Share

Kabanata 6

Author: Crazy Carriage
Maaga kinabukasan, nakatanggap ng tawag si James mula kay Thea.

“Hey honey, nagawa kong makausap ang aking kaklase. Handa siya na tumulong at gumawa ng appointment sa chairdman, si Alex Yates. Nasaan ka? Pumunta tayo sa opisina ng Celestial Group ngayon at siguraduhin ang order. Tatanggapin ka ni lolo pagkatapos nito!” Ang masayang boses ni Thea ay umalingawngaw sa phone.

“Hintayin mo ako sa bahay. Susunduin kita sandali.”

Matapos ibaba ang tawag, gumulong paalis ng kama si James at naghanda sa bilis na kaya niya.

“Saan tayo pupunta, James?”

Si Henry ay naghihintay na sa kotse.

“Kela Thea.”

“Sakay na.”

Sumunod si James. Nasa manibela si Henry, sila ay dumating sa lugar ni Thea ng mabilis. Naghintay siya sa labas.

Lumitaw si Thea.

Ng kikitain niya ang chairman ng Celestial Group, si Thea ay naghirap para ayusin ang kanyang sarili. Nakasuot ng maganda, masikip na dress at ang kanyang itim na buhok ay nakasampay sa kanyang balikat, siya ay talagang tanawin na magandang tignan.

“Honey.”

Nakita ang itim na multi-purpose na sasakyan na lumapit mula sa kalayuan, tumakbo si Thea papunta sa sasakyan na may masayang ekspresyon, sinasabi, “Ang kaklase ko ay hindi nagpigil. Ginawa niya ang appointment para sa amin, kaya ang kailangan nating gawin ay ang magpakita sa opisina ng Celestial Group.”

Medyo napangiti si James.

Ito ay walang kinalaman sa kanyang kaklase. Kung hindi niya kinausap si Alex Yates, wala sana ang kahit anong appointment na tinutukoy niya.

Subalit, nakita si Thea na sobrang saya, nagdesisyon siya na hindi ito sirain. Sa halip, pinuri niya siya. “Sabi ko na. Kaya mo ito, darling. Ikaw na ang bahala ngayon. Kung hindi natin makuha ang order, wala na ako.”

Maliwanag na ngumiti si Thea. “Huwag kang magalala. Hindi ko hahayaan na mangyari iyan.”

Hindi niya pa alam ang mga detalye tungkol sa background ni James, pero siya ay nanggaling na sa kanyang villa dati.

Sa House of Royals ay ang pinaka magarang villa sa Cansington at ito ay merong malaking halaga na kaugnay nito. Kahit sino ay hindi magagawang mabili ito.

Pakiramdam niya na imposible ang swerte na asawa niya ito. Ngayon, gusto niya na ipakita ang kanyang kakayahan sa kanya.

Gusto niya na ipakita sa kanya na siya ay hindi ang lumang Thea. Kahit na siya ay naging katatawanan ng maraming mga taon, tinuloy niya ang kanyang pagaaral sa bahay at siya ay mahusay na scholar.

“Tara na, darling.”

Sumakay si Thea sa sasakyan.

Sinabi ni James, “Henry, papunta sa opisina ng Celestial Group.”

Niyakap ni Thea si James at inisip ang nangyari kagabi. Sinabi niya, “Honey, alam mo ba na si Old Warren Xavier ay pinatay kagabi?”

Ang mga Xavier ay ang pinuno ng The Great Four.

Bilang pinuno ng mga Xavier, si Warren ay kilala. Kilala ng lahat kung sino siya.

Sa pagdiriwang ng mga Xavier kagabi.

Merong pagdiriwang kung saan pinagbunyi nila ang partnership ng Megatron Group at Celestial Group. Ngayon na ang Megatron ay merong unang prayoridad sa order ng Celestial, ang kanilang negosyo at impluwensya ay lalong lalawak.

Ika walumpung kaarawan din ni Warren Xavier.

Subalit, isang misteryosong tao ang pumunta sa party na may dalang kabaong. Pinugutan niya si Warren at dinala ang kanyang ulo. Mabilis kumalat ang balita at ito ang pinakamainit na balita sa Cansington sa sandaling ito.

Ngayon, ang importanteng mga department ay iniimbestigahan ang insidente.

Gayunpaman, wala masyadong nangyari.

Nagpanggap na nagulat si James sa tanong ni Thea. “Ako ay dumiretso sa kama matapos na makauwi kagabi. Hindi ko alam ang tungkol dito. Ang mga Xavier ay parte ng The Great Four sa Cansington, hindi ba?”

“Tama iyon,” Sabi ni Thea. “Ang mga Xavier ay mga pinuno ng The Great Four at ang kanilang mga negosyo ay umaabot sa iba’t ibang mga industriya. Ang Megatron magisa, ay pagmamay ari nila, ay mas makapangyarihan kaysa sa lahat ng negosyo ng mga Callahan, at ang mga Xavier ay marami ding mga negosyo.”

Si Thea ay mukhang medyo naiingit. “Lahat ng babae sa Cansington ay desperado na maikasal sa mga Xavier para maranasan nila ang madaling buhay.”

Medyo ngumiti si James. “Hindi ba’t meron kang pagkakataon kahapon? Idivore mo ako at magkakaroon ka ng pagkakataon mo.”

“Ugh.”

Si Thea ay hindi napahanga. “Ang pagiging parte ng mayamang pamilya ay hindi maginhawa. Sa nakalipas na sampung taon, marami akong nakitang panlalait sa akin. Para sa kanila, ako ay wala lang kung hindi katatawanan. Alam ko kung sino ang nagtatrato sa akin ng taos puso. Wala akong pakialam na maikasal sa mayaman. Atsaka, ang asawa ko ay mayaman.”

Dahil dito, ngumiti siya, isang maligayang ekspresyon ang nasa kanyang mukha.

Pinisil ni James ang kamay ni Thea.

Siya ay medyo lohikal na babae.

Walang sinabi si Henry, nakatuon sa kalsada. Kaagad, sila ay nakarating sa opisina ng Celestial Group.

Isang international na grupo, ang Celestial Group ay negosoy ng pamilya Yates, na nagmula sa Capital.

Ang kanilang headquarters ay mahusay, na walong palapag na gusali.

Si James at Thea ay lumabas sa sasakyan.

Tinignan ni Thea ang kahanga hangang gusali, kaba ang naramdaman niya.

Higit sa sampung taon na nakalipas, nanatili siya sa bahay hanggat makakaya niya.

Subalit, meron siyang malakas na kagustuhan na bumisita at tignan ang mundo sa labas. Ang rason bakit siya nagaral ng matindi sa bahay ay para pakawalan ang kanyang sarili mula sa kathang isip na kulungan at umakyat ng mas mataas.

Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang kaklase.

Higit sa dalawampung minuto makalipas, isang babae na may makapal na makeup at pangtrabahong skirt ang lumapit sa kanila. Ng makita niya si Thea na nakatayo sa entrance, hindi niya maitago ang kanyang gulat.

Narinig niya na nabalik na ang itsura ni Thea. Pinadala pa ni Thea ang kanyang litrato, pero hindi siya naniwala dito. Siya ay napilitan na tanggapin ang katotohanan ngayon na nakita niya si Thea mismo.

Siya ay mukhang nainggit sa kung gaano kaganda si Thea ngayon.

Lumapit sa kanila, nagdalawang isip siyang nagtanong, “Thea?”

Masaya, hinablot ni Thea ang kamay ng isa pang babae. Sinabi niya, “Jane, ako ito! Ikaw ay talagang naging pinuno ng department sa Celestial Group!”

Si Jane Whitman ay sobrang napuri. Ngumiti siya at sinabi, “Gusto ko lang na subukang mabuhay. Thea, kung gusto mong makita ang chairman, kailangan mo pa din ang pahintulot ng general manager. Tara na.”

Tumayo si Thea nakatulala sa kinatatayuan niya.

Ng sila ay nagsasalita sa phone kahapon, pinangako ni Jane na gumawa siya ng appointment sa chairman, si Alex Yates.

“Thea, dapat malaman mo na hindi madali para makakuha ng order mula sa Celestial. Kung gusto mo ang order, kailangan mo na…” Lumapit siya kay Thea at may binulong sa kanyang tenga.

Matatag na tinanggihan ni Thea ang ideya ni Jane. “Talagang hindi.”

Nawala ang pasensya ni Jane. “Thea, kung ikaw ay hindi handa na magsakripisyo, paano mo magagawa na makakuha ng kahit ano pabalik? Pinadala ko ang iyong litrato sa manager. Sumang ayon siya na hayaan ka na makuha ang order kung matutulog ka kasama niya. Hindi mo kailangan na makita ang chairman!”

“Jane, akala ko na tayo ay magkaibigan. Ganito mo ba tratuhin ang isang kaibigan?”

Si Jane ay hindi napahanga. “Gusto mong makuha ang order ng walang sakripisyo? Hayaan mo na sabihin ko sayo ngayon. Imposible ito. Malinaw kong sinabi, kaya pagisipan mo ang tungkol dito kung gusto mo na magpatuloy.”

Tumalikod siya at umalis matapos iyon, ang kanyang mga heel ay tumutunog ng malakas sa sahig.

Si Thea ay nasa bingit ng pagiyak. Tumalikod siya para tignan si James na nanatiling tahimik sa oras na ito. “Wala akong silbi, hindi ba?”

Kinomfort siya ni James. “Syempre hindi. Bakit hindi mo subukan na kitain si Alex Yates mismo? Sa tingin ko kikitain ka niya. Sige, maghihintay ako sa sasakyan.”

Mahinang tinulak ni James si Thea sa direksyon ng gusali.

Sa sandaling iyon, bumalik si Jane kasama ang may edad na lalaki.

Ang lalaki ay naka suit at tie, mukhang matagumpay na negosyante.

Nakapulupot ang braso ni Jane ng malapit sa kanya, lumapit muli kay Thea. Nakangiti, sinabi niya, “Thea, ito ang manager ng Celestial Group. Siya ay namamahala sa lahat ng koneksyon sa negosyo. Siya ang may huling sabi sa kung sino ang makakakuha ng mga order.”

Ang tanging rason bakit si Jane ay nasa posisyon na ito ngayon ay dahil sa natulog siya kasama ng manager, si Linus Johnson. Kabit siya nito.

Pinadala ni Jane kay Linus ang litrato ni Thea kagabi.

Kaagad na naintriga si Linus. Pinangako niya na si Jane ay ipopromote siya sa posisyon ng deputy department manager kung nagawa niyang tulungan siya na makasama sa kama si Thea.

Ngayon na nakita ni Linus si Thea mismo, siya ay mas nalibugan.

Si Thea ay mas maganda sa personal.

Pinangako niya na makakasama niya siya sa kama sa anumang paraan.

Naglakad siya papunta sa kanya ang kanyang dibdib ay nakalabas. “Thea, tama? Sinabi ni Jane ang lahat sa akin. Mainit na araw ngayon. Bakit hindi natin pagusapan ito sa isang kwarto sa hotel? Huwag kang magalala. Sumama ka sa akin at hindi mo kailangan alalahanin ang tungkol sa order. Bibigyan pa kita ng deal na limampung milyong dolyar ang halaga!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 5181

    Ang Endlos Plane ay sumanib sa isang bagong plane, at ang kanilang potensyal sa hinaharap ay tila napakalaki. Bukod pa rito, ang pagsasanib na ito ay nagbunga ng maraming talento sa rehiyon ng bagong plane, na mabilis na umakyat upang maging mga powerhouse. Hindi maiiwasang pumukaw ito ng maraming kontrobersiya at kaguluhan sa Endlos, na hindi ang nais ni James na makita."Dahil ang Endlos Plane ay sumanib sa ibang plane, hahanapin ko ang pinagmulan ng bagong plane at ibibigay ito sayo para sa pagpipino. Pagkatapos, magkakaroon ka ng kontrol sa bagong Endlos Plane.""Oo naman," Tugon ni Thea nang hindi ito masyadong pinag-iisipan.Pagkatapos, dagdag niya, "Gayunpaman, maraming talento at powerhouse sa Human Race ngayon. Hindi naman kailangang ako. Si Hetsema Caden mula sa Orstellen Sect ay isang mahusay na pagpipilian. Pagkatapos mong umalis, ang kanyang cultivation base ay biglang tumaas, at naabot na niya ang Chaos Completare Rank.""Wala akong tiwala sa kanya," Sabi ni James, ba

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 5180

    Ang Endlos Plane ay sumanib sa isang ikalimang antas na plane.Sa kasamaang palad, ang antas ng Endlos Plane ay hindi tumaas. Gayunpaman, mayroon itong malaking potensyal dahil ang bagong silang na plane ay umuunlad pa rin.Ang laki ng plane ay lumalaki, at ang espasyo nito ay nagiging matatag din. Hangga't ang kasalukuyang Endlos Plane ay ligtas na lumaki nang ilang panahon, ito ay magiging isang makapangyarihang plane.Ayon sa ekstrapolasyon ni James, ang kasalukuyang Endlos Plane ay maaaring maging isang ikawalong antas na plane.Mahirap maging isang ikasiyam na antas na eroplano pagkatapos maging isang ikawalong antas na plane. Ang plane ay kailangang sumanib sa napakaraming plane upang magawa ito. Kailangan nitong makuha ang Genesis ng maraming plane upang magkaroon ng pagkakataong maging isang ikasiyam na antas na plane.Kung madaling maging isang ikasiyam na antas na plane, ang mga ikasiyam na antas na plane ay hindi magiging ganoon kabihira sa maraming plane.Ang iba ay n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 5179

    Di-nagtagal, ang mga halamang gamot ng Empyrean na nakuha ni Brett matapos ang labis na pagsisikap ay hinati kina James at sa iba pa.Matapos hatiin ang mga halamang gamot ng Empyrean na ito, sinira ni James ang mga lumilipad na barkong pandigma.Nagtipon silang lima sa Madilim na Mundo.Binibilang nila ang mga nasamsam.Walang katapusang tawanan ang umalingawngaw sa Madilim na Mundo.“Haha. Napakayaman natin.”“Napakaraming halamang gamot ng Empyrean.”“Siya nga pala, James, paano mo haharapin ang plane?”Nang marinig iyon, napaisip nang malalim si James.Ang una niyang plano ay pumunta sa plane na ito upang maghanap ng mga kayamanan at mga halamang gamot ng Empyrean. Ngayon, nakakuha na siya ng maraming halamang gamot ng Empyrean. Sapat na ang mga ito para magamit niya nang ilang panahon.“Paano kung itanim natin ang eroplanong ito?” May ideya si Haring Marciais.Sumulyap si James kay Haring Marciais. Ang ideya ni Haring Marciais ay katulad ng sa kanya.“Epektibo iyan.”

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 5178

    Sama-samang inatake ni James ang mga anyo ni Brett noong nakaraan at sa hinaharap, isang powerhouse sa huling yugto ng Sovereign Fourth Rank.Kahit na ang cultivation base ni James ay nasa unang yugto pa lamang ng Sovereign Second Rank, agad niyang nasugatan ang isang powerhouse sa huling yugto ng Sovereign Fourth Rank. Kung kumalat ang balita tungkol dito, magdudulot ito ng kaguluhan.Gayunpaman, hindi nasiyahan si James sa kanyang kapangyarihan."Susmaryosep."Nasugatan si Brett. Lumitaw ang mga bitak sa kanyang katawan. Galit na galit siya.Isang nakasisilaw na longsword ang lumabas sa kanyang kamay. Ang longsword ay may nakakatakot na kapangyarihan.Galit na ikinumpas ni Brett ang longsword at sinaksak si James.Walang pakialam, tumayo si James sa kawalan ng Madilim na Mundo. Kalmado siyang humarap sa pag-atake. Nang malapit nang dumapo sa kanya ang nakakatakot na Sword Energy, itinaas niya ang kanyang kamay. Nagkaroon ng mga pagbabago sa kanyang palad. Ang kanyang palad ay

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 5177

    Nang itaas ni James ang kanyang kamay, hindi mabilang na mga inskripsiyon ang lumitaw sa kanyang palad. Mabilis na nagbago ang mga inskripsiyon bago lumubog sa nakapaligid na lugar.Pagkatapos, pumasok si James sa plane.Sa plane, mabilis na pumapasok ang mga lumilipad na barkong pandigma na kasing laki ng mga bituin.“Swoosh!”Habang lumilipad ang mga barkong pandigma, bago makapasok ang buong barkong pandigma sa plane, maraming anino ang lumitaw at humarang sa mga barkong pandigma sa pagpasok."Kung gusto mong dumaan dito, dapat may iwanan ka," Tamad na sabi ni Haring Marciais."Anong nangyayari? Bakit tayo tumigil?" Lumabas si Brett at nagpakita sa hangganan ng battleship."May ilang buhay na nilalang na humarang sa ating daan," Sagot ng isang alagad ng Ancient Clan.Ang lugar na ito ay kabilang sa Dark World sa labas ng plane.Nang tumingin si Brett sa unahan, nakita niya ang apat na tao na umuusbong mula sa dilim.Sa sandaling ito, lumitaw din si James."Patayin sila."

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 5176

    Sa nakaraang buhay ni James, hindi siya nababagabag.Ngayon, ang kanyang nakaraang buhay ay isa lamang dating anyo para sa kanya. Bahagi ito ng Tressencia Completare Art.Kung tataas ang kakayahan ng kanyang kasalukuyang anyo, tataas din ang kapangyarihan ng kanyang dating anyo na magagamit niya.Hindi niya nilinaw ang pagkakakilanlan ng kanyang nakaraang buhay.Nakangiti niyang sinabi, "Hindi ako si Lord Supreme. Nakuha ko lang ang mana ni Lord Supreme nang hindi sinasadya. Gayundin, huwag mong sabihin kahit kanino ang tungkol sa mga bagay na ito. Makapangyarihan at nakakatakot ang mga kaaway ni Lord Supreme. Ang pagpapaalam sa ibang tao tungkol dito ay magdudulot ng problema."Sa di kalayuan, hinarangan ng isang patroller ang daanan ng mga lumilipad na battleship.Isang elder ang lumabas mula sa lumilipad na battleship na nangunguna.Ang elder ay nakasuot ng kulay abong roba. Habang nakatingin sa mga patroller na nakaharang sa kanyang daanan, binati niya, "Kami ang Immortal Mo

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2408

    Matapos ito marinig, huminga ng malalim ang tatlo.Tumingin sa malayo si James. Sa malayo, naramdaman ni Bruno ang malakas na aura mula sa Magic Circle. Kahit na nakakaramdam siya ng pressure, hindi niya ito binigyan pansin. Sapagkat Sage siya, walang kapantay sa lakas.Habang nakatingin kay James sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2249

    Nanalo si James sa una niyang laban ng walang kahirap-hirap.Tinalo niya ang kanyang kalaban gamit lamang ng kanyang pisikal na lakas.Nagulat ang mga manonood sa pambihira niyang lakas.Pagkatapos, naghintay siya.Sunud-sunod na dinaos ang mga sumunod na laban ng walang problema.Mabilis na dumaan ang a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2338

    Sa kanilang lahat, ang enerhiya sa gitna ang pinakamalakas habang ang iba ay bahagyang mas mahina. Hindi nagdalawang-isip si James na maglakad sa gitna. May isang bato roon. Hindi masyadong malaki ang bato. Mayroon lang itong sapat na espasyo para maupo ang isang tao sa bato. May ilang maliliit na b

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 2186

    Nagtanong si James, “Paano ko ito kukunin?”Sumagot si Sophie, “Anong malay ko? Hindi pa ako nakarating sa Infinity City o sa Provenance noon.”“Sige.” Marahang tumango si James.Pagkatapos niyang makipag-usap kay Sophie, nalaman niya na ang itim na Infinity Stele sa harap niya ay posibleng isang pambi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status