Share

Kabanata 7

Author: Crazy Carriage
Si Linus ay mukhang gustong kainin si Thea doon mismo.

Simula ng siya ay naging manager, nakatulog siya kasama ng hindi mabilang na babae, binibigyan sila ng mga benepisyo gamit ang papel na ito.

Noong una, karamihan sa kanila ay tinanggihan siya.

Subalit, matapos ang ilang sandali, sila ay nagsimulang ialay ang sarili nila para makakuha ng access sa mga deal, mga partnership at iba pang mga benepisyo.

Si Jane ay listo na siguruhin din ang plano ni Linus na magtagumpay. Ang pagpapasaya sa kanya ay hindi maiiwasan para sa kanyang sariling benepisyo.

Lumapit siya kay Thea at hinatak siya sa tabi. “Thea, alam ko na nahirapan ka nitong nakalipas na mga taon. Ngayon na maganda ka na ulit, kailangan mong gamitin ang iyong itsura para sa iyong kalamangan. Hindi tayo mananatiling bata habang buhay, alam ba? Kapag ang gintong panahon ay mawala na, hindi na natin ito maibabalik.”

“Kasal na ako. Hindi ko ito gagawin.” Si Thea ay tumanggi na sumuko.

Nawala ang pasensya ni Jane. “Sino ka sa tingin mo, Thea? Hindi mo ba alam na ito ay karangalan na gusto ka ni Linus? Kung babastusin mo siya, kalimutan mo na ang pakikipag trabaho sa Celestial Group. Habang buhay.”

“Jamie…”

Si Thea ay lumapit kay James.

Hindi pinansin ni James si Linus at Jane, sumenyas na pumasok sa entrance. “SIge na,” sinabi niya. “Kikitain mo ang chairman, hindi isang mababang manager. Huwag mo siyang pansinin.”

“Sino ka, bata?” Nanlalamig na tumingin si Linus kay James.

“T*ngina alis.”

Tanging dalawang salita lang ang gustong sabihin ni James sa kanya.

Siya pa din ang maalamat na Dragon General ng Southern Plains kung sabagay. Si Linus ay isang hindi importanteng tao.

Sa opisina ng chairman sa top floor ng gusali ng Celestial Group.

Si Alex ay naghihintay para ka Thea simula nitong umaga.

Matapos ang lahat ng oras, hindi pa din siya nagpakita.

Nagging sobrang balisa, bumaba siya sa first floor, tinignan ang reception kung isang babae na nagngangalang Thea Callahan ay gusto na makita siya. Ang reception ay kinumpirma na wala sa pangalang iyon ang pumunta.

Ay p*ta, naisip niya. Si Thea ay ang asawa ng Dragon General. Kung kahit papaano nalampasan niya ito o nasira ito, kahit ang kapangyarihan ng pangalang Yates ay hindi siya mapoprotektahan.

Lumabas si Alex sa gusali, plano na maghintay sa entrance para kay Thea.

Sa sandaling lumabas siya, nakita niya ang kanyang manager na kausap ang dalawang tao. Tumingin siya at napansin si James. Siya ay hindi namalayan na nanginig, ang kanyang tuhod ay halos bumigay. Pinunasan ang pawis mula sa kanyang mukha, mabilis siyang lumapit sa kanila.

“Hen…”

Bago siya matapos, tumitig si James sa kanya.

Naintindihan ni Alex, biglang pinatigil ang kanyang sarili.

Sabi ni James, “Thea, hindi ba iyon ang chairman? Bakit ka pa din nakatayo dito? Sige na. Ang kapalaran ko ay nakasalalay sayo.”

Sinundan ni Thea ang kanyang tingin at nakita ang nakakalbong lalaki. Kuminang ang kanyang mata. Iyon nga ang chairman ng Celestial Group, si Alex Yates.

“Ha ha.” Natawa si Jane. “Anong kalokohan. Ang chairman ay nasa kanyang opisina.”

Merong pangit na ekspresyon si Linus sa kanyang mukha. “Thea, hayaan mong linawin ko. Kung hindi ka pumunta sa hotel ngayon, hindi mo kailanman magagawang magkaroon ng deal sa Celestial, kailanman.”

Kailangan niyang makuha si Thea.

Bawat koneksyon ng Celestial sa ibang mga kompanya at mga negosyo ay ang namamahala.

Maliban sa mga core partnership, siya ang nagdedesisyon sa distribusyon ng higit na order. Kung hinarangan niya ang mga Callahan sa loob ng Celestial, hindi kailanman makakakuha ng order si Thea.

Lumapit si Alex sa kanila. Na may parang kahoy na ekspresyon, tinanong niya, “Ano ang ginagawa mo? Wala ba kayong trabahong gagawin?”

Si Jane at Linus ay sabay na tumalikod.

Ang kanilang mayabang na ekspresyon ay lumabas sa kanilang mukha sa sandali na makita nila si Alex.

“S-sir.” Nagsimulang pagpawisan si Linus. Kung malaman ng chairman ang kanyang ginagawa, mawawalan siya ng trabaho.

Ang magagawa niya ay magdasal na si Alex ay hindi narinig ang kanyang sinabi kanina.

Binuka ni Alex ang braso niya. “Anong nangyayari?”

Medyo hinatak ni James ang isang napatunganga na Thea.

Bumalik sa kahinahunan si Thea. “H-hi, Mister Yates. Ako si Thea Callahan mula sa Eternality Group. Nandito ako sa ngalan ng kumpanya para makipagtulungan kay Celestial Group. Gusto namin na makakuha ng ilang order mula sayo.”

Dahil si Alex Yates ay sobrang importanteng tao, nanliit si Thea na kausap siya. Nawala ang kaunti ng kanyang kumpyansa.

Ang Cansington ay ang capital ng medisina.

Merong libong mga kumpanya na nagpoproseso ng gamot na tumatakbo sa Cansington at ang mga kumpanyang ito ay umaasa sa mga malalaking organizasyon ng gamot tulad ng Celestial para mabuhay.

Dahil ang Eternality Group ay hindi malaking kumpanya, sila ay hindi pa kwalipikado na makipagtrabaho sa kumpanya na kasing laki ng Celestial Group.

“Tinatanong kita muli. Ano ang ginagawa mo dito?” Seryoso ang mukha ni Alex habang nakatingin kay Jane at Linus.

Nagsalita si James. “Ang asawa ko ay nandito para makipagusap tungkol sa negosyo sa Celestial, pero ang manager na ito ay gusto siyang abusuhin. Inabuso ang kanyang kapangyarihan sa pagtanggi sa Eternality Group. Sa tingin ko bilang malaking kumpanya, ang Celestial Group ay dapat patas na asikasuhin ang bagay na ito.”

“Syempre.”

Tumango si Alex at sinabi, “Tama siya. Mukhang meron tayong korapsyon na kailangan linisin sa kumpanya. Linus Johnson, tama? Pumunta ka sa finance department at kunin ang sweldo mo. Tanggal ka na.”

“Huh?”

Si Linus ay nagulat.

Siya ba ay natanggal ng ganun na lang?

“S-sir, huwag kang makinig sa kanya. Ang mga Callahan ay masyadong maliit para makipagtrabaho kasama natin. Ang mga order ng Celestial ay para sa mga mas may kakayahangg kumpanya. Sila ay ginugulo ako, kaya ako ay gumawa ng palusot para paalisin sila. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kapakanan ng kumpanya.”

“Gusto mo bang ulitin ko ang sarili ko? At ikaw, ligpitin mo ang gamit mo at lumayas.” Tinuro ni Alex si Jane.

Humarap siya kay James at Thea matapos iyon, nakangiti sa kanila. “Miss Thea Callahan mula sa Eternality Group, tama ba? Dito ang papunta sa opisina ko, pakiusap. Hayaan mong asikasuhin ko ito ng ako mismo.”

Magalang na sumenyas si Alex gamit ang kanyang braso.

Nalito si Thea.

Simula kailan ang chairman ng Celestial Group ay ganito kagalang at madaling pakisamahan?

Mahina siyang tinulak ni James mulli. “Sige kung gayon. Ito ay ginintuang pagkakataon. Ang kapalaran ko ay nasa iyong kamay.”

Nakahabol si Thea at tumango. “Ah, oo. Okay. Syempre. Walang problema, Mister Yates.”

Siya ay medyo kabado.

Sa nakalipas na sampung taon, siya ay hindi madalas lumalabas sa bahay.

Nagbasa siya ng maraming libro at nakakuha ng maraming kaalaman, pero ito ang kanyang unang beses sa pamamahala ng negosyo kung sabagay.

Higit pa dito, sinubukan niya na gumawa ng deal sa chairman ng Celestial Group, sa lahat ng mga tao!

Nawala ang kanyang kumpyansa at humarap kay James, mukhang takot. “Honey, s-sa tingin ko hindi ko kaya ito.”

“Si Mister Yates ay binigay ang imbitasyon sayo ng personal. Ano pa ang kinakatakot mo?” Tinulak siya ni James, sinabi, “Sige. Hihintayin kita sa kotse.”

“Miss Callahan, dito ang daan, pakiusap.” Medyo yumuko si Alex, sumenyas gamit ang kanyang mukha muli.

Nabigla si Jane at Linus sa pangyayaring ito.

Sila ay nasa labas ng gusali ng Celestial Group. Dahil sila ay malaking corporation, marami laging mga reporter na naka kalat sa paligid. Marami sa kanila ay kumuha ng litrato habang nakita nila ang eksenang ito na nangaayri.

Ito a magiging malaking balita.

Kung sabagay, si Alex Yates ay ang chairman ng Celestial Group.

Ang Great Four ay kahanga hanga, pero kahit sila ay kailangan na sumunod sa patakaran ni Alex. Ngayon na siya ay naging sobrang magalang sa babaeng ito.

Sino ba siya?

Kaninong pamilya siya galing?

Bakit wala kahit sino na nakakita sa kanya dati?

Salamat sa imbitasyon ni Alex, si Thea sa wakas ay pumasok sa gusali.

Si James, sa kabilang banda, ay sumakay sa kanyang sasakyan.

Nakaupo sa passenger seat, nagsindi siya ng sigarilyo at pinasa ang isa kay Henry.

Pareho ang ginawa ni Henry at umihip dito. Tinanong niya, “Heneral, kailangan ba lahat ngg iyon? Ang kailangan mo lang gawi ay magsabi at ang mga Yates ay ibibigay sayo ang kanilang buong korporasyon.”

Bumuga si James ng bilog na usok. “At bakit ko ito gugustuhin? Bilang regalo para kay Thea? Maaaring ayaw niya ito. Lahat ng kailangan niyang gawin ay ang suportahan siya sa kanyang gagawin. Atsaka, ilang beses ko ba sasabihin sayo? Huwag mo akong tawaging Heneral. Dito ako si James.”

“Pasensya, James. Mahirap na sirain ang nakasanayan.”

Sa top floor ng gusali ng Celestial Group.

Dinala ni Alex si Thea sa kanyang opisina at gumawa ng tsaa para sa kanya ng siya mismo.

Si Thea ay sobrang nagulat. Mabilis, sinabi niya, “Mister Yates, h-hayaan mong gawin ko ito mismo.”

“Pakiusap maupo ka, Miss Callahan. Gagawa ako ng tsaa. Gawin mong komportable ang sarili mo, pakiusap.”

Hindi maintindihan ni Thea ang naiisip niya. “Mister Yates, nandito ako para makipagusap tungkol sa negosyo… ”

“Oo, oo, alam ko. Uminom ka muna ng tsaa. Kukuha ako ng tao para maghanda ng kontrata ngayon. Ah, sapat na ba ang order ng isang daang milyon? Kung hindi, maaari kong taasan ang dami.”

“Ano?”

Si Thea ay napatunganga.

Wala siyang sinabi na kahit ano, pero si Alex ay binigyan siya ng order ng isang daang milyong dolar ng ganun na lang. Simula kailan naging sobrang dali na makipagnegosyo sa Celestial?

Napansin ni Alex na ang ekspresyon ni Thea ay hindi mapakali at inisip na ang isang daang milyon ay hindi sapat. Kaagad, sinabi niya, “Hindi ba ito sapat? Bibigyan pa kita ng higit pa. Kamusta ang limang daang milyon para sayo?”

“Hindi, hindi, sapat na ito. Ang isang daang milyon ay sapat na,” Nagmadaling tugon ni Thea.

Limang daang milyon?

Ano ang nangyayari?

Na may order ng limang milyon, ang komisyon a magiging 20%. Kung ang deal ay matuloy, ang mga Callahan ay kikita ng isang daang milyong dolyar.

Ang mga Callahan ay hindi kayang magawa ang ganitong klaseng malaking order.

Sila ay magkakagulo para makasabay at kahit ang order ng isang daang milyong dolyar ay kinakailangan sa kanila na gawin ang kanyang pinakamahusay.

Si Alex ay sobrang epektibo. Ng mabilis, ang kanyang sekretarya ay nakagawa ng kontrata. Pinirmahan ito ni Thea, nasa gulat na kalagayan pa din siya.

Bago siya umalis, binigyan siya ni Alex ng kanyang business card. “Miss Callahan, ito ang card ko. Patuloy tayong magusap.”

Hindi niya kailanman binanggit si James ni isang beses.

Kilala niya kung sino si James, pero mukhang hindi ito alam ni Thea. Bilang chairman ng Celestial Group, alam niya kung paano basahin ang bod language ng mahusay. Ayaw ni James na mailantad ang pagkatao niya. Ganito karami ang alam niya.

Dinala ni Thea ang kontrata. Ng umalis siya sa gusali, pakiramdam niya na lahat ng nangyari ay parang panaginip.

Masyado itong madali.

Kaunti lang ang kanyang sinabi, pero ang Celestial ay halos niregalo ang order sa kanya.

Siya ay sumakay sa sasakyan.

“Honey, sa tingin ko si Alex Yates ay sinusubukan na maging mabait sa akin. Halos dalawang salita ang sinabi ko bago niya binigay ang order na nagkakahalaga ng daang milyong dolyar. Sa totoo lang, gusto niya na ibigay ang order na nagkakahalaga ng limang daang milyon.”

Ngumiti si James. “Siguro nakilala mo na siya dati.”

“Imposible. Sa nakalipasa na sampung taon, hindi ako nagkaroon ng kahit sinong kaibigan.” Inikot ni Thea ang kanyang mata at tumingin kay James, ang kanyang mata ay kumikinang. “Honey, si Alex ay tanging sobrang bait sa akin dahil sayo, tama ba?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4688

    Sa kabila ng kakulangan ng mga powerhouse sa Chaos Rank, ang kabuuang lakas ng Verde Academy ang pinakamalakas sa Nine Districts ng Endlos Void.Ang mga Pinuno ng Limang Bahay ng Verde Academy ay napakalakas.Gayunpaman, isang hindi kilalang tao ang malapit nang i-promote bilang isa sa mga Pinuno ng Limang Bahay. Kaya naman, nakakuha ito ng maraming atensyon sa buong Verde District.Si James, sa kabilang banda, ay hindi naabala. Pumasok siya sa espasyong kanyang nilikha at nakarating sa tuktok ng isang espirituwal na bundok.Naupo siya sa tapat ng Ancestral Blood Master, at sa pagitan nila ay isang chessboard. Hindi tulad ng regular na chess, ang chessboard ay kumakatawan sa langit at lupa, samantalang ang kanilang mga piraso ng chess ay magkaibang Landas.Tiningnan ni James ang tumpok ng mga itim na kristal sa malapit at nagtanong, "Kumusta ang iyong pananaliksik?"Umiling ang Ancestral Blood Master at sumagot, "Matagal ko na silang pinag-aaralan pero wala pa akong natutuklasang

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4687

    "Naiintindihan ko." Bahagyang tumango si JamesDati, inaabangan niya ang pagkuha ng Boundless Rock.Ngayong natutunan na niya ang Tenfold Realms Transcendent Sutra, wala na siyang inaasahan para sa Boundless Rock. Hindi ito magiging kapaki-pakinabang sa kanya dahil magagamit niya ang Tenfold Realms Transcendent Sutra upang mapabilis ang kanyang cultivation nang isandaang beses.Sa madaling salita, sa isang epoch, makakamit niya ang progreso na maaaring abutin ng ibang cultivator sa loob ng isandaang epoch."Walang silbi sa akin ang Boundless Rocks," kaswal na sabi ni James.Sabi ni Wael, "Paano ito magiging walang silbi? Kasalukuyan kang nasa Boundless Rank. Kung mag-cultivate ka sa Boundless Rock nang ilang libong epoch at gagamitin ang time formation, ang iyong lakas ay lubos na tataas."Hindi ipinaliwanag ni James ang kanyang sarili. Kaswal niyang ikinumpas ang kanyang kamay at inilipat ang Boundless Rock sa isang bukas na lugar sa isang bundok sa likuran niya. Pagkatapos, sab

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4686

    Nagduda ang mga makapangyarihang tao sa Verde Academy sa kakayahan ni James nang bigla siyang imungkahi ni Wael bilang bagong Pinuno ng Tempris.Gayunpaman, pinatunayan ni James ang kanyang lakas sa pamamagitan ng pagdaan sa mga pagsubok at nakamit ang mga kwalipikasyon bilang bagong Pinuno ng Tempris. Ngayon, kinilala na rin siya ni Lothar.Di-nagtagal, inanunsyo ni Lothar na si James ang magiging susunod na Pinuno ng Tempris. Ipinatawag din niya ang mga kilalang tao sa buong Distrito ng Verde upang lumahok sa seremonya ng paghalili ni James.Bumalik si James sa kanyang tirahan sa isang espirituwal na bundok sa Bahay ng Tempris. Naupo siya sa bakuran ng kanyang manor at apat na disipulo mula sa Bahay ng Tempris.Pinalibutan nilang apat si James at pinaulanan siya ng papuri.Naupo si Wael sa gilid at mahinahong sinabi, "Matapos makumpirma ang petsa ng iyong seremonya ng paghalili, opisyal ka nang magiging Pinuno ng Tempris. Maraming espirituwal na bundok sa Bahay ng Verde, ngunit

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4685

    Napag-aralan na ni James ang mga katulad na inskripsiyon noong panahon ng Supreme Illusion at madaling naunawaan ang nilalaman ng sagradong balumbon. Nilinis niya ang kanyang isipan at buong pusong ibinuhos ang sarili sa pagbabasa ng sagradong balumbon. Habang nagbabasa, hindi niya namamalayang isinagawa niya ang Tenfold Realms Transcendent Sutra.Di-nagtagal, natapos ni James ang pagbabasa ng sagradong balumbon.Pagkatapos, umupo siya sa posisyong lotus sa sahig at ipinagpatuloy ang pagsasagawa ng Path Technique na nakatala sa loob ng sagradong balumbon.Unti-unti, ang kanyang lakas ay naging isang bagong-bagong kapangyarihan.Bumulong si James, "Verde Power? Nakabuo ako ng isang bagong kapangyarihan pagkatapos kong linangin ang Path Technique mula sa sagradong balumbon.""Posible ba na makapaglinang ako ng sampung uri ng kapangyarihan pagkatapos matutunan ang Path Techniques ng sampung sagradong balumbon? Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ito, makukuha ko ang T

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4684

    Naramdaman ni James ang mga powerhouse mula sa Verde Academy. Napansin din ng mga powerhouse ang pagbabalik ni James at agad na lumitaw sa likuran niya.Lumingon si James at napansin ang mga powerhouse ng Verde Academy na nakatayo sa hagdanang bato, hindi makalapit sa tuktok ng bundok dahil may mahiwagang harang na nakaharang sa kanilang daan.Lumapit siya at tiningnan ang mga powerhouse na nakatayo sa harap niya. Pagkatapos, humarap siya kay Wael at nakangiting sinabi, "Hindi kita binigo, 'di ba, Sir Wael?"Masayang tiningnan siya ni Wael at sumagot, "Alam kong tama ako tungkol sa iyo at ang mga pagsubok ay hindi hahadlang sa iyong daan."May pagmamalaking tingin, humarap si Wael sa mga powerhouse ng iba pang Verde Academy at sinabing, "Sa palagay ko ay walang tututol sa kanya bilang Pinuno ng Tempris ngayon, 'di ba?"Wala sa mga powerhouse ng Verde Academy ang tumugon.Matagal nang nasa Supreme Illusions si James at mas matagal pa sa loob ng kanyang time formation. Mabilis niya

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4683

    Pumasok si James sa pasilyo at maingat na sinuri ang kanyang paligid. Ito ay isang maliit na lugar na may radius na isang daang metro lamang.Nakapalibot sa kanya ang mga mahiwagang pader na may liwanag. Sa likod ng mga pader na may liwanag ay ganap na kadiliman, at hindi makita ni James kung ano ang nakatago sa loob nito."Maligayang pagdating." Isang boses ang umalingawngaw sa lugar.Alam ni James na imposibleng mahanap ang may-ari ng boses, kaya hindi na siya nag-abalang subukan pa. Nakinig siyang mabuti, hinihintay ang mga sumusunod na tagubilin."Nasa loob ka ngayon ng isang Bilangguan ng mga May Kapansanan. Napakasimple lang ng paglilitis. Ang kailangan mo lang gawin ay lumabas sa Bilangguan ng mga May Kapansanan. Para sa paglilitis na ito, walang limitasyon sa oras."…"Bilangguan ng mga May Kapansanan? Kailangan ko lang makatakas para makapasa sa paglilitis?" Bahagyang nagulat si James.Tiningnan niya ang mahiwagang mga pader na may liwanag na nakapalibot sa kanya nang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status