Share

Chapter 5

 

 

Hindi naman nag tagal ay tumunog na ang bell, hudyat na lunch break na. Agad na nag tayuan ang mga kaklase ko, para ayusin ang kani-kanilang gamit. Balak ko sanang lumabas na ng room para doon nalang sila intayin, ng hawakan ako ni Aya sa braso para pigilan.

"Dyan ka lang sa labas,” seryosong sabi niya, “may pag uusapan tayo," dagdag niya at pinatay ang wall fan sa gilid nya.

Bahagya pa akong natawa, “Sa tingin mo tatakasan kita?” Hinampas ko pa siya, “sira, dyan lang ako noh,” turo ko sa labas ng room.

Kinuha ko na ang mga kakailanganin ko bago lumabas. Toothbrush, notebook, papel at libro na kakailanganin ko sa pag aaral.

Ows, si Paris, nag aaral?Naniniwala na ako sa himala!

"Aya, di muna ako sasabay sa inyo. May practice kami," paalam ni Iras sa amin.

Tumango naman si Aya, "Ah sige lang.”

Lumabas na kami at pumwesto na sa tapat ng room namin at doon naupo. Naka sandal si Aya sa pader habang ako ay naka upo sa harapan niya. Bale, magkaharap kaming dalawa. Si Chia ay nasa tabi ko. Ang mga kamay ay nasa likuran ko.

"Now, kwento," udyok sa akin ni Aya.

Matunog akong bumuntong hininga at bigla nalang umagos ang luha sa mukha ko. Hindi ko alam kung may sariling utak ito pero agad nalang bumigay ang luhang iniipon ko kanina pa.

Agad akong dinaluhan ni Aya, "Uy bes huwag kang umiyak, ano ba kasi nangyari?"

Hinagod ni Chia ang likod ko, "Paris huwag ka na umiyak. Kwento mo nga, sinundan ka ni kuya Wade kanina, ano nangyari?"

Tinangal ko ang salamin ko at pinunasan ang mata ko na hilam na sa luha.

"U-umamin ako sa kanya"

Simpleng sagot pero sapat na para maintindihan nila pareho. Hindi sila naka imik pareho. Tinitibang ata nila kung ano ang dapat na salita na sabihin sa akin.

"Oh, akala ko ba move on ka na?" Tanong ni Chia.

Umiling ako, "Hindi ko naman siya nakalimutan eh," naiiyak na sabi ko.

"And, rejected ka?" Si Aya na ang nag tapos sa kwento ko.

Simpleng tango lang ang nagawa ko habang naiiyak muli. Dinaluhan na naman nila ako at agad na niyakap.

"Aya, ang t*nga ko! Ang rupok rupok ko! Bakit ba kasi sya pa?!"

"Ano nangyayari dito?"

Napahiwalay agad si Aya sa akin nang makarinig kami ng isang malalim na boses lalaki.

"K-kurt?" Utal na sabi ni Aya

Tinignan niya saglit si Aya saka bumaling ang tingin niya sa akin. Agad na kumunot ang noo niya nang makitang, mugto ang mata ko. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Nyems, bestfriend ito ni Wade eh

"What happened to Paris?" Tanong niya at naupo sa tabi ni Aya.

"Rejected ng bestfriend mo," sagot ni Chia kay Kurt.

Nilingon ako ni Kurt, "Si Wade na naman ba?"

Tumango ako. Bumuntong hininga naman siya at tinignan ako ng seryoso.

"Sabi ko naman na sayo Paris, huwag na sya ang mahalin mo. Maraming tao dyan oh, hindi lang naman sya. Huwag ka mag settle sa taong may mahal o gustong iba. Ikaw lang ang talo dyan"

Umiling iling ako habang naluluha na naman. Alam ko naman iyon eh. Maski si Wade ay iyon din ang sinabi sa akin kanina. Ang kaso nga lang marupok ako eh.

Peste, kelan ka ba titigil?

"Kurt, ang hirap at sakit lang. Bakit hindi ako? Ano bang mayroon sa iba na sa akin ay hindi niya makita? May mali ba sa akin? May kulang ba?" Tanong ko sunod sunod.

Agad akong nakatanggap ng batok galing kayla Aya, Chia at Kurt. Na alog ata brain cells ko dahil sa ginawa nilang tatlo sa akin.

"G*go! Walang kulang sayo. Wala ring mali sayo. Sadyang hindi ka lang nya gusto" seryoso na namang sabi ni Kurt

Masama ko siyang tinignan, "Aray ah, ang sakit," sabi ko, “hindi ka man lang nag sugarcoat o nag filter ng salita eh. Seryoso talaga eh.”

"Well, truth hurts" gatong naman ni Aya.

Nilingon ko si Aya na nasa kanan ko, "Ganito ka rin ba Aya kay Kurt?" Naka ngisi kong tanong.

"Oh eh, bakit ako ang na hot seat?" Pag iiwas niya sa tanong.

"Well? Ganito ka rin diba?"

Bumuntong hininga siya, "Oo. Pero tanggap ko na iyon noon pa," saad ni Aya habang binabalingan ng tingin si Kurt, na nakatitig lang din sa kanya.

"Pero ghorl, tama na ah,” sumeryoso na si Aya “sinasaktan mo lang sarili mo. Huwag mo akong gayahin na masyadong tanga," saad ni Aya ulit

Hinimas ni Chia ang bunbunan ko, "Ok lang yan. Makakalimutan mo rin siya in time."

Tumayo si Kurt kaya napalingon kami sa kanya, "Una na ako ah. Aral kayo maayos, ok?" Bilin pa niya at isa isa kaming tinignan, huli si Aya syempre.

Wade's POV

"Ok lang yan. Makakalimutan mo rin siya in time."

Iyan ang huling narinig ko mula sa kaibigan ni Paris nang makinig ako sa usapan nilang apat. I don't know why, but I feel like I don't want her to forget me. Umalis na ako sa pinagtataguan ko kanina, at nag lakad na.

"Wade, pare, usap nga tayo."

Na agaw ng atensyon ko si Kurt na ngayon ay nasa likuran ko na .

Great! Ngayon naman ay alam nyang nandoon ako

"Ano ba ang pag uusapan natin?" Tanong ko kahit obvious naman na tungkol ito kay Paris.

Nag lakad sya palapit sa akin habang nakapamulsa, "About Paris."

See?

"What about her?" Bored kong tanong.

"Umamin na raw siya sayo kanina, and you rejected her,” humakbang isang beses palapit sa akin, “tama ba?" Tanong niya kahit obvious na alam naman ang sagot sa mga tanong.

Bumaling ang ulo ko pa kanan, "And?"

Nag kibit balikat siya, "Nothing. Just don't mess up with her. Hindi mo kilala kung paano rumesbak ang mahahalagang tao sa kanya," babala nya at nag lakad na, pero nang magkatapat kami ay sinagi niya ang kaliwang balikat ko. Hinabol ko naman siya ng tingin habang nag lalakad siya.

Mahahalagang tao?

Who the hell is that?

"Wade!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Oh it's Luckie. Agad niya akong niyakap pagkarating niya sa akin.

"Wade, pupunta ka bukas?" Tanong niya at nilingkis ang kamay niya sa braso ko.

"I don't know. Maybe yes, maybe no.”

Naglalakad na kami pareho papunta sa bio lab kung saan tinalaga bilang faculty room naming.

"Wala, baka pumunta ako. You know, I want to meet the family kung sino ang mag bibirthday tomorrow," sabi niya.

Habang nag lalakad kami ay napansin ko na sinusundan kami ng tingin ng mga taong nakakasalubong naming.

"Sila ba?"

"Ewan ko"

"Parang sila"

Tsk, mag bubulungan na nga lang ang lakas pa ng boses.

Nang makarating kami sa bio lab ay hinintay kong makapasok ng tuluyan si Luckie doon. Yes, siya ang tinutukoy kong ka-MU ko. Bago pa lang dahil kakatapos lang namin noong ex ko.

"Bye Wade, thanks sa pag hatid," paalam niya bago niya inilapat ang pintuan.

Pagkalingon ko ay nakita ko si Paris na nakatayo sa kabilang pader. Nang makita niya ako ay agad syang nabalisa at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Hey, kalma lang," sabi ko nang malapitan siya.

"Uh...ah...ah s-sige Wade una na ako. Nakalimutan ko yung ipapasa ko kay ate Luckie eh," paalam niya at agad tumukbo paalis.

"Paris!"

Mabuti nalang hindi masyado matao sa hallway kaya nadinig niya iyon kahit nasa malayo. Lumapit naman ako sa kanya at sinubukan hawakan kamay nya, pero tinabig nya kaagad iyon

"W-why?" Tanong niya, hahawakan ko san siya ulit, ng umtaras siya, "h-huwag, please," bulong niya kaya ibinaba ko ang kamay ko.

Iniangat niya ang ulo nya. Bakas pa rin ang luha sa mata niya, halata rin na kakaiyak lang niya. Nilagay naman niya ang kamay niya sa harapan ng mukha niya.

"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan," sabi niya.

"Look, I'm sorry kung nareject kita. It's just that---"

"I know, and it's ok. Sanay naman na ako eh. Actually, dapat nga simple na nga lang ito eh. I already lost my father. I already lost my grandma. I already lost my sister. I was never been enough when it comes to my family. Ano pa ba itong simpleng rejection mula sayo?" Sarkastimo nyang sabi sa akin na nakapagpaguilty pa sa akin lalo.

I tried to hug her but she refused.

"Huwag muna ngayon Wade, please" pakiusap niya bago siya tuluyang tumakbo pababa.

Chapter 6

Paris, Paris, Paris, bakit ang rupok rupok mo?!

"Hey, san ka galing?" Tanong ni Aya sa akin pag pasok ko ng room.

Nag bell na kasi, hudyat na tapos na ang break time, at nasa loob na ng room ang mga kaklase ko.

"Dyan dyan lang," simpleng sagot ko at naupo sa tabi niya.

Sinilip ako ni Aya, "Ayos ka na?"

Inayos ko ang nag kalat kong gamit sa sahig na hindi ko naayos kanina, "Yeah."

Nagulat ako ng maupo bigla sa sahig si Ira, sa harapan ko mismo. Maski sila Aya at Ethan ay nagulat sa biglaan niyang pag pwesto.

Nilagya niya ang dalawang braso sa tuhod ko, “I heard about what happened,” seryosong sabi niya habang nakatingala sa akin.

Bumuntong hininga ako, “Hayaan niyo na yun.”

Umayos ng upo si Ira sa sahig, at sumandal doon sa kaharap kong upuan, "Hay nako, sabi ko naman kasi sayo eh, huwag na siya," payo ni Ira na para bang ang dali ng pinapagawa eh.

“Kung sana nga ganon lang kadali.”

Maya-maya pa ay pumasok n asi Wade sa room. Bumalik naman na si Ira sa presto niya sa likod ko. Ako naman ay nanatiling nakayuko, at pinagsisipa ang mga dumi sa ilalim ng upuan ko.

Nakakatamad kasi mag walis. Tatayo pa ako, edi agaw pansin pa eh ayoko nga siyang makita kung tutuusin eh

"Huy, umayos ka nga ng upo dyan," sita sa akin ni Ethan ng mapansin niyang halos mabalian na ako ng buto sa likod dahil sa pwesto ko.

Bumuntong hininga ako at napipilitan na maupo ng maayos. Sakto pagkasandal ko, ay nahagip ng mga mata ko ang pwesto ni Wade at naabutan ko syang nakatitig sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ang peke ah," narinig kong bulong ni Aya sa tabi ko.

Nilingon ko naman siya, "Hindi naman siguro halata."

Nag kibit balikat lamag siya, "Ewan. Knowing kuya Wade, kilala ka nyan ng sobra," kinindatan niya ako.

Umiling iling ako. Imposible naman na mahalata niya na peke iyon. Saka, hindi niya pa ako ganon kakilala. 2 years palang ang nakakalipas nang maging close talaga kami. Hindi rin kami gaano nagkakasama madalas.

Binalingan ko ng tingin sa Ethan, "Next class ay?" Tanong ko at dumukwang palapit sa kanya ng mag labas siya ng schedule.

Muntik pa nga akong mawalan ng balanse dahil pilit kong nilalapit ang upuan ko sa kanya. Mabuti nalang mabilis ang reflexes niya at nahawakan niya ang upuan ko, para hindi ako tuluyan mahulog.

“Careful…”

Kinalabit ko pa siya, “Anong ngang klase?”

"History."

Oh, buti naman favorite subject ko ang susunod! Mag lalight up naman ako ng very very slight. Pumasok na ang aming History teacher. This time lalaki naman siya

"Ehem, good afternoon. I'm your History subject for this month. I'm sir Kale Ephialtes."

blah blah blah

Sinimulan na niya ang discussion niya. Sa Greco-Persian war kami tumigil, specifically sa battle of Salamis.

discuss discuss discuss

Nagulat naman ako ng biglang dumukwang palapit si Ethan sa akin. Akala ko makikitingin siya ng notes, dahil magulo ako mag notes. Iyon pala, may chika minute, "Ang galing din niya mag turo noh, kahit walang notes ay talagang may maiintindihan ka” bulong niya, “just like Ate Luckie," puri ni Ethan.

Ok na sana eh, kaso binangit nya ang pangalang Luckie

Tumango ako habang ang paningin ay nasa screen. Mahirap na at bala mag next slide ng hindi ko napapansin, "Yeah, ganyan mga gusto ko eh," sagot ko habang nag susulat.

"Okay. Bukas ay magkakaroon tayo ng seatwork tungkol sa battle of Marathon hanggang Salamis," anunsyo ni sir Ephialtes sa buong klase ng malapit na matapos ang klase.

Sakto naman na tumunog na ang bell ulit, hudyat na tapos na ang isang oras. Kapag talaga History subject, ang bilis lagi ng oras. Pero kapag Math, psh napaka bagal! Mas mabagal pa sa pagong kung tumakbo ang orasan.

"Paalam na klase," sabi ni sir Ephialtes at umalis na ng room.

Si sir Ephialtes pala ay isang grade 9 student. May lahi din syang Greeko pero taga Athens siya, at malamang Athenian naman ang pinag mulan ng lahi niya. Hindi katulad ko na taga Sparta, at syempre Spartan.

"Hey, tumitibok ang puso ni Paris. Ayieee!" kantyaw ni Ethan na narinig ng buong klase.

Malakas ko siyang binatukan, “Pinag sasasabi mo dyan?”

"Ha? May gusto siya kay Kuya Kale?"

"Oh well, bagay naman sila"

"Perfect combination!"

"Isang Spartan, at isang Athenian!"

"SILENCE"

kru~kru~kru~

Mistulang parang may dumaan na anghel nung magsalita sa mababang boses si Wade. Wala talagang nag abala na mag salita, ng sinita kami ni Wade. Ultimi nga pag hinga, parang tumigil sila para hindi makagawa ng ingay.

"Amp, tahimik ah. Bago ito," bulong ko ng hindi ko nakayanan ang pananahimik nila, pero agad akong siniko ng mga katabi ko.

"Mabuti naman at nanahimik na kayo. Kung makapagingay kayo akala nyo wala kayong adviser eh," sita ni Wade.

Mukha siyang dragon. Rawr!

Wala namang naglalakas umimik sa mga sinasabi niya. Syempre mga natatakot na sumagot, dahil baka mas magalit ang dragon. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan na nagalit, at totoo nga sinabi niya, nakakatakot siya magalit. Hindi ka talaga makakapagsalita pabalik.

"Oh, now you're not going to talk? Ano, mag ingay na kayo," sarkatiko nyang sabi.

Ultimo hindi pa iyan nag lalakad ah. Nakaupo palang siya sa pwesto niya, pero yung autoridad eh grabe talaga.

"Hoy nag aalburoto na ang bulkan, pakalmahin mo yan baka sumabog yan," biro ni Aya sa tabi ko.

"Hoy bebe mo Paris, nagagalit na," gatong naman ni Ira sa likuran ko.

Napairap naman ako ng palihim. Kung hindi ko lang mahal mga kaibigan ko, ay hindi ko gagawin ito eh. Nag taas ako ng kamay kaya napalingon na siya sa akin. Tumayo ako kaya naagaw ko ang atensyon ng buong klase.

"Sir Miller, sorry po. Hindi na po mauulit," pag hingi ko ng paimanhin habang nakayuko.

Unti unti kong iniangat ang ulo ko at nakita kong bumuntong hininga siya. Nakagat niya rin ang pang ibabang labi niya, saka napaiwas ng tingin.

"Okay, next time huwag niyo ng uulitin iyon."

Ako naman ang bumuntong hininga saka ako naupo. Nakipag hive five naman sila Aya at Ira sa akin pag upo.

"Sabi sayo eh, hindi matitiis ni Wade yang si Paris," kantyaw ni Ira.

"Tss"

Napalingon kaming tatlo kay Ethan nang mag tss siya.

"Oops, may nag seselos," pagpaparinig sa kanya ni Ira.

Umasim ang mukha niya kaya nanahimik na rin si Ira. Nilingon ko ang kinalalagyan ni Wade at naabutan kong naktitig siya sa akin at unti unting umiling. Bahagya kong binasa ang labi ko saka nag baba ng tingin.

Bell

Good afternoon, there will be a group study session later at 3 o'clock pm at grade 10 St. Vincent classroom. See you there!

"Ehem! Si bebe Kurt mo!" Asar ko kay Aya na ngayon ay kulay kamatis na.

"Nay, ang rupok din ah," asar sa kanya din ni Ira.

Pinaghahampas niya kami, "Tch, bahala kayo dyan!" sabi ni Aya at nag suklay suklay nalang

"Good afternoon class!"

Nagulat kami nung pumasok ang overly hyped na English teacher namin. Grabe ah, lunok megaphone lang teh?

"I'm ate Gweneth Luna, but please call me Ms Luna," sabi ni ate Gwen sa amin.

Yung expectation ko magaling sya mag turo kasi may English accent siya, at mukha syang enlishera talaga. Pero, expectation versus reality nga, hindi siya marunong mag turo!

Naubos nag isang buong oras namin nung English time dahil wala kaming natutunan sa kanya. Tae, paano naging English teacher ito? Kung si Wade sana nag turo, edi sana may notes ako, kaso hindi eh!

At mukhang ang tagal na naman ng oras. Yung inaakala kong 30 minutes na ang nakalipas, 20 minutes palang pala!

Gigil ako!

"Hoy Paris kalma. Mukha kang dragon na mag bubuga ng apoy anytime," asar sa akin ni Aya.

Nilingon ko siya, "Eh kasi naman, buti sana kung marunong mag turo eh, kaso hindi," nangigigil sabi ko.

"Bigay ko nalang sayo notes ko."

Napalingon ako sa nag salita. Oh kelan pa napunta si Wade dito sa gilid namin?

"Ha? Huwag na, ayos lang," sagot ko at tinuon ang tingin sa harap. Hindi siya pinapansin.

"Here."

Tinignan ko kung ano ang binibigay niya sa akin. Isa syang notebook. Nag taas ako ng kilay, saka nag angat ng tingin sa kanya.

"Don't tell me hawak mo yan all this time?" Tanong ko.

Natawa naman siya kaya lumabas ang kanyang gummy smile. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya eh.

"Ah, parang ganon na nga HAHAHA."

Ay, tumawa? Nag tanong lang ako, pero tumawa siya?

Alanganin ko naman iyon tinangap, "Ok...?"

"Sorry magulo sulat, but you will learn a lot," sabi niya bago siya umalis.

Inagaw naman ni Aya sa akin ang notebook at binuksan ito, "Oy, ang ganda ng sulat. Saka, ang ganda din ng notes," gulat na sabi ni Aya habang tinitignan ang bawat pages.

Well hindi na ako nagulat. Magaling siya sa art eh. Ang galing niya when it comes to writing, calligraphy, paint and everything! Hindi na ito bago kaya hindi na ako namangha pa gaano.

"Send notes mamaya," parinig ni Ira sa amin.

Kinuha ko na ang notebook, "Gesi!"

"Goodbye!"

Yes! Tapos na english subject, malas lang dahil everyday mayroon kaming English. Peste kahit regular teacher namin sa English, hindi na marunong, pati ba naman yung student teacher? Mabuti nalang at last subject na ito at uuwi na kami. May time pa ako para makapag prepare for tomorrow's party.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status