Share

Chapter 14

Nagpunta ako sa network na kasama si Rea kasunod ko ang manager namin. Kinausap kami ng buong management at buong production team ng teleserye kasama ang mga cast. Nang matapos pina-alis na kami para bumalik sa set.

"Kamusta na ang injury mo sa likod?" tanong ng manager ko sa akin habang kasabay ko sa paglalakad.

"Hindi na masakit, brad naka-isang buwan akong leave kaya nakapag-pahinga ako." nasabi ko na lang sa manager ko.

Dahil sa matinding eksena ko sa isang teleserye nagka-injury ako sa likod kaagad nila ako sinugod sa hospital nung araw na 'yon. Nag-alala siya nang malaman niya 'yon mula sa manager ko na ka-close na niya.

Kada maaga siyang matatapos pinupuntahan niya ako nang patago kasama ang manager o ang personal assistant ko para hindi kami mahuli o pag-usapan.

"Magaling ang nurse ko eh," biro ko sa manager ko.

Umiling na lang siya sa akin at pumunta kami sa set na malapit sa network kaya pabalik na kami ngayon.

"Grabe! First time mo magkaroon ng injury sa set." sabi na lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status