Share

Chapter 6

"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" takang tanong ni Roger kay Axis. Nasa bukid silang dalawa, kasama ang pitong taon na dalaga nito at pinipitas ang bunga ng mga beans na tanim niya. May nag-aangkat kasi ng mga ito na isang tindera sa crosstown. Isa iyong single mother na tinulungan niya noong unang buwan niya rito sa mountain province. Nakita kasi niya ang dedication ng babaeng 'yun na mabigyan ng magandang buhay ang anak nito kaya naawa siya.

Muli siyang tumawa nang marinig ang tanong ng kaibigan niya. Kaninang inutusan niya itong maghugas ay sinilip niya ito. At labis ang gulat niya sa nakitang pag-iyak nito. Ito lamang ang babaeng nakita niya na malala ang reaksyon dahil sa hugasin. Ang anak nga ni Roger ay minsan na n'yang nakita na hinugasan nito ang ginamit nila at hindi man lang umiyak.

Ilsng beses pa nitong tinignan ang kuko nito at nang makitang nasira iyon ay medyo lumakas ang hikbi nito. Sa loob-loob nga niya ay tinatawanan niya ang dalaga sa pagiging overacting nito. Puwede naman kasing pahabain ulit nito ang kuko kung gusto nito.

"Hindi ako makapaniwala na umiyak si Abigail dahil pinaghugas ko siya ng pinggan," natatawang hayag niya. "At pati ang kuko niya na naputol ay iniyakan din niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang napaka priceless sa kaniya ang kuko niya!"

"Sino po ang umiyak, uncle, dahil naghugas siya ng pinggan?" tanong ni Trisha. Tumingala ito sa kaniya kaya tumabingi ang ngiti niya.

Hinaplos ni Roger ang ulo nito. "Hindi mo rin kilala iyon, 'anak." Pagkatapos sabihin iyon ay tumingin ito sa kaniya at napailing. "Mukhang hindi mo yata tinantanan ang bisita mo sa pang-aalaska sa kaniya. Give her a break, man!"

Inilagay niya sa sako ang napitas na beans bago luminga rito at ngumisi. "I got annoyed when she pointed her finger at me. Wala pang kahit sino ang gumawa 'nun sa'kin. Kung hindi lang siya babae ay dinurog ko na ang daliri niya. Pinapakita lang talaga niya na wala siyang manners. Kababaeng tao pero kung magsalita ay puro bad words."

"Hindi na ako nagulat na kaya niyang gawin 'yan sa'yo," wika ni Roger at napailing. "Kahit pa yata binata ako ay hindi ko siya bibigyan ng pangalawang sulyap. Mas pipiliin ko pa na maging matandang binata. Hindi niya mahihigitan ang katangian ng asawa ko."

Natawa siya. Ang asawa kasi nito ay hindi matatawag na maria clara pero maganda ang ugali at may respeto sa kapwa. Kaya naman nakikita niya kung gaano nito kamahal ang asawa nito. At isa ito sa kinaiinggitan niya sa kaibigan. Naging successful kasi ang marriage nito at nakahanap pa ng babaeng mahal na mahal siya.

Maghapon silang pumitas ng beans at mga dalawang sako rin ang nakuha nilang tatlo. Alas kwatro y media ng hapon ay nagbiyahe sila papunta sa crosstown para dalhin ang beans kay Riva. Pagdating nila roon ay malawak ang ngiting kinuha nito ang beans at nagbayad sa kaniya. Hindi niya ito siningil ng mahal kaya nahiya pa ito at akmang bibigyan siya ng tinda nitong cabbage pero tumanggi siya. Kahit na anong pilit nito ay hindi niya iyon tinanggap.

Nang makuha niya ang bayad ay pumunta sila sa isang stall kung saan may nagtitinda ng kutson. Pinili niya ang mas makapal at baka magreklamo pa rin si Abigail.

"Anong gagawin mo sa kutson? Hindi ba at meron ka naman sa bahay mo," tanong ni Roger sa kaniya.

"Gagamitin ng maarteng bisita ko. Kaninang umaga ay parang nakipag-jugjugan ng magdamag dahil sa latang-lata siya," biro niya at mahinang tumawa. Ginaya pa niya ang hitsura ng dalaga kanina na may ngisi sa labi.

May kahinaang sinuntok ni Roger ang balikat niya dahil napasulyap ang babaeng tindera. "Stop making fun of her!"

Ngumiti siya sa babae at itinuro ang kutson na napili niya. Nang sabihin nito ang price ay agad siyang nagbayad at binuhat iyon. Pagkatapos ay iniligay niya iyon sa likod ng pickup. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Abigail kung makita na may kutson na ang kama nito? Magpapasalamat kaya ito sa kaniya? But he doubt it. Sa tingin niya ay hindi ito marunong humingi ng tawad.

"Sandali muna at kailangan kong bumili ng ulam namin mamayang gabi. Ayaw kong makitang ngumawa si Abigail kapag palaka na naman ang ihahain ko," wika niya. "Ang sarap tignan ng mukha niya nang makita ko ang pandidiri sa mata niya."

Humalakhak si Roger. "Hell! Iyon pa talaga ang napili mong ulam na ihain sa kaniya! Bilib na talaga ako sa'yo, Axis, na nagawa mong gawin 'yan sa bisita mo!" He then waved his hand and said, "Sige na! Bumili ka na at uuwi na tayo. Hindi ka umuwi maghapon at baka sinunog na niya ang bahay mo. O baka naman sinira na niya ang ibang mga gamit mo roon!"

Pumunta siya sa nagtitinda ng karne ng baka at bumili ng tatlong kilo. Ibibigay niya kay Roger ang isang kilo at alam niyang mahilig ang pamilya nito sa karne ng baka. Pagkatapos makabili ay bumalik siya sa kinapaparadahan ng kaniyang pickup at nagbiyahe na sila pauwi.

Inihatid muna niya ang mag-ama bago siya umuwi. Pagkaparada niya ng sasakyan ay may naamoy siyang nasusunog. Nang una ay kumunot ang noo niya. Suminghot siya at biglang nagtagis ang kaniyang bagang. Narinig kasi niya ang hiyaw ng babae sa loob.

"Damn it!!" usal niya at patakbong pumasok sa loob. Dumeretso siya sa kusina para lang malutong na mapumara nang makita ang nakasalang na kaserola sa burner at umuusok. Agad na pinatay niya ang kalan at nilingon si Abigail na namumutlang nakasiksik sa sulok. Bakas ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa umuusok na niluluto nito. Pigil ang sariling pilipitin niya ang leeg nito dahil sa galit.

"Gusto mo bang sunugin ang bahay ko?" 'di niya napigilang singhal niya sa babae na agad napakagat labi at nagbaba ng tingin. Halatang guilty ito sa ginawa nito. "Kung hindi ka marunong magluto ay bakit ka nagluto? Ang tanda mo na ay wala kang alam sa pagluluto!" halata pa rin sa boses niya ang inis.

Ang Roger na 'yun, he really hates him for having a crow mouth! Kung hindi nito sinabi iyon ay baka maiiwasan ang ganitong insidente.

"Gutom kasi ako a-at wala ka pa kaya—"

Napahilot siya sa kaniyang batok. Kung hindi pinadala ng mama niya ang babaeng 'to rito ay wala sana siyang sakit ng ulo. Hindi na nga marunong na rumespeto, pati ba naman ang pagluluto ay wala din itong alam? Hindi niya tuloy mapigilan ang sisihin din ang magulang nito. Hindi naman magiging ganito ang anak nila kung hindi rin nila hinayaang gawin ang gusto nito. Saka nila poproblemahin na ganito ang naging ugali ng anak nila.

"Doon ka muna sa sala at hintayin mong makapagluto ako," mababa ang boses na taboy niya rito. Dahil sa totoo lang ay gusto niyang hilahin ito papunta sa bukid at pagtrabahuhin doon at baka sakaling matuto ito sa buhay.

Nakayuko ang ulo na lumabas nga ito habang siya ay sinimulan na ang pagluluto. Walang kaso naman sa kaniya ang kahit pagod siya sa bukid at uuwi siya na siya pa rin ang gagawa sa gawaing bahay dahil nasanay na siya. Pero ang umuwi siya na ang madadatnan ay maraming hugasin at sunog na kaldero ay parang gusto niyang pilipitin ang leeg ni Abigail.

Pagkatapos niyang magluto ay lumabas siya at nakita niya ang dalaga na kagat labing nakaupo sa sofa habang hawak ang tiyan. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Kumikibot pa ang labi nito sa pinipigilang iyak. This useless woman! Walang alam gawin kundi ang umiyak.

"Nakaluto na ako. Bahala kang kumuha ng kakainin mo," sabi niya at lumabas. Kinuha niya ang binili niyang karne ng baka at binuhat ang kutson. Ibinaba muna niya ang kutson sa sala at pumasok sa kusina para ilagay ang karne sa ref. Hindi na muna niya iluluto ito at nakapagluto naman siya.

Hindi niya pinansin ang dalaga na maganang kumakain na parang wala itong ginawang kasalanan kanina. At mukha ngang gutom na gutom ito dahil sa malalaking subo nito.

Muli siyang lumabas ng kusina at binuhat ang kutson at dinala sa kuwarto ng dalaga. Inayos niya iyon at nilagyan ng kubre kama bago lumabas. Ayaw niyang magrereklamo na naman ito na hindi siya hospitable sa kaniyang bisita.

Ang sumunod na ginawa niya ay naligo siya at pagkatapos ay nagkulong sa kuwarto niya. Kinuha niya ang laptop sa drawer ng aparador at binuksan ang WiFi. Maya-maya lamang ay abala na siya sa trabaho niya sa Mondragon empire. May mga na-email ang pinsan niyang si Amara na siyang pinagkakatiwalaan niyang maging president ng kompanya simula nang tumira siya rito.

Naging abala siya sa pagbasa ng financial statement last year pagkatapos mabasa ang business proposal ni Esther Williams. At wala siyang makitang problema dahil malaki pa rin ang naipasok na pera sa kompanya. Naging profitable naman ang kompanya kaya alam niyang walang irereklamo ang mga investors at creditors.

Kinuha niya ang headset na ginagamit niya 'pag tinatawagan si Amara at kinabit iyon sa laptop. Pagkatapos ay nag-request ng video call dito. Na agad naman nitong sinagot.

"Kuya Axis," nakangiting bati nito. Noon ay Boss ang tawag nito pero sinaway niya ito.

"Doon sa nabasa kong proposal ni Miss Williams. Marami akong nakita na kulang sa project details. Lalo na ang budget na inilagay niya roon. Sa nakikita ko ay masyadong malaki ang perang hinihingi niya sa proposal. Ibalik mo sa kaniya at sabihin ang problema. Kung matapos niyang ayusin iyan ay saka mo email uli sa'kin," saad niya.

"Okay, kuya," pagtango nito. "May invitation nga pala na dumating dito kanina. Kasal ng isa sa kaibigan mo noong kolehyo, si Garry…"

"Bumili ka ng regalo at ipadala mo na lang sa kaniya. Hindi ako puwedeng lumuwas sa ngayon," putol niya sa sinasabi nito.

Nang matapos silang mag-usap ni Amara ay pinatay na niya ang laptop pati ang WiFi at ibinalik sa drawer. Nag-inat muna siya bago tinignan ang oras sa cellphone niya. Alas nuwebe na pala ng gabi kaya nararamdaman niyang nagrereklamo na ang kaniyang tiyan.

Tumayo na siya at pumunta sa kusina para kumain. Akmang iinitin niya ang ulam nang makita ang hindi pa nahuhugasan na pinagkainan ni Abigail. Naningkit ang kaniyang mata at pilit na kinalma ang sarili. He's a very patient person ngunit napupuno rin siya. Lalo na 'pag ganitong pagod siya sa trabaho.

Seriously! Why doesn't he spank her butt? Baka 'pag ginawa niya iyon ay hindi na niya kailangan na utusan itong gawin ang madaling trabaho katulad nito. Kung sana kasi ay mas matured ito mag-isip.

"She's hopeless!!" nausal na lamang niya at kumain pagkatapos ay hinugasan ang lahat ng mga pinagkainan nila. Pati na ang kaserola na sinunog ni Abigail kanina.

Kung hindi lang niya iniisip na magtatampo ang kaniyang ina ay pinabalik na niya ang dalaga sa magulang nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status