Share

Chapter 4

 

 

"Kisha, hatid na kita sa office ni mom," aya ko sa kapatid ko at pilit na kinukuha siya mula kay Wade.

Ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya kaya Wade, "No! Dito lang ako kay kuya Wade!"

Napabuntong hininga nalang ako, "Kisha, halika na,” malumanay na sabi ko, “para naman makakilos ang kuya Wade mo," nakangiwi, alanganin kong tinignan si Wade.

Nang hindi pa rin sumusunod si Kisha sa akin, ay si Wade na ang nag kusang ibaba siya at bahagya siyang yumuko, para mag pantay ang ulo nila.

"Kisha, sundin mo na ate mo,” nag angat ng tingin si Wade sa akin at tipid na ngumiti, “promise, bibisitahin kita sa bahay niyo," dagdag pa niya saka nilingon ulit ang kapatid ko.

Nagliwanag ang mukha ni Kisha dahil sa narinig, "Really kuya? Bibisitahin mo ako sa house?!"

Alanganin naman akong nilingon ni Wade, at sa itsura palang niya alam ko na kung ano gusto nyang sabihin.

Yan sige pangako pa!

Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang kaatid ko, at bahagya itong pinisil, "Kisha, lets see kung makakadaan ang kuya Wade mo ok," sabi ko at tumango si Kisha.

"Sure kuya! Intayin po kita,” nilingon ako ni Kisha at hinawakan ako sa kamay, “lets go na ate," siya pa ang kusang nag hatak sa akin paalis.

Bago pa kaming dalawa tuluyan makaalis, ay nilingon ko ulit si Wade.

"Wade pag dumating yung teacher, sabihin mo na hinatid ko lang si Kisha saglit," mabilis na paalam ko dahil hinahatak na ako ni Kisha.

Itong batang ito, kanina ayaw umalis ngayon naman nag mamadaling umalis

Agad naman tumango si Wade, "Sure. Akala ko hindi ka na mag papaalam eh," biro niya.

Hinatak ako ulit ni Kisha, "Sorry. Promise saglit lang ito," paalam ko at nag lakad na kami ni Kisha paalis.

"Go ahead na. Sabihan ko nalang yung next teacher."

Iyon ang huling narinig ko kay Wade, bago kami ni Kisha maka akyat. Sabay kaming naglakad ni Kisha patungo sa office ni mom sa third floor. Nandoon kasi ang pinaka office ng head ng school. Pagdating namin doon ay kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto.

"What do you mean nawawala si Kisha?"

"Mam sorry po, nawala po kasi sya sa paningin ko."

"Nawala? Or maybe umiral na naman ang kalandian mo kaya napabayaan mo si Kisha!"

Oh, mukhang pinagagalitan na ni mom yung yaya ni Kisha. Nilingon ko si Kisha na inosenteng nakatingin sa akin.

"Mam, sorry po hindi na po mauulit."

"Talagang hindi na, kasi sisante ka na"

"Pero mam--"

"Pag may nangyari sa anak ko sinasabi ko sayo."

Nag lakad kami papasok ni Kisha, at agad naman siyang nag salita para maagaw ang atensyon ni mommy sa katulong, "Mom! I'm here!"

Lumingon sa direksyon namin si mom nang sumigaw si Kisha. Agad na dinaluhan ni mom si Kisha habang yung yaya nya ay nasa tabi lang na nakayuko. Magkasiklop ang dalawang kamay ko, habang pinagmamasdan siya.

"Are you hurt? May masakit ba sayo? Tell me" sunod sunod na tanong ni mom kay Kisha, at sinusuyod ang buong kabuoan ng anak.

Mabilis na umiling si Kisha, "Wala naman po ma. Pumunta naman po ako diretso sa room ni ate nang nawala po ako," sagot ni Kisha.

Nilingon ako ni mom, "Anak salamat sa pag tingin sa kapatid mo ah,” tinignan niya ang orasan niya sa opisina, “sige na baka hinahanap ka na sa klase mo," sabi ni mom ng mahinahon.

Ngumiti lamang ako, "Buti nalang ma alam ni Kisha kung saan ang room ko,” tumango naman ako saka umatras na, “saka sige po alis na ako," paalam ko pa.

Niyakap ko si mom saglit at ganon din si Kisha bago ako lumabas ng room. Papalakad na sana ako pababa ng may tumikhim bigla sa tabi ko.

"Ehem."

Yung totoo, pa tikhim lang ba ang gagawin niya sa itsorya na ito?

"Ay anak ng bakang dalaga oo!"

Napatingin naman ako sa taong iyon nang tumawa siya bahagya, “Asan ang anak ng bakang dalaga?”

Masama ko siyang tinginan, sak ahinampas sa braso, "Ginagawa mo dito Wade?" Taka kong tanong sa kanya.

Mas lumapit siya sa akin kaya umatras ako, "Wala kayong teacher, so sinundan kita dito," simpleng saad niya.

Tumaas kilay ko at nag simulang mag lakad, "Paano yung klase?"

Nakisabay naman siya sa paglalakad sa akin, "Nandoon naman si Ira, kaya ayos lang," bored na sagot niya.

Tahimik kaming naglalakad hanggang sa mapaisip ako bigla. What if umamin na ako ngayon sa kanya?

"Ah Wade may tanong ako sayo…"

Shet nag bubutil butil nag pawis sa noo ko. Ramdam ko rin ang kalabog ng puso ko na parang kakawala na sa hawla sa sobrang lakas at bilis.

Nilingon niya ako saglit, "I'm listening."

"Ah, what if may umamin sayo,” alanganin ko siyang tinignan. Agad naman na nagging seryoso ang emosyon sa mukha niya, “seseryosohin mo ba siya?"

"What do you mean seseryosohin?"

"Like, hindi mo gagawing biro," sagot ko.

Tumigil siya sa paglalakad kaya pati ako ay tumigil din, "To be honest, tuwing may umaamin sa akin hindi ko sineseryoso iyon,” sabi niya na nagging dahilan ng pagkabog ng puso ko sa kaba, “kasi ewan I don't believe that easily," sagot naman niya habang titig na titig sa akin.

"A-ah ganon ba?"

Aamin ba ako o hindi?

Go Paris, it's now or never!

"Ah Wade,” pag tawag ko sa kanya, “m-may sasabihin sana ako.”

Shet parang may nakabara sa lalamunan ko!

"Ano yun?"

Pumikit ako ng mariin, "Ah, what if magkagusto ako sayo?"

Katahimkan. Iyan ang nanaig sa amin dalawa. Walang nag salita sa amin dalawa pagkatapos kong umamin, at hindi pakiramdam ko pawis na pawis yung kamay ko, at nanalamig ako.

Narinig ko ang bahagyang pag tawa ni Wade, kaya naidilat ko ang mga mata ko, "What if? Hindi ba meron talaga?" Mapaglaro niyang tanong.

Nanalki ang mga mata ko, "Huh? Alam mo?"

Namulsa siya saka nag kibitz balikat, "Hindi naman ako ganon kamanhid para hindi ko maramdaman, Paris."

Pinamulahan ako at nag baba ako ng tingin. Pesteng yaw aka Paris Brix Demopolous! Alam naman pala ni Wade na gusto mo siya noon palang, pero heto ka at umaamin pa! Kahit hindi ka umamin ay alam naman na pala niya eh.

Narinig ko siyang mas tumawa pa, saka niya ako niyakap, "It's ok."

“May ka-MU ka diba?” Tanong ko at mukhang maiiyak pa ako.

Hinagod niya likod ko, "Hindi mali ang magkagusto sa tao ok?" Sabi niya na para bang nababasa niya na kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

"Wade, may nagugustuhan ka ng iba. Mali na hinayaan ko sarili ko na mahulog sayo, “ naramdaman kong sinandal niya ang ulo k sa dibdib niya, “lalo na at alam ko naman na may iba na," sabi ko at hindi ko na napigilan ang pag luha.

"Hey, don't cry,” wala kasing lambing ng boses niya na sabi, “Marami namang iba dyan. I'm not the only person in this world."

"But you're the only one as of now.”

Naramadaman ko siyang nanigas, "Hey, I didn't mean to hurt you, you know that,” hinimas pa niya ang buhok ko, “ It's just that, hindi lang siguro tayo sa isa't isa. Yes, sabihin na nating ako ang gusto mo o mahal mo as of the moment. Pero walang kasiguraduhan pagdating ng panahon," payo niya sa akin.

Umalis ako sa pagkakayap at inayos ang nagulo kong buhok, habang siya naman ay tinanggal ang salamin ko para mapunasan ang luha ko na agad kong tinabig. Nanlaki ang mga chinito niyang mata dahil sa gulat.

Tumawa ako ng bahagya habang pinupunasan ang luha ko, "Huwag kang ganyan, nahuhulog ako lalo eh," sita ko, “sorry, hindi ko sinasadya na umiyak.”

Nakisabay naman siya sa pag tawa ko, "Hey, don't cry na. Cheer up!"

Mas lalo akong tumawa, "Washroom lang ako," paalam ko.

Sinamahan naman niya ako sa pagpunta ng washroom. Siya ang humawak sa salamin ko nang mag hugas ako ng mukha. Syempre nag intay sya sa labas, diba. Matapos non ay saka ko pinunasan ang basa kong mukha. Sabay kaming naglakad pabalik ng room pero bahagya akong nauna. Bumaba na kami papuntang ground floor at pumasok na sa room.

"Ano nangyari sayo? Umiyak ka?" Bungad na tanong ni Aya sa akin pagkaupo ko.

Agad na nakiusyoso si Ethan at Ira sa amin. Pinalibutan nila akong tatlo habang ako ay nakadukdok sa mesa ko.

"Huy, ano nangyari?" Niyugyog pa ni Ira ang balikat ko.

"Ayos ka lang Ris?" Malambing na tanong ni Ethan.

Nag angat ako ng tingin sa kanila saka ngumiti, "Yes of course!" Tumawa pa ako para makumbinsi ko silang tatlo.

Ngunit hindi nakumbinis silang lahat, lalo na si Aya na matagal akong tinitigan, "No you're not,” naupo siya sa tabi ko, “tell me later, Paris," walang kasing autoridad ang boses ni Aya ng sabihin niya iyon.

Wala sa sarili akong napangiti kay Aya. Simula pa noon ay talagang kilalang kilala na niya ako. Madalas nga naming sabihin na baka magkapatid kami dahil talagang kilala naming ang bawat isa.

Hindi ko kailanman ipagpapalit ang ganitong kasiyahan kasama ang kaibigan ko, sa kahit na anong dahilan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status