Pagdating nila sa tapat ng elevator. Namataan niya ang isang bata, nakatalikod ito sa kanila at halatang umiiyak. Napatingin siya kay Tim. Agad naman nitong na-gets ang ibig niyang sabihin. Nilapitan ni Tim ang bata. Nagulat si Tim at saka napatingin sa kanya. Isang kibit-balikat lang ang sagot niya rito.
"Ask him, what happened." saad niya. Nagtaka siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya. "Mr. Enriquez, may anak po ba kayo na hindi n'yo alam?" napatingin siya bigla rito. "What are you talking about?! Paano ako magkakaanak ni girlfriend nga wala!" sagot niya rito. Sumenyas si Tim at itinuro ang batang umiiyak.Napailing na nilapitan niya ang bata. "Kid!"Tumingala ang bata sa kanya habang hilam ang mga mata sa luha. Bigla siyang napaatras mula sa kanyang kinatatayuan. Napalingon siya sa paligid. Mabuti nalang at walang nakapansin na mainstream media sa kinaroroonan nila. Dahil kung mangyari mang meron, malaking pasabog na naman nila ito. Ang ayaw n'ya sa lahat ay ang pagpiyestahan ang kanyang pribadong buhay ng mga media. Baka isipin pa ng mga ito na anak n'ya ang bata.Nahalata naman ni Tim ang kanyang inaalala. Agad nitong kinausap ang mga nasa paligid na security.Muli niyang binalingan ang umiiyak na bata. Maging siya ay nagulat. He look exactly like him, when he was young. Ang kilay, ilong at ang hugis ng mukha, maging ang mga mata nito na matalas kung tumingin at hugis almond. Tumingin siya kay Tim dahil hindi siya makapaniwala sa nakita. Maging ito ay blangko rin ang reaction.Para bang may kung anong pakiramdam ang bumalot sa kanya. Parang gusto niya itong yakapin dahil sa nakakaawang mukha nito. "Little boy, what happened? Where is your mom?" marahan niyang tanong sa bata nang bumalik siya sa sariling katinuan. "I am lost, mister! Hindi ko po mahanap si mama, sigurado ako nag-aalala na siya." umiiyak na sumbong nito sa kanya.Parang hinaplos ang kanyang puso ng marinig ang malambing nitong boses. "Okay, you need my help?"Umiling ang bata. Nagulat siya sa sagot nito. "Why?"Tinitigan siya ng bata bago ito sumagot. "I'm scared."Napabuntong-hininga siya. "Kung iiyak kalang dito walang mangyayari sa'yo. Sumama ka sa akin sa office para madali mong makita ang iyong ina." malumanay n'yang saad sabay lahad ng kanyang kamay. Napatingin ang bata sa kanyang kamay. Mayamaya tinanggap niya rin ito. Nagulat siya sa kanyang naramdaman nang magkadaop ang kanilang mga palad. Parang ang sarap sa pakiramdam habang hawak niya ang maliit na kamay ng bata. Aakayin na sana niya ito, ngunit bahagya nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa daliri n'ya. "What's wrong?" "Mister! My mama said, hindi raw po ako sasama sa strangers. Baka ibenta raw po ako at hindi na ako makakabalik sa kanya." malungkot na saad nito. Ngayon niya naintindihan ang pag-aalinlangan ng bata.Lumapit si Tim sa kanila. "Kiddo, don't worry. We aren't bad people. Actually, he is the owner of this very huge building." nakangiting sagot ni Tim sa bata habang nakaturo sa kanya ang kamay nito.Napamulagat ang bata sa narinig. "Really? Wow! You are so amazing, mister!" Natuwa naman sina Vance at Tim sa naging reaction nito. "Thank you! So, you wanna join us upstairs?" "Okay!" masaya nitong sagot.Inakay niya ang bata papasok sa elevator. Napansin naman niya ang lihim na ngiting sumilay sa labi ni Tim."What?!" anas niyang tanong. "Bagay po sa inyo!"He smirked and trying to ignore his assistant. Pagdating nila sa 15th floor kung nasaan naroon ang kanyang opisina agad silang sinalubong ni Vincent. "Thanks God, you're finally here." wika nito sabay yakap sa kanya. "Why? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? How many years mo nang pinapatakbo itong Eries ngayon ka pa kakabahan?" nakataas ang kilay na saad niya. Ngunit nabaling ang tingin nito sa hawak niyang bata. "Bro! You have a son?" bulalas nito.Pagak siyang tumawa. "Are you insane? Ni girlfriend nga wala anak pa kaya!" sagot niya rito. Napatingin naman ang bata sa aming dalawa habang nakahawak ito sa kamay niya. "Seriously, bro! He really looks like you!" seryosong saad nito saka binalingan ang bata. "Hey, little kiddo. What's your name?" "I'm Ashton Sevilla." "O, nice name ha!" "Thanks!" sagot nito sa seryosong tono.Napatingin si Vincent sa kanya. "Saan mo siya natagpuan? Bro! Kahit ang tono ng pananalita niya parang ikaw, is this kind a coincidence?" nalilitong bulong nito sa kanya. "He is lost by his parents, I don't really know him personally. Ask Tim if you want. Kaya paki-inform ng mga security na may nawawalang bata rito." sagot niya saka humakbang patungo sa loob ng opisina. Sumunod naman si Ashton sa kanya.Vincent lost his words. "Kid, please sit down here, and wait for your mother to come, okay?" paliwanag niya sa bata. "Okay mister. Thank you for your help."Kahit naman siya ay napabilib sa bata. Dahil sa murang edad nito, matured na kung makipag-usap. Magaling ang pagpapalaki ng mga magulang nito. Sa isip niya. "Bro, meron nga raw babaeng naghahanap ng bata sa baba. I will let her come?" pagbabalita ni Vincent sa kanya. "Yes!"Curiosity ang nag-udyok sa kanya kung bakit nais niyang makaharap ang ina nito. Dahil kahit siya ay hindi makapaniwala kung bakit kamukhang-kamukha niya ang bata.Samantala, masaya si Anastasia nang makita niyang parating ang kanyang kaibigan. Niyakap siya nito nang mahigpit. "What happened to Ash?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Habang kausap kita kanina. Hindi ko napansin na umalis siya sa tabi namin." umiiyak na saad niya. "Wait, don't panic, okay? Mahahanap natin siya. Napapalibutan ng cctv ang building na'to. Halika humingi tayo nang tulong sa security." lumapit sila sa security na nakatayo sa bungad ng malaking glass door. "Can we seek your help, Sir? Nawawala po kasi ang pamangkin ko. Can you help us, please?" nagsusumamong wika ni Joyce sa security guard. "No problem po." sagot nito sa kanila. Nabuhayan naman ng loob si Anastasia. Kanina pa siya nanghihina. Narinig nilang may kausap ang security. Dahil sa mga makabagong technology ngayon mabilis ang naging aksyon ng mga ito. Mayamaya binalingan sila nito. "Di ba kayo po ang secretary ni Mr. Enriquez?" tanong ng poging security kay Joyce. Napansin naman ni Anastasia ang nakatagong kilig sa mga mata ng kanyang kaibigan. Paano naman kasi ang tikas ng katawan nito at maaliwalas ang mukha. May matangos na ilong at medyo kasingkitan ang mata. "Yes, bakit po sir?" patay-malisyang sagot ng kanyang kaibigan. "Puntahan po ninyo ang bata nasa taas kasama si Mr. Enriquez." pagbabalita nito.Nanlaki ang mga mata ni Joyce. "Oh my goodness beshie. Sa kadami-daming tao na makakita kay Ash si Mr. Enriquez pa!" bulalas nito. Nalilito man ngunit hindi na siya nag-atubili pa dahil gusto na niyang makasiguro kung ang kanyang anak nga ba iyon. "Kung sino man yang sinasabi mo, wala na akong pakialam. Basta ang gusto ko lang puntahan na natin ang anak ko. Please Joyce para na akong mamatay sa pag-aalala." malungkot niyang wika sa kaibigan. "Okay, let's go. Mamaya na tayo magchika sa bahay." nagmamadaling inakay nila si Jeremy patungo sa elevator. Dahil napakaraming tao natagalan silang naghintay bago makapasok sa elevator. Hindi na nila iniisip kung nag-umpisa na ba ang event. Dahil sa ngayon ang isip ni Anastasia ay nasa kanyang anak lang. Mayamaya nakahinga siya ng maluwang pagtunog ng elevator. Nasa 15th floor na sila. Dali-dali siyang sumunod kay Joyce. Bigla nalang siyang binalingan nito na ikinagulat niya. "Teka nga muna, ayusin mo muna ang sarili mo. Mga executives ang andito sa floor na'to. Kaya ayusin mo ang sarili mo, okay?" dahil sa magandang mukha hindi na siya nahirapan pang ayusan ang sarili. Nakasuot siya ng skinny-jeans at nakatuck-in na black loose t-shirt at saka pinarisan ng white sneaker shoes. Pero angat na angat pa rin ang kanyang ganda at kaputian sa kabila ng simpleng kasuotan.Namangha si Anastasia sa kagandahan ng building. Kung gaano ka ganda ang building na'to sa labas mas doble ang ganda nito sa loob. Napalibutan ito ng tinted na salamin. Maraming nakasabit na malalaking picture ng mga sikat na artistang under sa Eries. Karamihan dito ay mga paborito niyang artista "Halika ka na, mamaya na yan alam kong naglalaway ka na naman d'yan sa mga crush mo! Mas gwapo pa sa mga yan ang boss ko!" biro sa kanya ni Joyce. Hindi niya napansin napahinto na pala siya sa paghakbang. Hinila siya nito paliko sa may pasilyo na sa tantiya niya ay opisina ng mga bigating tao. Dahil nakahilira ang mga security at mayroon ding secretary na nasa labas nakaupo. Tumayo ang secretary nang makita sila. "Miss. Joyce!" bati nito sa kanyang kaibigan. "Nandito ba si Mr. Enriquez?" tanong ni Joyce sa secretary. "Oo nasa loob, may dala s'yang bata pagdating niya kanina." sagot nito. "Ah okay. Thank you Lea!"She's hoping na si Tonton nga iyon.Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng
Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil
“Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a
Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s