Share

Chapter 2

Author: Ced Emil
last update Last Updated: 2023-06-25 16:17:49

Nagpoprotestang umungol si Axis nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina sa kabilang linya. Akala niya ay kung ano na ang itatawag nito sa ganito kaagang oras. Iyon pala ay para ipaalam sa kaniya na pumayag ito sa kaibigan nitong citizen sa America na dito nila dadalhin ang anak nila na nagngangalang Abigail.

Ayon pa sa kaniyang ina ay gusto nilang turuan ng leksyon ang dalaga. Hindi alam ng ina niya ang detalye ng kasalanang ginawa ng dalaga. Ang nasabi lamang daw ng magulang nito ay walang katapusang party at gimik ang ginagawa ng naturang dalaga. Graduate na raw ito sa kolehyo at dapat ay nagtatrabaho na pero wala pa itong balak na magtrabaho. Hindi lang iyon, ayaw daw nito ang pinagsasabihan at napupuna ang mga maling kilos nito. Sa narinig na kuwento ng kaniyang ina ay nahuhulaan na niyang brat ang dalaga.

Paanong ang isang dalagang dapat ay matured na mag-isip ay palaging ang gusto lang nito ang nasusunod? Parang bata na kung nag-tantrums ay kailangan na ito ang masunod sa halip na ang magulang nito. At ang pinakahuling gagawin niya ay ang mag-alaga ng ganitong klaseng babae.

Animo sumasakit ang ulo na napahilot siya roon. "Ma, bakit ka pumayag? At sinabi mo pa na ngayong araw ay nandito na siya?"

Kahapon pa raw ng umaga nagbiyahe sina Abigail kaya baka alas diyes na ay nandito na sila.

'Aba'y nakakahiya naman kung tumanggi ako, Axis. At'saka dalaga na iyon kaya hindi mo siya kailangan na alagaan,' giit ng kaniyang ina.

Hindi na siya komontra at humugot ng malalim na hininga. Nagpaalam siya sa ina at sumandal sa headboard ng kama. Ang himbing ng tulog niya kanina pero nagising siya sa tawag ng kan'yang ina.

Ang balak pa naman sana niya ay matulog ngayong araw ng maghapon. Pagod na pagod siya sapagkat deretso ang trabaho niya sa bukid. Katatapos lang ng ani kahapon at gabi na nung natapos sila ni Roger sa pagsalansan ng mga sako ng palay sa kamalig.

Simula nang pinili niyang manirahan dito dalawang taon na ang nakakalipas ay nasanay na siya sa buhay probinsya. Nagustuhan niya ang katahimikan dito. Isa pa ay pagkatapos niyang tumira rito ay unti-unting nakakalimutan niya ang kasawian niya sa pag-ibig. At ngayon ay nagawa na niyang maka-move on. Pero wala pa rin siyang balak na bumalik sa kanila. Mas prefer niya ang manirahan dito. Ang maging isang ordinaryong magsasaka. Naroon pa rin ang respeto ng mga taong nakakasalamuha niya rito pero hindi katulad dati noong siya pa ang bilyonaryong si Maximus. How they treated him was so different.

Akmang itutuloy niya ang pagtulog nang marinig ang malakas na katok sa pinto ng maliit niyang bahay. Kasabay 'nun ay ang malakas na pagtawag ni Roger sa kaniya sa labas. Kaya sa halip na mahiga muli ay bumaba siya ng kama at lumabas ng kuwarto niya.

Pinagbuksan niya si Roger na may hawak na supot.

"Kagigising mo lang?" tanong nito at pumasok. Inilagay nito sa mesa ang dala nito.

"Hindi, kanina pa ako gising," tugon niya at nagtimpla ng kape nilang dalawa. Binigay niya ang isa rito na tinanggap naman ni Roger. Naupo sila sa silya pagkatapos humigop siya sa kape niya. "Ang aga mo yatang naparito? May problema ba?"

"Gusto ko sanang hiramin ang pickup mo at pupunta ako ng crosstown ngayon para bumili ng tiles. Kailangan kong ayusin ang banyo ng bahay namin at nagrereklamo na ang asawa ko," wika nito.

"Saktong-sakto, samahan na kita at may susunduin din ako," aniya.

"Bibisita ba sina Auntie?"

Umiling siya at lumarawan ang distressed sa mukha niya. "Eh, mas mabuti pa nga kung ang magulang ko ay papasyal dito."

Umarko ang kilay ni Roger sa nakitang reaksyon niya. "Nagdisisyon na ba si auntie na maghanap ng babaeng irereto niya sa'yo?"

"Hindi ganiyan si Mama. Hindi niya ako pipilitin na mag-asawa kung hindi pa ako handa," hayag niya at inubos na iniinom niyang kape. Nilagay niya iyon sa lababo at hinugasan. Pagkatapos ay tinignan ang dala nitong supot kanina.

"Wild mushrooms 'yan na kinuha ng asawa ko sa bundok. Naisip ko na dalhan ka rito at marami naman siyang nakuha," saad nito.

"Salamat! Mamaya ko na ito iluluto. Pupunta muna tayo sa crosstown at bibili na tayo ng sinasabi mong tiles habang hinihintay ang pagdating ni Abigail," turan niya at kinuha ang lumang sumbrero niya at isinuot.

Mabilis na tinapos ni Roger ang kape nito at tumayo.

"Ilagay mo lang diyan at huhugasan ko na mamayang pag-uwi natin," sabi niya. Kinuha niya ang susi ng pickup at lumabas na sila ng bahay. Kinandado muna niya iyon bago sila sumakay sa pickup.

Thirty minutos lang ang biyahe nila hanggang sa crosstown. Pagdating nila roon ay dumeretso agad sila sa hardware kung saan sila bibili ng tiles, semento at adhesive. Sinamahan na rin niya ang kaibigan na pumili. Bumili rin siya ng faucet na ipapalit niya sa nasirang faucet ng banyo niya.

Nang matapos silang makabili ay binuhat na iyong ng isang binatilyong nagtatrabaho sa hardware at inilagay sa likod ng pickup ang lahat ng binili nila. Nang tignan niya ang oras ay may isang oras pa bago makarating ang naghatid kay Abigail. Nagdisisyon siyang habang naghihintay ay bumili siya ng iba pang pangkusina.

At nang makitang oras na para dumating ang dalaga ay pumunta sila ni Roger sa junction. Wala pang twenty minutes ay may pumaradangitim na magarang sasakyan at nakita nila ang driver na nagtanong sa isang tindera roon.

"I think sila na iyon," wika niya at nilapitan nila ang sasakyan. "Magandang umaga po sa'yo, Sir, ikaw ba ang naghatid kay Miss Grayson?" tanong niya.

Lumiwanag ang mukha ng driver at agad na tumango. "Ikaw po ba si Axis?"

"Ako nga ho," saad niya at sinilip ang backseat. Eksaktong tumingin naman ang bsbaeng nakupo roon. Kita ang madilim na anyo nito at nakasimangot pa ito na halatang wala sa mood.

Bumaba ang driver at pinagbuksan ang dalaga na mas lalong hindi maipinta ang mukha.

"Ma'am, andito na po ang susundo sa'yo," imporma ng driver.

Bumaba ang dalaga at parang gusto niyang mapangiwi nang makita ang outfit nito. Mataas ang takong ng sandals nito. Crop top at mini skirt ang suot nito. Nakita niya ang bahagyang panginginig nito sapagkat malamig ang panahon ngayon.

"Magandang umaga sa'yo, binibini, ako pala si Axis at siya naman si Roger," pakilala niya sa sarili. Inilahad niya ang kamay ngunit hindi iyon inabot ng dalaga kaya nagkibit balikat siya at hinarap na ang driver.

"Hindi ho ba kayo sasama muna sa amin sa bahay?" tanong niya rito na agad umiling.

"Ang bilin ni ma'am Stephie ay babalik agad ako," paliwanag nito.

"Ah, ganun po ba? Sige po, mag-ingat kayo sa pagmamaneho," sabi niya at tinulungan itong ibaba ang dalawang maleta ng babae.

Hinintay nilang magmaneho pabalik ang driver bago nila binuhat ni Roger ang bagahe ni Abigail.

"Nasa baba ang sasakyan namin. Sumunod ka na lang sa amin," wika niya sa dalaga na hindi itinago na hindi ito komportabli sa presenya niya.

Habang naglalakad silang tatlo ay lihim na nagkakatinginan sila ni Roger at napapailing.

"I can't believe I came to this kind of place!!" Nasa himig ng dalaga ang pagkainis nito.

Hindi nila ito pinansin at inilagay na sa pickup ang mga bagahe pagkatapos ay sumakay na. Nagkatinginan sila ni Roger nang nanatiling nakatayo sa labas si Abigail at matalim ang tingin sa kanilang dalawa.

"Oh! Nakalimutan ko," nakangising wika niya at muling bumaba. Pinagbuksan niya ng pinto si Abigail na inirapan siya bago sumakay.

Naiiling na muli siyang umakyat at pumuwesto sa driver's side. Pagkatapos ay pinaandar niya iyon at nagmaneho na pauwi sa kanilang baranggay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay hula ko magiging aso't pusa sina axis at abigail...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 70. Finale

    Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 69

    "Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 68

    Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 67

    Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 66

    Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 65

    Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status