Share

Chapter 10

Hindi pa sumisilip ang inang araw ay ginising na ni Axis si Abigail na agad nagreklamo sa kaniya. Puwede nang sabitan ng kaldero ang nguso sa haba 'nun. Nakatanggap pa siya ng nakamamatay na tingin dito ngunit hindi niya iyon pinansin. Pinilit niya pa rin na kumain sila ng agahan at pagkatapos ay nagpalit ng damit. Hindi niya sinabi kung saan sila pupunta at basta ito kinaladkad kanina kahit todo angal ito. Habang naglalakad sila papunta sa bukid ay naririnig niya ang maaanghang na salitang lumalabas sa bibig nito. At pumapasok lang iyon sa kaliwang taynga niya at lumalabas naman sa kabila. Parang wala siyang naririnig na tuloy tuloy lamang sila sa paglalakad.

Gilalas na napatingin ito sa pilapil na dadaanan nila. Nanlalaki ang matang nilinga siya nito at itinuro iyon.

"Huwag mong sabihin na ito ang daan?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

Tumango siya at imunuwestrang magpatuloy na ito sa paglalakad. "Lakad na!"

Matigas na umiling ito. Bakas sa mukha nito ang pagtutol pero mahinang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status