Share

Chapter 5

Penulis: Ced Emil
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-01 07:02:16

Nagkakape si Axis nang umagang 'yun at iniisip kung ano ang gagawin niya mamaya nang dumungaw si Abigail sa may bukana ng kusina. Napatigil siya sa paghigop ng kaniyang kape at napatitig sa dalaga. Magulo ang buhok nito at very conspicuous ang itim sa paligid ng mga mata nito. Parang hindi ito natulog magdamag dahil sa hitsura nito. Animo nanlalata ang buong katawan na naglakad ito at naupo sa silya. Laglag ang balikat nito at parang pasan ang pinakamalaking problema sa mundo.

Nang tumingin ito sa kaniya ay ngumiti siya rito. Walang kabuhay-buhay na napatitig lang ito sa kaniya. At pati yata pagkurap nito ay parang tinatamad dahil slow motion pa iyon.

"Magandang umaga magandang, binibini," bati niya. Hindi ito nag-react sa sinabi niya at huminga lang ito ng malalim. Itinulak niya ang isang mug at ang thermos sa harap nito. Pati na rin ang asukal na nakalagay sa maliit na container. "Nagkakape ka ba ng barako? Ayan, magtimpla ka ng iyo," sabi niya pagkatapos ay muling humigop at pinanood ang pagnganga nito. She stared at him in astonishment. Mukhang ang pag-utos niya rito ang humila rito para bumalik ang lumilipad pa rin na isip nito.

"What?" 'di makapaniwalang bulalas nito.

Itinuro niya ang mga nasa harap nito at inulit ang kasasabi lang niya, "wala kang katulong sa bahay na 'to. Kaya bahala kang magtimpla ng kape mo."

Alam na niyang nasanay ito na lahat ng kailangan nito ay inihahanda ng katulong o yaya nito kaya ganun na lamang ang reaction nito nang utusan niya itong magtimpla ng sarili nitong kape. Para itong pinagsakbluban ng langit at lupa dahil sa pamumutla ng mukha nito. Na parang ang sinasabi niya ay tumalon ito sa bangin at magpakamatay.

At sa totoo lang ay gusto niyang asarin ito at makita kung paano ito sumabog 'pag kagigising lang nito. Gusto niyang tignan kung paano siya nito susuplahin. At nang makita niyang lumarawan ang impatient sa mukha nito ay alam na niyang maiirita na naman ito sa kaniya. At hindi siya nagkamali dahil padabog na tumayo ito at nagsalin ng kape sa mug. Her face was so dark. As if she's ready to scratch his face. Ang talim pa ng tingin nito sa kaniya at parang gusto na niyang matawa.

Itinaas niya ang paa at ipinatong sa isang silya pagkatapos ay itinukod ang siko sa tuhod niya. May nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mukha niya habang pinapanood ito. Nang makita nito ang ginawa niya ay may kalakasang ibinagsak nito ang thermos sa mesa at kinuha ang mug na may lamang umuusok na kape. Itinaas nito iyon kaya nahulaan na niya kung ano ang balak nito.

"Oh, mainit 'yan," natatawang pigil niya rito. "Kapag binuhos mo sa akin iyan ay malalapnos ako."

"Ang aga-aga ay naiimbyerna ako sa'yo!!" gigil na sikmat nito sa kaniya at nilagyan ng asukal ang kape. "Ang sarap mong turukin ng gunting sa mata! God! Bakit ba ako pinatapon ng magulang ko sa lugar na 'to na nandito ang balasubas na katulad mo!"

Mahinang tumawa siya at tumayo na. Pinagkibit balikat lang niya ang salitang itinawag nito sa kaniya. "Magiging mabait ako ngayon at ipagluluto kita ng ulam na masarap ngayon," saad niya. Binuksan niya ang ref at kinuha ang karne ng manok sa freezer. Naalala niya na may curry sauce siya na pinadala ng kaniyang ina noong nakaraang linggo. Nakonsensya siya kagabi na hindi ito kumain ng hapunan. Baka gutom na ito kaya ang init ng ulo nito ngayong umaga.

"Siguraduhin mo lang na makakain iyang iluluto mo!!" nagbabantang asik nito. "Dahil kung hindi ay ibubuhos ko talaga sa'yo ang niluto mo!"

"Huwag kang mag-aalala dahil masarap akong magluto," saad niya at nilingon ito. "At oo nga pala, pagkatapos nating kumain ay samahan mo ako sa bukid," aniya at nilagay sa tubig ang manok para ma-defrost.

"At anong gagawin ko sa bukid?" mataray na tanong nito. "Pumunta kang mag-isa mo! Anong tingin mo sa'kin? Isang magsasaka na katulad mo!"

Sumandal siya sa lababo at kunwari ay napaisip siya. "Aanihin ko iyong beans na tanim ko at kailangan kong dalhin sa crosstown mamayang hapon. Kailangan ko ng makakasama at tamang-tama na nandito ka."

"What??" sigaw nito at parang nabingi siya dahil sa lakas 'nun. "Y-You want me to work in your field?? No way in hell!!"

Napahaplos siya sa kaniyang taynga. "Dumudugo na ba ang ilong ko?" nang-aasar na tanong niya at hinawakan ang ilong niya. "Hindi naman!" saad din niya kapagdaka.

Hindi malaman ni Abigail kung iiyak ba siya o tatawa siya dahil sa inis. Napapikit siya pinigilan ang sariling tumili. "Wala ka ba talagang maisip na gawin kundi ang inisin ako?"

"Uy, hindi kita iniinis, ah! Ikaw lang ang naaasar sa'kin ng walang dahilan," wika ni Axis. Tinalikuran na niya ito at hiniwa ang karne ng manok. Tumaas ang sulok ng labi niya dahil randam niya ang animo dagger na tingin nito sa kaniyang likod.

Hindi naman siya galit sa dalaga pero ang sarap lang talaga nitong inisin. Lalo na at 'pag nagagalit ito ay lumalaki ang butas ng ilong nito. Magkaganun pa man ay maganda pa rin ito lalo na at wala na itong kolorete sa mukha. Lumabas na ang natural na ganda nito. Manipis ang pinkish na labi nito. Maliit din ang mukha nito. Idagdag pa ang mahahaba na pilik mata nito at ang pinaka-asset nito ay ang kulay gray na mata nito.

She's beautiful ngunit nilagyan na niya ng ekis ang pangalan nito noong sinabi ng kaniyang ina ang ugali nito. He didn't have the patience to understand and babysit a childish woman.

"Naiintindihan ko na kung bakit single ka," animo nang-iinsultong tuya nito. "Walang sinong babae ang nakakatagal sa ugali mo!!"

Tumawa lamang siya at hindi nagkomento. Sinimulan na niya ang kaniyang pagluluto at inignora ang dalaga na alam niyang kumukulo na ang dugo sa kaniya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nag-eenjoy siyang asarin ito.

Habang hinihintay na makaluto siya ay humarap siya sa dalaga. Kahit na nahuli niyang nag-middle finger ito sa kaniya ay hindi man lang ito nag-react. Tinaasan pa siya ng kilay at proud na itinaas ang noo. Hindi man lang ito kakikitaan ng hiya. Kababaeng tao ay ginagawa nito iyon sa isang lalaki? He finally understands why his parents want her to be taught. Hindi ito umaakto na dapat gawin ng isang mabuti at kagalang-galang na babae. Kaya kung siya rin ang magulang nito ay baka mas worst pa ang gagawin niyang pagtuturo ng leksyon dito. Baka 'di niya mapigilan ang mapalo ito sa puwet kahit na dalaga na ito.

"At naiintindihan ko kung bakit wala kang boyfriend," aniya at ngumisi. "Because you're a brat! Kung ako lang din ang magkakagusto sa'yo ay umatras na ako at 'di itutuloy na ligawan ka."

Mapang-asar na ngumiti siya at tinalikuran na ito. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa kaniya ang nagliliyab na mata nito dahil sa galit.

Namumula ang mukha ni Abigail sa galit na tumayo siya at iniwan na ito roon. Tinawag pa talaga siya nitong brat? Gayong hindi siya nito kilala at ngayon lang siya nito nakita? How dare him say that right through her face? Tignan lang niya kung hindi ito mahuhulog sa alindog niya. At 'pag nangyari iyon ay hindi niya ito papansinin. Ipapamukha niya rito na hindi niya ito magugustuhan kahit na ito lang ang matirang lalaki sa mundo.

Lumabas siya ng bahay at nagpupuyos ang kalooban na nagpalakad-lakad siya roon. She really wants to punch his annoying face. Paano ba siya mamatagal na tumira sa bahay na ang kasama niya ay ang impaktong lalaking 'yun? Bakit ba kasi sa lahat ng puwedeng pagdalhan sa kaniya ng magulang niya ay ang katulad pa ni Axis? May iba naman siguro silang kakilala rito na mas makakaintindi sa kaniya at maintindihan na hindi siya sanay sa ganitong buhay, 'di ba? Hindi msn lang kinonsidera nito na ito ang unang araw niya sa bahay nito.

Tapos ang gusto pa nito ay tulungan niya itong mag-ani ng tanim nito sa bukid? Anong tingin nito sa kaniya? Hindi siya pumunta sa lugar na 'to para lang pagtrabahuhin siya nito. Gosh! Kahit kailan ay hindi siya pinagtrabaho ng magulang niya ng mabibigat na trabaho. Tapos ito at ang h*******k na lalaking 'to ay uutusan siyang gawin iyon? Ini-imagine pa lang niya ang sariling nasa bukid siya ay parang gusto na niyang mamatay.

Tinignan niya ang malinis at mala-kandilang daliri niya. Ang mahahabang kuko niya na pibnapslinis niya tatlong beses sa isang linggo. Nai-imagine pa lang niyang mapuputikan ang kamay niya ay kinikilabutan na siya.

"Kain na," tawag ni Axis sa kaniya dahilan para mapatalin siya sa gulat. Matalim na nilingon niya ito. Nakasandal ito sa hamba ng pinto at natatawa.

Huminga siya ng malalim bago pumasok at sinadya pa niyang banggain ang braso nito. Napangiwi siya at napahawak sa braso nang masaktan siya. Bato ba ang braso nito at feeling niya ay namanhid ang balikat niya. Tapos ang binata ay wala man lang reaction tanda na nasaktan din ito sa ginawa niya.

Nang nakaupo na sila at nagsimulang kumain ay saka naramdaman ni Abigail ang gutom niya. Kaya naman nakalimutan niya ang salitang diet at naparami ang kain niya. Hindi niya pinansin si Axis na nakangising pinanood siyang kumain.

Nang matapos siya ay malakas siyang dumighay. Pagkatapos ay tinignan si Axis na tapos na ring kumain. Bigla itong tumayo at naglakad palabas ng kusina. She almost wanted to vomit all the food she had just eaten when she heard what he said.

"Hugasan mo ang pinagkainan natin!"

Tinignan niya ang mga pinagkainan nila at hindi na napigilan ang mapaiyak dahil sa frustrations. Hindi siya marunong sa gawaing bahay kaya paano niya huhugasan ang mga ito?

Tumutulo ang luhang isa-isang nilagay niya sa lababo ang mga pinggan, mangkok at kutsara. Pagkatapos ay nagsimulang hugasan iyon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na natapos na maghugas pero ang alam niya ay namamanhid na ang paa niya sa tagal niyang nakatayo.

Namumula rin ang mata niya. Animo pagod na pagod na naupo siya sa silya. Sa isip niya ay kinakatay na niya si Axis sa ginawa nitong pagto-torture sa kaniya. Nang tignan niya ang kamay ay hindi niya uli napigilan ang umiyak. Dahil sa nahirapan siyang maghugas ay naputol ang tatlong kuko niya sa kaliwang kamay niya. Hindi na iyon kasing ganda kanina.

"Buwisit ka talagang Axis ka!!" humihikbing mura niya sa binata.

"Ano na naman ang ginawa ko at minumura mo ako?" wika ng lalaking dahilan ng pagkayamot niya. She glared at him. Tumayo siya at nilampasan ito at nagdadabog na lumabas siya ng kusina. Hindi niya alam kung napansin nito na umiyak siya. Pero sana lang ay nakita nito para makonsenya ito at hindi na siya uutusan na gawin ang mga bagay na hindi niya alam na trabaho.

Pumasok siya ng kuwarto at naupo roon habang sumisinghot. Sana ay bangungot ang nangyayari sa kaniya ngayon pero alam niyang hindi dahil kahit pa kurutin niya ang sarili ng maraming beses ay ito pa rin at nasa kuwarto siya ng bahay ni Axis.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Gemma Bahia
ang ganda din nila dalawa
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nakakatuwa kayong dalawa axis at abigail
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 70. Finale

    Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 69

    "Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 68

    Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 67

    Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 66

    Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 65

    Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status