"Dwight-" Naiwan sa ere ang sasabihin niya ng magsalita si Dwight.
"I thought you're his girlfriend?"
Nabingi si Yena dahil sa simpleng tanong lamang na iyon ni Dwight. Napa higpit ang hawak ni Yena sa gilid ng gawa sa kahoy na lamesa.
Wala siyang maisagot na kahit isang salita dito. Dahil alam niya din mismo sa sarili na ang kasalanan na magaganap sa kanilang dalawa nila ni Nikko ay kasunduan lamang ng kanilang mga pamilya.
At alam din niya na isang bunsong kapatid lamang ang turing ni Nikko sa kanya.
"Hindi naman naging kami. Inaalagaan lang namin ang isa't isa, 'yun lang."
"So why you're so wet earlier? Don't tell me you save him in the police station again?" mas napa yuko pa si Yena ng mapagtanto na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakipag areglo siya sa mga pulis para lang kay Nikko.
"Dahil nga doon... " Mahina niyang lintaya.
"So his girlfriend is dead?" doon napa angat ang ulo ni Yena dahil sa sinabi ng binata. Sobrang talas pala talag ng bibig ni Dwight.
"P-Pero hindi ki pa naman nakakusap si Nikko kung kasintahan niya ba talaga iyon o hin-"
"A man don't bring a woman inside of a hotel for nothing, Miss Suarez." putol ng binata sa sasabihin ng dalaga. Doon na nanginig ang kamay ni Yena sa ilalim ng lamesa at napa yuko na naman ulit.
"Hindi iyon magagawa sa akin ni Nikko..." mahinang bulong niya.
"And pigs can fly, Miss Suarez." puno ng sarkasmong saad ni Dwight sa dalaga. Doon lang din ni Yena napagtanto ang lahat ng naging katangahan niya buong magdamag.
Nag antay siya ng hapunan para maka sabay sila ng kain ni Nikko. Nagluto siya buong hapon para lang sana i-selebra ang kanilang ika apat na anibersaryo, ngunit ito lamang ang napala niya.
Sakit, hinagpis at pagkalito.
"Alam ko namang pareho kaming nararamdaman sa isa't isa kahit na hindi namin sabihin iyon sa sarili namin."
"So why are you crying?" halata sa boses ng binata na naiirita na ito.
Hindi na niya napigilan ang mapa hagulhol na lamang. Dahil kahit anumang tanggi ni Yena ay naging tanga parin siya sa parteng pinanghawakan niya lang ay ang pangako nila ni Nikko sa isa't isa na walang iwanan sa ere.
Ang kaninang pinipigilan niyang mga luha ay nagsibagsakan na nang tuluyan at hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang ang lakas ng loob niya na umiyak sa harapan ni Dwight.
Hindi umimik si Dwight at tiningnan lamang ang dalaga. Kumuha ito ng isang puting tuwalya sa banyo at itinapon sa gawi ng dalaga.
"Gues you'll be crying all night. You'll need that. There's a guest room in the second floor beside the big lalisa painting, you can sleep there for tonight." Pagkatapos sabihin iyon ay kaagad na itong nawala sa harapan ng dalaga.
Ito ang pinaka unang pagkakataon na nagsalita ang binata ng ganoon ka haba sa tanang buhay nito. Walang ganang tinahak niya ang ikalawang palapag ng bahay at doon lang napagmasdan ng dalaga kung gaano kaganda ang mansiyon ng lalaki.
Ang lahat ng kagamitan pati narin ang mga hagdan, isama mo na rin pati ang mga sofa ay yari sa gawang kahoy na naka barnes. Sa pag pasok mo palang sa kabahayan ay bubungad kaagad sa iyo ang isang napaka laking chandelier na naka disenyong pabilog na parang mga kandila.
At sa ilalim nito ay ang sala na kinauupuan niya kanina. Napabalik sa reyalidad ang dalaga nang mapahinto siya sa harapan ng sa isang malaking lalisa painting at sa kaliwang bahagi nito ay may kulay krema na pintuan na naka sarado.
Marahan niyang binuksan iyon at hindi na nagtaka si Yena ng humanga siyang muli sa disenyo ng kuwarto. Ngunit kahit anong ganda ng mansiyon na ito ay parang may kulang...
"Siya lang ba talaga nakatira sa mansiyona ito?" Wala sa sariling bulalas ni Yena sa sarili at itinapon ang sariling katawan pahiga sa kama.
"Napaka lungkot naman ng bahay niya, "
Napa tingin siya sa orasan na gawa rin sa kahoy na katapat llamang ng kaniyang kama. Hindi niya napansin ang oras at malapit na palang mag alas tres ng umaga.
Akmang ipipikit na sana ni Yena ang mga mata ng bigla na lang tumunog ang selpon niya hudyat na may tumatawag sa kanya.
Tiningnan niya kaagad iyon at ng makita niya kung sino ang tumatawag ay kaagad na sumikip ang tahib dibdib niya.
Honey calling...
Kaagad niyang pinindot ang end call at blinock ang number ng lalaki at tinapon sa kung saan ang selpon niya.
"Walang hiya." may gigil na asik ni Yena sa kawalan at napagpasyahan niya na lang na lumabas na lang ng kuwarto at bumalik sa sala at doon matulog.
Maagang bumangon ang binata dahil may importante na pupuntahan pa ito. Nang maka labas ito sa kaniyang silid ay dumiretso ito sa kusina upang uminom ng tubig.
Ala singko palang ng umaga. Naglakad siya patungo sa banyo ng unang palapag ng bigla na lang nahapit ang atensyon ng binata sa babaeng mahimbing na natutulog sa mahabang couch niya sa sala.
Ang kaniyang guwapo na mukha ay kumunot habang naka titig sa dalaga.
"Why she's sleeping here?" tanong niya sa sarili at hindi maiwasan ng binata na humanga sa mala anghel na pagmumukha nito.
Bumalik ai Dwight sa kuwarto nito at pagbalik nito sa sala ay may dala na itong kulay puting kumot at dahan dahan iyong inilagay sa katawan ni Yena.
Dumiretso na kaagad ang binata sa banyo at bago pa siya maligo ay may tinipa muna ito sa kaniyang selpon at may tinawagan.
"Ready my schedule for this morning. Cancel all my afternoon schedules." utos niya sa kabilang linya.
"Masusunod Mr. Dwight," magalang na sagot din ng sekretarya nito sa kabilang linya.
NAGTRABAHO kinagabihan si Yena at masiyado siyang maraming iniisip kaya hindi na niya napansin ang kaibigan na pumasok sa staff-room. "Hoy, gaga! Welcome back!" mahigpit siya nitong niyakap. Naka-break siya ngayon at alas otso na ng gabi. Hanggang alas dose pa ang shift niya. Napa ngiti kaagad siya at niyakap pabalik ang kaibigan. Nakilala niya si Jodi noong nasa kolehiyo siya. "Salamat," may ngiti sa mga labi niyang sagot. "Pero teka nga," umalis ito sa pagkakayap sa kanya at hinawakan ang magkabilang gilid ng kaniyang mukha at sinuri iyon. "May problema ka ba? Siya na naman, 'no?" alam ni Yena kung sino ang tinutukoy ni Jodi. Kaagad siyang umiling. "Hindi, marami lang talaga akong iniisip." "Akala ko kapag naka uwi ka sa sa inyo sa Davao, magiging okay ka na? Pero mali yata ang hinala ko... " may bahid ng lungkot ang boses ni Jodi. Ngumiti siya at umiling upang maibsan ang pag-alala ng kaibigan. "Marami lang talaga akong iniisip at saka... okay na ako, talagang okay na ako-"
"GALIT ka parin ba?" basag ni Nikko sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. Napa hinto naman kaagad sa pag nguya si Yena."Hindi." matigas niyang sabi at umayos ng upo. Nawalan tuloy siya ng gana kumain. "Akala ko mananatili ka muna doon sa Davao? Bakit bumalik ka kaagad dito sa Manila?" kasalukuyang nasa isang restaurant sila ngayon habang kumakain ng tanghalian. Napa kamot si Nikko sa sarili niyang leeg. "Kasi, may gusto sana akong sabihin sa'yo, Cake." tiningnan siya sa mata ng binata rason upang dumoble ang kaba sa puso niya. "H-Ha? May gusto kang sabihin? Ano naman?" umarte siyang tumitingin sa kaniyang relo upang hindi masiyado halata na kinakabahan siya. "Puwede bang umuwi na muna tayo sa dati nating maliit na tirahan?" Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Bakit? Para saan?""Kasi bahay natin 'yon hindi ba? At sinabihan ako ng Mama mo na dadalaw daw siya sa susunod ng mga linggo doon. Ayaw kong may isipin silang masama sa atin, na nag-aaway tayo." kung titingna
HULING araw na ng bakasyon ni Yena sa bahay nila ngayon. Maaga siyang gumising upang magluto sana ng agahan para sa kanilang tatlo. "Goodbye sweetie, gonna go to office." hinalikan kaagad siya ng kaniyang Ama sa noo. "Teka Pa," Tumingin siya sa relo niya, "Alas-kuwatro palang ng umaga, ang aga naman yata? Nasaan si Mama?" Napa buntong hininga ng malalim ang kaniyang Ama at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Nauna na kanina pa. Masiyadong problemado ang kompanya ngayon anak," dahan dahan na nitong inayos ang suot nitong leather na sa sapatos."Ngunit Pa, g-gusto ko sanang magkasama tayong kumain ng agahan-" hindi na natapos ni Yena ang gusto niyang sabihin ng bigla na lang may tumawaf sa cellphone ng kaniyang Ama. "Yes, hello? Yeah, yeah. This is me, oh sure Mr. Ripley, okay I'll be there in about ten minutes. Okay." Tinapos na nito ang tawag at kaagad ng nagpaalam kay Yena. "Tumawag ka kapag naka balik ka na ng Manila, okay?" pasigaw pa nitong saad habang kumakaway ang kana
NAPUKAW ang mahimbing na tulog ni Yena dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kaniyang kuwarto. Marahan niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaliwa niyang kamay upang hindi tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mata. Napa tingin siya sa kaniyang orasan na naka lagay sa gilid ng kaniyang kama. "Alas diyes na pala?" bumangon siya sa kama at inayos ang kaniyang sariling buhok. "Lindon, hindi ba't sinabihan na kita dati pa na huwag kang mag-invest sa laro na 'yon!" Napa tayo kaagad si Yena dahil sa malakas na sigaw na iyon. Napa takbo siya palabas ng kaniyang kuwarto at nakitang nagtatalo na naman ang mga magulang niya. Nameywang ang kaniyang Ina at napa hawak sa sariling noo nito habang pabalikbalik sa nilalakaran na para bang nababalisa kung ano ang dapat na gawin. Habang ang kaniyang Ama naman ay naka upo lang sa sofa at para bang nagiisip kung ano ang dapat niyang kasunod na sasabihin sa asawa. "Josefina, hindi ko naman alam na ganoon pala iyon-""Na tatakbo sila hawak
Continuation... BINALINGAN kaagad niya ng hindi makapaniwalang tingin si Nikko. "Sorry?" napa tawa ng mapakla si Yena, "Sorry saan? Sorry dahil ako lang ang nagseseryoso sa relasyon na ito? Sandali, wala pala tayong relasyon, hindi ba? Nikko naman, engaged na tayo! Ikaw at ako ay ikakasal na. Fiance mo ako at hindi kapatid!" Parang malagutan na nang hininga si Yena dahil sa haba ng kaniyang sinabi. Tumalikod kaagad siya sa gawi ni Nikko at handa na sanang umalis ng biglang magsalita ang binata. "Magkaibigan parin naman tayo hindi ba?" mababakas mo ang kalungkutan sa boses ng binata ngunit hindi nagpa tinag ang dalaga. Ayaw na niya maging baliw pa at umasa na magbabago ang tingin ni Nikko sa kanya. "Aalis na ako." iyon lang ang naging sagot niya at pinihit na pabukas ang pintuan at lumabas ng hall. "What a nice live show to watch, huh?" awtomatikong napako si Yena sa kaniyang kinatatayuan ng marinig niya ang boses na iyon. Napa lingon siya sa kaniyang likuran. Namilog ang mata n
KAAGAD na bumaba sa kotse si Yena at dumiretso sa loob ng mansiyon ng pamilya Collymore. Ni hindi na nga siya dumiretso sa pamilya niya dahil sa pag-aalala kay Nikko dahil alam niyang paparusahan talaga ito ng kaniyang Ama.Hindi na bago sa mga katulong na naroon si Yena sa mansiyon dahil kilala na nila ang dalaga simula noong bata pa ito. Hindi na nagpa ligoy ligoy si Yena at kaagad na siyang dumiretso sa sala dahil alam niyang naroon na naman naka upo ang madrasta ni Nikko at hindi nga siya nagkamali ng makita niya ito doon. "Magandang araw po Tita-""Alam mo bang masiyado akong nadismaya sa'yo, ha? " hindi kaagad naka galaw si Yena sa kaniyang kinatatayuan. "P-Po? Anong ibig niyo pong sabihin?"Binalingan kaagad siya ng matulis na tingin ng step mother ni Nikko. Nasa 40's palang ang step mother ni Nikko habang ang Ama naman ng binata ay nasa 50's na. Nag de-kuwatro ito ng upo sa kulay red na mahabang couch at ipinag-krus ang dalawang braso nito sa dibdib habang sinusuri ang kab