Share

Chapter 3

Author: Ced Emil
last update Last Updated: 2023-06-25 16:18:16

Hindi maipinta ang mukha ni Abigail habang nakasakay sa pickup ng nagngangalang Axis. Kung 'di siya nagkakamali ay ito ang binanggit ng magulang niya na may-ari ng bahay na tutuluyan niya. Hindi niya alam kung paano nila nakilala ang lalaking 'to na parang hindi naliligo. Nang sumilip ito sa bintana ay halos lumuwa ang mata niya nang makita ito.

Magulo ang mahabang buhok nito na basta lamang nito tinali. Ang suot nitong pang-itaas ay luma at kupas na. At nang bumaba siya ay 'di na niya napigilan ang pagngiwi niya nang makita ay suot nitong itim na jogging pants. May butas iyon sa tuhod at may mga mantsa pa. At ang sapin nito sa paa ay itim na tsinelas. Kung puwede lang ay hindi niya gugustuhin ang mapalapit sa lalaki pero nilunok niya lahat ng pagkasura niya.

Bakit nga ba siya biglang tinapon ng magulang niya rito?

Maasim na napangiti siya nang maalala ang dahilan. Sinamantala niya na nasa business conference ang magulang niyaatt nag-host siya ng party sa mismong bahay nila. Maayos naman iyon sa una pero nagkagulo nang biglang dumating ang mga police. Nag-report ang kapitbahay nila dahil sa ingay na nagmumula sa kanilang bahay. May mga underage pa na dumalo kaya isa ito sa naging dahilan para mapauwi ng wala sa oras ang magulang niya. Sa galit nila ay nagdisisyon na silang 'itapon' siya rito.

Kahit na labis ang pagtutol niya ay hindi siya pinakinggan ng kaniyang magulang. Lalo na ang kaniyang ama na kung pina-freeze lahat ng cards niya at grounded pa siya.

"Narito na tayo," sabi ni Axis na pumutol sa pagbabalik tanaw niya.

Nang tumingin siya sa labas ay gilalas na kumuyom ang kamao niya. Nasa gitna sila ng palayan at tanging maliit na bahay ang nakatayo sa gitna ng bukid.

Pinagbuksan siya ni Axis ng pinto at parang ayaw na niyang bumaba ng sasakyan. Pero napilitan pa rin siyang bumaba. Pagtapak pa lamang niya ay nanlaki ang kaniyang mata at napasigaw nang bumaon sa lupa ang takong ng sandal niya. Kung hindi siya naging maagap na humawak sa pinto ng sasakyan ay baka natumba na siya.

"Oh my! Sh*t!!" malutong na mura niya at pulang-pula ang pisnging pilit niyang iginagalaw ang paa para mahugot niya ang takong ng sandals niya. Mas lalo pang kumulo ang kaniyang dugo nang makitang nakakuyom ang kamaong itinapat ni Axis iyon sa bibig at tumikhim. Halatang pinagtatawanan nito ang nangyari sa kaniya. "Are you laughing at me?" gigil na sikmat niya sa binata na agad ibinaba ang kamay at painosenteng tumingin sa kaniya.

"Tulungan na kita," alok nito at umuklo sa paanan niya. Bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay inalis nito ang suot niyang de-takong na sandals niya.

"What the h*ck are you doing??" horrified na bulalas niya lalo pa ng bitbitin nito ang sandals niya. Kinikilabutan siya na nakatapak siya sa maduming lupa nang walang suot na tsinelas.

"Tinutulungan ka na maayos na makalakad dito sa bakuran ko," balewalang sagot ni Axis at binalingan si Roger na nakamasid lang sa kanilang dalawa. "Tulungan mo akong ipasok ang bagahe niya. Pagkatapos ay imaneho mo na muna itong pickup sa inyo para maiuwi mo ang mga binili mo."

Tumango si Roger at ibinaba ang mga bagahe niya sa likod ng sasakyan. Habang si Axis ay binuksan ang pinto ng bahay nito.

Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili niya. Pero kahit anong gawin niya ay umiinit pa rin ang ulo niya at parang gusto na niyang sumigaw sa iritasyon. Gusto niyang hablutin ang susi ng pickup sa kamay ni Axis para patakbuhin ang iyon at bumalik siya sa America.

Hindi talaga niya kaya ang tumira sa gitna ng bukid na 'to. Na sa tingin niya ay walang internet at signal. Idagdag pa na wala man lang siyang makitang ibang tanawin kundi ang mga bukirin.

Pinigilan niya ang mapaiyak dahil pakiramdam niya ay itinakwil na siya ng pamilya niya sa pagdala sa kaniya rito. Kung puwede lang niyang ibalik ang oras ay hindi na sana siya nagpa-party sa bahay nila at pumunta na lamang sila sa bar.

"Pumasok ka na sa loob Miss at magpahinga," ani Roger na sumakay muli sa pickup. "Huwag mong hinatayin na ayain ka ni Axis dahil abala na iyon sa pagluluto sa kusina."

Kahit na diring-diri ang paa niya ay naglakad siya ng barefoot at pumasok sa loob ng bahay. Maliit ang sala ng bahay pero kompleto ang sala set. Ang mesa at mga sofa ay gawa sa pine trees. May maliit na TV din doon pero hindi niya alam kung gumagana pa ba iyon o hindi.

Napatingin siya sa bukana ng kusina nang dumungaw soon si Axis na may hawak na baso ng tubig. Inilapag nito iyon sa mesa at ngumiti.

"Uminom ka muna habang hinihintay na makapagluto ako bago tayo kakain ng lunch. Kung gusto mo naman na magpahinga ay pumasok ka sa pintong iyon. Iyon ang magiging kuwarto mo. Dinala na namin doon ang mga gamit mo." Itinuro nito ang isang pinto.

Bumalik muli sa kusina si Axis. Pigil ang iyak na kinuha niya ang baso at ininom lahat ang laman 'nun. Pagkatapos ay muling inilapag at nilapitan ang pintong tinuro nito. Pagbukas niya ay nanlambot ang tuhod niya at pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa nakita.

Maliit ang kuwarto at mas malawak pa ang banyo niya sa kanilang bahay sa America. Ang kama ay maliit din at may lumang aparador sa gilid.

Nagliliyab sa galit ang matang nagmartsa siya papunta sa kusina. Humarap agad sa kaniya ang binata na ngayon ay walang suot na pang-itaas.

Hindi niya alam kung dahil bakat sa mabibigat na trabaho si Axis kaya maganda ang pangangatawan nito. Lalo na ang abs nito na nakakatakam. Parang inaakit siya nito na pisilin at haplusin iyon. Halatang umitim lang ito sa araw-araw na nakabilad sa araw pero napaka-attractive pa rin tignan ang katawan niyo.

"May kailangan ka?" kaswal na tanong nito.

She snapped in her trance and pointed her finger at him. Halos umusok na ang ilong niya sa inis. "You expect me to sleep in that bed without any cushion or mattress? Are you kidding me?"

Itinaas nito ang kamay kaya napahinto siya sa masungit niyang paglilitanya. Masama ang tingin na tinignan niya ito.

"Puwede bang magtagalog ka at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," wika nito. "Isa lang akong hamak na magsasaka at walang pinag-aralan kaya kahit simpleng Ingles ay hindi ko maintindihan," hindi man lang nahiyang pag-amin nito.

"You!!" Namumula na ang mukha niya sa galit at napapadyak sa inis. Sa lahat ng nakilala niyang lalaki ay ito lang nagagawang buwisitin siya kahit wala itong ginagawang masama. "Ang sabi ko ay patutulugin mo ako roon na walang unan at kutson!!"

Animo napaisip ito. "Bukas na ako pupunta sa crosstown para maghanap ng kutson at nakalimutan ko kanina na bumili. Sa ngayon ay tiisin mo muna ang humiga sa matigas na kama. Kung ang unan naman ay tignan mo sa aparador at may dalawa roon. May banig at kumot din nga pala roon na puwede mong gamitin."

Pagkatapos sabihin iyon ay hinarap muli nito ang niluluto. Ngali-ngaling hablutin niya ang thermos at ibato sa nakatalikod na lalaki. Napaka-insensitive nito at hindi man lang inisip na ang katulad niyang laki sa ibang bansa ay hindi sanay sa ganitong klase ng pamumuhay.

Mariing pumikit siya bago impit na tumili at nagdadabog na bumalik sa kuwarto. Pabalibag na isinara niya ang pinto at namawyang sa gilid ng kama. Pinasadahan niya ng tingin ang matigas na kama at naiisip pa lang na doon siya matutulog mamayang gabi ay gusto na niyang umatungal ng iyak.

"How can I possibly sleep this kind of bed??" mangiyak ngiyak na bulalas niya. "Oh, Dad!! How can you punish me like this?"

Sumalampak siya ng upo sa malamig na sahig at animo latang-lata na humikbi siya. Hindi niya lubos maisip na darating ang araw na mararanasan niya ang ganito. Nasanay siya sa marangyang buhay kaya pakiramdam niya sa oras na 'to ay pinagsakbluban siya ng langit at lupa. Feeling niya ay inabandona siya ng mundo.

Exaggerated man ang nararamdaman niya ay iyon ang saloobin niya sa oras na 'to. Paano siya mabubuhay dito na walang kahit anong entertainment na puwede niyang pagkaabalahan?

Baka 'pag tumagal pa siya rito ay makakalbo siya dahil sa frustrations. Idagdag pa ang nakakaimbyernang Axis na 'yun. Na hindi yata makaramdam kahit na naiinis siya rito.

"Ang sarap kalmutin sa mukha!" gigil na bulong niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan huwag kasi masyadong pasaway abigail para hindi ka maparusahan ng mga magulang mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 70. Finale

    Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 69

    "Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 68

    Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 67

    Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 66

    Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 65

    Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status