MasukPagkatapos ng hindi inaasahang pagtitipon ng buong pamilya ni Ashton nag-aya sina Aaron at Jeremy pumunta ng club kaya pinaunlakan naman niya ito dahil bihira na lamang niyang makasama ang kapatid mula noong pumasok ito sa mundo ng basketball. Kailangan niya rin ang alak ngayon dahil sa bigat ng kanyang dibdib. Halos napapalingon ang mga kababaihan sa tuwing papasok sila ng Infinite Club. Napailing na lang siya dahil halos nag-aaway ang mga waiter para lang mag-unahan sa pagsilbi sa kanila. May tatlong babae ang lumapit at umupo sa kanilang tabi para aliwin sila at pagsilbihan ng maiinom. Hindi pa nga uminit ang kanyang pwet sa upuan ng may mahagip ang kanyang paningin ang babaeng may hawak na basong may laman na alak. Nakangiti habang nakikipag kwentuhan sa kanyang kaibigan. Ngunit sa mga ngiti nito hindi pa rin maitatago ang bigat na dala-dala sa dibdib. Matyaga niyang sinubaybayan ang dalaga hanggang sa may lalaking lumapit dito at nakahawak pa mismo sa balikat nito. Gumalaw ang pa
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jessie sa kaibigan at sa gwapong lalaki na nasa kanyang harapan. Hindi naman pahuhuli ang kagwapohan ng lalaki kompara kay Ashton pero kung sa appeal mas malakas ang hatak ni Ashton lalo na sa hitsura at awra. Matangkad din ang lalaking ito ngunit medyo patpatin ang katawan. Ngunit pansin niya ang awra ng lalaki na may kakaiba siyang nababasa. Nag-aalangan ang kanyang isipan kung mapagkakatiwalaan ba ang lalaking ito. Alam niyang may tama nang alak ang kaibigan kaya't ayaw niya itong iwan mag-isa lalo na't hindi niya kilala ang lalaking nasa kanyang harapan. Gulat at pilit na ngiti ang nakita niya sa mukha ng kaibigan kaya kailangan niya itong bantayan. “J-Jason?”Narinig niyang bigkas ni Amber saka dahan-dahang tumayo.Tumaas ang mala kontrabidang kilay ni Jessie dahil ngayon niya lang nakita ang lalaking ito sa tagal ng panahon na magkasama sila ng kaibigan. “Mukhang nagkatuwaan kayo ah! Mind if I join?” Narinig niyang tanong ng lalaki.Bumaling ang
Nakangiting sinalubong ni Anastasia ang bunsong anak na si Aaron. Niyakap niya ito ng mahigpit. Mahigit isang buwan na rin kasing hindi ito umuwi sa kanila dahil sa training nito bilang isang sikat na basketball player. “Anak, mabuti at nakauwi ka.” Walang pagsidlan ang tuwa ni Anastasia dahil sa hindi niya inaasahan maging buo ang kanyang pamilya ngayong araw. Masayang hinaplos ni Aaron ang kanyang likod at inakay siya nito patungo sa sofa.Nakita niyang umikot ang mga mata ng kanyang anak. Batid niyang nanibago ito sa mga nakita. Nakalakihan kasi ng kanyang pamilya ang paborito niyang kombinasyon ng kulay na sage green at terracotta na nakakarelax sa mga mata at maging ang disenyo ng sala ay nagbago. Ang lahat ay pinalitan ng dark navy at gold. “Mahigit isang buwan lang akong nawala nagbago na ang lahat dito sa mansyon? Kelan mo pa na-appreciate ang gold mom? Sabi mo noon ayaw mo ng masyadong elegante na bahay.” Puna ni Aaron sa mga nakitang pagbabago sa paligid. Nagkatinginan
Masayang sinalubong ni Anastasia ang anak. Matagal-tagal na rin kasi nila na hindi kasama ang panganay na anak dahil sa lagi itong nakatali sa trabaho. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang katawan ng anak. Pansin niyang nangayayat ito. Kahit ang bigote ay hindi na maalalang tanggalin maging ang buhok ay kailangan ng bumisita sa paggupitan. Gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa nakitang sitwasyon ng pinakamamahal niyang anak. Mabuti na lang at walang pasok si Ave kaya nahiram muna niya ang apo at sobrang nabagot na ang kanyang asawa sa mansyon. Ganito na nga talaga ang buhay kapag tumatanda na kasi bihira nalang magkakasama ang buong pamilya dahil hindi maiwasan na magkaroon na rin sila ng kanya-kanyang pamilya at pinagkakaabalahan sa buhay. Halos sabay silang tumayo ng kanyang asawang si Vance upang salubungin ang panganay na anak. “Son!” “Mom! What is she doing here? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?” Bungad nito sa kanya. Naintindihan niya ang ibig nitong sabihi
Tatlong araw na rin ang nakalipas mula noong huling pag-uusap nina Amber at Ashton. Hindi na muna siya nagparamdam sa lalaki dahil marami pang gumugulo sa kanyang isipan. Noon excited siyang malaman kung sino ang tunay niyang pamilya pero ngayon hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang siyang pinanghihinaan. Malakas naman ang kutob niya sa mga natuklasan ngunit nilalabanan niya iyon dahil ayaw niyang umasa. Minabuti na lang niya na bisitahin ang kapatid saka pagbigyan ang hiling ng kanyang kaibigan na matagal nang nagtatampo sa kanya. Bago paman siya tumungo sa Center ay pinag shopping muna niya ito ng mga bagong damit at sapin sa paa. Mayamaya lang ay huminto ang sinasakyan niyang taxi sa harapan ng center. Pagkatapos magbayad ay walang sigla na lumakad siya papasok sa malaking gusali patungo sa kinaroroonan ni Jaypee. “Lieeee..” Napangiti siya sa malaking boses na sigaw ni Jaypee sa kanyang pangalan. Masaya ang mukha nito habang papalapit sa kanya. “Marshmallow, Lie.” “A
Pagbukas ni Ashton sa kanyang cellphone nakita agad niya ang message ni Jeremy na may kasamang link ng scandal na ginawa ni Jane. “Jem, take it down now! Hindi ko papayagan ang babaeng yan na gagawin na lang kung anong gusto niya.” Galit niyang utos sa kaibigan. “Nakita na ba nya?” Tukoy ni Jeremy kay Amber. “Yes, and that's my problem right now. Just do what I ask, please.” “Understood!” Narinig niyang sagot ni Jeremy sa kabilang linya bago niya tinapos ang tawag. Binuksan niya ang link na pinasa nito at binisita ang mga comment. Marami ang nagalit at may natuwa naman at kinikilig pa. “D*mn that trash” hindi niya mapigilan ang sarili. Dahil para siyang kinikilabutan sa mga nababasa niya. “Huwag ka nang mag sayang ng laway na magalit dahil ginusto mo rin naman.” Napalingon siya kay Amber ng marinig itong magsalita sa kanyang likuran. Napakamot siya sa kanyang ulo ng marealize na may mas malaki pa siyang papasanin na problema. Kung paano magpaliwanag.Sinundan ni Ashton ang d
***Wala sa sarili na lumabas si Anastasia sa Presidential Suite. Tumutulo ang kanyang mga luha habang binabagtas niya ang mahabang pasilyo ng hotel. Pagdating n'ya sa elevator nakatingin ang mga nakasabayan n'ya sa loob dahil nanginginig ang kanyang mga kamay na pinindot ang button. She slowly wal
Pagdating nila sa tapat ng elevator. Namataan niya ang isang bata, nakatalikod ito sa kanila at halatang umiiyak. Napatingin siya kay Tim. Agad naman nitong na-gets ang ibig niyang sabihin. Nilapitan ni Tim ang bata. Nagulat si Tim at saka napatingin sa kanya. Isang kibit-balikat lang ang sagot niy
5 years later, Magbubukang-liwayway palang ay nakahain na sa lamesa ang mga pagkaing inihanda ni Anastasia para sa umagahan. Pritong itlog at hotdog at may pinaksiw na tilapya na ulam pa nila nung gabi habang ang kanin naman ay nakasalang sa rice cooker. Nagkukumahog siya upang maagang makarating
Warning : Mature content. Not suitable for young readers and sensitive minds. Maravilis City, early 2018. "Kumusta, kaya pa ba Anastasia?" tumutulo ang aking mga luha dahil sa pinaggagawa ng inaakala kong kapatid, iyon pala ay ampon lang ako ng kanilang pamilya. Pinilit nila akong lasingin ng







