Gustong malaman ni James ang totoo. Kahit na ganun, hindi siya makapasok sa ngayon. Ang lugar na ito ay ang tirahan ng Southern Academy. Kahit ang mga disipulong nagbabantay sa main entrance ay mga cultivators na nasa Thirty-third Stage ng Sage Rank at malapit nang makapasok sa Divine Rank. Nang may ganito kalakas na cultivators na nagbabantay sa main entrance, napakahirap para sa kanya na makapasok sa tirahan. Ngayon, ang magagawa niya lang ay maghintay sa labas ng entrance. “Sir, kalimutan na natin to.” Patuloy siyang pinipigilan ni Yevpraksiya. “Maghihintay tayo rito. Imposibleng hindi ko makikita si Xainte.” Tumayo si James sa entrance ng tirahan ng Southern Academy. Nagsimulang maghintay si James sa entrance, at naghintay rin si Yevpraksiya kasama niya. Gayunpaman, sandali lang silang naghintay bago maraming nilalang ang nagtipon sa entrance. Ang lahat ng mga nilalang na ito ay nagpupumilit na nakita si Xainte, pero lahat sila ay pinigilan ng mga bantay sa entrance.
Ang lakas ng pinakamahina sa kanila ay nakarating na sa Divine Rank. May ilan pa ngang indibidwal na nakarating na sa Three Divine Stages at papasok na sa Quasi-Emperor Rank. Nang nakita ni James ang napakaraming prominenteng nilang na nasa main entrance ng tirahan ng Southern Academy, bahagyang nagsalubong ang kilay niya. ‘Talaga bang ganito kasikat ang Xainte na'to? Kaya niyang makatawag ng maraming malalakas na personalidad.’Habang nagtipon ang maraming prominenteng personalidad, isa na namang lalaki ang naglakad mula sa malayo. Mukhang nasa dalawampung taong gulang ang lalaki at nakasuot ng puting balabal. Sa balabal niya, nakasulat ang salitang ‘Elixir’ rito. Mayroon rin siyang makinang na badge sa dibdib niya. Nakilala ito kaagad ni James sa sandaling nakita niya ito. Isa tong badge ng isang alchemist. Nagsalita si Yevpraksiya nang may mahinang boses sa tabi ni James, “Sir, mula siya sa Elixir Pavillion. Isang espesyal na badge ang badge na suot niya sa dibdib niya. Is
Naglakad si Xainte papunta sa main entrance at hindi nagtagal ay dumating siya sa main entrance. Sa main entrance ng tirahan ng Southern Academy, nagtipon ang mga henyo mula sa mga prominenteng pamilya at sects sa Southern Plains City. Sa kabilang banda, nagpunta rito si Jules ng Elixir Pavilion mula pa sa Holy Realm. Nagpunta siya mismo para nakita si Xainte. Sa sandaling lumabas si Xainte, napansin niya ang isang makapal na kulumpon ng mga nilalang. Nang nakita niya ang mga lalaking ito, may pandidiri sa mukha niya. Naghihintay si James sa entrance. Nang nakita niyang lumabas si Xainte, mabilis siyang naglakad papunta sa kanya. Gayunpaman, bago pa siya nakalapit, nakaramdam siya ng malakas na pwersa. Dahil sa pwersang humarang sa kanya, hindi siya makausad. Tumingin siya sa malayo at napansin niyang ang taong naglalabas ng pwersang ito ay si Jules mula sa Elixir Pavilion. Isang malakas na pwersa ang lumalabas sa katawan ni Jules na pumigil sa lahat ng lalaki sa entrance n
Kasabay nito, tinanong niya ang Spirit Tool sa Celestial Abode. “Spirit Tool, may posibilidad ba na anak ko si Xainte?” Tinanong ni James ang Spirit Tool sa Celestial Abode. Isa itong tahasang konklusyon. Gayunpaman, nang nilapitan niya si Xainte, nakaramdam siya ng lukso ng dugo. Isa itong kakaibang ideya dahil matagal na panahon na niyang hindi nahahawakan si Thea. Higit pa roon, bago pumunta sa Boundless Realm, sumailalim siya sa isang closed-door meditation kasama ni Thea. Nag-aral sila ng Elysian characters at nagcultivate nang mag-isa. Pagkatapos nito, nagpunta sila kaagad sa Boundless Realm. Hindi ito umayon sa oras. Imposibleng anak niya si Xainte. Alam ng Spirit Tool ang lahat ng karanasan ni James. Pagkatapos itong pag-isipan, nagsabi ang Spirit Tool, “Mhm. Posible ito.”“Posible to?” Kaagad na natuwa si James. Nagpaliwanag ang Spirit Tool, “Ang siyam na buwan ng pagbubuntis ay para lang sa tipikal na tao. Habang mas malakas ang cultivation base, mas matagal an
Masyadong malawak ang Great Wilderness. Napakahirap para kay James na mahanap si Xainte sa malawak na kabundukan ng Great Wilderness. Tumayo siya sa tuktok ng isang bundok at nagsimulang mapaisip. Kung gusto niyang mahanap si Xainte, kailangan niya munang maintindihan kung bakit nagpunta si Xainte sa Great Wilderness. Narinig niya kaninang kausap ni Xainte si Yikron at nabanggit niya ang nanay niya. “Hindi kaya nagpunta si Xainte sa Great Wilderness para hanapin ang nanay niya?”Nang pinag-isipan ito ni James ay kaagad siyang nabuhayan. Ayon sa spekulasyon niya, anak niya si Xainte, kaya si Thea ang nanay niya, tama? Nasa Great Wilderness ba si Thea?Sa sandaling ito, puno ng sigla si James. Gayunpaman, wala rin siyang magawa. Hindi niya alam kung saan pupunta mula rito. Umaasa talaga siya na kagaya nga ito ng hula niya, na nasa Great Wilderness si Thea. Kung ganun, makikita niya siya at hindi na niya kailangang mag-alala tungkol sa paghahanap sa kanya. Hindi niya alam ku
Hindi na nagtago si James at mahinahong naglakad palapit sa kanila.Lumingon ang tatlong tao kay James at inalam ang kanyang cultivation rank.Ang isa sa mga lalaking nakasuot ng gintong balabal ay mukhang nasa 40 taong gulang na. Tinitigan niya si James at sinabing, “Binata, isa ka pa lamang Tenth Stage Sage, pero nagpunta ka sa Great Wilderness. Gusto mo na bang mamatay?"Lumapit si James, pinagsalikop ang kanyang mga kamay, at magalang silang binati. “Kinagagalak ko kayong makilala.”Pagkatapos niya silang batiin, sinabi niya na, “Nakarating ako dito, pero wala pa akong nakasalubong na kahit anong mabangis na hayop. Mukhang ang Great Wilderness ay hindi kasing panganib ng gaya ng sinasabi sa mga alamat."Sinabi ng lalaking nakasuot ng gintong balabal, “Bah, ano bang alam mo? Wala kang nakasalubong dahil nagtatago silang lahat."Lumapit si James at umupo sa isang malaking bato.Tumingin siya sa grupo, pagkatapos ay nagtanong, "Bakit sila nagtatago?""May isang insidente mga t
Normal para sa mga pambihirang powerhouse na lumaban sa loob ng libu-libong taon.Gayunpaman, mas interesado si James sa mga resulta ng nabanggit na labanan.Hinala ni James na ang Malevolent Demon na binanggit nila ay ang asawa niyang si Thea.Sumingit si Shawn, at sinabing, "Ang labanan ay nagpatuloy sa libu-libong taon, at ang limang pangunahing akademya at iba't ibang sekta ay dumanas ng matinding pagkatalo. Kahit na ang pinakadakilang cultivator ng Eidolon Realm, ang pinuno ng Paragon Sect, ay nasugatan nang husto. Pagkatapos ng labanan, inihiwalay niya ang kanyang sarili para gamutin ang kanyang mga sugat at hindi na nagpakita noon pa man."Tanong ni James, “Paano ang Malevolent Demon? Anong nangyari sa kanya?”Sinagot siya ni Yoselyn, "Ipinapalagay na hindi mabilang na mga halimaw ng Great Wilderness at ang kanilang pinuno, ang Malevolent Demon, ang napatay.""So patay na siya?" Natigilan si James.Tumango si Shawn at sinabing, “That’s what the rumors say. Ipinagpalagay n
Habang ang mga Lehman ay nasa ilalim ng pakikitungo sa pagkalipol, narinig nila ang mga balitang kumakalat tungkol sa Malevolent Demon. Nagpasya ang tatlong magkakapatid na subukan ang kanilang kapalaran sa kailaliman ng Great Wilderness. Mareresolba nila ang krisis ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagkuha ng mana ng Malevolent Demon.Ang grupo ay nagtipun-tipon sa paligid ng isang siga sa gabi, kumakain ng inihaw na pagkain habang pinag-uusapan nila ang mga kuwento ng Malevolent Demon.Sinubukan ni James na kumuha ng higit pang mga detalye, “Did the Malevolent Demon appeared out of nowhere? Kung iisipin natin ito nang lohikal, dapat mayroong impormasyon tungkol sa isang makapangyarihang tao sa isang lugar bago pa man mangyari ang insidente."Sagot ng nag-iisang babaeng naroroon na si Yoselyn, “Parang out of nowhere talaga. Walang mga tala ng Malevolent Demon sa kasaysayan ng Eidolon Realm."Inilabas ni James ang kanyang telepono sa pagtatangkang hanapin ang larawan ni Thea pa
Matagumpay na nilinang ni James ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformations ng Flame Art, ang Flame God Incarnation. Gayunpaman, ang pag master ng Ikalawang Pagbabago ay mas mahirap. Hindi maaaring linangin ito ni James sa loob ng maikling panahon.Gayunpaman, ang Unang Pagbabago ay sapat na sa ngayon. Inalis ni James ang Ignis at bumalik sa normal ang kanyang katawan. Pinunit niya ang kawalan, lumabas sa pinagtataguan at muling humakbang sa Desolate Grand Canyon.Agad niyang napansin ang hindi mabilang na mga nilalang na nakapaligid sa kanya. Napunta sa kanya ang mga tingin ng lahat."Lalong lumakas ang kanyang aura. Sa panahong ito, malamang na nag cultivate siya ng palihim at napabuti ang kanyang cultivation rank.""Bwisit. Kahit na mamatay tayo sa paparating na labanan, kailangan natin siyang sirain. Hindi natin siya papayagang umalis sa planeta na may Primal Mantra."Maraming powerhouse ang lihim na nakipagsabwatan sa isa't isa. Mayroon silang iisang layunin—ang alisin
Buong pusong nakatuon si James sa pag cucultivate.Matapos suriin ang Ignis, napagtanto ni James na hindi ito isang ordinaryong apoy. Sa halip, ito ay isa sa mga pinaka mahiwagang apoy sa langit at lupa. Magkakaroon si Ignis sa sandaling magwakas ang isang malaking mundo. Pagkatapos ng malaking pagkawasak ng mundo, isang Ignis ang lalabas sa abo nito. Gayunpaman, hindi lahat ng mga pangunahing mundo ay maaaring gumawa ng Ignis kapag sila ay nawasak. Mabubuo lamang si Ignis pagkatapos ng pagbagsak ng mundong katulad ng Primordial Realm.Bukod dito, isang maliit na halaga lamang ng Ignis ang mabubuo pagkatapos. Ang pagkolekta ng malaking halaga ng Ignis ay mangangailangan ng maraming mundo upang matugunan ang kanilang mga katapusan.Kilala rin si Ignis bilang Paglilinang ng Apoy, dahil ang mga ath ng langit at lupa ay nageexist sa loob ng apoy nito.Ang mga tao ay mga nilalang din sa ilalim ng langit at lupa at ang eexist sa pamamagitan ng paggana ng mga Path. Ang mga Path na ito ay
Matapos makabuo ng plano si James, hindi na siya nagtagal sa lugar. Pinutol din niya ang kawalan at nagtago sa loob ng mga bitak ng espasyo upang icultivate.Dahil ang formation ay lumiit patungo sa gitnang rehiyon, maraming mga powerhouse ang lumitaw na malapit sa Desolate Grand Canyon. Matapos itago ang sarili sa isang walang laman, bumuo si James ng time formation sa kanyang katawan.Pagkatapos, sinimulan niyang pag isipan ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Ito ay isang mapangwasak na Supernatural na Kapangyarihan. Ang mga kinakailangan upang icultivate ito ay lubhang malaki ang kinakailangan. Una, kailangan ng isang makapangyarihang pisikal na katawan. Pangalawa, ang isa ay kailangang sumipsip at pinuhin ang isang Ignis. Pagkatapos matupad ang mga kondisyong ito, magiging karapat dapat ang isa na icultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art."Ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformation ng Flame Art ay God Incarnation.”“Ang Ikalawang Pagbabago ay Everlas
Nagpakita si Wotan na magulo ang buhok at malagim na sugat. May bahid ng dugo ang kanyang puting damit at mukha siyang pagod.Tumingin si James kay Wotan na nakakunot ang noo at sinabing, "Ikaw ang ika sampu sa Gold Rank ng Chaos Ranking. Sa one-on-one na laban, hindi ka matatalo ng mga cultivator sa Quasi Acme Rank. Malaki ang tsansa mong manalo sa isang laban laban sa isang Acmean. Paano ka napunta sa napakasamang estado?"Lumakad si Wotan, umupo sa lupa at malungkot na bumuntong hininga. "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito. Wala akong araw ng kapayapaan mula nang umalis ako sa Palace of Compassion. Nagsama sama ang ilang Quasi Acmeans para tugisin ako nitong mga nakaraang taon. Kanina lang, hindi bababa sa 20 Acmeans ang humahabol sa akin. Nagawa kong makatakas ng napakahirap."Mula ng maghiwalay si James, nakahanap na si Wotan ng lugar na maaari niyang linangin. Gayunpaman, hindi nagtagal ay natuklasan ang kanyang kinaroroonan. Simula noon, palagi na siyang tumatakbo.Sa p
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na