Tinuro ni James ang isa sa mga disipulo ng Ancient Clan.“Siya ang napili ko.”Pagkatapos piliin ni James ang kanyang kalaban, nagsimula na ring pumili ang mga nasa likod niya ng magkakasunod.Pagkatapos, nagsimula ang kompetisyon.Dahil si James ang unang pumili ng makakalaban niya, nagsimula ang kompetisyon sa kanya laban sa napili niyang kalaban.Ang kalaban niya ay isang disipulo mula sa Ancient Clan. Sa labas ng arena, tumingin si Quintina kay Yoan ng may malaking ngiti sa kanyang mukha at sinabing, "Sir Yoan, hindi magaling pumili ng kalaban ang disipulo mo. Ang taong pinili niya ay hindi isang ordinaryong tao. Siya ang panganay na apo ng isa sa aming mga elder at personal siyang tinuruan ng elder mula noong bata siya. Kahit na bata pa siya, hindi siya mahina. Nasa Fourth Stair na siya ng Immortal Ascension."Ngumiti si Yoan at sinabing, "Kung ganun, umupo ka na lang at maghintay. May tiwala ako kay James."Noong sandaling iyon, binunot ng disipulo ng Ancient Clan ang ka
Nanalo si James sa una niyang laban ng walang kahirap-hirap.Tinalo niya ang kanyang kalaban gamit lamang ng kanyang pisikal na lakas.Nagulat ang mga manonood sa pambihira niyang lakas.Pagkatapos, naghintay siya.Sunud-sunod na dinaos ang mga sumunod na laban ng walang problema.Mabilis na dumaan ang araw.Buong araw, nilabanan ng higit sa isang daang mga kalahok ang isa’t isa. Sa pagtatapos ng araw, tapos nang lumaban ang lahat.Gaya ng inaasahan, si Quintina, ang Grand Supernatural ng Divinity Sect, ang disipulo ng Infernal Emperor, at ang disipulo ni Emperor Tamerlan, ay nanalo lahat sa kanilang mga laban.Pagkatapos ng mga laban sa unang araw, pinapagpahinga ang mga kalahok buong gabi dahil gaganapin ang susunod na round kinabukasan.Bumalik si James sa kwarto niya upang magpahinga.Kinagabihan, nagkita si James at si Yoan sa courtyard.Ang sabi ni Yoan, “Ngayong araw, dalawang grupo ang binuo. Dahil ang grupo mo ang pumili ng mga makakalaban niyo ngayong araw, kayo na
Napaatras ang ibang mga tao mula sa grupo ni Harold. Alam nila kung sino si Harold at ayaw nila siyang labanan. Parang sumuko na rin sila sa laban nila kapag pinili nilang labanan si Harold.“Siya pa rin ang pipiliin ko.”Tinuro ni Harold si James.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Medyo nainis siya sa desisyon ni Harold.‘Marami pang ibang tao. Bakit ako ang gusto niyang piliin?’Ang naiinis na sinabi ni James, “Iniisip mo ba na madali akong kalaban?”Sumagot si Harold, “Hindi. Ikaw ang pinili ko dahil malakas ka. Gusto kong lumaban sa mga malalakas na tao. Higit sa lahat, mula ka sa Welkin Academy.”Tumango si James at sinabing, “Sige. Dahil ako ang pinili mo, ibubuhos ko ang lahat sa laban natin. Ganun ba talaga katindi ang lakas ng Seventh Stair ng Immortal Ascension? Panoorin mo kung paano kita ilalagay sa dapat mong kalagyan.”Galit na galit si James sa loob niya.Nagdesisyon siya na palihim na gamitin ang Sacrilegious Ascension sa susunod niyang laban kung sakaling ma
Pumunta si James sa Ancient Realm noong tumatakas siya. Hindi niya gusto ibigay ang Sacrilegious Ascension at hindi rin niya gusto gamitin ang Infinity Stele sapagkat magdudulot ito ng problema.Gusto lang niya magcultivate ng hindi iniistorbo at palakasin ang sarili sa lalong madaling panahon.Pagkatapos nito, babalik siya sa Earth at papatayin ang elder ng Divinity Sect.Swoosh!Matapos ang maraming bagay na sumagi sa isip niya, huminga ng malalim si James. Tinignan niya si Harold at sinabi ng kalmado, “Sige.”Walang pakielam na sumagot si Harold, “Bunutin mo ang espada mo. Magiging madali masyado para sa akin ang durugin ka kung wala kang armas.”“Kung ganoon, susuko na ako.”Matapos timbangin ang mabuti at masamang epekto nito, isinuko ni James ang laban.“…”Nabigla ang mga manonood sa pagsuko ni James.Walang umaasa na susuko si James bago pa man magsimula ang laban.Kahit si Harold nagulat.Alam niya kung gaano kalakas si James kung saan ang pisikal na lakas niya ay nasa Immorta
”Sige.”Sapagkat alam niya na may pagkakataon pa siya, natuwa si James.Matapos mapili ang pito, ang ibang mga kalahok ay siguradong mas mahina. Kaya, kumpiyansa si James na mananalo siya sa pagkakataon na ito.“Mauuna na ako at magpapahinga, Sir.”Sapagkat walang nakatalaga na laban si James ngayon, hindi niya gusto na magpakalat kalat lang.Sumimangot si Yoan at sinabi, “Bakit ka babalik para magpahinga? Panoorin mo ang mga laban at alamin ang tungkol sa mga makakalaban mo sa suusnod na round.”“Sige.” Sagot ni James.Nagpatuloy ang natitirang mga laban.Ang mga laban ngayon ay mas mabili kumpara sa kahaon.Sa ilang sandali lang, natapos agad ang ikalawang round. Ang mga nanalo sa ikalawang round ay pumili ng bagong mga kalaban at nagpatuloy.Noong kinagabihan, napili na ang top 13.Natapos na ang mga labanan ngayon.Ang qualifier matches ay magaganap sa susunod na araw.Ang mga mananalo ay direktang magkakaroon ng puwesto para makapasok sa Pagoda of Flames, kung saan ang mga matatal
Hindi itinago ni Quintina ang katotohanan mula kay Yohan.“Sir Yoan, sigurado akong alam mo na kahit nilisan na ng mga Demons ang Earth noong unang panahon, nag-iwan sila ng mga alalay nila—Ang Demon Race Fangs.“Ang mga Fangs na ito ay nakakalat sa Three Thousand Worlds. Nakaengkuwentro ng ama ko ang isang Fang at napinsalaan ng Demonic Art, kung saan nagdurusa siya dahil sa Demonic Energy.“Simula noon, pinapahirapan ang ama ko ng Demonic Energy at nagmemeditate ng tago. Nagkataon na ngayon, kailangan pigilan ang Demonic Energy sa katawan niya. Kapag hindi ito napigilan sa tamang oras…”Nabalot ng pag-aalala ang mukha ni Quintina.Naging malungkot ang mukha ni Yoan. Hindi niya inaasahan na may ganito katindi na pinsala ang pinuno ng Ancient Clan.Nakikinig din si James sa usapan nila.Matapos marinig na may kinalaman ito sa Demonic Energy, natukso si James na kumilos.Mayroon siyang Demonic Body at hindi takot sa Demonic Energy. May abilidad siya na alisin at higupin ang Demonic Ener
Nanghihinang nagsalita si Farley.“Hindi na ako makakaligtas. Ikaw ang nag-iisang pag-asa ng Ancient Clan, Quintina. Kailangan mo pamunuan ang Clan sa hinaharap. Ipinadala kita sa Welkin Academy para magkaroon ng mabuting ugnayan sa kanila at mapigilan ang Divinity Sect sa pagdurog sa clan natin kapag kumalat ang balita na patay na ako.”Alam ni Farley na matagal ng nakatakda ang kamatayan niya. Kaya, nag-organisa na siya ng mga bagay-bagay noon pa.Ipinadala niya si Quintina sa Welkin Academy sapagkat gusto niyang magkaroon ng ugnayan ang Ancient Clan sa kanila. Kung magkakaroon ng krisis ang Ancient Clan, tutulungan sila ng Welkin Academy.“Ama, wala na ba talagang pag-asa?”Hindi gusto sumuko ni Quintina.Nanghihinang sumagot si Farley, “Hindi na ako maliligtas. Matagal ko ng pinipigilan ang Demonic Energy. Paubos na ang True Energy ko. Kakainin ako ng Demonic Energy sa oras na maubos ang True Energy ko.”“Kailangan mo maging malakas, Quintina. Isa kang Grand Supernatural at mayroon
Naayos ni Quintina ang sarili niya matapos mabigla, at nagdilim ang mukhan niya.“Sa tingin mo ba nakakatuwa ka, James? Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ikaw ang pinakamalakas na tao sa buong mundo?”“Hindi ako nagsisinunganling, matutulungan ko talaga ang ama mo.”“Tama na. Tumigil ka na sa paggamit sa problema ko para sa ikatutuwa mo. Ikaw ang disipulo ni Sir Yoan, kaya kakalimutan ko na ito, pero huwag mong isipan na hahayaan lang kita kapag ipinagpatuloy mo ito.”Hindi naniwala si Quintina kay James.Paano nga naman malalaman ng bata na katulad ni James ang tungkol sa Demonic Energy na naging problema ng ama niya kung siya mismo hindi ito masolusyunan?“Gabi na, huwag ka ng magpagala gala. Maraming guwardiya sa Mount Trinvard. Maaari ka mapagkamalan na assassin. Huwag mo sabihin na hindi kita binalaan.”Matapos magsalita, tumalikod si Quintina at umalis.“Seryoso ako sa pagtulong sa kanya.”Iniabot ni James ang kamay niya para hawakan ang kamay ni Quintina.Pero, tinamaan s
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan