Share

Chapter Nine

                               Lucas

Napabaling ako sa mukha ni Blaise na malayo parin ang tanaw. Unti unting bumalik sa gunita ko ang kwento namin noong first year.

~          

Isang linggo pa lang akong pumapasok dito noong maging parte ako ng squad nina Greyson. They are the most powerful group not just in polsci department, but also in our school.

Paano nga namang hindi?

Si Greyson, ang panganay na anak ng Governor ng lalawigan namin. 

Si Tori, anak ng sikat at magaling na abugado, her late dad is commanding general of National Police, habang ang lolo niya ay isang kagalang-galang na judge sa lugar namin. 

Si Shantel, anak ng isang business tycoon na kilalang supporter sa tuwing darating ang campaign period ng tatay ni Greyson.

At ako? Isa lang akong anak ng abugado na may maliit na lawfirm. Habang si mom naman ay bedridden na dahil sa kaniyang stage three breast cancer. Ang dahilan lang kung bakit ako naging part ng squad nila ay dahil sa popularity ko. Isa kasi akong idol trainee, sa ilalim ng isang malaking kompanya. At kaya lang din ako sumama sa squad nila ay dahil sa mga special treatment na nakukuha nila. Hindi na rin masamang gamitin ang utak paminsan minsan.

Pero kahit naging bahagi na ako ng grupo nila ay hindi naman ako nakikisali sa mga nonsense na trip nila sa buhay. Wala akong pakialam kung mangbully sila o ano pa man na walang kabuluhan ang mapagtripan nila. Kung ako lang ang masusunod ay ayoko nitong course na inaaral ko, si dad lang naman ang may desisyon nito. Pero okay na rin 'to, ang pagiging idol naman ang mas priority ko kaya nonsense din kung kukuha ako ng course na gusto ko.

"Hey, Miss schoolar, nakalimutan ko pala ang books ko sa bahay. Here's the address, dalhin mo dito within ten minutes." sabi ni Shantel

Hays! Kay aga-aga pinagdidiskitahan na naman nila si Blaise. At ewan ko rin ba sa babaeng iyon at parang aso na sunod ng sunod sa mga inuutos sa kaniya. Kung gaano siya katalino sa klase ay ganoon naman siya ka-engot sa totoong buhay.

Sa bawat araw na lumilipas na ginawa nila itong utusan ay tahimik lang akong nanunuod sa gilid. And without even realizing it, I started to grow an interest to her.

"Why don't you just slap them once, para tigilan kana nila?" sabi ko noong maabutan ko itong bitbit ang mga pinabiling pagkain ng tatlo

Huminto ito sa paglakad at seryoso ang mukhang hinarap ako. "Why don't you just turn blind eye, like what you always do?" balik na tanong nito

Wow. Matapang naman pala ang babaeng 'to, pero bakit siya nagpapa-alipin ng ganoon. Tsk.

Days have easily past, at palalim ng palalim ang interes ko kay Blaise. Hindi ko mapigilang humanga sa katatagan niya sa kahit na anong ginagawa at sinasabi sa kaniya ng mga kaklase namin. At sa sobrang tatag niya ay mukhang nagsawa na rin si Tori sa pambu-bully dito. 

"Did you really have to do this? Anong naging kapalit ng answer key na iyon?" tanong ko noong mapag isa na lang kami

Sumilay ang sarkastikong ngiti nito. "Bakit may mas maganda pa ba akong pagpipilian kaysa rito? Bakit may magagawa ka ba para protektahan ako?" 

"Go out with me." tugon ko

Tila ikinabigla niya ang sinabi ko pero napalitan rin agad ng pagkadismaya ang mukha niya. "Anong mapapala ka sayo? At isa pa, pagdidiskitahan lang ako lalo ni Shantel, pag pinatulan kita." sagot niya sabay talikod sa akin

Tama naman siya, dahil kahit makipag-date siya sa akin ay hindi ko parin siya mapo-protektahan, dahil tulad niya ay isa rin lang akong underdog. Kaya naman sinikap ko na lang na burahin sa isip ko itong nararamdaman ko para sa kaniya. Mas lalo lang magiging komplikado ang lahat pag pinagpatuloy ko pa ito.

Maayos na rin naman ang lagay niya noong naging parte na siya ng grupo.

Pero kahit anong pilit kong kalimutan ang feelings ko para kay Blaise ay mas lalo lang itong tumitindi. Mas lalo pa noong nalaman ko na may gusto siya kay Greyson, sa lahat ng tao bakit iyon pa? Tangina naman.

~

"Hoy, bakit ka ganiyan makatitig? May dumi ba ako sa mukha?" 

Napabalik lang ako sa reyalidad dahil sa pagsasalita nito. Napatawa na lang ako ng bahagya at tumanaw sa kawalan at nagpatuloy sa pag-gunita ng nakaraan namin.

~

"Happy birthday, Grey." nakangiting bati nito sabay abot ng maliit na kahon ng regalo, "Nahirapan akong makuha 'to. Sana magustuhan mo." dagdag pa niya

Tinanggap naman ni Grey ang regalo at saka ito binuksan. Isang bola ng baseball ang laman nun.

"Iyan iyong winning ball nung idol mong si–"

Nahinto ito sa pagsasalita noong ibato ni Greyson ang baseball sa may pool. "Thank you." sarkastikong sabi nito saka nag iwan pa ng ngisi bago umalis

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa rito. Bakit ba kasi kailangan niyang ipagpilitan ang sarili niya sa tulad ni Greyson. 

Nilapitan ko ito at hinila patungo sa lugar na walang ibang tao.

"Blaise, maawa ka naman sa sarili mo. Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo kay Greyson." 

Marahas nitong binawi ang kamay niya. " Pwede ba Lucas, wag mo nga akong pakialaman." 

"Bakit kasi hindi na lang ako? Ako na lang, Blaise." may bahid ng pagsusumamo ang boses ko

Nagpakawala ito ng buntong hininga saka ako tinitigan sa mata. "At anong magagawa mo para sa'kin Lucas? Anong mapapala ko sa 'yo. Ni hindi ka nga makapag debut." 

Natigilan ako sa mga sinabi nito. "Kung ganoon, ginagawa mo lang 'to dahil mapapakinabangan mo si Grey. Blaise–"

"Gold digger. I am gold digger. Ngayon gusto mo parin ba ako? Lucas, hayaan mo na lang ako sa gusto kong gawin sa buhay ko." Akmang aalis na ito noong humarang ako sa daraanan niya.

"I'll make sure na magde-debut ako this year. Just give me a chance, huh? Basta wag mo na ipagsiksikan ang sarili mo dun sa gagong iyon." halos magmakaawa na ako rito

Pero sa halip ay tiningnan niya lang ako ng walang emosyon saka ako iniwan doon. 

Sa tuwing nakikita ko kung paano baliwalain ni Grey si Blaise, mas lalo akong namo-motivate na galingan para makapag debut na. Siguro sa ganoong paraan lang ako magkaka-roon ng pag asa sa kaniya.

But things doesn't always went, how we want it to be. Hindi ako nakapagdebut noong taong iyon.

And as for Blaise, tuluyan na siyang nawalan ng chance kay Grey dahil ang gusto nito ay si Tori. 

Noong mag second year college kami, mas naging focus sa pag aaral si Blaise. Kahit papaano ay natutuwa na rin ako na hindi niya na kailangang manlimos ng pansin kay Grey. 

Mas dinoble ko pa ang effort sa pag eensayo at mukhang worth it ito, dahil sawakas ay may petsa na ang pagdebut ko.

Hindi maipaliwanag ang saya ko noong sawakas ay magpe-perform na rin ako sa stage, sa harap ng maraming tao. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo pa noong matanaw ko mula sa crowd si Blaise.

"Congratulations Lucas!" salubong nila sa akin

"Thank you sa pagpunta." masayang tugon ko, "Let's have a dinner, treat ko." dagdag ko pa na sinang ayunan naman nila

"Congratulations, Lucas. Proud na proud ako sa 'yo." sinserong saad ni Blaise habang naglalakad kami patungo sa parking

Hinigit ko ang kamay nito dahilan para mapatigil siya. Bakas ang gulat sa mga mata nito. 

"This is all for you, Blaise. I worked so hard just to prove my self to you." nakangiting sabi ko

Mabilis ding nawala ang mga ngiti ko noong tanggalin niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya. 

"Lucas. . ." 

"Hindi parin ba sapat? Blaise, ano pa bang dapat kong gawin para pumasok sa standard mo?" I sound frustrated.

"Lucas, hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging girlfriend ng tulad mo. T-That secret relationship. Hindi ko yun kaya, hindi ako magiging masaya." tugon niya na hindi makatingin sa akin ng diretso

Napangiti ako ng sarkastiko. "May dahilan ka na naman para tanggihan ako. Napunta lang pala sa wala lahat ng pagsusumikap ko." 

Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "No. Para sa'yo iyong pagsusumikap mong iyon. Hindi iyon mapupunta sa wala." sabi niya na may halong pangungumbinse

"Why are you so hard to yourself, Blaise. Nakikita ko naman sa mga mata mong gusto mo rin ako." 

She heaved a sigh. "Let's put an end to this, Lucas."

Binawi ko ang mga kamay ko. "Right. Wag kang mag alala, hindi na kita kukulitin pa." seryosong tugon ko saka ko ito nilagpasan

~

Si Blaise ang tipo ng tao na handang isakripisyo ang kaligayahan niya para sa kaniyang pangarap. Kaya naman nauunawaan ko kung bakit mas pinili niyang tumigil sa pagtuklas ng totoong nagyari kay Sia. 

Napabaling ako sa lapida nito at marahang hinaplos iyon, sana ay nauunawaan mo rin si Blaise, Sia.

"Lucas. . ."

Napabalik ako sa ulirat at napasulyap sa kaniya, dahilan para agad magtagpo ang aming mga mata.

"Do you think, things will be different kung hindi ako nagpalamon sa ambisyon ko noon?" seryosong tanong niya

"Siguro. But I liked how things turn out this way. " Bumitaw ako sa titig niya at saka bumaling sa lapida ni Sia. "Meeting her, is the best thing that happened to me."  dagdag ko saka malapad na ngumiti

"Teka. . .naka-move on ka naman na sa 'kin diba?" Nanlalaki pa ang mga mata ko noong balingan ko ito.

Sumilay ang ngiti niya. "Sus! Oo naman. Tara na nga, padilim na oh." aniya sabay tayo

Tumango-tango naman ako saka sumunod na tumayo. Pasimple pa akong natawa sa naging tanong ko. 

"See you next time, Sia." baling ko rito

Nagsisimula na kaming maglakad noong magring ang cellphone ni Blaise. 

"Hello, Tori?" 

Otomatiko akong napabaling dito.

"H-Ha? Nandito ako sa. . .puntod no Sia. Bakit may problema–" 

Nakita ko ang pagbilog ng mga mata nito. Ano bang pinag uusapan nila.

"Tori, nasaan ka? Tori, hintayin mo ko. Wag mong itutuloy ang gagawin–hello? Tori?" 

Mabilis ang pagtaas baba ng balikat nito. At walang anu-ano ay kumaripas ng takbo. At kahit wala akong kaide-ideya sa nangyayari ay sinundan ko na lang ang pagtakbo nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status