Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
View More"Her Sorrow and Pain"
Venisse Fuentes' POV Maingay sa labas. Parang may okasyon. May usisero, kapitbahay, mga batang naglalaro habang sumisilip sa gitna ng kumpulan—pero wala akong pakialam. Sanay na ako sa ganitong eksena. Araw-araw, gabi-gabi, paulit-ulit. Pero ngayong gabi, hindi ito ordinaryo. May mabigat na hanging bumalot sa paligid. Parang may unos na paparating. Tahimik akong naglakad papasok sa eskinita. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko—parang sasabog. Nanginginig ang tuhod ko sa bawat hakbang. Para akong pinipilit ng mundo na umatras… pero wala na akong mapupuntahan kundi pa-uwi. Pagbukas ko ng gate, sumalubong agad ang malalakas na boses. Hiyawan. Sigawan. Si Mama. “OH! Ayan na pala ang magaling mong ate! Sa wakas, dumating ka rin!” sigaw niya, may halong poot ang bawat salita. Dahan-dahan akong huminga, pilit pinapakalma ang sarili. Inilapag ko ang mga bitbit sa lamesa, nag-ipon ng lakas. “Ma… may sasabihin ako—” PAK! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Mainit. Masakit. Pero ang mas masakit? ‘Yung bigat sa dibdib ko na parang sinaksak. Hindi ako nakakibo. Nanatiling nakatayo, nakayuko. “Sinabi ni Evan na buntis ka! At niloko mo raw siya!” sigaw ni Mama habang tinuturo-turo ako. Para akong basurang itinapon sa harap niya. Umapaw ang luha ko. Hindi ko na napigilan. “Ma… hindi ko siya niloko. Siya ang ama ng dinadala ko. Ayaw lang niyang panindigan—” Pero bago pa ako matapos, binitawan niya ang mga salitang hindi ko inaakalang maririnig mula sa sarili kong ina. “Magmakaawa ka kay Evan para sustentuhan ka. O ‘di kaya, magtrabaho ka sa bar!” Parang nalunod ako sa sariling luha. Walang tunog ang mundo. Tila ako lang ang gumagalaw habang ang paligid ay tumigil. Wala na akong nasabi. Tahimik akong pumasok sa kwarto at nagsimulang mag-impake. Ayoko na. Sakal na sakal na ako sa kanila. Sa lugar na ‘to. Sa lahat. Paglabas ko ng silid, hindi na ako lumingon. Rinig ko pa ang sigaw ni Mama at ng mga kapatid ko. Pero tapos na. Hindi na ako babalik. Pasado alas-singko pa lang pero parang gabi na ang paligid. Mabigat. Malamig. Masakit. Sumakay ako ng tricycle. Papunta kay Ara—kaibigan ko, tanging matatakbuhan. Tatlong oras ang biyahe. Tulog na dapat ang buong bayan, pero gising pa rin ang sakit sa dibdib ko. Pagdating ko sa barangay nila, sinalubong ako ni Ara ng nakangiting-maligaya. “Ne! Anong ganap sa life mo at napadpad ka dito? May chismis ka no?!” natatawa niyang bungad. Pero wala akong lakas tumawa. “Kailangan ko ng trabaho, bes. Ayoko na. Ayoko na sa pamilya ko. Nakakapagod na sila…” Niyakap niya agad ako, mahigpit, parang may gusto siyang ipasa na lakas. Bigla niyang tinignan ang leeg ko. “Ano meron sa leeg ko?” tanong ko, litong-lito. “Buntis ka no?! Gaga ka!” hinila niya ako papasok. “Halika, explain mo sakin!” Pagkaupo sa sofa, walang tanong-tanong, agad ko nang nailabas ang tanong na matagal ko nang kinikimkim. “Ara… ipalaglag ko na lang kaya?” Pak! Binatukan niya ako sa ulo. “Ulol! Sinong tatay niyan at saan ko siya pwedeng patayin?!” Hindi ako makatingin sa kanya. Naka-kuyom ang kamao ko. Nanginginig ang labi ko. Ang sakit… paulit-ulit na tumatama. “Si Evan Rodriguez…” bulong ko. “Yung anak ni Mayor Bernard…” Tahimik. Wala siyang sinabi. Tinabihan niya lang ako. “Ne… wala tayong laban d’yan. Politiko pamilya niyan. Pero tutulungan kita, ‘wag kang mag-alala. Papasok ka sa bar.” “Bar?! Ara naman!” gulat kong saad. “Igagaya mo pa ako sayo? Kung sino-sinong lalaki ang nilalandi mo!” Umirap siya. Tinalikuran ako, dumiretso sa kusina. Pagbalik niya, may dalang tubig at pansit. “Ne, sa panahon ngayon, practical na tayo. Pano mo bubuhayin ang anak mo? ‘Di ka naman iinom, sasayaw ka lang. Saka, kakausapin ko si Mader Fiona. Buntis ka—hindi ka nila gagalawin.” Tahimik lang ako. May point siya… pero bar talaga? Ilang minuto pa, kumalam ang sikmura ko. Umalingawngaw ang gutom na matagal kong tiniis. “Kumain ka na, Ne. Ikaw na bahala dito sa bahay. May trabaho pa ako. . May pagkain pa d’yan. Kung may kailangan ka, tawagan mo ako. Bukas, pagusapan ulit natin ‘yung offer ko.” B****o siya bago umalis. Pagkasara ng pinto, parang may humigop ng hangin sa buong kwarto. Tahimik. Mag-isa na naman ako. Napatingin ako sa pansit. Walang gana pero kailangan kong kumain. Habang ngumunguya, nakatingin lang ako sa kawalan. Anong klaseng buhay na ba ang tatahakin ko mula ngayon? Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang text. Galing sa unknown number. “You should abort the child or else I kill your family.” Nalaglag ang telepono sa sahig. Tumigil ang mundo. Nanginginig ang mga daliri ko habang nakatitig sa screen ng cellphone. Isang text lang, pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig. *Pag hindi mo inabort ang bata... isusunod ko ang pamilya mo.* — unkown Kilala ko ang tono. Luma na ang numero, pero ang pananakot ay bago. At mas mabangis. Hindi ko na kinaya. Dinial ko agad si Ara. Tumutunog pa lang ang linya, nanginginig na ang dibdib ko sa kaba. “Hello?! Ne?!” Mabilis ang sagot niya. “Anong problema? May nangyari ba?” Humugot ako ng malalim na hininga, pilit pinipigilan ang panginginig ng tinig. “Si Evan... nagtext siya. Sabi niya... kung hindi ko inabort ang bata... papatayin niya raw ang pamilya ko.” Sandaling katahimikan. Parang narinig ko rin ang paghigpit ng hawak ni Ara sa cellphone niya. “Putek. Okay, ganito—itetext ko ‘yung address ng bar. Pumunta ka rito. Kailangan mo ng aliw, at may trabaho ka na rin agad. Baka makatulong ‘yun para mawala sa radar mo ‘yang siraulo na ‘yan.” Napatingin ako sa aparador. Marahan kong binuksan, at sinipat ang pulang dress na minsang ginamit ko sa isang gabi ng pagbabalatkayo—ngiti sa labi, pero luha sa puso. Tumapat ako sa salamin. Maputla. Halata ang puyat at takot sa ilalim ng mata. Pero kailangan kong magpakatatag. “Sige, Ara. Text ako pag malapit na ako.” Habang isinusuksok ko sa bag ang cellphone, napatingin ako sa bintana. May anino sa kanto. Di gumagalaw. At sa mga susunod na segundo, narinig ko ang tunog ng yabag—pabigat nang pabigat, papalapit sa pintuan. Ano gagawin ko?!Venisse Fuentes POV – Maaga kaming dumating ngayon sa ospital. Isa na namang test ang kailangan kong pagdaanan para sa nalalapit kong panganganak. Isang buwan na lang at haharapin ko na ang araw na iyon—ang araw na pinakahihintay pero kinatatakutan ko rin.Tahimik akong nakahiga sa examination bed habang iniikot ni Doctora Felice ang malamig na ultrasound probe sa tiyan ko. Ang puting ilaw mula sa screen ay sumasayaw sa mga mata ko, at sa bawat tunog ng makina, parang lumalakas ang kabog ng puso ko.“Venisse,” aniya, nakangiting maamo, “Sinabi na ba sa’yo ni Kurt ang tungkol sa heart transplant ng baby mo?”Tumango ako, pilit na ngumiti kahit ramdam kong nanginginig ang kamay ko.“Opo, Dok… kinakabahan nga lang po ako.”Tinapik niya ang balikat ko bago muling tumingin sa monitor.“Sa nakikita ko, healthy naman ang baby mo. Pero kailangan pa ring mapalitan ang puso niya—may bara sa daluyan ng dugo.”Parang pinisil ang puso ko sa mga salitang iyon. Kaba. Takot. Pag-aalala. Lahat s
:Kurt Velasquez POVPabalik na ako sa hospital room ni Venisse nang makarinig ako ng commotion mula sa loob."You think I'm stupid, Miss? Bakit ka naman papakasalan ni Kurt, aber?" sigaw ng isang pamilyar na boses na kumawala mula roon.Napakunot ang noo ko.I knew it.Mabilis akong pumasok at agad na gumitna.Si Kaye. My ex-girlfriend.“What are you doing here? My wife is not feeling well kaya makakaalis ka na.” malamig ang tono ko, pilit pinapakalma ang sarili.Tumaas ang kilay niya pero bigla siyang tumakbo papunta sa mga bisig ko.Damn. That sudden pull—my chest tightened. My feelings for her never really changed. Pero paano si Venisse?“Baby! I miss you so much. Totoo ba na asawa mo na siya? But how?” luha-luhang tanong niya. Habang nakayakap sa akin. Hindi ako agad nakasagot. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko habang nilulunok ko ang sarili kong kaba.Pero bago pa ako makapagsalita, biglang nawalan ng malay si Venisse.“Venisse!” halos pasigaw kong tawag.Nagsipa
VENISSE'S POVPagkatapos ng ceremony ng kasal, dumiretso kami sa reception hall. Matao, punong-puno ng kilalang miyembro ng angkan ng mga Velasquez. Lumingon ako sa paligid habang tinatablan ng kaunting kaba—hindi dahil sa crowd, kundi dahil sa lahat ng ito... scripted.Naisipan kong lumapit sa mahabang hapag kung saan nakahilera ang mga pagkain. Saktong lumapit si Ashlee, may hawak na pinggan na may cupcake at sandwich."Ate Venisse, here, take this. Hindi kasi ako mahilig sa sweets eh. And... isa pa, buntis ka ba?" sunod-sunod niyang tanong, sabay abot ng pinggan sa akin.Bago pa ako makasagot, dumating si Kurt."Love, let's cut the cake. And you, brat, we'll talk later," malamig pero biro ang tono niya kay Ashlee.Tahimik akong sumunod sa kanya. Magkasabay naming hinati ang cake, sabay palakpakan at hiyawan ng mga tao. Lahat masaya, lahat nakatingin sa amin.Dumating ang oras ng bride and groom dance.Kumakabog ang dibdib ko habang lumalapit kami sa dance floor. Hindi ako sanay sa
Wedding for ConvenienceKurt Velasquez POVAs I ended the call, sinimulan kong ayusin ang mga bag na dadalhin papuntang Bicol.Maayos na ang lahat. Mom arranged everything down to the last detail.Wala na akong dapat pang alalahanin—at least sa logistics.Pero saglit lang... may narinig akong mahinang hikbi mula sa guest room.Shit. Narinig ba niya ang pinag-usapan namin?Agad akong lumabas ng kwarto. Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa silid niya.Nadatnan ko siyang nakatalikod, bahagyang nakayuko habang tinatakpan ang mukha. Umiiyak.Hindi na pala niya kailangang mag-empake—naayos na ng mga katulong ni Mama ang lahat ng gamit niya.Lumapit ako, pero pinili kong manatiling ilang hakbang ang layo."Dear, let’s go to the van. Para maaga tayong makarating sa airport." Mahinahon kong sambit.Tahimik siyang lumabas ng kwarto. Walang tingin. Walang salita.Paano ko ba ipapaintindi sa kanya na hindi niya kasalanan?Na hindi ko kayang makipaghiwalay kay Kaye hindi dahil sa kanya.At habang
VENISSE Fuentes POVSPG. Mature content.💋 Not suitable for young readers 📍Reasons and Coldness…Ang saya ko habang tinititigan ang mga pink na accessories — crib, toys, at maliliit na damit. Ang lambot nila sa mata. Ang kulay, parang nagpapagaan sa bigat ng loob ko.Abala ako sa pagsusukat ng maternity dress nang biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako. Si Kurt. Yung masungit kong soon-to-be husband. Tss.“So, do you like it?” tanong niya, may ngiti sa labi. Lumapit siya at niyakap ako mula sa likuran.Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang ang presensya niya habang inaalis ko ang mga damit ko sa mga gamit ng baby. Isa-isa ko iyong nilalagay sa drawer.Tahimik siyang tumulong. Walang imik. Walang tanong.Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago magtanong, "Kurt... pwede ko bang ilagay sa jar yung baby na... nawala?"Parang natigilan siya. Ilang minuto ang lumipas bago siya nagsalita.“Venisse,” malamig ang boses niya, “puro dugo lang ang isang baby na hindi nadevelop. Hindi pa siya f
Venisse Fuentes POV.Mood swings.. Masakit sa part ko ang mawalan ng anak.Pero ang mas masakit ay yung taong inaasahan mong kasangga mo sa lahat ay tatalikuran ka.Nang sinabi niya na isang sanggol Lang ang nailigtas.Para akong sinasaksak paulit ulit.Ngayon nakahiga ako.Tulala. Iniisip Kung ano mangyayari sa set up namin.Oo, Alam ko na dahil Lang sa convenience kaya nabuo ang kasunduan.Pero Tama ba na talikuran ako?Humihikbi ako pero tahimik walang tunog.Ayoko iparinig kahit kanino.Nang biglang bumukas ang pinto.Umasa ako na si Kurt ang dumating Ngunit hindiSi Raiz..Isa pa 'tong tukmol na to eh!Panira ng moment."Ms. Venisse, Ibinilin ka niya sa akin. May aayusin daw muna siya sa other business niya eh. So pano tayo muna ang magkasama mula ngayon."mahaba niyang paliwanag.May nakahanda ng pagkain sa mesa pero iba ang gusto ko kainin.Gusto ko ng ube halaya at mais."Alam mo para mawala inis ko, Bili mo ako ng ube tapos mais. Nagugutom ako eh." puno ng lambing ang boses k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments