แชร์

Kabanata 2

ผู้เขียน: MysterRyght
last update วันที่เผยแพร่: 2024-10-30 00:23:38

Arianne

“Welcome sa ating mansyon!” Umikot ang mga mata ko sa sinabi ng unggoy na si Victor pagpasok namin sa kanyang maliit na tirahan. “Bakit, ang akala mo ba ay sa mansyon ka talaga ng mga Monteclaro titira?”

“Wala akong pakialam kung saan ako nakatira, kaya ko ang sarili ko.” Hindi naman ako mapili sa bahay, kahit saan ay pwede ako basta hindi ko nakikita ang mukha ng mag-inang Sonora at Mikaela. Sa totoo lang, mas bearable pa yatang makasama ang unggoy na ito kaysa sarili kong pamilya.

“Eh bakit umiikot yang mga mata mo eh hindi ko pa naman kinakain ang puke mo?” tanong niya. Nagulat ako dahil hindi naman ako sanay ng ganung mga salitaan.

“Alam mo ang bastos mo! Pwede bang kapag kausap mo ako ay tanggalin mo ang mga salitang hindi kaaya-aya na lumalabas diyan sa bibig mo?” Mabilis kong sabi na tinawanan lang din ng unggoy.

“To answer your question, dahil ang sakit sa tenga ng boses mo.” Iyon lang at naglakad na ako papunta sa nag-iisang silid. Pinihit ko ang seradura at binuksan iyon ngunit tumambad sa akin ang napakagulong loob at amoy kulob.

“Ano ba naman, hindi ka ba marunong maglinis?” Inis kong tanong.

“Wala akong syota na mapaglilinis eh. Pero 2 weeks ago meron naman. Ngayong nandito ka na, feel at home.” Sumagot pa talaga ang bwisit. At feel at home daw? Paano ko gagawin ‘yon kung parang dumpsite ang home na tinatawag niya?

Dahil hindi ako tatagal sa nakikita at naamoy kong marumi ay dali-dali akong naghagilap ng walis, basahan, timba na may tubig at sabon na buti na lang ay mayroon ang unggoy sa lababo na puno rin ng maruruming hugasin.

Sa CR ay nagkalat ang toothpaste sa lapag tapos nakabukas pa ang lalagyan habang ang takip ay nasa lababo na may mga patak din. Sala lang pala ang maayos-ayos tignan.

Pagdating ko sa sala para sana sitahin at magpatulong na rin sa unggoy ay nakita ko itong nakahilata na sa sofa at naghihilik.

Nakaka-badtrip! Hindi naman ako umaasa ng magandang honeymoon pero sana naman ay hindi ako sinalubong ng general cleaning ng bahay niya!

Dahil ako rin naman ang apektado ay tiniis ko na lang ang presensya ng tulog na unggoy at nagsimula na ako sa paglilinis ng silid hanggang sa kusina at CR.

Mayaman ang ama ko, pero hindi ako kasama sa kayamanan niya. Ang bastarda niya at kabit ang siyang nilalaanan niya ng lahat ng pera niya. Pero nang bumagsak ang kanilang negosyo ay ako ang ginamit nila para magkapera.

Pagod at gutom ang naramdaman ko ng matapos ako. Halos hapunan na rin. Hindi ko naman magawang kumain ng tanghalian sa reception ng kasal dahil wala akong gana. Sino naman ang gaganahan kung may katabi akong unggoy tapos nakikita ko ang mukha ng pamilya ni lucifer?

Magbubukas na ako ng ref para tignan kung may makakain ba or mailuluto ng bigla na lang may mga kamay na pumulupot sa bewang at balahibong sumubsob sa leeg ko. Napaigtad ako sabay tili pero nanatili siyang nakayapos sa akin.

“Ayyyy!! Anong ginagawa mo?” tanong ko ng ma-realize kong yung unggoy pala.

“Naglalambing, hindi ba at ganito ang ginagawa ng mag-asawa?”

“Tumigil ka at lubayan mo ako! Anong lambing ang pinagsasasabi mo!” Kasabay non ay pilit kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at tsaka lumayo. Ngunit hindi ganun kalayo dahil nahawakan niya ako sa kamay.

“What’s wrong? Ang arte mo, sinusubukan ko na ngang magpaka-sweet ayaw mo pa? Hindi mo ba alam kung ilang mga babae ang nagmamakaawa sa akin para lang–”

“Wala akong pakialam sa mga babaeng nagmamakaawa sayo! Kung gusto mong magpaka-sweet eh matuto kang maglinis ng bahay!” gigil kong sabi. “Isa pa, huwag na huwag mo akong lalapitan o didikitan kapag ganitong nanlalagkit ang pakiramdam ko na sinamahan pa ng pagod at gutom dahil naalibadbaran ako!”

“Bakit naman kailangan kong maglinis eh nandyan ka na? Kaya nga ako pumayag sa kasal ay dahil gusto ko rin ng malinis na bahay.” Humalukipkip ito matapos akong bitawan at tsaka ngumisi.

Huminga ako ng malalim bago ko siya hinawi at tuluyan ng binuksan ang ref para lang mapanganga. Tumingin ako sa kanya na lalo kong ikinainis dahil ganun pa rin ang itsura niya.

“Pinatay mo na lang sana ang ref kung wala rin lang laman.” Ref lang niya ang nakita kong nakabukas na kahit tubig ay wala. Seriously, paanong nabubuhay ang isang ito?

Halu-halo na ang nararamdaman ko. Gutom, pagod, hilo, galit sa ama ko at sa pamilya niya. Galit sa kaharap kong parang walang pakialam sa mundo. Kung hindi ko lang mahal ang nanay ko na nagtiis ng napakaraming hirap at pasakit sa kamay ng ama ko para lang mabuhay ako ay baka nagpatiwakal na ako, matagal na.

Isinara ko ng maayos ang pintuan ng ref dahil ayaw kong masira iyon kapag ibinalabag ko. Mahirap na at baka mapabili pa ako ng wala sa oras. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi mapakali kung walang kakainin dahil sa totoo lang, food is life ako.

Paupo na ako sa upuan para sana magpahinga ng marinig ko siyang magsalita. “Lika.”

Mabilis na lumipad ang matalas kong tingin sa kanya. “At saan mo ako dadalhin?” tanong ko na hindi niya sinagot at basta na lang ako hinila palabas.

“Ano ba, saan mo ba ako dadalhin?” galit ko ng tanong. Hanggang sa makalabas kami ng bahay niya ay sige pa rin ang daldal ko. Nagtitinginan sa amin ang mga taong nakakasalubong namin at nakukuha pa niyang kumaway at ngumiti sa mga bumabati sa kanya lalo na sa mga babaeng nagseseksihan ang pananamit.

“Hindi na pala ako makakapunta sa bahay mo..” ang malungkot pero malanding sabi ng babaeng nakapanty lang. Paano ba naman eh kita na ang kuyukot at pisngi ng p**e niya sa suot niyang super shorts.

“Pwede naman akong pumunta sa apartment mo di ba?” patanong na sagot naman ng unggoy. Hindi na nahiya at talagang ipinarinig pa sa akin.

“See you later, honey..” kumaway pa ang malandi tsaka nagsimulang lumakad palayo.

“Bitawan mo sabi ako!” yamot na sabi ko na habang hinihila ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

“Kapag hindi ka tumigil d’yan ay kakargahin kita.” Hindi na ako umimik dahil nakakahiya iyon. Mas nakakahiya pa na makita ako ng mga kaibigan ko na kasama ko siya.

Tumigil kami sa isang karinderya. Hindi ako maselan sa pagkain. Noong nag-aaral pa ako ay madalas kaming kumain ng mga kaibigan ko sa mga turo-turo. Kaya lang, sana man lang ay pinagpalit man lang niya ako ng damit.

Amoy pawis ako dahil nga sa paglilinis na ginawa ko. Ang itsura ko ay siguradong hindi na rin kaaya-aya. Nakataas pa at sigurado rin akong gulong-gulo na rin ang buhok ko.

“Maupo ka riyan at ikukuha kita ng makakain.” Tapos ay iniwan na niya ako para pumunta sa counter at pagbalik nga niya ay may dala na itong kanin at ulam para sa aming dalawa.

Mabilis akong kumain at hindi ko na rin inalintana ang tingin ng mga tao sa akin o sa aming dalawa ng unggoy. Wala na akong pakialam doon dahil gutom na gutom na talaga ako.

Nakailang order din ako ng kanin at naubos ko lahat. Tinitignan lang ako ng kasama kong unggoy hanggang sa matapos tsaka kami tumayo na at umuwi ng bahay.

Busog, pagod at antok na ang nararamdaman ko kaya naman diretso na ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya at damit bago lumabas ulit para pumunta sa CR.

“Oh, akala ko matutulog ka na,” sabi ng unggoy na ngayon ay nasa may pintuan na at mukhang lalabas.

“Hindi ako makakatulog ng maayos kapag marumi ang pakiramdam ko.” Maayos ko siyang sinagot dahil maayos rin naman siyang nakipag-usap sa akin. Tsaka nag-effort siyang pakainin ako kaya bilang ganti ay hindi ko siya aangilan.

“Sige, alis na ako. Ni-lock ko na ang lahat. May susi naman ako kaya huwag mo na akong hintayin, babe.” Okay na sana eh, pero may pa-babe pa siyang nalalaman at ngising nakakabwisit na naman.

“Babe mo ang mukha mo. Wala akong paki kung umuwi ka o hindi basta siguraduhin mong maayos mong naisara ang pintuan.” Tapos ay naglakad na ako papasok sa banyo. Bwisit! Kung hindi ko pa alam ay sa babaeng nakasalubong namin kanina ang punta niya.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Ang ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
Gracie
Nakakatuwa naman ito.... hehehe
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 230

    ArianneHindi ko alam kung ano ang totoong status nila Kuya Donnie at Ate Juliette. Pero kung titignan ko ay mukha naman silang masaya kahit na biglaan ang kanilang pagtatagpo ganon din ang kanilang kasal.Kakatapos lang ng kanilang wedding reception at ngayon ay kakaalis lang nila para sa kanilang

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 229

    Donnie“Kiss me, Juliette,” sabi ko. Hindi siya kumilos agad at nanatili lang na nakatingin sa akin. May ilang saglit na ganon lang siya hanggang sa napansin kong nagsimula na siyang ilapit ang kanyang mukha sa akin kasunod ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.Gamit ang isang kamay ko ay hinawa

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 228

    Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 227

    Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makasakay sa kanyang kotse. Pero bago yon ay nilingon pa muna niya ako at ngumiti.Muntik ko ng maiangat ang aking kamay para kawayan siya, buti na lang at napigilan ko ang aking sarili. Kung hindi ay nakakahiya, baka kung ano

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 226

    Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“An

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 225

    Pero sa kaso namin, ako ang tinatarget niya.“Babayaran ka daw ni Julius pag nag-anihan.” Hindi ako umaalis sa pintuan at hindi rin naman siya nagtangkang pumasok. Basta nasa tapat lang siya ng bahay namin.“Sinabi ko naman sa kanya na kailangan ko na ang pera. Papayag lang akong hindi niya muna bay

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 111

    ArianneHindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Victor ang pagtawag na ito ni Catalina sa akin. Nangako pa naman ako na hindi na ako makikipag-usap sa kanyang ina kung sakaling ipatawag na naman ako nito. Kaya lang ay hindi ko rin ma-ignore ang katotohanang ina siya ng aking asawa at aking byenan.“S

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 110

    ArianneThree days later…Natawa ako sa itsura ni Victor ng sabihan ko siyang magluto na ng hapunan. Akala mo eh batang inagawan ng candy. Pero ang cute cute niya pa ring tignan kaya naman isang nagbabagang halik ang ibinigay ko sa kanya.Napaka-easy niya. Siguro ay dahil nga sa sabi niya ay mahal n

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 108

    Arianne“Ewan, hindi ba galing sayo ‘to?” nagtataka kong tanong.“Hindi!” ang bilis naman niyang sumagot na tila gulat na gulat pa.“Kanina ay tumawag sa akin si Lea, may idedeliver daw sa akin na damit. Ang akala ko ay galing sayo.”“Sabi mo hindi mo alam kung ano yan, tapos damit naman pala.”“Ala

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 113

    ArianneNauna ng umalis si Catalina dahil nagmamadali na rin ito. Takot maiwanan ng eroplano aba. Pagkaalis ng grabcar na ako din ang nagbook at umatras akong konti para hindi ako nakaharang dahil magbu-book naman na rin ako pabalik ng office. Doon ako susunduin ni Victor kaya dapat ay doon niya ri

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status