Share

Chapter Seven

                               Lucas

I was left dumbfounded sa naging tugon sa akin ni Blaise. Pero sa kabilang banda ay naiintindihan ko rin siya. Sino nga namang hindi matatakot pag nakaharap mo na ang kamatayan? And knowing her, napaka-rami niya pang pangarap na nais tuparin. Kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang takot niya.

Kung hindi ako tutulungan ni Blaise sa pagtuklas sa katotohanan, kailangan ko itong gawin ng ako lang. I need to do it for, Sia. Hindi ko siya na-trato ng tama noong buhay pa siya, kaya pipilitin kong maibigay ang hustisya sa pagkawala niya.

Hindi ko parin matanggap. Napakabilis ng mga pangyayari, na para bang kahapon lang ang lahat. 

~

"Hoy! Ana, nanunuod ka na naman ng chingchong?" panunukso ko rito

Agad na nagdugtong ang kilay nito sabay hampas sa braso ko. Napaka-bigat ng kamay.

"Aray ko, Tasia." nagpout pa ako habang hinahaplos ang braso ko

"Di ka ba titigil?! Sasaksakin kita!" banta nito sabay hawak ng mahigpit sa ballpen niya

Napa-taas na lang ako ng dalawang kamay habang tumatawa. Napaka-brutal talaga ng babaeng 'to.

Simula noong naging bahagi siya ng circle of friend namin ay hindi ko na ito tinigilan nang pang aasar. Ayaw na ayaw nitong tawagin siyang ‘Ana’ o ‘Tasia’, kaya naman iyon ang madalas itawag ko sa kaniya. Ewan ko ba, basta tuwang tuwa lang ako sa tuwing dadampot siya ng pansaksak o panghampas sa akin pag napipikon na siya.

"Tasia, gusto mo ba akong i-date?" Kusa na lang na lumabas iyon sa bibig ko, at kahit ako sa sarili ko ay hindi sigurado kong seryoso ba 'yun o pang aasar lang.

"Oo, kung titigilan mo ang pagtawag sa akin ng Ana o Tasia." walang tingin na sagot nito

Umayos ako sa pagkakatayo saka tumighim bago nagsalita. "Sia, Let's date." 

Napaharap ito sa akin saka tumawa. "Gago kaba? Asa ka naman." Tiningnan pa ako nito na parang naaasiwa habang tuloy sa pagtawa.

"Seryoso nga ako, magdate tayo. Let us just have some fun. Swerte mo nga inaya kita, samantalang ang daming fans na nangangarap maka-date ako." Nagpamewang pa ako saka itinaas baba ang dalawang kilay ko. Mas lalo lang ako nitong tinawanan. Baliw talaga.

"Uhm. . . Sure. Let's have some fun, but. . . if one of us finds it no fun anymore, we will stop. Deal?" Naglahad pa ito ng kamay.

"Deal." tugon ko sabay abot sa kamay niya

That's how we started dating, it's just to have some fun. Sa tuwing kasama ko si Sia, parang nawawala lahat ng stress ko sa acads at pagod ko sa training. Ibang klase din talaga ang saya pag kasing baliw mo rin iyong ka-date mo.

"Shit! Pano nila nalamang nandito ako?" Humahangos pa ako habang sinusulyapan ang mga fans na humabol sa amin. Badtrip, panira ng date.

"That was fun. Ang bilis ko palang tumakbo." tumatawa pa ito habang naghahabol sa hininga

"Baliw ka talaga. Ang gwapo kasi–" Nawala ang pagngisi ko noong mapabaling sa paa nito. Oo nga pala, she's wearing heels.

Yumuko ako at saka dahan dahang hinubad ang heels na suot niya and as expected, dumudugo na ang paa nito bunga ng pagtakbo.

"Okay lang yan, malayo sa bituka yan. Yaan mo next time, magru-rubber shoes na ako para handa." sabi nito saka bumungisngis

Sinaman ko ito ng tingin. Tsk! 

"Sorry." sinserong sabi ko

Nangunot ang noo nito. "Parang tanga.  Okay nga lang ako. Eh ikaw hindi ba masisira ang career mo–"

Hindi na nito natapos ang sasabihin noong siilin ko siya ng h***k.

"L-Lucas. ." bakas ang gulat sa mata nito

Sa halip na sumagot ay muli kong inilapat ang labi ko sa kaniyang labi, at sa pagkakataong iyon naramdaman kong lumalaban na siya sa h***k ko. It was a long and deep kiss, kaya naman pareho kaming naghahabol sa hininga noong maghiwalay ang mga labi namin.

"Sia, let us date, for real." usal ko habang diretsong nakatitig sa mga mata niya

Sumilay ang ngiti nito. "Let's do that, Lucas." 

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko noong mga sandaling iyon. Hindi ko inakala na ang date namin na nag umpisa lang sa kagustuhan naming magsaya ay mauuwi pala sa totohanan. 

Nagpatuloy kami sa aming dating stage, but this time with genuine feelings na. Isinikreto din muna namin iyon sa mga kaibigan namin, at wala namang kaso sa amin iyon. Mas masaya ngang magdate in private.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok ako sa seryosong relasyon, and all I can say is worth it si Sia. Sa totoo lang hindi ko siya deserve, she is so good enough for me.

Pero gaya ng normal na relasyon ay hindi rin kami perpekto, may mga away at tampuhan. Pero kahit ganoon ay mabilis namin itong naaayos dahil sa pagka-maintindihin at mapagpatawad ni Sia. Siguro ay dahil doon kaya ako masiyadong naging kampante.

Dumating ang mga araw na mas pinipili kong gumimik at mag inom kasama ang mga members ko. Bumalik ako sa pagiging gago na kung kani-kaninong babae nakikipag-flirt.

Nakalimutan ko si Sia. 

"You're a cheater!" sigaw ko rito

"Anong sinasabi mo?" 

Sa halip na sumagot ay ipinakita ko sa kaniya ang mga litratong kuha na magkasama sila ni Greyson sa isang coffee shop. They both look so happy, bagay na mas lalong nagpapakulo sa dugo ko. 

"Where did you get that? Lucas, I can explain."

Ang totoo ay hindi ko rin alam kung sino ang nagsend nun, pero hindi na mahalaga iyon.

"Explain what? Tangina, malandi ka!" 

galit na galit ako kaya hindi ko na napag isipan ang mga lumalabas sa bibig ko

"Ako pa ngayon ang malandi? Samantalang ikaw itong abala diyan sa mga babae mo." tugon nito kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha

That was the very first time na nakita ko siyang umiyak, at dahil doon ay tila natauhan ako.

"Sorry. . Sorry hindi ko sinasadya."

Tuloy sa pagtulo ang mga luha niya kasabay noon ang pagtakbo niya palayo sa akin.

I tried to win her back. Nagmakaawa ako sa kaniya pero tila walang epekto iyon. I can't blame her, siguro ay napagod na rin siya sa katulad kong gago na hindi siya pinahalagan.

                            

"Tori, Shantel, Greyson, and Lucas are cheating. They have the key answer of this exam." 

Muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Sia noong araw ng midterm exam namin. Aminado akong mali ang ginagawa namin, pero ganoon na ba siya ka-walang pakialam sa akin.

Ang araw na iyon. . .

Ang araw na wala akong ginawa kundi ang panoorin siyang saktan ni Tori. 

"S-Sia." pagpipil ko rito

Hinarap niya ako ng walang ka-emo-emosyon ang mukha. 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ko itong niyakap. "I-Im sorry. I'm sorry for everything. I'm sorry kung hindi kita na-protektahan. Sia. . .hindi na ako mandadaya. Hindi na ako magiging gago. Babawi ako sa napaka-dami kong pagkukulang sa'yo. Kaya please. . . please, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Please, Sia. .please take me back." Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan nito.

Pareho na kaming luhaan noong mga oras na iyon. Hindi ko na kakayanin pa pag tuluyan na siyang nawala sa akin.

"Lucas. . . do you want to have some fun?" tanong niya, naguguluhan naman akong napatingin dito, "Let's date, again." dagdag niya sabay ngiti

Halos mapatalon pa ako sa tuwa dahil sa sinabi nito. I'll be better this time, Sia. Babawi ako sa lahat lahat ng pagkukulang ko.

Unti-unti ay muli naming naibalik ang masayang relasyon na meron kami dati. Totoo talaga yung kasabihan na mare-realized mo lang ang halaga ng isang tao pag nawala na ito. And now, that I luckily win her back, hinding hindi ko na hahayaan na muli siyang mawala sa akin.

Everyday of our relationship is filled with love and genuine happiness. Wala na nga akong mahihiling pa. Minsan napapatanong na lang ako kung anong kabutihang nagawa ko sa buhay para bigyan ako ng isang Sia. Napaka-swerte ko.

Ngunit ang sayang nararamdaman ko ay panandalian lang pala. Dahil mukhang isa na namang hamon ang susubok sa aming dalawa.

Agad napa-kuyom ang kamao ko noong makita ang litrato nilang dalawa ni Grey na naghahalikan. 

At sa ikalawang pagkakataon wala ulit akong ginawa–pinanood ko lang kung paano siyang pagtulungan nina Tori at Shantel. Pinanuod ko kung paano siyang pagbantaan ni Greyson. Wala ulit akong ginawa para protektahan siya. Mas lamang ang galit at sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon.

"Greyson!" tawag ko rito 

Agad naman itong huminto sa paglakad at hinarap ako. 

"May relasyon ba talaga kayo ni Sia?"

"Relasyon?" sumilay pa ang smirk nito, "At bakit naman ako makikipagrelasyon sa katulad niya? Siya itong lapit ng lapit sa akin kahit alam niya namang girlfriend ko si Tori." dagdag nito saka nag iwas ng tingin

Nilagpasan ko na ito at nagpatuloy sa paglakad patungo sa parking area. Bago magmaneho ay tiningnan ko pa ang cellphone ko na tadtad ng text at tawag ni Sia. Sa halip na basahin ay ibinalibag ko iyon saka nagmaneho palabas ng University.

Gabi na noong mabuo ang pasya kong puntahan si Sia. Oo galit ako, pero sa tuwing maiisip kong mawawala ulit siya sa akin ay para akong pinapatay sa sakit. 

Humugot muna ako ng buntong hininga bago pindutin ang doorbell sa pinto ng condo unit nito.

Agad rumehistro ang gulat sa mukha niya noong makita ako. Wala sa amin ang umimik, sa halip ay tahimik niya akong pinapasok sa loob.

"Just tell me the whole truth, Sia. Makikinig ako." kalmadong sabi ko

Sinadya ko pang wag itong tapunan ng tingin dahil ayokong muling mangibabaw sa akin ang galit.

"Greyson asked me out, nagmamaka-awa siya na kahit dalawang linggo pumayag akong lumabas kasama siya. But ofcourse, I refused. Sinabi ko sa kaniya ang totoo tungkol sa atin."

Gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi niya pero kabaliktaran nun ang sinisigaw ng utak ko.

"That kissed. . ." 

Napakuyom ako noong marinig ang bagay na iyon.

"It was him who kissed me. And. . . and I never kissed him back. Why would I do that? Why would I cheat on you? Lucas, di ko magagawa na lokohin ka. Si Greyson, gago iyon, siya pa itong may ganang pagmukhain akong masama." 

Tumayo na ako at saka ko siya hinarap, bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"L-Lucas?"

"Sapat na ang narinig ko, Sia." 

"Hindi mo na naman ba ako pinaniniwalaan? Mas pipiliin mo pang maniwala kay Greyson, kaysa sa akin na girlfriend mo? What did I do so wrong, para hindi mo ako pagtiwalaan ng ganito?" mabilis ang pagtaas baba ng balikat nito, sabay abot sa kamay ko

I am trying my best to stay calm, ayokong makapagbitaw ulit ng masakit na salita sa ikalawang pagkakataon.

"Sia, just give me some time to think. Hayaan mo na muna ako."  kalmadong sabi ko

Tinanggal ko rin ang kamay niyang nakahawak sa akin sa ako nagsimulang humakbang palabas. Pero bago pa man tuluyang makalabas ay naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. 

"Don't go. Just stay with me, Lucas." 

Kahit hindi ko nakikita ay alam kong tahimik na itong humihikbi. At nasasaktan rin ako, ilang beses na ba siyang umiyak sa harap ko.

Muli kong inialis ang nakapulupot niyang mga kamay at walang salita na iniwan siya, ni hindi ko ito nagawang lingunin man lang.

~

Sia. . .

Hindi sana kita iniwan noong gabing iyon. Hindi sana nangyari 'to kung hindi ako nagpatalo sa pride ko.

Kung alam ko lang na iyon na ang huli, niyakap na sana kitang pabalik. Niyakap sana kita ng mahigpit at hindi pinakawalan. 

Kung alam ko lang. . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status