"Hindi na mahalaga kung paano ko, nakuha." tugon ko at ngumiti

"Pero paano namin masisigurong ito nga ang sagot? Maybe you're just fooling us." diskumpyadong sabi ni Tori

"See it for yourself. At saka, bakit ko naman kayo lolokohin? That will make my life more complicated."

Nakita ko ang pagngisi ni Tori saka lumapit sa 'kin. "Well then, Blaise, welcome to our squad." aniya sabay lahad ng kamay

Walang pagdadalawang isip kong tinanggap iyon. 

"Nga pala, we have one condition. . ." Nawala ang ngiti ko sa pahabol ni Tori. "Hindi ka makikinabang sa mga answer key na 'to. Malinaw?"

Tumango ako bilang pag sang ayon. Wala naman akong planong lokohin ang sarili ko.

I did became part or their squad pero hindi ko naramdaman ang sinasabi niyang 'same level', pero mas mabuti na iyon kaysa sa kalagayan ko noon.

Akala ko magiging maayos na ang lahat, pero mali ako. Natapos nga ang problema ko sa pagiging bully victim, pero mas malaki ang problema ko sa acads. Habang ako ay halos hindi na matulog sa kaka-aral at kaka-review sa tuwing may darating na exams, ang mga kaklase ko naman ay petics lang.

Yes. Mga kaklase.

Tori decided to share it to the whole class. We are all an accomplice, kaya walang sinuman sa amin ang maglalakas ng loob na magsumbong. Lahat naman kami nakikinabang, she said.

Tila sinasaksak rin akong pabalik ng mga maling desisyon ko. Para akong nakikipag kompetensiya sa sarili kong multo. 

~

Napahinto ako sa malalim na pag-iisip noong may kamay na humawak sa balikat ko. Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil dito.

"Lucas!"

"Sorry. Nagulat yata kita." aniya at napakamot ulo

Paanong hindi ako magugulat e nasa sementeryo kami tapos bigla na lang siyang hahawak sa akin ng walang sabi-sabi.

Naupo ito sa tabi ko at inilapag sa lapida ni Sia ang bulaklak na dala niya.

"Miss na miss na kita." mahinang sabi niya saka marahang hinaplos ang pangalan ni Sia

Napatanaw na lang ako sa malayo. Matapos iyon ay napuno kami ng katahimikan. Wala akong mahugot na salitang dapat sabihin.

"Ang daya ng tadhana 'no? Napaka-bilis niyang binawi ang kasiyahan ko." pagbasag nito sa katahimikan

Napabaling naman ako rito na nasa malayo ang tanaw. "Do you really love, Sia?" wala sa sariling tanong ko

Dahan dahan naman siyang humarap sa akin saka mapait na ngumiti. "Siya iyong babaeng minahal ko ng totoo. . . bukod sayo." 

Mabilis na ginupo ng kakaibang kirot ang puso ko sa sinabi nito. Sinikap kong magpakita ng ngiti saka ako nag iwas ng tingin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status