Share

Chapter 3

Author: Xyrielle
last update Last Updated: 2022-07-14 22:42:47

Nang makarating kami sa reception ng kasal ni ate pumunta na kaming lahat sa naka-reserved na upuan para sa amin.

"Samahan mo nga ako sa restroom," banggit ni ate sa akin at nagpunta kaming dalawa sa restroom nang hotel.

"Ate, masaya talaga ako para kay ate." pagtukoy ko sa nakakatanda kong kapatid nang lumingon ako sa kanya.

Kalalabas niya lang mula sa cubicle inaayos ko naman ang make-up ko sa mukha nang mapansin kong hindi na maayos.

"Parehas tayo," sabi ni ate sa akin.

Napangiti na lang ako at lumabas na kami sa restroom nasalubong pa namin si kuya Liam na lumabas sa male restroom.

"Hi, Liam!" pagtawag ni ate sa kanya tumingin lang siya sa amin.

Tumalikod kaagad siya sa amin at sumunod na lang kami sa kanya. Umupo ulit kami sa pwesto namin at tumingin ako sa gitna kung nasaan ang bagong kasal.

Tinawag ng emcee ang mga lalaking abay para pumunta sa harap nang pumuwesto sa gitna ang bagong kasal nanonood lang ako sa nangyayari.

"Balae, sorry sa nangyari sa ating pamilya noon ah?" sabi ng magulang nang bayaw ko.

"Ano ka ba, hindi man tayo nagkakaunawan noon dahil tutol kayo sa relasyon ng mga anak natin, tignan mo naman ang resulta kinasal pa rin sila nauna nga lang ang apo natin." natatawang sabi ni Mama hindi ko maiwasang makinig sa kanilang pag-uusap.

"Sinabi mo pa, hindi ko naman kasi alam na magiging masaya ang anak ko sa piling ng anak ko tipikal na magulang lang ako at nasanay sa arrange marriage ng magulang namin noon." bulalas nito sa Mama ko.

Biglang tumahimik sila nang asarin ng mga lalaki ang groom nang makuha ang garter sa loob ng katawan ni ate. Nabaling ang tingin ko kay kuya Liam na tahimik lang sa gilid at hindi nakiki-ingay.

"Tita, single pa ba si Liam?" tanong ni ate sa Mama nito.

"Wala ang pagkakaalam ko," sabi nito sa ate ko mabuti naman kung ganun.

"Pwede..." biro ni ate sa balae ng magulang namin at umaray ito nang mapalingon ako nakita kong binatukan ito ni Mama.

"Hindi kita pinalaki nang parang aso buntot ng buntot sa amo." paninita ni Mama sa kapatid ko.

Hindi ko na sila pinakinggan at nanood na lang sa harapan namin ang kaibigan ko ang nakakuha ng garter. Nang matapos kami naman ang tinawag at inakbayan pa ako ng kaibigan ko siniko ko kaagad ito sa tagiliran.

Napa-atras pa ako ng bahagya nang may humarang sa harap ko napatingala naman ako at kaagad akong umiwas nabigla naman ako ng may humila sa braso ko bumumtong-hininga na lang ako.

"Crush mo si Liam?" tanong ni ate sa akin umiling kaagad ako sa kanya dahil kapag tumango ako magtatampo siya sa akin.

"Noon, ate pero ngayon hindi ko na siya crush kaya umiling na ako sa'yo," pag-amin ko sa ate ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"Normal lang 'yan saka, kung sa'yo mahuhulog si Liam age doesn't matter, ano pero sa ngayon pag-aaral at career mo muna ang atupagin mo aminin ko man may konting inggit kasi sa'yo siya nagpapansin at hindi sa akin." sagot ni ate sa akin at pumuwesto na kami sa gitna.

Maraming tumili nang sumigaw ang mga abay ni ate kasama na kaming dalawa nakakagulat na sa sahig nahulog ang bulaklak. Inabot ni ate sa kapatid namin ang bulaklak at muling sinalo kung sino pa ang pumulot siya rin ang nakasalo natawa ako sa pagsimangot ng mukha niya.

"Si bestfriend ang the one mo, 'te." pagbibiro ko bago ako tumalikod para bumalik sa upuan.

Pina-sayaw ng emcee ang dalawang bagong kasal nakaramdam ako ng panunubig kaya nagpaalam akong pupunta ng restroom. Nang matapos ako lumabas ako nagulat pa ako nang bumungad sa akin si kuya Liam.

Tumalikod na lang ako bigla pero napahinto ako nang may humawak sa kamay ko. Lumingon ako at nakita ko pa rin siya inalis ko kaagad ang kamay hindi ko naman magawa dahil sa higpit ng pagkakapit niya.

"Kuya?" banggit ko na lang sa kanya bilang paggalang kahit iba ang gusto kong itawag.

"Pwede ba kita makausap?" pagtatanong nito sa akin tumitig pa siya sa mata ko dahilan para mailang ako.

Tumango na lang ako sa kanya at sumama na ako nararamdaman ko ang panginginig ng binti dahil sa higpit ng pagkaka-hawak nito sa kamay ko.

Dinala niya ako sa madilim na lugar na sa palagay sa garden nang hotel. Huminto kaming dalawa at naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay niya sa akin.

"Nakakaselos ang ginagawa nyo kanina," pahayag niya natahimik naman ako bigla sa sinabi niya sa akin.

"Nino?" pagtataka kong tanong sa kanya nang hindi ako gumagalaw sa kinakatayuan ko.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya nagtataka ako sa sinasabi niya at pagsasalita niya sa akin. Walang kami para-

"Nang ka-partner mo sa simbahan hanggang kanina," bulalas niya at humarap siya sa akin.

"Bakit ka nagsasalita ng ganyan, kuya?" kaila ko na lang dahil may hinala na ako pero walang paniguraduhan.

"Gusto kita, Xu hindi lang isang kapatid ang turing ko sa'yo mula nang makilala at makita kita mula nang magkaroon ng relasyon ang kapatid natin bata ka pa nun pinigilan ko ang damdamin ko na lumalim kaso, hindi ako robot sa tuwing may kasama kang lalaki nagseselos ako katulad kanina, at kaya nga may dahilan din ako para makita kita kapag dinadalaw ko ang pamangkin natin masaya na ako sa ganun-" putol niya nang bigla ko siyang niyakap natigilan naman siya sa ginawa ko.

"Alibi mo ang pamangkin natin para makita mo ako? Dahil sa magkaiba ang network na pinag-trabahuan natin dun ka lang gumagawa ng paraan?" pag-kukumpirma kong tanong sa kanya nang humiwalay ako pero pinigilan niya akong lumayo sa kanya.

"Oo, alam mo ba na masaya akong naririnig sa pinsan mo na crush mo ako, totoo ba 'yon?" pagtatanong niya napailing ako sa ngiting nakikita ko sa mukha niya.

Hindi ako nagsalita at kahit matangkad siya kumpara sa akin tumingkayad ako at hinalikan ko ang pisngi niya.

Pakiramdam ko namumula ako sa ginawa ko at lumayo na ako.

"Xu!" tawag niya sa akin habang palayo ako sa kanya pero napahinto na naman ako nang hinawakan niya ako.

Lumingon ako at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Anong ibig sabihin ng halik sa pisngi ko?" tanong niya napayuko naman ako sa sinabi niya.

Hindi ako nagsalita at yumuko lang ako naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at tiningala niya.

"..."

"...."

"-Crus-din kita..." pag-amin ko sa kanya at muli akong yumuko dahil hiyang-hiya ako.

Nagulat ako nang yakapin niya ako natigalgal ako sa ginawa niya.

"Yes! Parehas ang nararamdaman natin." natatawang sabi niya natakot ako na baka hinahanap ako ng magulang ko.

"Kuya...babalik-" putol ko nang halikan niya ako sa mismong labi ko-ang unang halik ko!

"Kapag may ibang tao, kuya ang itawag mo sa akin pero kapag tayong dalawa lang...pangalan lang nakaka-ilang na parehas ang nararamdaman natin pero bawal dahil ang bata mo pa maghihintay ako sa tamang panahon na pwede na kitang angkinin," sagot niya nang lumayo siya sa akin natulala na lang ako dahil sa ginawa niya.

Siya ang first kiss ko!

Nahiya naman ako at yumuko sa harap niya hinila niya ako para idantay sa dibdib niya.

"Huwag kang mag-aalala, Xu," sabi niya sa akin.

"Balik na tayo, kuya..." nahihiya kong sabi sa kanya at humarap ako sa kanya.

Bumalik na kami sa hotel nakataas ang kilay ni ate nang makitang magkasama kaming dalawa ni kuya Liam.

Hinila kaagad ako ni ate palayo kay kuya Liam at nagpunta kami sa elevator pinindot ang floor number namin.

"Ate..." umiiyak kong tawag sa kanya natatakot ako at sigawan niya ako.

"Ano ang ginawa niya sa'yo?" pagtatanong niya at umikot siya.

"Wala siyang ginawa...ate, umamin siyang may gusto siya sa akin nabigla ako nang hilahin niya ako para kausapin." pag-amin ko sa kapatid ko.

"Wala na siyang sinabing iba o ginawa sa'yo?" pagtatanong ni ate sa akin.

Nakatingin lang siya sa akin at umiling ako ayokong malaman niyang ninakawan ako ng halik ni kuya Liam.

"Wala, maghihintay lang daw siya kapag nasa tamang panahon na para ligawan niya ako at inamin niyang nagselos siya sa bestfriend ko," sabi ko sa kanya natawa siya nang malakas kaya tumigil ako.

"Sinabi niya 'yon? Maniniwala sana ako sa'yong may gusto na siya sa'yo pero ang mag-" putol ni ate nang hindi ako umimik.

"Kilala mo ako, ate hindi ako malihim na tao kung kailangan lang magtatago talaga ako ng sikreto pero, hindi eh, totoo!" mahinang bulong ko sa kanya.

"Ano pa ang sinabi niya sa'yo?" pagtatanong ni ate huminto lang siya nang bumukas ang elevator.

"Wala na, kasi pinilit ko na siyang bumalik natatakot ako kina Mama at Papa baka hinanap na ako." bulong ko at gumilid nang maraming pumasok na guest nang hotel.

"Mama, Papa zhen de zai zhao ni, Xu, hao ba, wo shuo ni zhishi wuliao." sabi ni ate sa akin kinabahan tuloy ako sa sinabi niya.

(Mom and Dad were really looking for you, Xu, well I said you were just bored.)

Nang makarating kami sa floor namin naglakad na kami papunta sa kwarto namin para makapag-pahinga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 105

    Nagpunta kami sa kakilala ng pamilya nang asawa ko na exclusive restaurant. Binati pa kami nang makita ako at ang mga bata tumawag na ako sa manager ng restaurant nung nasa loob na nang van."Doon kayo sa VIP room, Yuan siya na ba 'yan? Parang pumayat at hindi makikilala kung hindi titigan." sabi ng manager na lumapit sa amin binati niya sina Rea at ang asawa nitong foreigner.Kasabay namin sa paglalakad ang dalawang anak ni Rea na hindi man lang nila kina-kausap ang kanilang ina."Kausapin mo kaya ang mommy mo," puna ng manager na kasama namin."Mahihiya ako, ayi para akong na-stranger sa kanya." sabi ni Molly tinignan naman nito ang kapatid na katabi kausap ang anak ko.(Auntie)Hindi naman kaagad sumagot ang manager sa sagot ni Molly at dinala niya kami sa VIP room at pumasok kaming lahat sa loob. Ngumiti na lang si Rea sa mga anak niya na hindi tinugunan ng dalawa tinawag ko naman ang anak ko nakatingin lang."Dito ka sa tabi ko, anak." tawag ko naman sa anak ko.Lumapit naman ang

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 104

    Huling trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon dahil malapit na kaming umalis ng bansa para manirahan sa America. Doon namin balak mag-pahinga ng asawa ko kasama ng mga anak namin pero, depende ngayon sa panganay ko dahil may sarili na itong buhay at girlfriend."Hindi rumor na aalis kayo ng bansa ng pamilya mo?" tanong nila sa akin nasa set ako ng huling teleserye na gagawin ko."Hindi, wala pang final date ang pag-alis namin ng bansa dahil may kailangan pa naming tapusin ang lahat na maiiwan namin dito." nasabi ko na lang sa kanila inaayusan ang ng stylist at make-up artist sa standby area."Mayaman na kayo kaya hindi nyo na kailangan ng dagdag income, joke lang, pre lahat naman tayo hindi umaasa sa pamilya natin kahit may kaya tayo sa buhay dapat may sariling income pa rin tayo." sabi nila sa akin sumang-ayon ang ibang kasama namin sa loob ng standby area.Nang matapos kami ayusan nag-simula na kami sa scenes nang tawagin kami ng director at natutuwa ako sa mga baguhan na kahit naiila

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 103

    Year 2033Makalipas ng dalawang taon at isang buwan, maraming nag-iba sa pamumuhay namin mula nang manirahan ang dalawang anak ni Rea sa aming bahay. Hindi iba ang turing ko sa kanila naging mas close sila sa akin kumpara sa asawa ko at sa dalawang anak ko inamin sa akin ni Molly na may pag-tingin siya sa panganay ko pero, sabi ko sa kanya pag-hanga lang ang nararamdaman niya dahil, nakikita niya sa anak ko ang ideal type niya sa isang lalaki at crush ito ng ka-edad nila sa panahong ngayon.Ayokong magsalita ng tapos dahil hindi natin masabi ang panahon.Hindi namin papalitan ang apelyidong nakalagay sa birth certificate nilang magkapatid maliban kay Soren iibahin ang naka-lagay dahil gusto ng ama nila na ilagay sa kanya ang apelyido nito. Pumayag kaming dalawa ng asawa ko kahit doon man lang may resposibilidad siya bilang ama sa dalawang anak niya. Tuluyan na akong huminto sa pag-aartista ang priority ko ngayon ang pamilya ko at negosyo namin wala na akong balita sa kanilang ina mula

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 102

    Nagising na lang ako sa lugar na puti ang buong paligid namatay na ba ako?Malaya na ako sa lahat ng problemang pinag-dadaanan ko sa buhay pero, hindi ko naman kasama ang mga anak ko."Kawawa naman ang actress na 'yon nabaliw na daw," narinig kong boses ng mga taong hindi ko maaninag dahil malabo pa sa paningin ko."Oo nga, sabi-sabi kaya nga dinala na siya dito sa mental dahil wala naman gustong mag-alaga sa kanya inayawan na siya ng magulang niya." sabi ng mga naririnig kong boses mula sa malayo pinunasan ko pa ang mga mata ko.Tumayo ako kahit nanghihina ako at muntik pa ako matumba mabuti kumapit ako sa upuang kahoy nakita ko. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila ng hindi nila napapansin huminga na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa rehas?Nakakulong na ba ako sa kasalanang nagawa ko kay Liam?"Ang magulang niya ang nagdala sa kanya dito para ipagamot siya hindi para pag-usapan nyo lang," narinig ko naman banggit ng isang boses."Isang linggo nang tulog ang actress patay n

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 101

    Nang dumating kami sa mansyon namin nandoon si ate Li Jing at ang pamilya niya nagulat ako sa naabutan dahil walang binabanggit si ate na uuwi sila ng pamilya niya sa Pilipinas. Lumapit kaagad ang anak ko sa kanila malapit ito sa bayaw ko at sa ate ko pati sa pinsan niya. Kasunod namin ang yaya ng mga anak ko na may dalang groceries bags."Nag-groceries kayo, bakit pa kayo pumunta dito?" pagtataka naman ni Mama hinalikan niya sa noo ang apo niya nang lumapit ito sa kanya."Dadalaw lang sana kami dito bago umuwi, ate umuwi pala kayo hindi ka man lang nagsabi?!" bati ko naman sa ate ko pati sa bayaw ko na ngumiti sa amin ng anak ko.Yumapos na lang ako sa ate ko nang tumabi ako ng pagkaka-upo umusog lang si bayaw magkaroon ako ng space."May charity organization na gaganapin dito mula sa hospital ni mister kaya bumalik kami ng Pilipinas, sis wala naman kasama ang pamangkin mo sa house kaya sinama namin kahit may klase nagpaalam naman ako sa adviser niya na kung pwede isama noong una hin

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 100

    Nang maka-lampas kami sa mga media napansin ko na sumandal ang asawa ko sa may balikat ko."Okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya tumingin pa siya bago ngumiti."Yup, inaantok lang ako gabi na kasi.." humikab niyang sagot sa akin at hinalikan ko ang noo niya pagkatapos.Umayos siya nang pwesto at pagkaka-sandal sa balikat ko. Salamat, honey, at nandyan ka palagi sa tabi ko kahit alam kong hindi mo ito deserve na mapag-daanan ito sa buhay mo.Mahal na mahal kita, honey hinding-hindi kita kakalimutan at iiwanan. Tinignan ko na lang ang asawa ko na natutulog na sa balikat ko. Nabaling naman ang tingin ko sa cellphone na tumutunog ngayon sinagot ko nang makita ko na si Molly ang tumatawag sa akin.Kumukunot ang noo ko sa naririnig mula kay Molly tumawag sa kanya ang grandparents niya tungkol sa kanilang ina nandoon ito sa mansyon. Huwag muna daw sila babalik sa condo dahil wala sila makakasama doon.Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko mula kay Molly may hindi magandang nangyaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status